Chapter 15: Her Reason

3.2K 83 19
                                    

MERRY CHRISTMAS TO MY BELOVED READERS! THIS IS MY GIFT TO ALL OF YOU! <3 This chapter is dedicated to xylalalaloves dahil sa sobrang haba at napakameaningful niyang comments. Thank you dear! <3

CHAPTER 15: HER REASON

“We include Harvey as our suspect dahil namukhaan siya nung may-ari ng kotse. Naglatag kami ng mga litrato ng mga taong may kinalaman sa’yo and he pointed the picture of your bestfriend. Bago siya pumasok sa mall, nakita niya daw si Harvey sa parking lot.”

“Nakita lang si Harvey.. which means.. hindi sigurado kung siya yung nagnakaw nung kotse.” mataray na pagsingit ko sa pagsasalita niya.

“Yes, Ms. Nacional. But there is a possibility that he is.”

Napabuga ako ng hangin. Hindi ako makapaniwalang iniimbestigahan na naman ang kasong sinukuan na  dati ng lahat.

“Do you think, siya din yung lalaking pumatay sa aso ni Chloe?” narinig kong tanong ni Martin, kasabay ng paglapag niya sa baso.

Tumikhim muna si Chief Verzosa bago muling nagsalita. “We must not jump into conclusions. Tingnan muna natin kung may maibibigay siyang alibi kung saan at ano ang ginawa niya kagabi.”

Ang dami kong gustong tanungin sa imbestigador. Ang dami kong gustong malaman. Ang dami kong gustong gawan ng aksyon pero.. nanatiling tikom ang aking bibig. Gusto ko na lang umalis dito sa dining area at magkulong na lang sa kwarto ko. Ang bigat bigat na ng nararamdaman ko.

“Ms. Nacional,” Napabaling agad ang ulo ko sa direksyon niya. “I’m not the enemy here. I’ll help you in any way that I can. Kaibigan mo ako. At ako ang pinakamakakatulong sa’yo. I’ll never give up on your case.”

Napabuntong-hininga ako. Oo, lalaban ako pero hindi pa ako ganung handang magtiwala sa iba. TRUST? Yung tao ngang pinakapinagkakatiwalaan ko, ay yung taong..

“I better go back to my room.”

Tumayo na ako, not minding their stares. Pagkatalikod ko, magaspang na boses agad ang narinig ko.

“Babalik ako bukas, Ms. Nacional. In fact, I’ll be here everyday. You’re in danger. At mas makabubuti kung hindi lang si Martin ang magbabantay sa’yo.”

“Why do you even care? Why do you take this seriously? Binabayaran ka lang naman ng mas nakatataas sa’yo?!” pasungit kong tanong ng hindi humaharap sa kanila. I know.. I know I sound rude pero kasi punong-puno na ako. Punong-puno na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

“Ayokong matulad ka sa anak ko!”

I was astounded by his answer. Hindi ko inaasahan ang sagot niyang yun.

“My daughter.. my innocent daughter who has been a victim... Because of that bullsh*t killer! That f*cked - up killer! He- he killed my girl. He killed my only child.”

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon