Chapter 29: The Killer

1.7K 71 18
                                    

CHAPTER 29: THE KILLER

Ang pinakakinatatakutan ko ay nangyari na. Nadamay na sila. Napapahamak ngayon ang buhay nila dahil sa’kin. This is my war. This is mine to deal with. Bakit niya pa kailangang idamay ang pamilya ko?! Pati ang pamilya ni Harvey ay nasasali na din all because of me! Para nga talaga akong sumpa sa mga taong malapit sa’kin.

And that hurts. It really hurts.

“Ilabas mo ‘yan.” Naramdaman ko agad ang paghaplos ni Harvey sa likod ko na agad ko namang pinalis.

Lumayo ako sa tabi niya. “I won’t cry. I’m too tired to cry.” I said, almost a whisper and he responded by placing his head on my shoulder.

And there he cried.

Pagkarinig na pagkarinig ko sa mahina niyang paghikbi, nahulog na rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

He encircled his arms around me, making my body closer to him. “I don’t want to lose you and Joyce.” Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa’kin. “I will… I will kill that psycho!”

“No, Harvey!” Nilayo ko ang katawan ko sa kanya at sinubukang abutin sa hangin ang kanyang mukha. I placed my fingers on each side of his eyes, letting it focus on me. “Wag mong ibaba ang sarili mo sa kanya. You’re not a criminal like him.”

“Magiging kriminal ako kapag may sinaktan siya sa inyo.”

I let out a sigh. Aminado naman ako na ganun din ang gagawin ko kapag ginalaw ng killer na ‘yun ang pamilya ko. Bulag man ako pero lalaban ako. And I'll make sure na ako ang makakaharap niya.

“Trust me again, Chloe.” he pleaded.

Bumaba ang mga kamay ko mula sa gilid ng kanyang mga mata hanggang sa kanyang malalambot ngunit ma-pangang pisngi. “I want to, Harvey pero…” I looked down. “pa’no ako magtitiwala muli sa taong naging sanhi ng pagkabulag ko? Ikaw nga ba ‘yun, Harvey?”

Inilayo niya ang mukha niya sa’kin. Naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa pagkakaupo sa sira –sirang sofa. “I won’t say anything.”

“Then I won’t trust you either.” matigas kong sabi.

Ang dami – dami nang tinatago sa’kin ni Harvey. Gusto ko mang pilitin sa kanya kung ano man ang mga sikretong iyon ngunit natutunan kong ‘wag na lang ungkatin ang mga bagay na hindi ko dapat malaman. There are things better left unsaid lalo na at kung buhay na ng mga taong minamahal namin ang sangkot sa gulong ito.

“Fine. Don’t trust me but remember this – “

Wala na akong narinig na sumunod pa sa sinabi niya dahil sa nakabibinging putok na umalingawngaw sa buong kabahayan.

I was dumbfounded. Nang maramdaman ko ang pagpulupot ng katawan ni Harvey sa’kin doon lang ako nahimasmasan. Narinig ko pa ang paghulog ng maliit na metal na gumawa ng pagtaguktok sa sahig. A gunshot.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon