Chapter 19: His Story

2.6K 74 13
                                    

CHAPTER 19: HIS STORY

Napatigil ako sa pagtayo pagkabanggit niya ng mga salitang iyon. Stepmother?

I don’t want to push through whatever topic this might be heading but curiosity ticked me. It kills me. Medyo alangan pa akong humarap sa kanya at hinayaang lumabas sa bibig ko ang katanungang kanina pa bumabagabag sa’kin.

“Kristine.. is your stepmother?”

“Yes,”  naramdaman ko ulit ang paghiga niya dahil sa pagtunog at paglubog ng kama. “She is the reason why that old man left my blind mother.”

Hindi ko alam kung anong tamang reaksyon sa sinabi niya. Kung magsosorry ba ako, o mas tatanungin pa siya sa bagay na ‘yun, o manahimik na lang. Sinunod ko ang huli kong naisip, tumahimik ako.

Nagulat ako nang biglang niyang hinatak ang kamay ko na kasalukuyang nakapatong sa kama. Nilagay ko pa naman sa kamay na ‘yun lahat ng bigat ko kaya tuloy, nawalan ako ng balanse at napahiga na rin sa kama.

Inayos ko ang pagkakahiga ko at medyo lumayo sa katawan niya. Naramdaman ko kasi yung balikat niya sa balikat ko kaya medyo umusog ako nang hindi ganun kahalata.

“Bakit sabi niya, girlfriend – “

“Ex.” pagtatama niya sa sinabi ko.

“ –mo siya.” My question is out of pure curiosity, kung nagtataka man kayo.

“She’s just like that. She thought that I’m still hers, when the truth is.. matagal na kaming wala.”

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. “Kung ganun, bakit bumibisita pa din siya dito. Once in a month pala ha.”

Hindi ko inaasahan ang susunod niyang reaksyon. He laughed so hard like what I’ve said was the funniest joke ever!

“WHAT?!” naiirita kong tanong. Binigyan ko pa siya ng malakas na palo sa balikat dahil hindi matigil ang pagtawa niya. Isabay pa ang pagyugyog ng balikat niya.

“You..” narinig ko pang huminga siya. Really, ganun talaga katindi ang pagtawa niya? “You sounds like a..”

Pagkasabi niya nun, biglang parang may pumitik sa ulo ko at awtomatikong napabalik ako sa sinabi ko. Ohgash, I really sounded like.. “DON’T YOU DARE SAY IT, MARTIN!”

Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Unfortunately, sinabi niya pa rin. “Jealous girlfriend huh?”

Sinapak ko na ang balikat niyang yumuyugyog pa rin. Nakakainis! Kung nakikita ko sana siya edi nasuntok ko na siya sa mukha! Pero… makikita ko rin ang ngiti niya, kung pano lumalabas ang ngipin niya sa tuwing tumatawa siya. Oh please! Stop, Chloe!

Medyo tumatawa pa rin siya, pero pinipilit na niyang magseryoso at kausapin ako. I heard him cleared his throat bago niya kausapin ulit ako. “Sex.”

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon