Chapter 23: The Confession

2.1K 70 14
                                    

 p.s wanna here your feedbacks! <3

CHAPTER 23: THE CONFESSION

It’s like the world stopped rotating; the clock stopped ticking; my pulse momentarily stopped beating. Napahugot ako ng hininga pagkarinig na pagkarinig ko pa lang sa boses niya na nakatatak pa rin sa utak ko. Imposible. Imposibleng nandito siya.

Ayoko na siyang makita, or in my case, figuratively. Ni ayokong maramdaman ni katiting na presensiya niya.

“Are you okay?” That soft, husky yet melancholic voice of Martin brought my soul back to my frailing body. Nanghihina ako ngunit sa boses niya ako nakahanap ng kahit kaonting kapanatagan at katatagan ng loob.

Tumango lang ako sa kanya. Hindi ako makapagsalita. I’m too startled and shocked that even opening my mouth will take a whole lot of effort.

Napansin ko lang na nakahawak na pala ang isa kong kamay sa dibdib ko nang hawakan ni Martin ito at ibinaba ito sa kandungan ko. Medyo bumalik-balik na rin sa dati ang paghugot ko ng hininga.

“Can you just leave me with Chloe for a sec?”

Ayan na naman ang pamilyar niyang punto at gaspang sa kanyang boses. Dahil siguro sa katandaan kaya nagbago ang totoy nitong tono, ngunit nandun pa rin ang pamilyaridad sa bawat pagbagsak niya sa mga salita. Siguro nga, imposible na makalimutan ko ang boses ng lalaking minahal ko talaga ng lubos.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Martin sa gilid ko.

“And what made you think I will hand her to some stranger, huh?”

“I’m not a stranger.” Napalunok ako pagkasabi niya ng mga salitang iyon. Matinding katahimikan din ang namayani ngunit ramdam na ramdam ko ang tensyon na umiikot sa apat na sulok ng kwartong ito. “I’m her first boyfriend. Her first love.”

Napakuyom ako ng kamay. Totoo lahat ng sinasabi niya.

“Her everything.”

Isang matunog na ngiti ang narinig ko dahil galing siguro iyon sa gilid ng bibig. Katahimikan ulit hanggang sa makarinig ako ng mahinang pagtawa. That sarcastic laugh came from Martin. I'm sure of it.

“You WERE her everything.” binigkas ni Martin iyon ng may diin sa bawat salita. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya umakto ngayon pero lihim akong nagpapasalamat sa pagtatama niya sa nararamdaman ko.

“Is that so?” Carl said it will full confidence. Ramdam ko ang pagbaling ng tingin niya sa’kin, and it makes me feel uncomfortable.

“Woah. Woah.” an elderly voice butted in which I recognized as Chief Versoza’s. Base sa tono niya, inaawat na niya ang lumalaking tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki.

Inabot ko na rin sa gilid ko ang kamay ni Martin para sana paupuin siya muli ngunit laking gulat ko nang mahawakan ko ang nakakuyom niyang kamay. Martin’s been so calm in these kind of situations; this is the first time I’ve seen him losing his control.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon