His Possessive Ways (Publishe...

By SiMarcoJoseAko

33.9M 672K 91.7K

Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even t... More

Bachelor Stories Series 2: His Possessive Ways
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Epilogue
Author's Note
Published Under Pop Fiction

Chapter Seventeen

662K 14.2K 1.1K
By SiMarcoJoseAko

SEVENTEEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

It's been one week since I last talked to him. Hindi ko alam kung busy ba siya o sadyang umiiwas siya. Pero sa tuwing magkakasalubong ang mga landas namin, siya ang unang umiiwas. I am not that fool para hindi maintindihan ang sinabi niya sa akin, I know him. Kahit na lagi kaming magka-away, nakilala ko ang isang Greg Montemayor.

Nasanay akong lagi siyang nandyan at hindi ko naman masisisi si Greg kung umiwas man ito sa akin. Hindi naman niya ako girlfriend o kung ano para lagi niyang pansinin. It's his choice not mine. Hindi ko na rin madalas makausap si Miguel dahil sunod sunod na ang naging practice ng basketball team at ng volleyball team para sa NT.

The elimination for the National Tournament is now ongoing. Today is a great event, dahil laban ngayon ng St. Tomas sa St. Paul kaya maraming outsider at estudyante ngayon ang nasa school para manood ng laban. Nang nakaraan namang taon hindi ganito karami ang tao pero nagtataka ako dahil halos libo ang dumagsa ngayon sa school para lang makapanood ng laban. Itinaas na rin ang lebel sa seguridad ng school kung sakaling may mangyaring hindi maganda.

Dumiretso agad ako sa volleyball room para makapagpalit ng fitted na v-neck shirt. Nasanay na rin kasi akong magpalit tuwing uwian dahil kumportable akong gumalaw kapag ganoon. Wala ni isang tao sa loob kaya binilisan ko na lang ang pagbibihis at dali daling lumabas para pumunta sa gymnasium at manood ng laban.

"Dammit!" Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong boses ng isang lalaki sa isang bakanteng classroom malapit sa gymnasium. Walang ibang tao dahil halos lahat ay excited ng manood ng laban.

"Agh. I—I need help!" Doon ako naalarma at mabilis na pumasok sa loob ng classroom para tignan kung sino ang nandoon.

Napatulala ako ng makita ko ang lalaking namimilit sa sakit. Hawak nito ang mga paa nito at tila hirap na hirap batay na rin sa mukha nitong basa na ng pawis. Agad akong lumapit sa kanya na siya namang ikinagulat niya.

He is having muscle cramps.

"W—Wait, w—what are you doing?" Nagtataka nitong tanong ng bigla kong hawakan ang paa niya. When I was a kid, I always had a muscle cramps so I knew what to do.

"Wait, wait, don't touch me! Argh." He said. Ang arte naman ng lalaking 'to.

"Sinabi kong 'wag mong hawakan ang paa ko—Ahhhh."

"Kapag hindi ka tumigil sa kakangawa mo diyan, puputulin ko 'tong paa mo." At tsaka ako tumingin sa kanya ng masama.

My lips parted when I saw his face, his angelic face. Napaka-manly ng dating ng mukha niya with his spiky black hair na parang kay Sendoh ng Ryonan. He has a strong jaw and very thin lips. He also have a white skin like Miguel and a pointed nose like Greg. He is very handsome, no doubt.

"Sige na, pagpatuloy mo lang yung ginagawa mo. Nawawala 'yung sakit." Doon lang bumalik ang sarili ko ng magsalita siya. Pinagpatuloy ko lang ang ginawang paghilot sa paa niya hanggang sa tuluyan ng mawala iyon.

"Ahhh. It feels so good!" Sabi niya at tsaka tumayo at nag-inat ng paa at tumalon talon pa para makumpirmang ayos na siya. He wore his Jordan shoes and I think he is one of the players of St. Paul.

"Tangnang pulikat 'yan, ngayon pa umatake. Buti na lang nandito ka Ms. Cleavage." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"What did you say?!" I felt my body react in anger.

"Which part I am going to repeat?" He asked. Lalong nag-init ang ulo ko.

"The Ms. Cleavage part!" Sigaw ko sa kanya.

"Ah that, I just saw your cleavage while you were doing something good in my feet." He said with a playful smile on his face.

"Manyak ka rin 'no?!" Itinaas ko ang kamao ko at aktong sasapakin siya pero iniharang niya ang magkabila niyang kamay.

"Chill Ms! It's not my fault. Hindi ko kasalanan kung makita ko 'yung cleavage mo. Ikaw kaya 'yung basta na lang lumuhod at hinawakan ang paa ko." He said defensively.

"So ako pa ngayon ang may kasalanan? Ganoon?!" Hirap talaga sa mga lalaki eh yung temptasyon. Konting kita lang ng cleavage tinatayuan na!

"Hindi. Sinabi ko ba? And don't worry miss, hindi ko naman masyadong nakita. And—" Tumingin siya sa silver wrist watch niya.

"Ah Ms, I need to go. Next time ko na lang babayaran 'yung ginawa mong pagpapasarap sa akin." Sabi niya at tsaka tumalikod sa akin at nagmamadaling umalis.

I just shrug my shoulders. I met a jerk again.

Marami ng tao sa gymnasium ng dumating ako. Halos puno ang buong gymnasium ng mga estudyante at outsiders. Agad namang nahagilap ng mga mata ko ang pwesto ng mga teammates ko kaya lumapit ako sa kanila.

"Dana, bakit ang daming tao ngayon?" Tanong ko sa kanila at tsaka umupo sa tabi niya. Binati naman ako ng iba kong teammates at tinanguan ko lang sila

"Hindi mo ba nabalitaan ang latest news ngayon?" Sagot niya sa akin. Napakunot naman ako ng noo.

"Latest news?"

"Oo Captain, laban ngayon ng dalawang MVP ng magkabilang school. Hindi mo alam?" Sabi niya.

"Eh ano naman ngayon kung labanan ng dalawang MVP ng magkabilang school?" Tanong ko sa kanya. Ano ba kasing meron sa dalawang MVP ng magkabilang school para pagkaguluhan ng ganito?

"Seriously Captain? Hindi mo kilala ang poging MVP ng St. Paul?" Gulat na gulat na sabi niya. Para namang big deal iyon.

"At sino naman ang ponsyo pilatong nilalang na 'yon?" Tanong ko. Sasagot na sana si Dana ng biglang umingay ang buong gymnasium. Halos lahat nag-iinay at puro mga tili ng kababaihan ang naririnig sa buong court. At doon ko nakita ang hinahanap ko.

It's him, the jerk I met a while ago. Number 7, Sy. I looked at him. Walang duda, gwapo at sikat ito kagaya ni Greg. Mas lalong umingay ang buong gymnasium ng lumabas na ang manlalaro ng St. Tomas. Number 11, Montemayor. He walks with a proud and intimidating face, na para bang kapag bumangga ka. Hindi mo kakayanin.

Halos hindi magkandamayaw ang mga manonood lalo na't nagtapat na ang dalawang team. Parang umaapoy ang bawat isa at matalim na nagtititigan, lalo na ang dalawang MVP ng magkabilang team.

"He is Andrew Marcus Sy, mayaman, gwapo with brains at isa sa pinakamagaling na manlalaro ng sikat na team ng New Jersey Knights." Nagtataka akong napalingon kay Dana.

"New Jersey? You mean, isa siyang international player? Bakit pa siya umuwi ng Pilipinas kung ganoon?" Tanong ko sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko, hiling iyon ng lolo nito na si Don Marsiano Sy. Kilala ang company ng mga Sy katulad ng Laurel Company Malls at Montemayor Empire at marami pang iba. Pero silang tatlo ang magkakalaban, pero I've heard na naging mag business partners ang LCM at ang Montemayor Empire." Napatingin ulit ako sa court. Greg is wearing a serious face while the guy name Andrew Marcus is wearing a playful smirk.

"Let's all welcome the candidates for the elimination for the National Tournament." The announcer said. Naghiyawan naman ang lahat ng manonood. I looked around the gymnasium, punong puno ng mga tao at halos hindi magkandamayaw ang ilan. May mga nagdala ng banner na may nakalagay na Go Greg I love you #11 at Go Andrew, We love you. Halos lahat nagchecheer para sa dalawang manlalaro na ngayon ay nag-iinit na.

Lalong uminit ang buong gymnasium ng magsimula na ang laban. Nakuha ng team ni Greg ang jump ball at nagsimula na ang laban. Bantay sarado si Greg kay Andrew. Matalim ang tingin nila sa isa't isa na tila mortal na magkaaway.

Naging mainit ang laban hanggang sa mag fourth quarter, 89-92 ang score at lamang ng tatlong puntos ang team ni Greg. Tatlong minuto na lang ang natitirang oras at hawak ngayon ng St. Paul ang bola.

"Let's take one basket!" Determinadong sigaw ni Andrew. I stared at him. Napakalakas ng sex appeal niya at ngayon ko lang ito naramdaman sa isang lalaki. Na tipong hindi ko magawang hindi humanga sa kanya at hindi siya panoorin. Just like Greg, mapapalingon ka kapag dumaan ito at mapapanganga ka sa taglay nilang kagwapuhan. His spiky black hair na bagay sa hulma ng mukha nito ang nagpapagwapo sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba, I'm attracted to him. I know that to myself. Sino bang hindi magkakagusto sa kanya kung talaga namang guwapo siya?

Pakiramdam ko ay tumigil ang paligid ko ng bigla siyang lumingon sa gawi namin at tumingin sa akin. He caught my eyes. He smiled playfuly and winked at me. Napalingon ako sa paligid at nagtitilian ang mga babae sa paligid ko.

"Captain, nakita mo 'yun? May kininditan siya sa atin! Ang gwapo niya! Para siyang si Montemayor!" Kinikilig na sabi ni Dana. Hindi pa rin naalis ang tingin ko sa kanya at ngumiti ulit siya sa akin. Oo, alam kong ako ang ningitian niya.

"It's for you Ms. Cleavage!" I heard him shout. My eyes widen at what he said, but I was shocked when his teammate passed the ball to him and shoot it for three point shot.

Shoot!

Naghiyawan ang buong gymnasium. Tie na ang score ng magkabilang team at dalawang minuto na lang ang natitirang oras.

"Captain, sino kaya 'yung sinabihan niyang Ms. Cleavage?" Tanong sa akin ni Dana.

"H—Hah? H—Hindi ko alam!" Sagot ko at tsaka ko ibinalik ang tingin sa court.

But I caught his eyes. He is looking at me, Greg. He smirked and shoot the ball with one last minute.

Naghiyawan ulit ang buong gymnasium, nanalo ang St. Tomas sa score na 94-92. I'm so happy for him because he did it again. Tumayo na ako para umalis doon pero hindi pa ako nakakalabas ng gymnasium ng bigla akong harangan ng dalawang lalaki na kanina ko pa pinapanood.

"Hi Ms. Cleavage."

"Raisse."

Greg.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 14 1
This is not a story. It's just a book of a random thoughts. It's been unpublished before but I uploaded it back. Do not repost this to other social m...
3.6M 3.9K 1
Now a published book under PSICOM Publishing Inc. Available in bookstores nationwide! Their whirlwind romance ended as fast as it began. When both...
12.1M 414K 52
All is fair in love and war even among the bekis.
4.3K 19 1
A Collection of LGBT-Themed Stories #3