Chapter 42: The Invitation

1.3K 30 5
                                    



CHAPTER 42: THE INVITATION


"Gusto kitang suntukin hanggang sa mamatay ka, alam mo ba 'yun?"

"Alam ko."

Habol – habol ang aking hininga, tumingala ako sa kisame. Naiirita man ako sa tumutulong dugo dahil sa mga sugat sa kamao ko, walang panama 'yun sa sakit na nararamdaman ko. Sh*t! Sinuntok ko ang sahig.

Kung pwede lang itama 'to sa mukha niya kanina ko pa ginawa pero alam kong... alam ko na masasaktan si Chloe kapag sinaktan ko pa ang mahal niya.

Natawa ako ng mapait.

Tiningnan ko ulit ang kisameng hindi ganung kaputian.

"Alam mo bang siya lang ang kaisa-isang babaeng minahal ko?" natawa ulit ako. "Alam mo ba 'yun ha, Martin?!"

Lumingon ako sa katabi kong may ilang metro ang layo sa'kin. Parehas ko'y nakasalampak din siya sa sahig ngunit nakatungo ang kanyang ulo. May ilang talsik ng dugo sa puti niyang damit.

Hindi siya sumagot.

"Bata pa lang ako, unang kita ko pa lang sa kanya, wala eh... nasungkit niya na 'to." Tinuro ko ang dibdib ko. Umiling – iling ako. "Kinulit ko siya kahit alam kong mawi-weirduhan siya sa'kin. Gumawa ako ng paraan para malaman kung saan siya natatakot kasi gusto kong maging tagapagtanggol niya. Natatawa nga ako eh. How can a 10-year-old feel that? I don't know. Mapaglaro lang talaga siguro ang mundo."

"Torpe ako, inaamin ko. Torpe ako pagdating sa kanya. At 'yun ang pinagsisisihan ko kasi hindi ko naamin ang nararamdaman ko bago pa siya kunin ni Carl. Wala akong niligawan kasi... kasi gusto ko siya ang una ko eh. Kahit hindi niya na ako una sa lahat ng bagay, basta ako, gusto ko sa kanya ko unang maranasan lahat."

Naramdaman ko ang paglandas ng tubig sa pisngi ko na agad kong iwinaksi gamit ang aking braso.

"Naghintay ako kahit alam kong may mahal na siyang iba. Mas nawasak ang puso ko nang malaman ko na may balak na silang magpakasal. Nainis ako. Nagalit ako! Kay Chloe, kay Carl, sa sarili ko. Kaya nagpakalayo – layo ako. Nagtrabaho ako sa Cebu at tinanggal ang lahat ng kontak sa kanya. Huli ko nang malaman na naaksidente siya, nabulag at iniwang luhaan ng mamamatay – tao na 'yun!"

"Pinagsisihan ko na nagpalamon ako sa galit kaya wala ako sa kanyang tabi noong mga panahong kailangang – kailangan niya ako. Lumuhod ako sa kanya at nanghingi ng tawad. Simula nun ay inalagaan ko siya at binigay sa kanya ang pagmamahal na dapat dati ko pa binigay. Pero hindi ko pa magawang umamin sa kanya dahil alam kong marami pa siyang pinagdadaanan. Okay naman kami, Martin nung wala ka eh. Okay naman kami eh. Bakit ka pa kasi dumating?"

Tae... ayaw tumigil ng tubig. Kinikiskis ko na ang kamao ko sa aking mukha pero ayaw pa rin. Fck.

"Bakit mo inamin kay Chloe na ikaw ang nakabangga sa kanya dati?" tanong niya.

"Anong magagawa ko?! Ayokong lamunin siya ng galit! Ayokong mabaliw siya kakahanap sa taong bumangga sa kanya! Dahil masakit sa'kin na makita siyang puno ng hinanakit. At dahil sa'yo 'yun!"

Matalim na tingin ang pinukol ko sa kanya.

"Oo, Martin!" tumayo ako at pinuntahan siya. Sa sobrang inis ko ay kinwelyuhan ko siya't diniin sa pader. "Alam ko na ikaw ang may dahilan kung bakit siya bulag ngayon! The funny thing is, si Carl pa mismo ang nagsabi sa'kin ng bagay na 'yun noong mga panahong utusan niya pa ako. Ano? Hindi mo man lang ba itatanggi?! Ha?!" sigaw ko kasabay ng marahas na pagyugyog sa kanya.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon