His Possessive Ways (Publishe...

By SiMarcoJoseAko

33.9M 672K 91.7K

Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even t... More

Bachelor Stories Series 2: His Possessive Ways
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Epilogue
Author's Note
Published Under Pop Fiction

Chapter Seven

704K 14.2K 3.1K
By SiMarcoJoseAko

SEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Hayop ka!" Sabi ko sa kanya sabay irap. Ano'ng palagay niya sa akin? Alila?  Na aalilain niya pang habang buhay? Na akala niya mabibili niya ako? Excuse me, mataas ang pangarap kong maging isang broadcaster at makapagtrabaho sa BBC. Feeler 'tong gagong 'to. Akala mo kung sinong gwapo! Maliit naman itlog!

Humagalpak lang siya ng tawa sa sinabi ko.

"Alam mo ba ang organ na malapit sa heart?" He suddenly asked. Ayoko na sanang sagutin ang tanong niya kasi baka puro kababuyan lang ang sasabihin pero wala rin naman akong magawa.

"Ano?" Tanong ko.

"Lungs, ikaw lungs." Sabay hagalpak niya ulit ng tawa. Seriously? Ano'ng natira niya ngayon at ganyan siya?

"Ano ba natira mo at ganyan ka katanga ngayon?" I raised my eyebrow. Akala naman niya nakakatuwa yung joke niya.

"Babae." Simple niyang sagot sabay subo ng kanin. Hindi ako nakapag-pigil at binatukan ko na siya.

"Ano bang problema mo?! Can't you see? I'm eating!" Sigaw niya sa akin.

"Hindi ka na ba talaga magbabago Montemayor? Tell me, kailan nawala ang virginity mo?" Tanong ko. Agad naman siyang tumingin sa hangin at tila nag-iisip.

"When I was in grade eleven, my first girlfriend." He said. Sumubo ulit siya ng kanin.

"Nabuntis mo?" Tanong ko.

"Hindi, gumagamit ako ng protection kapag nagsesex kami. Mahirap na at baka mabugbog ako ng ama ko. Knowing dad, ayaw niyang matulad ako sa kanya." He said.

"Bakit nakabuntis ba ang daddy mo?" Tanong ko. Naiintriga kasi ako sa buhay ng Montemayor na 'to.

"Yep. He got my mom pregnant when he was in Italy to pursue his dream. Unfortunately, my mom left us after giving birth." Kaswal niyang sagot.  

"Baka naman kasi naramdaman na niyang demonyo ang nasa tiyan niya kaya ka niya iniwan. Alam mo na." Sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin sa sinabi ko.

"Ikaw?" He said.

"Wala, nagpabuntis lang din ang nanay ko sa ama kong foreigner tsaka kami iniwan." Simple kong sagot.

"Ah, baka naramdaman din ng tatay mo na halimaw ang magiging anak niya kaya ka niya iniwan." Humagalpak ulit siya ng tawa.

"Gago!" Binato ko siya ng unan sa tabi ko. Pero nagulat ako ng bigla siyang umubo ng sunod sunod. Naalarma ako na baka nabubulunan siya dahil bigla siyang tumawa.

"Montemayor! Hoy, ano nangyari sa'yo?" Nag-aalala kong tanong. Lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod niya kahit na naiilang ako kasi boxer shorts lang ang suot niya.

"M—Mar—quez. I—can't breath." Sabi niya sabay ubo ng sunod sunod. Doon na ako naalarma. Nabubulunan siya! Agad ko siyang pinatayo at niyakap siya sa likod. Nagmumukha tuloy kaming nag do—dog style! Ah—Ano ba 'tong iniisip ko!

"A—Ano'ng g—ginaga—wa mo?!" Sabi niya sabay ubo.

"Bibilang ako ah. Isa, dalawa, tatlo!" Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit sa tiyan para mailuwa niya yung nakabara sa lalamunan niya. Inulit ko ng inulit yung ginawa ko pero walang nangyari. Bigla siyang hinimatay! Jusko! Mamamatay na ata siya!

"Montemayor!" Naalarma ako lalo ng makita ko siyang nakahiga sa carpet ng living room niya.

"Montemayor! Gumising ka!" Niyugyog ko siya ng niyugyog. I check his pulse, buhay pa siya. Kinakabahan ako sa mangyayari

"Greg! Gumising ka! Alam kong gusto na kitang mamatay pero 'wag naman ngayon. Paano kung ako ang pag bintangan nila? Paano kung sabihin na pinatay kita? Gumising ka!" Niyugyog ko ulit siya at pinagtatampal sa mukha.

"Mouth to mouth mo ako." Narinig ko siyang nagsalita. Bigla akong natigilan.

"Ano'ng sinabi mo?" Tanong ko habang nakanunot ang noo.

"Mouth to mouth mo ako, para magising ako." Nanlaki ang mata ko. Niloloko ba ako ng gagong 'to? Bigla siyang nagmulat ng mata at sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mukha niya.

"Nahawakan mo yung abs ko, ano feeling?" Walang pag-aatubiling dinaganan ko siya at pinagsasasakal.

"Hayop ka! Akala ko mamamatay ka na! Akala ko totoo na ang lahat! Siraulo ka!" Sinakal ko siya ng todo dahil gigil na gigil talaga ako sa pagmukukha niya.

"T—Tulong!—ACHK—Rape!" Sigaw niya pa.

"Rape? Hayop ka! Papatayin na kita!" I screamed and he died.

****

"Captain!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Dana. Papunta kasi ako ngayon sa volleyball room dahil mayroon kaming practice ngayon.

"Oh, bakit?"

"May balita ako sa'yo!" Sabi niya. Sumabay siya sa akin ng paglalakad. Kakatapos lang din siguro ng klase niya.

"Ano na naman 'yan?" Tanong ko.

"Hindi mo alam? Yung kay Greg? Di ba lately lagi kayong magkasama?" She said. Ano bang mayroon sa manyak na 'yon? Pakielam ko ba dun. Pagkatapos niya akong paglaruan noong isang araw. Bwisit siya!

"May nabuntis na siya? Ano? Sino ang malas na babae na naanakan niya?" Tanong ko.

"Hindi Captain, girlfriend na niya yung bagong transfer sa CAS building!" Hah? May bago bang transfer sa building namin? At ano bang pakielam ko kung may girlfriend na siya, ulit?

"Oh? Ano gagawin ko? Magtatalon sa CR, kakain ng bubog, o hihithit ng katol?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang taray mo naman, Captain. Sinasabi ko lang sa'yo para updated ka." Wala naman akong pakielam sa buhay ng manyak na 'yon.

"Bakit, sino ba ang malas na babae na biktima niya ngayon?" Tanong ko. Hindi ko kasi kilala yung babaeng tinutukoy niya na kakalipat lang sa CAS.

"Akala ko ba wala kang pakealam?" Tanong niya.

"Bakit masama ba?" Curious kasi ako kung sino ang babaeng 'yon.

"Si Gwen Lim." Bigla akong napatigil sa paglalakad. Wait, wait. Lim?

"Huwag mong sabihin yung anak ng isang heneral?" Tanong ko. Kilala si Gwen Lim dahil na rin sa ama niya na isang heneral at sa pagiging maganda niya. Anak siya ni General Julio Lim. Nakilala ko silang mag-ama sa isang conference na dinaluhan ko nang ipinadala ako ng school doon para maging representative.

"Bagay nga sila Captain. Maganda si Gwen at gwapo si Greg. Tsaka parehas silang G ang sweet 'no?" Ngumisi ako. Good luck sa kanya! Sana makarma siya kay Gwen.

Papaliko na sana kami sa volleyball room ng may biglang umakbay sa akin at walang pag-aatubiling hinatak ako sa papasok sa basketball room.

"Ano na naman ba ang problema mo Montemayor?!" Nandito kami ngayon sa loob ng basketball room kasama ang mga teammates niya na mga nakahubad pa. Naghiyawan pa sila! This is really war. Kung ang ibang babae ay pinapangarap na makapasok sa basketball room para makita ang mga hubad na katawan ng basketball players, ako hindi!

"Captain, bakit barako ang dinala mo dito? Baka silipan tayo niyan!" Sigaw nung isa niyang ka-teammates. Naghagalpakan sila ng tawa. Tinignan ko ng masama yung lalaking nagsabi 'non.

"Don't worry guys, wala namang mawawala sa inyo." Sabi ni Greg. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to eh.

"Kung mang-aasar lang kayo, aalis na ako!" Tumalikod na ako pero hinatak niya ulit ako at ni-lock ang pinto ng basketball team. Nanlaki ang mata ko! Don't tell me they will rape me? No!

"May ipapagawa ako sa'yo." Sabi niya. Ito na ba yung part na sasabihin niya na hahalikan ko siya sa lips pababa sa neck, sa chest, sa abs, sa—No! Ayoko, hindi ko gagawin 'yon!

"Ayoko! Isusumbong ko kayo sa Gabriela, sa office, o sa nanay ko!" Tinulak ko si Greg. Puro pagtataka ang nasa mukha nila.

"Sa tingin mo gagahasain ka namin? Seryoso ka Marquez?" Bigla silang nagtawanan kaya mas lalong nag-init ang ulo ko. Nagulat ako ng may biglang lumapit sa akin at akbayan ako and oh—my! It's my Miguel na ngayon ay walang suot na pang-itaas at tanaw na tanaw ko ang abs niya at and happy trail niya na sobrang sexy! Biglang nag-init ang buo kong katawan lalong lalo na ang mukha ko.

"Natural lang naman na isipin niya na gagahasain natin siya kasi puro tayo lalaki dito at mga wala pang saplot sa katawan. Kaya 'wag n'yo siyang pagtawanan." Bigla akong nakaramdam ng kakaibang feelings. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng tumingin siya sa akin at ngumiti.

"May gusto ka ba sa kanya Miguel?" Biglang tanong ni Greg sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng tumingin siya sa akin at ngumiti ng pagkalawak lawak.

"Ano Miguel? May gusto ka ba sa kanya o wala?" Naiiritang tanong ni Greg sa kanya. Napatigil ang mundo ko sa magiging sagot niya. 

"Paano kung sabihin kong, Oo?" Halos mabingi ako sa narinig ko to the point na wala na akong ibang marinig kung hindi ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sagot niya. Gusto kong sumigaw at magtititili at sa sobrang kilig. Gusto kong namnamin ang pagkakadikit ng mga katawan namin. Ang mainit niyang katawan sa hot kong katawan. I could imagine that we are holding each other hand habang naglalakad sa isang park o kaya namamasyal sa mall na parang mag boyfriend-girlfriend pero mas level up ang aking imagination dahil naiimagine kong mag-asawa kami at may mga anak pa kami. Kinikilig ako! Pero biglang naputol ang lahat ang moment namin ni Miguel ng biglang tanggalin ni Greg ang pagkaka-akbay nito sa akin at siya naman ang umakbay sa akin and worst mas inilapit niya pa ang katawan niya sa akin na tipong ayaw akong pakawalan.

"Well, hindi muna siya pwede mag-boyfriend dahil sa akin siya ngayon. Ako lang ang pwedeng humawak, makipag-usap, makasama at makapiling niya." Diretso niyang sabi at lahat ng teammates niya ay nakatingin lang sa kanya.

"Well, I'll make sure na sa akin siya mapupunta pagkatapos mo sa kanya." Nakangiting sabi ni Miguel. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o hindi pero pinapangarap kong sana ay totoo ang sinabi niya dahil walang pag-aatubiling sasama ako sa kanya at bibigyan siya ng masayang pamilya. Oh Miguel ko!

"It won't happen bro, it will not. I assure that." May kompyansang sabi ni Greg. Nagkatinginan silang dalawa at parang magkaaway na bigla na lang magsusunggaban.

Bumalik ang lahat sa realidad nang may biglang babae ang nagsalita sa likuran namin.

"Greg."

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 107 8
When you have all the money in the world, people immediately assume you're always problem-free. But when it comes to love, not even the high society...
237K 1.8K 5
"M-Master..." kinakabahan kong sabi nararamdaman ko na titig na titig siya saakin di ko kayang tumingin sa mga mata niya nakakatakot parang kakainin...
718K 29.1K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...