Chapter 44: His Life

879 21 4
                                    

Chapter 44: His Life

"I love you. I – I always do. Ever since we were little. I love you more than a little sister."

I cried when he said those words. I cried because now that he was about to be taken away, I suddenly feel so afraid. I'm confused. I don't want to lose him.

"Chloe."

Umangat ang ulo ko sa direksyon nang nagsalita.

Martin.

Unti – unti ring nawawala sa pagkakahawak ko si Harvey. That's when I panicked. "Asan si Harvey?! Saan niyo siya dadalhin?!"

Martin assured me by hugging me. "Sila na muna ang bahala kay Harvey. Hindi siya mamamatay, Chloe. Pangako ko sa'yo."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Pero masaya ang puso ko na nandito siya para sagipin kaming dalawa ni Harvey. Tinayo niya ako at inalalayan. Inalis niya rin ang blindfold ko. "Sa ngayon, kailangan muna nating tumakas dito.

Hinayaan ko lang siya na hilain ako. Ni hindi ko nga alam kung paano ko pa nakayanang tumayo. Ang alam ko lang ay kusang nagalaw ang paa ko. Mabagal ito hanggang naging mabilis. Palayo ng palayo sa tunog ng putukan na kanina lang ay tila papalibutan na ako.

Tumigil kami nang napansin yata niya na hinihingal na ako sa ginawa naming paglakad – takbo.

"Dito na muna tayo."

"Nasaan na tayo?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, marami akong gustong itanong pero sa ngayon, ito lang ang kaya ko. Ganun siguro talaga kapag alam mo na ang totoo, at ayaw mong tanggapin ang katotohanan. Mas gusto mo na lang na hindi ikumpirma.

"Hindi ko na rin alam kung nasaan tayo. Pero nakalabas na tayo ng factory."

"Bakit maraming putukan?" I felt his hands guiding my back against a wall. I tried not to flinch from his touch.

"Marami din ang tao ni Carl. Chief Verzosa and the others are fighting them."

Then silence. I was about to say that I'm already okay when suddenly, I felt his strong arms wrapped around me.

"I'm – I'm so glad you're safe."

Inulan niya ng halik ang tuktok ng ulo ko. Sa ginawa niyang yun parang gusto kong umiyak pero I need to keep my ground.

"You don't have to fool me." I muttered with all the strength that I have. Humiwalay siya sa'kin. Alam kong nagtataka na siya ngayon sa sinasabi ko.

"Hindi kita maintindihan." I felt his hand on my right cheek, but I pushed it away.

"A – alam ko," Don't cry, Chloe. "a – alam ko na – "

"Na ano, Chloe?" Worry is so evident in his voice.

"Tell him, honey."

Nanlamig ako nang marinig ko ang boses niya. Agad naman akong hinila ni Martin at base sa pagkakahawak niya sakin, itinago niya ako sa likod niya.

"Hinahanap kita sa loob, nawawala ka. Pero tingnan mo nga naman, pinagtatagpo tayo ng tadhana."

"Keep your mouth shut, Carl." Martin said icily. Binitawan niya ako at tila ba may kinakapa sa may pwetan niya.

"Ako nga ba? O ikaw, Martin? I can do you a favor and keep your mouth shut forever. I just need to fire this." At dun ko narinig ang pagkasa na naman ng baril.

Agad akong pumunta sa harap ni Martin at sinigawan siya. "STOP IT, CARL! PLEASE STOP THIS." I pleaded. Bakit nanginginig ang boses ko. Is this it?

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon