Chapter 39: His Proposal

903 36 3
                                    


CHAPTER 39: HIS PROPOSAL


It took me a while before everything sank in. Is this really happening? I thought Martin loves me...

Bago pa ako sumabog, naramdaman ko na lang ang paggalaw ng paa ko. Narinig ko ang pagtawag sa'kin ni Chief Verzosa ngunit patuloy pa rin ako sa paglakad-takbo.

Sakit. Pangamba. Takot. Parang bagyong dumaluhong ang mga emosyon na ito sa loob ko. Wala na akong maintindihan. Gusto ko na lang magpasakop sa kadilimang tila ba'y kinakain ako. Ni wala akong mahawakan. Basta ang alam ko lang ay nakakatakbo pa ako.

"Chloe!" Mahigpit na hawak sa aking braso ang nagpatigil sa'kin. "Bakit ka tumatakbo?"

'Wag mo akong kausapin, Harvey.

"Bakit ka umiiyak?"

"H-harvey..." Tuluyan na akong napahagulgol. Sa paraan pa lang ng pag-alalay niya sa'kin, para akong naging bata. Lagi naman eh, kapag siya 'yung kausap ko parang pwede kong isiwalat ang lahat. Isa siya sa mga naging ilaw ko sa mundo kong puno ng kadiliman.

"Ssshh.. halika na. Papapuntahin na kita sa kwarto mo."

Inalalayan niya ko hanggang sa kwarto ko, na dating kwarto ng mama ni Martin. Nang maiupo niya na ako sa kama, agad akong humiga, kumuha ng unan at kinurba ang aking katawan patalikod sa kanya.

"Hindi mo man lang ba sasabihin sa'kin ang nangyari?" tanong niya.

I sighed. Ayoko na sanang sabihin sa kanya. Naiilang ako lalo na sa tuwing naaalala ko 'yung paghalik niya sa'kin.

I decided to tell him anyway. "You know Kristine Fortune?"

"The model?"

I rolled my eyes. So sikat pala talaga siya. "Yeah."

"What about her?"

"She's Martin's first love and his..." bumuntong – hininga muna ako. "stepmom."

"What?" naramdaman ko ang paggalaw ng kutson. "I don't get it."

Umupo ako mula sa pagkakahiga at humarap sa kanya. "Ang hirap ipaliwanag, Harvey eh. Mahabang kwento pero yeah, that's it."

Naramdaman ko ang daliri niya nang hinagod niya ang gilid ng aking mukha, tucking the loose strand of my hair to the back of my right ear.

"Then why are you crying? Nagseselos ka ba?"

Tumango-tango ako habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi ko, trying to suppress a cry. "Nagkabalikan na sila."

Napapikit ako. Masakit pala kapag galing sa bibig mo mismo ang katotohanan. Bago pa ako umiyak, napagdesisyunan kong humiga na lang ulit ngunit bago pa dumikit ang katawan ko sa kama ay naramdaman ko na lang ang init ng bisig ni Harvey.

"Umiyak ka lang." Nakakatunaw ang ginagawa niyang paghagod sa likod at buhok ko pero mas nakakatunaw ang pagkakasabi niya sa mga katagang iyon na hindi ko na namalayan ang paghagulgol ko sa kanyang dibdib.

I cried all night. Paulit – ulit na sinasabi kay Harvey lahat ng hinaing ko. Lahat ng kasinungalingang sinabi sa'kin ni Martin na kesyo mahal niya daw ako, na poprotektahan niya daw ako, na hindi ako iiwan. I cried all night till my eyes get tired.

"Matulog ka na. Ihehele kita."

Na-miss ko 'to. Naalala ko sa tuwing hindi ako makatulog, tatawagan ko siya sa phone tapos kakantahan niya lang ako hanggang sa makatulog ako.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon