Chapter 17: His Girlfriend

2.7K 67 13
                                    

Chapter 17: HIS GIRLFRIEND

“I miss you, Chloe. I can’t help it.. Gustong-gusto na kitang makita.”

Nakuyom ko na sa magkabila kong palad ang mga damong kanina ko pa nahahawakan. Sa paraan ng pagsasalita niya, mas lalong tumitindi ang suspetsa ko sa kanya. Mas lalong nagiging matibay ang hinala ko na baka nga siya ang may pakana ng lahat. Mas lalong dumidiin sa utak ko lahat ng mga impormasyong narinig ko sa mga taong pumoprotekta sakin.

“Get away from me.” Nilagyan ko talaga ng diin ang bawat salitang namutawi sa bibig ko. Hindi ko mapapagkailang, kinakabahan ako. Natatakot ako.

Paano nga kung totoong mamamatay-tao siya? What if he's the one who’s hunting me? What if the one infront of me is the lunatic and obsessive guy who’ll do anything – kill anyone – just to see me?

“Chloe..” mangiyak-ngiyak na ang pagsasalita niya. “I’m sorry but I need to do this.”

Rinig ko ang paglapat ng sapatos niya sa mga nagtatataasang damo. Alam kong palapit siya sa akin kaya tumayo na ako’t umatras bago pa niya maisipang hawakan ako.

“Layuan mo ako!!!”

“All I want is to see you! Bakit mo ba pinagdadamot ‘to sakin?!” medyo galit ang tono niya ngunit nagagawa niya pa rin iyong kontrolin. Typical Harvey.

“Because you’re dangerous!”

“WH-WHAT?!”

Mukhang gulat na gulat nga siya sa sinabi ko pero hindi.. hindi ako magpapalinlang. “Get away from me, Harvey. Hindi ko na alam kung sino ang papaniwalaan ko. Hindi ko na alam kung kilala pa kita. Kilala ba talaga kita, Harvey?”

“Kilalang-kilala mo ako.” Naramdaman ko ang paghawak niya sa siko ko na mabilis ko namang pinalis.

“Then why do you have to do this?!” sigaw ko sa kanya. Pilit niya pa rin akong hinahawakan habang ako naman ay pabalyang inaalis ang mga kamay niya. “DON’T YOU DARE TOUCH ME! Ang labo mo rin noh, Harvey? Maniniwala naman ako sa’yo kung sinabi mo na hindi ikaw yung may dahilan ng pagkabulag ko eh. Maniniwala naman ako sa’yo! Pero anong ginawa mo?! Pinagmukha mo akong tanga kakaisip kung ano ba talaga dahil dyan sa pananahimik mo!”

“Chloe, you don’t under-”

“I DON’T UNDERSTAND?!” I cut him off. “Oo, Harvey.. Hindi ko na maintindihan! Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ay nagtatago ka. Hindi ko alam kung bakit mas lalo mong pinapatindi ang hinala ng mga tao sa’yo. Bakit mo kailangang pumatay ng tao?!!!”

“I don’t-“

Biglang nahagip ng tenga ko ang isang boses na tumatawag sa pangalan ko. Agad-agad na nagpanic ang sistema ko. Hindi ko alam kung bakit pero…

“Harvey, umalis ka na. Tumakbo ka. Please.” Pagmamakaawa ko sabay tulak sa kanya. “UMALIS KA NA!”

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon