Chapter 8: His Gift

4.1K 92 11
                                    

CHAPTER 8: HIS GIFT

"Nakapagdesisyon na po ako."

Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman sila. Ang tahimik.

"Gusto ko na pong mamuhay mag-isa."

Narinig ko ang pagsinghap ni Mama, ang paglapag ng tasa sa mesa na alam kong galing kay Papa, at alam kong matamang nakatingin sakin ngayon si Benny.

"Pero, Chloe.. alam mo namang-"

"-kakayanin ko po." determinado kong sagot sa nag-aalalang boses ni Mama.

Sunod kong narinig ang mahinahong boses ni Papa. "Hon, malaki na ang anak mo."

Bumuntong hininga si Mama. Ilang segundo lang ay naramdaman ko na ang paghagod ng kamay niya sa aking balikat. Alam kong nahihirapan silang tanggapin ang naging desisyon ko. Mahirap dahil sa kalagayan ko pero malaki na ako. At kahit na bulag ako, alam kong.. makakaya kong mamuhay ng mag-isa. Kaya kong maging isang independent na babae. Napagtanto ko lang ang bagay na 'to nung sinabi sakin ni Joyce na magdodorm siya. Natalo pa ako ng bata.

Nung walang nagsalita, pinagpatuloy ko na lang ang hinanda kong speech. "Maging successful man o hindi ang vitretomy operation ko bukas, itutuloy ko pa din 'to. Gusto ko namang maramdaman ang pagiging isang responsableng tao. I want to live like an adult."

Isang tapik at halik sa noo ang natanggap ko.

***

Sa dinarami-rami na ng operasyong napagdaanan ko, namanhid na ata ako sa kaba. Hindi na rin sumagi sa isipan ko na isang araw, bubuksan ko ang mga mata ko at makakakita na ng kulay, ng bagay, ng tao. Ni hindi na rin umusbong sa puso ko ang sinasabi nilang.. pag-asa. Napagod na akong umasa.

"May kukunin lang ako sa kotse natin, anak." marahang sabi sakin ni Mama kasabay ng paghaplos sa aking buhok.

"Sige po. Um.. si Harvey po?" Nasanay na kasi akong lagi siyang nasa tabi ko kapag may operasyon ako. Well, not literally. Yung alam kong nasa likod lang siya ng pintuan at inaabangan ang paglabas ko. Nasaan na siya ngayon?

"Baka ma-late daw siya but don't worry, dear. Gagawin naman daw niya ang lahat para lang makahabol. Intindihin mo na, anak. Ang taas na din kasi ng posisyon niya."

Tumango na lang ako. Alam ko naman yun eh. Nakakalungkot at nakakapanibago lang na wala siya. Walang kakanta sakin bago ako pumasok sa loob.

Nang umalis si Mama, mas nangibabaw ang tunog ng mga nagmamadaling lakad ng mga tao sa pasilyo, may mga umiiyak na bata, tumatawa at naghaharutang makasintahan, pinapagalitang nurse sa isang tabi, nag-aaway sa pasilyo. Kahit pala wala kang nakikita, hindi pa rin mapayapa ang mundo. Maingay at magulo pa rin.

Itataas ko na sana ang shades ko nang mahagip ng ilong ko ang isang pamilyar na amoy. Ang amoy niya.

Tahimik lang siyang umupo sa tabi ko. Ni walang umiimik sa aming dalawa.

Ano na naman bang kailangan sa'kin ng lalaking ito? Alam ko na ang pakay niya sa pakikipagkaibigan sakin! Alam ko na ang plano niya! Bakit niya pa ako nilalapitan?!

"Batay sa pagsasalubong ng kilay mo, alam mo nang nasa tabi mo ako." Hindi pa rin nagbago ang boses niya matapos ang tatlong araw. Commanding and sexy at the same time. Hindi tulad ni Harvey na may pagkaboyish.  

"At batay din sa pagsasalubong ng kilay ko, alam mo nang iritado ako sa presensiya mo."

"That hurts." At halata mo nga sa boses niya ang pag-arte niyang kunyari eh nagsasakit-sakitan.

"Pwede ba, 'wag ka nang makipag-usap sakin. Kilala na kita. At ayokong makipagkaibigan sa'yo ni makipag-usap sa'yo dahil ayokong maging ispecimen na pwede mong eksperimentuhan. Ginagamit mo lang ako!"

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon