Chapter 24: The Evidence

2.1K 65 23
                                    

 feedbacks? critics? questions on my story? Just post it on the comment box. I'll truly appreciate it! <3

CHAPTER 24: THE EVIDENCE

Anim. Pang-anim ko na ‘tong pagbuntong-hininga, hinihiling na sa bawat paglabas ng hangin ay mawawala na rin ang namumuong bigat sa puso ko. Hindi ito yung klaseng bigat ng pagdurusa kundi pagkalito.

“I still love you, Chloe!”

Pito.

Ano ba talagang gusto niyang mangyari? Babalik – balik siya sa buhay ko tapos magsasalita siya ng ganun? As if, forgiving him will be just a snap of a finger, if he’ll say those damn words!

Walo.

“Stop it, Chloe. You’re letting bad air consume the car.”

Buti naman at nagsalita na siya. Simula nung umalis kami sa opisina ni Chief Verzosa, wala na ‘yang imik. Tanging yung kanta lang na tumutugtog mula sa radyo ng kotse ang naririnig ko mula kanina.

“Tss.” I crossed my arms. “Ba’t ngayon ka lang nagsalita?”

“Ano bang sasabihin ko?”

Fantastic! A question answered by another question. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Chief Verzosa na kasalukuyang nagmamaneho ng kotse. Tumahimik na lang ulit ako hanggang sa maramdaman ko ang pagtigil ng sinasakyan namin. Finally, nakauwi na rin kami. Ayoko nang dagdagan pa ang awkward moment namin sa loob.

Bago ako umalis, nagpasalamat muna ako kay Chief Verzosa na siyang nagpresentang ihatid kami.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Matapos kong makalabas, nilabas ko na ulit ang natutupi kong tungkod at hinayaan itong alalayan ako patungo sa elevator. Naramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko dahil na rin sa pamilyar niyang amoy. Oo pamilyar na ‘yang amoy niya sa’kin ngunit hindi pa rin ito nabibigo na liyuin ang pagkatao ko.

“You believe him?”

Naniwala ba talaga ako sa sinabi niya? Tumikhim muna ako bago siya sagutin.

“Why ask?” Gantihan lang ito. Kanina sinagot niya ng tanong ang tanong ko, ngayon ako naman.

“Masama?”

Look at that. Ang tino talaga ng usapan namin. Tsaka kanina ko pa pansin na masama ang aura niya. Hindi ko alam kung galit ba siya sa’kin o umaatake na naman ba ang pagka-moody niya.

The ping-ing of the elevator snatched me away from my thoughts.

“42nd floor.” sambit ng malambot na boses ng elevator girl.

Alam kong ito na ang ang floor kung nasaan ang condo ni Martin kaya nagpatiuna na ako. Palabas na ako ng elevator ng maramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang palad sa kamay ko pababa, hanggang sa matagpuan ang puwang sa mga daliri ko.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon