Chapter 43: Her Life

693 16 0
                                    


Chapter 43: Her Life


"IF YOU LOVE HER, THEN TELL HER!"

"SABIHIN MO SA KANYA NA IKAW ANG RASON KUNG BAKIT BULAG SIYA!"

"SABIHIN MO SA KANYA NA IKAW ANG DAHILAN BAKIT MADILIM ANG MUNDO NIYA NGAYON!"

"We met again, honey"

"Till death do us part."

"Till death do us part."

Kung ang tanging paraan lang para magkahiwalay kami ni Carl ay kamatayan. Handa akong mamatay. Tutal halos lahat naman ng tao na minahal ko, pinagkatiwalaan ko ng buong puso at pagkatao, ay nagtaksil sa'kin. Dahil ba bulag ako? Dahil ba may kapansanan ako kaya mas madali akong linlangin?

"Why are you crying, honey?" Naramdaman ko ang pagngatog ng labi ko nang marinig ko ang boses niya. "We're together now. Diba ito naman ang gusto mo? Ang magkasama tayo?"

I ignored him. I don't know why I feel so numb. I couldn't feel anything. No fear, no pain, nothing. Just pure acceptance of my fate. Death.

Naramdaman ko ang magaspang niyang daliri na dumampi sa pisngi ko. Nandidiri ako. Gusto ko mang paalisin yun ngunit nakatali ng mahigpit ang mga kamay ko sa likod ng inuupuan ko. He also blindfolded me, which I found sarcastically funny knowing that what he did is useless. "Wag ka nang malungkot, hmm? Tatapusin ko na lang ang kailangang tapusin at payapa na tayong magkakasama. Wala nang iistorbo sa'tin."

I clenched my fist. Handa akong mamatay pero hindi ako mamamatay nang walang laban. Even though Harvey betrayed me and Martin... Martin is the one responsible for my suffering. Pero kahit papano... ayoko silang mamatay. Ayoko.

"If you want me to forgive you, then untie me. I feel like your prisoner. And my hands are hurting because of these ropes." I calmly said using my sweet voice to lure him.

"Patatawarin mo na ako? Sasama ka na sa'kin?" his voice seemed like he couldn't believe what I said.

"Oo, Carl. Pakawalan mo na ako. Tutal wala na naman akong pakialam sa gagawin mo sa kanila. Especially to Martin. Siya ang rason bakit bulag ako diba?" pinilit kong alisin ang pagbabara ng lalamunan ko. It hurts saying those words, but I need to do it.

He hugged me. "Totoo ba 'yan? Mahal mo na ba ako ulit? Kasi... kasi alam mo," Nararamdaman ko na siya sa likod ko, loosening the ropes tied around my wrists. "I tried other women, pero ikaw lang talaga ang hinahanap ko eh. Yung amoy mo, yung boses mo, yung katawan mo, ikaw lang talaga ang – "

Hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil pagkakawala na pagkakawala ko sa pagkakatali, hinarap ko siya't, hinawakan ang kanyang pisngi, tracing his face through my fingertips, making him close his eyelids, and that's when I mustered all my strength and punched him in the face.

"ARGH!!! CHLOE!!!"

With no time to lose, I ran for my life, ignoring his deafening roar of anger. Bulag man ako pero malakas ang pandinig at pang – amoy ko. I memorized his scent and as long as malayo ang boses niya, alam kong malayo siya sakin.

"Run as fast as you can, Chloe. You can run but you cannot hide." Tawa't iyak niyang sigaw.

Takbo lang, Chloe! Takbo lang! I spread my arms around, hoping to reach something sturdy. Nabuhayan ako ng loob nang maramdaman ko ang pader. I speed walked through the right following the walls and finally found a doorknob. Please, wag po sanang naka-lock.

"I'm coming for you, Chloe." I heard his voice from a distant. Malapit na siya.

Nahirapan akong buksan ang pinto dahil sa pangangatog ng kamay ko. Just give me enough time, I can... I can kill him. Even if it takes my life.

