Chapter 4: His Scent

5.6K 112 17
                                    

CHAPTER 4: HIS SCENT

Kanina pa ako nakatunganga sa screen ng monitor. Hindi ko madugtungan ang sinusulat ko para sa panibago kong article. Article iyon para sa sikat na international newspaper kung saan may sarili akong column. Karaniwan kong sinusulat ang mga temang may kinalaman sa pag-ibig. The Realities of Love.

 

Dahil sa mga artikulo ko, may mga naliliwanagan at nagigising sa katotohanan patungkol sa mga nangyayari sa buhay pag-ibig nila. Syempre, may mga nagpadala din ng mga negative feedbacks. Kesyo daw sinisira ko ang malafairytale na konsepto ng pag-ibig, na bitter lang daw siguro ako kaya ‘wag ko na lang daw idamay ang mundo at marami pang iba.

Well, it’s part of my work. Yes, even though I have this handicap, I still manage to get a job. Thanks to my braille keyboard, nagawa kong matuloy ang passion ko kahit wala na akong nakikita.

Passion ko talaga ang magsulat – to be a journalist. Noong high school pa lang ako, kasali na ako sa Journalistic Club namin at isa ako sa mga nagsusulat ng mga nangyaring events or programs na nilalagay naman sa dyaryo ng aming eskwelahan.

Pero hanggang pangarap ko lang yun, dahil mas pinili kong kuhain ang kursong magbibigay sakin ng magandang buhay, kursong makapagbibigay sakin ng maraming pera. I took up Chemical Engineering even though my heart is not into it.

Isa na siguro sa mga naging advantage ng pagiging bulag ko ay noong nagkaroon ako ng pagkakataong ituloy itong pangarap ko.

And now I’m feeling disappointed. Hindi ko alam kung bakit wala akong maisulat! To think that my article will be due two days from now! Ako pa naman yung taong hindi mahilig magprocrastinate ng trabaho.

“Sino ako?”

Bigla na lang akong nakaramdam ng mainit na paglapat ng dalawang kamay sa mga mata ko.

“Talagang binago mo pa ang boses mo ah? Wa epek! Halata ka pa din!” Natatawa kong bati sa kanya.

 

“Ba yan!” Inalis na niya ang pagkakatakip ng mga kamay niya mula sakin. Nakarinig na lang ako ng pag-usog ng upuan palapit sakin. “Sabi kasi ni Benny, panlalaki daw boses ko eh! Kaya sinubukan ko kung mapapaniwala kita.”

“Nako, Joyce, h’wag kang magpapaniwala dun sa kapatid kong yun. May gusto lang yun sa’yo kaya nagpapapansin!”

Napahawak ako sa may gilid ng swivel chair ko nang bigla na lang akong hinampas ng babaeng ito sa braso ko. KINILIG?!

“ATE NAMAN EEH! Walang gusto sakin yun. Tsaka.. tsaka hindi ko siya type noh! Chickboy siya! May girlfriend nga yun ngayon eh. Alam mo ba yun ate?!”

Umiling-iling na lang ako. Si Joyce ang bunsong kapatid ni Harvey na kasing-edad lang din ng kapatid kong mas bata sakin ng anim na taon.

“Wala ka bang pasok ngayon?” Nakakapagtaka dahil lunes na lunes ay nandito siya’t tumatambay sa bahay namin.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon