Chapter 21: Her Savior

2.3K 75 14
                                    

CHAPTER 21: HER SAVIOR

Napagdesisyunan ko talagang gumising ng maaga para maipaghanda siya ng agahan. Alam kong mahihirapan ako pero ‘eto lang ang alam kong paraan para maipakita sa kanya kung gaano kalaki ang pagpapasalamat ko. I really appreciate what he did for me yesterday. He’s not that kind of JERK, after all. Akala ko siya yung lalaking pinapasaya at iniisip lang ang sarili kaya ako niyayang lumabas. Kaya ako natakot na um-oo sa kanya dahil akala ko, pagkatapos ng araw na ‘yun magkakaroon na ng pagbabago sa’min.

Nagkamali ako dahil mas inisip niya ang kaligayahan ko. Ang nakakapagtaka, hindi ko naiwasan na may magbago. Kahit hindi ko nakasama si Martin kahapon, alam kong may nagbago.. sa’kin. May nagbago sa nararamdaman ko sa kanya. Nagbago o lumakas? I don’t know. At ayokong isipin o pangalanan man lang ito.

Mula sa ref, kinapa-kapa ko ang gilid nito kung saan alam kong nakapwesto ang lalagyanan para sa mga itlog. Kumuha ako ng dalawa at inilagay muna ito sa malamim na mangkok. Okay, sunod naman ang paghahanap sa kalan.

Nakapa ko na ata ang buong kusina niya ngunit wala akong makitang kalan! O baka nakapa ko na kaya lang sa sobrang advance ata ng mga gamit dito, di ko na nakilala ang itsura. Ang kalan kasi namin sa bahay de-gaas pa, eh mukhang wala namang gaas dito. Problemang malaki talaga ‘to. Tsk.

“What’re you doing?”

Napapitlag ako pagkarinig ko sa baritono niyang boses. May kasama pang hikab ang pagkakasabi niya nun. Ngayon ko lang narinig yung ganyang boses niya. Medyo husky na lalaking-lalaki dahil bagong gising. Ewan, bigla na lang may kumabog sa dibdib ko.

“Umm..” medyo alangan pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya. “Magluluto ako ng agahan natin.”

Hindi siya nagsalita pero ramdam ko ang paglapit niya sa’kin. Palapit ng palapit ang amoy niya. Kahit bagong gising, nakakapang-akit pa rin ang amoy niya. Hindi siya pabango eh, galing talaga ‘yun sa katawan niya.

“Gusto mo ng tu – “

“ – ay hindi!” Nagulat ako sa paglakas ng boses ko. Ayokong lumapit siya sa’kin. Ayokong maamoy siya. Ayokong hawakan niya ako. Pakiramdam ko kasi bibigay ako.. Really Chloe! Ngayon ko lang gustong batukan ang sarili ko. “K-kaya ko na ‘to.”

“Oh,” base sa tunog na narinig ko, paniguradong nakangisi na ang ugok na ‘to ngayon. “Ba’t hindi ka pa nagsisimula? The stove is right infront of you.”

“Alam ko.” pagsisinungaling ko.

I rolled my eyes. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri dahil may mga nahuhulog na sa mukha ko. Nasestress na ako! Lalo na’t alam kong pinapanood niya ang bawat galaw ko.

Sinimulan ko ulit kapain ang paligid ko at binuksan ang mga cabinet na nakadikit sa taas.

“Anong hinahanap mo?”

“I can manage, Martin.” tinuro ko ang direksyon ng kainan. “Hintayin mo na lang ako dun.”

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon