His Possessive Ways (Publishe...

Galing kay SiMarcoJoseAko

33.9M 672K 91.7K

Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even t... Higit pa

Bachelor Stories Series 2: His Possessive Ways
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Epilogue
Author's Note
Published Under Pop Fiction

Chapter Nine

731K 15K 2.4K
Galing kay SiMarcoJoseAko

NINE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Ano ba?!" Isang batok ulit ang tinanggap niya nang sigawan niya ako. How dare him to say those word. Wala siyang karapatan na ipamukha sa akin na mas gwapo siya kay Miguel!

"Conceited mo masyado Montemayor! Sarap mong sakalin." Sigaw ko rin sa kanya.

"Bakit? Totoo naman di ba? Mas gwapo ako sa kanya! Alam mo ba 'yon?!" Nangigigil talaga ako sakalin ang isang 'to. Naku, kung wala lang talaga akong atraso sa gagong 'to matagal ko na siyang binayagan ng tumino tino.

"Hindi ko pa alam. At oo, sabihin na nating mas gwapo ka nga kay Miguel pero hindi siya bastos tulad mo!" Akala niya ha!

"Ako bastos? I am not! Lalaki lang ako at walang bastos kapag lalaki!" Mariin niyang sagot.

"Ah 'ganon? So gusto mo ba isa-isahin ko lahat ng kabastusan slash kababuyan mong ginawa sa akin?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sige! Kahit wala naman akong natatatandaan!" Hamon niya sa akin. Aba, sinusubukan talaga ako nito.

"Sinong gago ang naglagay ng gamit na condom sa locker ko? Sino?!" Namula siya bigla sa sinabi ko at sandaling nag-iwas ng tingin.

"A—Aksidente 'yon! Akala ko sa basurahan ko naihagis!" Dahilan niya.

"Ano pagalay mo sa locker ko? Basurahan? Hayop ka ah!" Hindi ako nakapagpigil na nasubutan siya. Sa buong buhay ko, malinis akong tao. Tinuruan ako ng nanay ko na maging malinis dahil babae ako tapos aakalain niyang tapunan ng gamit na condom ang locker ko? This jerk has a talent to annoy me! Wala na akong pakielam kung line pa niya 'yon!

"At sinong gago ang nag pasa sa akin ng sex video niya kasama ang isang babae na napulot niya lang sa kung saan?!" Naiinis ako kapag naaalala ko iyon! Halos pagtawanan ako ng buong klase ng i-play ko ang video na 'yon. Akalain ba nilang malibog ako dahil may sex video ako sa phone ko? Kaya kahit nandidiri ako, pinanood ko ang videong 'yon at si Greg ang nakita ko. Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Akala niya!

"N—Nagkataon lang na bukas din ang bluetooth mo! Kay Sheen ko iyon ipapasa, aksidente lang na sa'yo ko naipasa! At tsaka si Glaizer iyon hindi kung sinong babae lang!" Palusot niya ulit. Akala naman niya hindi ko natatandaan na hiniram niya that time ang phone ko at may titignan lang daw na number ng kaklase ko na maganda. Nakakagigil kapag naaalala ko ang mga bagay na 'yon!

"Talaga? Eh bakit mo nilagyan ng brief mo ang bag ko 'non?! Sabihin mong aksidente lang din? Kasi akala mo basurahan ang bag ko at aksidente lang din dahil akala mo bag ng kung sinong ponsyo pilato ang bag ko?!" Ang sarap niyang ibenta sa mga bading! Nakakainis!

"Sinadya ko 'yon, dahil pinagkalat mong mabaho ang pare ko!" Natigilan ako. Isang beses kasi niloko ko si Dana na mabaho ang ano niya pero may mga nakarinig sa likod ko hanggang sa kumalat na ng kumalat at ako raw ang pasimuno. Malay ko bang tatanga tanga ang mga tao sa paligid ko at naniwala naman sa sinabi ko. Hindi ko na kasalanan iyon.

"Bwisit ka!" Sigaw ko sa kanya. Wala talaga akong mapapala kapag kausap ko 'tong Montemayor na 'to. Inuubos niya lang ang pasensya ko at ang ganda ko sa mga pinagsasabi niya.

Nagulat ako ng bigla niya akong itulak papasok sa loob ng sasakyan niya. Gusto ko sanang magpumiglas pero naalala kong may usapan kaming dalawa. Pumasok na rin siya sa sasakyan.

"Pupunta tayo sa unit ko, may dapat tayong pag-usapan." He said then he started the engine at tsaka umalis ng school.

"Sabi ko sa'yo bawal kang mag-boyfriend." He said. Nagmamaneho lang siya ng seryoso nang bigla siyang magsalita.

"Bakit? Meron ba? Wala akong boyfriend." Sabi ko.

"Si Miguel! Hindi mo ba siya boyfriend!" Sabi niya na parang nang-aakusa.

"Hindi ko siya boyfriend, asawa ko siya." Oh Miguel! Kaylan kaya darating ang araw na pakakasalan mo ako. Excited na akong magkaanak sa kanya dahil for sure magiging maganda ang magiging lahi ng mga anak namin dahil sa dyosa ako, greek god siya. Ano kaya ang magiging tawagan namin? Siguro bebe ko, ano kaya ipapangalan namin sa mga anak namin? For sure aaraw-arawin ako ni Miguel dahil sa dyosa na ako, sexy pa ako! Nawala lahat ng imagination ko ng bigla siyang mag-preno.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya. Bwisit! Muntik na akong sumubsob, buti na lang at may seatbealt akong suot.

"Asawa?! Paano kayo naging mag-asawa?! Bestfriend ko siya at wala akong nababalitaan na nag-asawa na siya! Hindi pwede, hindi!" Tanga talaga 'tong Montemayor na 'to. Wala ba siyang humor sa katawan at hindi akalaing joke lang ang sinabi ko?

"Ewan ko sa'yo. Ang laki mong tanga. Siyempre joke lang yung sinabi ko! Di kung asawa niya ako, matagal na akong may anak dahil siya na mismo ang aaraw-arawin ko!" Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Akala ko asawa mo na siya. Kapag nagkataon ako ang bubuntis sa'yo at ako ang aaraw araw sa'yo para hindi ka na makabalik sa kanya." He said. Napalingon ako bigla sa kanya.

"Ano'ng sinabi mo? Aaraw arawin mo ako? Baka gusto mong tanggalan kita ng pagkalalaki!

"Ows? Baka mamaya pag nakita mo na yung sinasabi mo bigla mong kainin." Bigla siyang tumawa na parang sa demonyo. Well, demonyo naman talaga siya.

"Siguraduhin mong presentable 'yan kung kakainin ko. At hindi ka ba nadidiri sa mga piangsasabi mo?"

"Hindi. Actually it's really amazing that someone is eating my—"

"Stop! Ayoko nang marinig ang sasabihin mo!" Tinakpan ko ang bibig niya para wala ng lumabas na kababuyan. Itinaas niya lang ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko.

****

"Ano na naman ang gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ipagluluto mo ulit ako. Di ba sabi ko sa'yo ako lang ang lalaking pwede mong ipagluto? At wala ng iba?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bahala ka sa buhay mo."

"Paano kung ikaw ang buhay ko?" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil alam ko namang nagbibiro lang siya.

"Ano bang gusto mong kainin?" Tanong ko habang tinitignan yung laman ng refrigerator niya.

"Kung papayag ka, ikaw sana." Tumawa siya ng malakas pagkasabi niya 'nun.

"Isa Montemayor, umayos ka. Seryoso ako ngayon." Sabi ko sa kanya. Para naman siyang aso na sumunod agad sa amo niya.

"Kahit ano naman kakainin ko, basta ikaw magluluto." Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Oo, alam kong maloko siya at manyak. Pero minsan may side rin siyang kakaiba. Minsan makulit siya na sweet at ayaw na ayaw niyang maaagawan siya ng kung sino. He is very possessive pagdating sa mga bagay na gusto niya. Lalo na kung bibihira lang dumating sa kanya ang bagay na iyon.

"Sabi mo 'yan ah. Sige magbihis ka muna sa kwarto mo. And make sure na may suot kang damit kahit sando lang. Huwag kang masanay na laging ibinabalandra ang katawan mo sa harap dahil babae pa rin ako at maaari mo pa rin akong mabastos." Sabi ko.

"Okay." Nagulat ako ng iyon lang ang isagot niya. Akala ko kasi sasabihin na naman niya na sa kanya itong unit na 'to at gagawin niya kung ano ang gusto niya. Mukha atang may mali at ang bait niya?

Naghubad lang ako ng sapatos at inilagay ko ang bag ko sa may living room para makagalaw ng maayos. Napagpasiyahan kong sinigang na baboy ang iluto ko para sa kanya. Siguro naman hindi siya maarte kapag natikman niya ang sinigang ko. Iyon kasi ang unang itinuro sa akin ng nanay ko na lutuin kaya naging eksperto agad ako sa pagluluto 'non. Nagsaing din ako sa rice cooker niya for two person dahil nagugutom na rin ako. After one hour and thirty minutes natapos na ako sa pagluluto. It's already seven in the evening at alam kong gutom na siya. Panay kasi ang practice niya at madaling magutom ang mga lalaki.

"Montemayor." Kumatok ako sa kwarto niya. Kanina pa kasi siya hindi nalabas simula ng pumasok siya. Kumatok ulit ako pero wala pa ring nasagot. Sinubukan kong buksan ang seradura ng pinto at nagulat ako ng bukas iyon. Dahan dahan akong pumasok dahil baka may ginagawa siya.

Napagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto niya ng makapasok ako. Napakamanly ng dating 'non at halatang lalaking lalaki ang may –ari. May isa siyang malaking larawan na naka-sabit sa dingding ng kwarto niya. Para siyang model doon. Kahit hindi naman kasi niya sabihin, alam kong mas gwapo siya kay Miguel. Kung kasing ugali niya lang siguro si Miguel, matagal na akong may gusto sa kanya. Pero sadyang ganito na siya.

Tinignan ko siya na mahimbing na natutulog. Hindi na niya nagawang makapagpalit ng pambahay dahil sa sobrang pagod siguro. Umupo ako sa gilid ng kama at lumapit sa kanya. Napalunok ako ng matitigan ko ang mukha niya. I must admit na ang gwapo niya at halos lahat ng babae ay mapapatingin kung sakaling maglakad siya sa gitna. Minsan nga naiingit ako sa kanya dahil parang nasa kanya na ang lahat. Luho, mukha, katawan, popularity, brain. Samantalang ako, katawan, mukha, at brain lang ang pantapat sa kanya. Hindi ako sikat, hindi ako mayaman. Scholar nga lang ako ng university at dahil iyon sa pagsisikap ko. Pero siya, kahit siguro hindi na siya mag-aral. Mabubuhay pa rin siya.

Marahan kong tinapik ang pisngi niya upang gisingin siya.

"Montemayor, baka lumamig yung pagkain. Gising na, hindi ka pa nakakakain." Kung hindi siguro ako good vibes ngayon. Sinipa ko na siya para gumising.

Agad naman siyang nagmulat ng mata at tumingin sa akin.

"Kumain ka muna bago matulog, wala pang laman 'yang tiyan mo at matutulog ka na. Bawal magpalipas ng gutom, nakakabaog, sige ka." Ngumiti ako sa kanya.

"Nakatulog pala ako." Sabi niya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Tumango siya ng marahan bago tumingin sa akin.

"Magpalit ka muna ng damit at bago ka lumabas okay? Kakain na tayo." I said. Ngumiti ako sa kanya at tsaka lumabas ng kwarto niya.

Lumabas din siya pagkaraan ng ilang minuto. Nakasando at board short niya at masasabi kong ang gwapo niya tignan sa ganoon. Hindi siya mukhang manyak, bastos o demonyo. Basta may kakaiba sa kanya ngayon na hindi ko maipaliwanag.

"Tara na, kumain ka na." Yaya ko sa kanya. Umupo naman siya sa harap ng lamesa kaya nilagyan ko ng kanin ang plato niya at nilagyan ko rin ng sinigang ang isang tasa. Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko 'yon.

"Ang sarap palang may mag-alaga sa'yo." Bigla akong natigilan at napatingin sa kanya ng wala sa oras sa sinabi niya.

"Bakit hindi ka muna umuwi sa inyo? Sigurado namang aalagaan ka roon." Sabi ko. Nilagyan ko na rin ng kanin ang plato ko.

"Hindi, I mean yung ganito. Yung parang asawa kita at pinaghahanda mo ako ng pagkain kasi pagod ako galing sa trabaho. Ang sarap pala sa pakiramdam." Sabi niya.

"Gutom lang 'yan Montemayor! Kumain ka na nga." Sabi ko. Tahimik kaming kumain at binalot ng nakakabibinging katahimikan ang paligid.

Niligpit ko ang mga pinagkainan namin pagkatapos naming kumain. Siya naman ay nanood ng PBA sa T.V Nagpahinga ako saglit pagkatapos kong iligpit ang mga pinagkainan namin. Tumabi ako sa kanya para panoorin ang pinapanood niya. May laro pala ngayon. Finals na ng San Mig at TNT. Mukhang patapos na rin naman ang laban kaya tinapos ko na at nag-champion ang San Mig. Ang galing talaga ng crush kong si Pingris, sayang at may asawa na siya, pero ayos lang kasi may Miguel na ako.

"Montemayor, uuwi na ako. Magpahinga ka na." Sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at parang may hindi masabi. Lumabas na ako ng unit niya ng hindi pa siya nagsalita pero nakakailang hakbang palang ako palayo doon ng biglang may humawak sa braso ko.

"P—Pwede bang samahan mo muna ako kahit ngayon gabi lang? Please? Kahit ngayon gabi lang, samahan mo akong matulog. Natatakot ako."

It's Greg.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

121K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
12.1M 414K 52
All is fair in love and war even among the bekis.
6.3K 107 8
When you have all the money in the world, people immediately assume you're always problem-free. But when it comes to love, not even the high society...