Nagawa kong mabuksan ang pinto at dali – daling pumasok sa loob. I locked it from the inside. Alam kong kaunting minuto na lang ay matatagpuan na niya ako. Kailangan ko lang makaisip ng paraan pa'no ko siya masusugatan man lang. I know I might sound crazy, but I'm already desperate. Lalaban ako.

Napapitlag ako nang marinig ko ang kanyang pagkatok.

"Honey, bakit mo naman ginawa sa'kin yun? Naniwala ako sa'yo oh? Gusto mo bang patunayan ko ang pagmamahal ko sa'yo? I will make you hear their screams while I send them to their deaths. Lalo na yung Martin na 'yun." he said threateningly.

"Papatayin muna kita bago mo magawa 'yun, Carl!"

I heard his hysterical laughing. "Dapat nga magpasalamat ka sa'kin eh. Dahil kung hindi sa'kin baka hindi mo malaman ang totoo. Na ang bumangga sa'yo four years ago is no other than your lover."

Napapikit ako nang mariin. Tama na. Wag mo nang ipagdiinan pa sa'kin.

Nagulat ako nang maramdaman ko ang pagkalabog ng pinto. I scrambled on my feet and went to the other side of the room. Harvey, Martin, Chief Verzosa, I need you. Please, save me.

Mas lalo pang lumakas ang kalabog ng pinto. He's trying to break in. Ngayon ay nararamdaman ko na ang takot at wala na akong nagawa kundi ang manalangin. Manalangin sa buhay ko at sa buhay ng mga minamahal ko.

Nang marinig ko ang malakas na pagsabog mula sa pinto. Alam kong wala na akong takas.

"There you are, honey."

"Don't come near me!"

Rinig ko ang paglapat ng sapatos niya sa sahig, palapit ng palapit sa akin. "Just say you love me, and I'll forget what you did. All of it."

Dumura ako sa paligid. "Hinding – hindi kita mamahalin!" Tumayo ako at dumuro sa kawalan. "Kahit mamatay ako, wala na sa'yo ang puso ko, you psychopath!"

Narinig ko ang paghagulgol niya na sinundan ng pagtawa. Hindi ko na alam ang ginawa ko pero kumaripas na ulit ako ng takbo para makalabas lang sa kwartong ito.

Nabuhay ang pag – asa sa dibdib ko nang mahanap ko ang pinto at makalabas ng kwarto. Ngunit panandalian lamang iyon dahil narinig ko ang boses niya sa 'di kalayuan.

"If that's what you wish, honey."

Rinig na rinig ko ang pagkasa ng isang baril at ang pagputok nito.

I found myself falling, but I cannot feel any pain. Why is that? And why are there arms around me?

"I found you."

I gasped when I heard his voice.

"Ha – Harvey!" mangatal – ngatal kong banggit sa pangalan niya. Naiinis ako na natutuwa. Naiinis ako kasi natatakot ako sa buhay niya pero natutuwa ako dahil hindi na ako mag – isa.

Umubo siya. "Na – nasaktan ka ba?" Bakit para bang hirap na hirap ang boses niya?

"Harvey." Tinigasan ko ang boses ko. "Harvey, natamaan ka ba?" I searched his body and felt a warm liquid oozing near his stomach. Blood. That metallic smell.

Hindi ko na namalayan ang putukan sa labas. Wala na din akong pakialam kung nandyan pa si Carl. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang buhay ng bestfriend ko. Please, please. Wag Niyo po siyang kunin.

"I'm – " Umubo siya ulit. "I'm your Superman, right?"

Pilit kong pinakinggan ang sinasabi niya ngunit 'di ko mapigilang humagulgol. Wala akong magawa.

"I'll be your shield in all your fights, diba?"

"Please, stop it. Stop saying that." Sa paraan ng pagsasalita niya, para siyang nagpapaalam na. Taranta kong tinakpan ang umaagos na dugo mula sa kanyang katawan. "Tulong! Tulungan niyo kami!" I shouted desperately.

"Sshh... Chloe, please listen... listen to me."

I searched for his face and lifted it towards mine. "Wag kang magsalita ng ganyan."

"I love you. I – I always do. Ever since we were little. I love you more than a little sister."

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon