Chapter 31: Her Rescue

1.6K 55 7
                                    

 

CHAPTER 31: HER RESCUE

1 hour ago…

“Sigurado ka bang nandito sila?” nakatiim – bagang tanong ko sa lalaking nasa harapan ng manibela.

Bumuntong – hininga muna si Chief Verzosa bago ito nagsalita. “Yes, Harvey.”  

Mataman kong tiningnan ang malaking bahay na nakukublian ng malalaking punong – kahoy. Kung titingnan ang bahay, ordinaryo lang siya na may disenyong tulad sa kapanahunan ng mga Kastila. Pula ang bubong nito habang ang katawan ay pulos puti na.

Ang kakaiba lang sa bahay na iyon ay ang aura na inilalabas nito. The aura is dark and just like its roof, the house is shouting blood.

“Ano pang hinihintay natin?! Hanapin na natin si Chloe!” iritadong sabi ko ng tuluyan nang ihinto ni Chief Verzosa ang kanyang sasakyan sa tagong lugar na natatakluban ng mga puno, ilang metro lang mula sa bahay.

I was about to open the door of the car when someone grabbed my arm. Nang makita ko kung sino ang pumigil sa’kin, binigyan ko agad siya ng matalim na tingin, ngunit hindi niya pa rin ako binitawan.

“We need a concrete plan.”

“Tama si Martin, Harvey.”

Bumuntong – hininga ako. Fine, ako na ang padalos – dalos. But, seriously, I can’t help it. Nasa loob ng bahay na ‘yun ang babaeng iningatan ko ng ilang taon, with whom? With the guy who left her, shattered her heart into pieces and now, threatening her life!

“Now what?” Pilit kong pinakalma ang sarili ko habang hinihintay silang sumagot. Bumalik na ulit ako sa backseat katabi ng doctor ni Chloe.

“First things first. None of us will kill him.” I was about to protest when Chief Verzosa continued speaking. “He’s still my commanding officer.  At sabi mo nga, nanganganib ang mga kapatid niyo ni Chloe dahil pinagbantaan niya. Paniguradong may iba pa siyang mga kasabwat dito. Hindi natin hahayaan na hindi rin sila mahuli.”

Nagulat ako nang may bumagsak na mabigat na metal sa may kandungan ko. “What the --?!”

“You know how to carry a gun?” then he smirked at me. Aba! Loko ‘to ah! Minamaliit niya ba ako?!

“A-alam ko!” Nag – aalangang kinuha ang baril. Damn! Hindi ko alam na ganito pala ‘to kabigat! “Fine, I don’t. Please shut up!”

“I’m not saying anything.” he shrugged.

“Your face says it all, asshole.”

Iniling – iling niya lang ang ulo niya habang nilalabas mula sa isang case ang mas mahabang baril. “Doktor ka pero alam mong gumamit ng baril?”

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon