Epilogue

1.4K 35 15
                                    


Epilogue


It's been 5 years and I still miss you...

We miss you.

Akala ko wala nang mas didilim pa sa nararanasan ko dahil sa kapansanan ko, but after you left? It's like I'm being forced to drown into an endless void.

It's been 5 years and I still can't stop a tear from escaping whenever I visit you here...

Ang hirap pa rin talaga. But I am coping up. I am constantly moving on. Kasi ito naman ang gusto mo, diba? Lalo na ngayon na kailangan nila ako.

I hope you're okay there. Bantayan mo kami ha?

"Mommy! Can Daddy hear me?"

Umupo ako para mapantayan ko siya. Pinisil ko ng bahagya ang maliit niyang kamay na nakahawak sa'kin. "Yes, anak. Daddy can hear you."

"Does he know that it's my birthday today?"

A sad smile formed on my face. "That's for sure! Paniguradong may party na sa heaven just for you, my baby."

"But why are you sad, Mommy?"

"I'm not sad. You know why?"

"Why?" my now 5 – year old son asked.

"Because I have you," then I touched my belly. "And your sibling. I love you both."

"I love you, too, Mommy!" I felt Aaron jumped at me and gave me a warm hug. I hugged him back. Tightly. Ito ang isa sa mga dahilan bakit nakakayanan ko lahat.

"Look, Mommy! Pops is here!"

Tumayo ako at ngumiti patungo sa direksyon ng amoy niya.

"Harvey..."

Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko at ang matamis niyang halik sa aking labi.

"Okay ka na?"

Tumango lang ako sa kanya.

"Hey bro, as promised, I am taking care of her. Hanggang sa panahon kung saan magkakasama kayo uli, hayaan mo muna akong alagaan at mahalin siya ha?"

"Harvey..." tinapik ko ang kanyang dibdib.

"What?" he chuckled. "That's the truth."

"I love you. I may be too late to realize it but it's not hard to love you."

I felt his warm hand touched my left cheek. "You also love him. And I accept and respect that since long time ago. Mas matagal nga lang talaga kita na minahal. Pero ang mahalaga, naramdaman ko rin ang pagmamahal mo."

"Yiiiieeeh!!! Pops and Mommy are so sweet."

Rinig ko ang pagtawa ni Harvey. Habang 'di ko naman mapigilan ang mapangiti. Harvey treated Aaron like his own son. He accepted him just like his own without any reservation. Isa siguro yun sa mga dahilan bakit mas lalo akong napamahal sa kanya.

"Osia, may birthday party ka pa! Pero bago 'yun, sa'n nga ulit tayo pupunta?" Harvey asked him.

"At the hospital!" masiglang sigaw ni Aaron which made me chuckle. Mana talaga siya sa Daddy niya. Mahilig sa ospital.

"Yep, so behave, okay?" I heard Harvey say. "Tatanggalin na ang benda sa mata ng Mommy mo."

"Will you see again, Mommy?"

Malungkot na ngiti na naman ang dumaan sa mukha ko ngunit pinalitan ko agad yun ng mas malawak na ngiti. "Let's just hope and pray, my baby."

"Let's go?" pag – aya sa'min ni Harvey.

Nilingon ko ulit ang direksyon kung saan nandun ang puntod niya.

Bye, Martin.


This month has been a roller coaster ride for me. Two weeks before my son's 5th birthday, I decided, along with my family and Harvey, to take another operation for my eye trauma. Matagal na ako nawalan ng tiwala sa mga operasyon para sa kapansanan ko. I lost all hope that someone will cure me. But everything changed when Dr. Dominguez, my former ophthalmologist before Martin, told me that he'll do an operation based on Martin's research.

Kung galing kay Martin, buong puso ko 'yung tatanggapin.

Then one week after the operation, nagbunga ang pagmamahalan namin ni Harvey. It feels weird to have two kids from two people that I love. Pero iniisip ko na lang na maswerte pa rin ako dahil iniwanan ako ni Martin ng isang biyaya na laging magpapaalala ng pagmamahal namin sa isa't isa.

Kahit papano naging payapa na rin ang buhay namin after the incident. May mga kaunting rough roads nga lang tulad na lang ng kadalasang away – bati nina Benny at Joyce (the reason mostly is dahil manhid pa rin ang kapatid ko sa nararamdaman ni Joyce sa kanya), pag – aadjust ni Aaron sa eskwelahan, at pagkakaroon ko ng bagong business which is a coffee shop/ study nook pero lahat nang yun ay nalagpasan namin dahil na rin sa suporta ng aming mga pamilya.

Pagkatapos ko siguro manganak sa anak namin ni Harvey, baka maisipan ko nang sagutin ang hinihintay niyang sagot para maging opisyal na ang pagsasama namin hanggang sa pagtanda.

"Are you ready, Chloe?"

Naputol ang pag – iisip ko nang marinig ko ang boses ni Dr. Dominguez. I opened my mouth and tried to say a word but to no avail. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Tumango na lang ako.

"Martin really did his best on that research. He died young but let's hope that this can make him leave a legacy."

Ramdam ko ang unti – unting pagluwag ng benda sa ulo ko.

Thank you, Martin. If ever this operation is a success or not, I know that you did your best and pour your heart to heal me, your mom, and all those people who suffer this kind of handicap. I will forever treasure you in my heart.

"Open your eyes, Chloe."


"Chloe! Sumilip ako. Ang ganda ng pilikmata mo. It'll be wonderful if you'll open your eyes.. "


"I wanna see your eyes." bulong niya. "I want to see it... alive."


I opened my eyes, and just like that tears came rushing down my face.

"Martin..." Malabo man ang paningin ko dahil sa rumaragasang luha mula sa mata ko pero alam ko ang nakikita ko. "I can see a light."


I will not live in darkness anymore.


He fulfilled his promise. 

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon