Chapter 36: Her Promise

1.1K 38 3
                                    

Chapter 36: Her Promise


"Here." He tenderly wrapped the scarf around my neck. "Should I buy you a coffee?"

Ngumiti ako sa kanya. Kanina pa kasi siya aligaga sa'kin. Kahit kalian talaga 'tong bestfriend ko. Inabot ko ang kanyang braso, pinulupot ito sa'kin at pinisil ito. "I'm alright, Harvs. Bine-baby mo naman ako masyado."

Kinuha niya ang kamay ko mula sa kanyang braso at hinawakan lang ito. Whenever he holds my hand like that, I always feel so comfortable. Nawawala lahat ng problema ko at parang bumabalik lang kami sa dati noong mga bata pa lang kami.

"Little sister kita eh." he said in an endearing way.

I was about to lean on his shoulder just to take a short nap when a voice stiffened my body and made me pulled my hand back.

"We have to get going." Martin commanded.

I heard Harvey sighed on my side.

Hindi ko alam kung bakit ko 'yun ginawa. Instinct maybe? I don't know. I just feel guilty for how I reacted.

"I'm sorry, Harvey. Mali 'yung gi - "

Nakaramdam ako ng paggulo sa buhok ko. "Wala 'yun, ano ka ba." he whispered and yet I sense a hint of insincerity in his voice. I pushed the thought away and put a smile when he helped me to stand and presented to carry my luggage.

Nasa airport kami ngayon papuntang Batanes. And I hate to admit but I'm actually happy to be outside again. I shouldn't be happy coz I'm making people worried about me. Mapanganib kasi talaga ngayong nasa labas ako at wala sa headquarters dahil maaaring umatake si Carl. But truthfully, I'm not afraid. I know Carl. Hindi naman siguro niya ako makakayang patayin. What I'm afraid of is the people surrounding me.

"Chloe," Chief Verzosa's voice draws my attention. "We don't have anything to defend ourselves when we board on the airplane. So please, never leave my side."

"Okay." Narinig ko ang paghakbang niya palayo kaya inabot ko ang kanyang damit. When I pulled the hem of his sleeve, I gave him my most genuine smile. "Thank you, Chief."

"No problem, child."

Agad kaming nakasakay sa eroplano dahil may special treatment ang mga may kapansanan. Pinili ko ang silyang malapit sa bintana. Dati noong nakakakita pa ako, ito ang gustong - gusto kong pwesto dahil makikita ko ang mundo mula sa itaas - ang mga ulap, ang dagat, ang mga ibon at iba pa. Ngayon na lang ulit ako makakasakay ng eroplano simula nang mabulag ako.

"Harvey - "

" - he's at the back." Agad akong nakaramdam ng pagkabog ng dibdib ko. Isang mabilis ngunit mabigat na pagtalon galing sa puso ko. He's beside me.

Sa totoo lang, simula nang bumalik siya kahapon galing sa funeral ng papa niya, wala na siya sa kanyang sarili. He barely talked to me and he was quiet all the time. I want to ask him what happened but I just can't. I want to respect his grieving state.

This will be awkward.

I whispered a prayer when the plane started moving.

"Are you afraid?"

Napadako ang mata ko sa direksyon niya at marahang tumango. Kabado ako sa byahe namin, sa mga taong makakasalamuha namin, sa buhay ko, at sa mga taong mahal ko.

"Don't be." Warmth engulfed my hand as he slowly caressed it. "As long as I'm here, no one can touch you."

Pagkasabing - pagkasabi niya nun, naramdaman ko ang pag-angat namin. I started to tighten my grip on his hand pero pinalis niya ito bagkus, niyakap niya ako ng patagilid.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon