Chapter 26: Her Safety

1.8K 62 16
                                    

CHAPTER 26: HER SAFETY

“See? Told you, I’m fine. I can kiss you.”

Nanatili lang akong nakatingin sa kadiliman. Can’t he see that I’m still stupefied from what happened?!

“ – that hard.” dagdag niya pa na may halong pang-aasar. Narinig ko pa siyang umubo sabay ng mabilis niyang paghinga.

Nakaramdam ako ng pag-aalala at kaba sa kalagayan niya ngunit naalala ko yung sinabi niya matapos niyang gawin yun sakin. Bumunot ako ng mga damo at binato iyon sa direksyon niya. “Was that some kind of a joke to you?! Totoo ba ‘yun?!”

Umubo muna siya bago niya ako sagutin. “Why? Gusto mong ulitin ko?”

“PERV!” pinaulanan ko ulit siya ng mga maruruming damo. Kung nakakakita lang sana ako edi sana hindi lang ‘to ang maibabato ko sa kanya. Nawala na ata lahat ng awa ko sa kanya. “Hindi ‘yun ang tinutukoy ko! Yung sinabi mo!”

Hinawakan niya ako sa balikat at masuyong hinaplos ito. “Calm down, Chloe. Why are you freaking out?”

“Eh kasi…”

Dahan-dahan niya akong itinulak hanggang sa maramdaman ko ang matigas na bagay sa likod ko at base sa haba, kapal at balat nito paniguradong katawan ng puno ang sinasandalan ko ngayon.

“Dito na muna tayo magpalipas ng gabi.” nanghihina niyang sabi kasabay ng paimpit na ungol.

Bumitiw na siya sa’kin ngunit hinuli ko ang mga kamay niya.

“Sigurado ka bang ayos ka lang?” paninigurado ko. Natatakot ako na baka paggising ko, wala na siya literally. Wala na siya sa tabi ko, or worst wala na siyang buhay.

Isang impit na ungol na naman ang narinig ko.

“Martin…” I said, begging him. Desperado na talaga akong dalhin siya sa ospital. May mga nakabaon pang mga bala ng baril sa katawan niya at kung hindi iyon maagapan, mas lalala ang kanyang sitwasyon.

Narinig ko ang pagkaluskos ng katawan niya sa mga damo. Medyo nagulat pa ako nang may humawak sa may siko ko ngunit nagpaubaya na lang ako lalo na nang dahan-dahan niya akong itinayo.

“Let’s go.” bulong niya sa’kin. Halata sa mapaos-paos niyang boses ang sakit na nararamdaman niya.

“Where?”

“To the person I trusted back then.”

Hinawakan ko ang braso niya. “Trusted? Bakit tayo pupunta sa kanya kung hindi mo na pala siya pinagkakatiwalaan?”

I heard him smirked. With baby steps, naglakad kami sa malambot na lupa papunta ata sa motor niya. “I’m hoping that… that person will be worth my trust the second time around.”

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon