The One that got away.....

Autorstwa Theblackwdow

1.8M 34.9K 2.4K

What if the One that got away comes back? Are you willing to win him back just to prove how sorry you are? Ar... Więcej

THE ONE THAT GOT AWAY....
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
Chapter 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
Chapter 42
Chapter 43
CHAPTER 44
Chapter 45
CHAPTER 48
CHAPTER 49
Chapter 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
Chapter 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86

CHAPTER 8

24.2K 481 14
Autorstwa Theblackwdow

 "The Rise.."

I looked around at the bar kasama ng ibang member ng Avery Sorority Group. ito ang organisasyong pinamumunuan ko sa college.

Puro mga babae ang myembro at galing sa iba't ibang course ng BALICUATRO UNIVERSITY.. Ang School namin ay isa sa mga sikat na school sa Pilipinas lalong lalo na sa mga nagbabalak mag-abogado at kumuha ng business course, Sikat din ang aming eskwelahan dahil may sarili itong show sa isang TV station na mapapanood sa buong bansa. Ang mga myembro ay sikat din sa kani-kanilang mga course. I am not taking any girls kung hindi siya extra ordinary. Kailangan may guts. kailangan matalino, kailangan may ibubuga. di baleng hindi maganda basta may alam at hindi tanga. Galing din ang mga ito sa mga prominenteng pamilya.

Kasalukuyan kaming nasa "THE RISE" bar. Isa ito sa mga sikat na bar sa makati at hindi basta basta pwedeng makapasok sa loob. Kailangan may VIP access ka kung gusto mong magpakasaya sa loob.  Kilala ko ang may-ari ng bar. Si Anton, isa sa mga kaibigan ng asawa ni Anna.

Anna got married. Apparently..

at tinanggap niya yun alang alang sa batang dinadala niya.

Hindi ko alam kung tama nga ba iyon..

Yung pipilitin kang magpakasal kahit na labag iyon sa kalooban mo.

But again, that is for the sake of the child.

Sumalubong samin ang neon lights nanggagaling sa bawat sulok ng Bar.

nakikita ko rin ang anyo ng mga usok ng mga taong nagyoyosi sa loob.

mabuti nalang at centralized ang area at talagang high class ang bar na ito.

Walang basta bastang scavenger na makakapasok o sinumang communer na makikisalamuha sa loob.

yun nga lang, maraming mga social climber ang nagpapanggap na mayaman pero di naman.

" Oh my gad is that Kelvin Matematico!!" tinuro ng kasama kong babae ang sikat na basktebolista ng PBA sa team  "BOLTS".

Matic na nagngitngit ang aking kilay. Hindi kami nagpunta dito para sa paglalandi. nagpunta kami dito para magpakasaya, lumaklak ng alak at sumayaw. kung kasama para sa kanila ang paglalandi, pwes makakauwi na sila.

Kanina pa ako naiinis dahil parang mga kiti kiti ang mga kasama ko lalo na ang mga bagong myembro. 

Kunting tingin lang sa kanila ng mga kalalakihan, feeling mo para sa kanila ang mga tingin na yun.

Parang ngayon lang nakababa sa bundok at nakakita ng mga unggoy sa syudad.

Tsk..

Sa mundong ito, TANGANG matatawag ang inosente sa kahit na anong bagay.

Kung pipiliin mong maging INOSENTE, marami ang manlilinlang.. marami ang mananamantala.

pailing iling akong nagtuloy patungo sa nireserved namin room sa 2nd floor ng bar.

Ang iba'y gusto pang magpaiwan pero wala silang nagagawa dahil isa isa ko silang pinandidilatan.

"Girls Boy hunting tayu mamaya!!" sigaw ni Andy ng makapasok kaming lahat sa loob.

humalahaw ang sigaw ng buong Avery Sorority liban sakin. again, hindi kami nagpunta dito para lumandi...

"Let's enjoy the night everyone, walang uuwi ng di lasing!!" nagsigawan uli ang lahat ng myembro at umalingawngaw iyon sa buong kwarto.

I'm not sure kung rinig kami sa labas. ang alam ko ay bullet proof ang pader ng room. hindi ko rin marinig ang tugtog sa labas.

Isa-isang nagsidatingan ang mga inorder namin drinks. Tequilla, Vodka, Rhum, mga light beer at pagkain. 

kanya kanyang kuha at lagok ng inumin ang mga kasama ko. at habang lumalalim ang gabi ay unti unti na rin silang nalulunod sa tama ng alak.

Eksatong alas dose ng madaling araw ng lumabas ako sa room na inupahan namin.

Medyo nahilo ako sa bawat ikot at pagtama ng neon light sakin mata.

Hinila ako ni Tommy. babae siya pero mas gusto niyang tawagin siyang tommy. Nagtungo kami sa gitna ng dance fllor kung saan nakatirik ang posteng bakal.

napangiwi akong pinagmamasdan nagpopole dance ang isang myembro ng Avery group.

humahalaw ang sigaw ng mga tao dahil sa sensual na galaw at pagpitik ng katawan ni Tiffany.

at habang sumasayaw siya ay naiimagine ko rin na buhay ang posteng sumasalo sa pag-indayog ng kanyang katawan.

Her sensual lips teased every eyes stared at her. It's like welcoming every man to her world.

Sandali pa akong natulala.

I'm amazed. 

literally..

I'm good in dancing. May Idea ako sa mga nagpopole dancing. Pero I didn't try even once na gawin ito pero parang gusto kong matuto.

nagpalakpakan ang mga tao pagkababa ni Tifanny. at katulad kanina, bumalik ang anyo nitong nilipad ng pagsasayaw.

high na high pa itong nakikipag-usap sa ibang mga kasama.

nagtungo ako sa bartender para kumuha ng inumin pero agad akong napahinto ng makilala ko ang lalaking kausap ni Shirley.

kinuyom ko ang aking palad at bumuga ng hangin.

may kung anong galit na nabubuhay sakin katawan na hindi ko alam kung hanggang kelan ko pipigilan.

" I like touching you here." malalim ang boses ni rafael habang hinahaplos ang pisngi ng kausap nito.

" and I like the way you touch me too." kinagat ni shirly ang pang-ibabang labi at hinaplos ang braso ni rafael. 

napansin ko rin ang paghaplos ng isang kamay ng damuhong lalaki na'to sa hita ni shirly na gustong gusto naman ng haliparot.

This view is disgusting..

Maruming marumi at hindi kaaya aya.

umigham ako. mabuti nalang at matalas ang pandinig ng dalawa. nag-angat ako ng kilay at pinameywangan ang mga ito.

nakatuon ang aking mga mata kay Shirly na naalarma naman ng nakita ako. We have a deals. lahat kami actually. at bilang myembro ng Avery Sorority group, kailangan sumunod sila kung gusto nilang manatili sa grupo.

bahagyang umiwas si shirly sa katabing lalaki at inayos ang suot na damit.

hindi ko pa rin tinatapunan ng tingin si rafael.nakikita sa gilid ng aking mga mata ang pagkunot ng noo nito na tila baga kinikilatis ako.

"Jocel?" bakas sa boses nito ang hindi pagkapaniwala sa pagkakita sakin.

Hindi pa rin ako tumitingin at lumapit kay shirley.

Pasimple ko siyang tinapik sa balikat at napalunok itong tumayo.

Yan makuha ka sa tingin.

" Ah sige rafael, babalik na ako sa mga kasama ko. nice meeting you." magsasalita pa sana si rafael pero agad ko rin pinutol.

"Don't you dare flirt with my group. stay we're you are monteverde." madiin ang pagbabanta kong iyon sa kanya.

I saw him smirked. and swear, that is the most beautiful smirked I ever since,.

nakakatulala.

nakakadala..

nakakapanghina..

agad akong napapilig ng ulo..

nahihipnotismo na naman ako ng mukha niyang anghel pero demonyo naman pala.

" You're beautiful.. dammed perfect.." kasabay ng mga salitang iyon ay ang hangin tila matagal nang nakastuck sa kanyang tyan.

iyon na naman ang nanakatunaw nitong mga titig.

Ang mga mata nito'y nangingislap. kahit sumasabog sa buong paligid ang ilaw na dala ng neon light ay nakikita ko pa rin yun.

mas nadedepina ng makapal niyang kilay at mahahabang pilikmata.

ang buhok nito ay katulad ng mga bidang bampira sa pelikula. magulo.. pero nakakaagaw ng atensyon.

Tumindig ito. lumunok ako. humahataw ang aking puso sa pagkalabog,

kalabog ng kalabog.

at hindi ko alam kung ano ang nagpapakalabog nito.

nararamdaman ko rin ang pagkabuhay ng mga kulisap na akala ko'y nakalibing na ng matagal na panahon.

"Can we talk?" hindi ko namalayan nakalapit na pala siya sakin.

dumistansya ako bigla.

This is not good.. pakiramdam ko tatraydurin na naman ako ng mga kulisap na nabuhay sakin kaloblooban.

"We have nothing to talk monteverde.. " tumalikod ako at siya namang paghila nito sakin balikat.

"Then let me talk to your friend." para itong naiinis na hindi ko alam.

I saw frustration on his face. 

"No." I snapped then walked away.

Kailangan kong makaalis kung ayaw kong ipagkanulo na naman ako ng mga demonyo sakin katawan.

nang makalayo na ako sa dagat ng mga taong nagsasayawan ay napahinga ako ng maluwag.

nagtungo ako sa CR at umupo sa bakanteng cubicle.

sapo ko ang aking ulo.

halo halo na ang aking nararamdaman.

mabilis ang pagtibok ng aking puso. pumipintig din ang aking sentido.

umiikot ang aking paningin sa tuwing nakikita ko ang puting ilaw ng CR. nabibingi ako sa samo't saring tunog ng sa loob ng bar.

hinilamos ko ang aking mukha at pakiramdam ko ay babagsak ako anumang oras.

Nanghihina ako. at hindi ko alam kung bakit.

ang mga titig niya..

Ang mga matang matagal kung iniwasan makita.

Yung mga matang napakalalim na hindi ko kayang lusungin dahil kung magtatangka ako, malulunod ako.

Narinig ko ang pagpasok ng ilang kababaihan.

Nagtitilian ang mga ito habang nag-aayos ng sarili.

nang maayos ko ang aking sarili ay dali dali akong lumabas ng cubicle.

nagtatawanan ang mga babaeng nandon habang nagmamake up.

"Ang gwapo gwapo talaga ni Rafael!!" napaangat ang aking kilay. pare pareho kaming pinagmamasdan ang mukha namin sa salamin.

"Mismo. pero mas type ko yung Anton. tsaka si Nilo.. diba siya ang may ari ng Buenaventura Palace, ang swerte naman ng girlfriend nun,." bakas sa mukha ng babae ang panghihinayang habang naglalagay ng foundation sa pisngi.

lihim ko silang pinakinggan. aliw na aliw ang mga ito sa panggago ni monteverde sa kanila.

Tsk.. another victim..

nakaalis na sila samantalang ako ay nakatingin pa rin sa salamin.

Kailangan kong ayusin ang aking sarili,

Hindi ako pwedeng magpatalo sa tibok ng aking puso.

Bumuga ako ng hangin ng ilang beses. pagkatapos kong suriin ang aking mukha sa salamin ay lumabas na ako.

Dumapo agad ang aking mga mata sa lalaking dulot ay pambihirang kalabog sakin puso.

kasama na naman nito si shirly at pinipilit na naman makisayaw.

Umiinit na naman ang aking bunbunan.

Oo aminado ako..

Nagseselos ako..

at naiirita ako kung bakit sa lalaki pa ito nababaliw ang aking puso.

"SHIRLY!" napapitlag ito ng makita akong papunta sa kanila. 

nakita ko ang pag-iling ni rafael.

" Jocel pwede ba, hayaan mo na kami ng kasama mo."

"Tumigil ka na dyan kung ayaw mong ingudngud kita sa kinauupuan mo." kanina pa tong si monteverde, kainis. hindi kami malubay lubayan. sinabi nang No boy's allowed sa mesa namin tapos makalapit sa mga kasama kala mo kilala.

"Tsk, ang sabihin mo selos kalang dahil hindi ikaw ang pinansin ko." mayabang na pagkasabi nito.

Nanlaki ang aking mga mata, kung hindi lang masama ang pumatay ng tao, malamang matagal ko nang binalatan habang pinapakuluan sa kumukulong mantika ang mukha ng lalaking ito.

"Hooy, wag kang assuming dyan Monteverde." hinila ko ang kasama kong babaeng lalapit sana rito.

pinandilatan ko ng mata si Shriley.

"Sige mamili ka, ang makipaglandian sa kanya, o ang buhay mo." I swear tototohanin ko talaga ang panggagago sa kanya kung makikipaglampungan to sa lalaking ito.

dali dali naman itong bumalik ng upo.

nakita ko medyo frustrated na si Raffy.

"Nakakabadtrip kana Salvador ha, kung ayaw mong payagan yang mga babae mo, ikaw nalang." sabay hila sakin papuntang dancefllor.

aba talagang nananadya ang damuhong ito.

"Hooy bitawan mo ako." pagpupumiglas ko sa kanya.

"Goodluck dude. roar." I know. it's Anton. what? baka mamaya makarating to kay Ana, nakakahiya.

"Bitawan mo ako sabi eh." nakarating kami sa gitna ng dance floor at bigla nalang akong kinabig.

pareho pa kaming nagkagulatan ng magtama ang aming mga mata. napalunok ako, subrang lapit na ng aming mukha, nakatingin pa rin ako sa kanya.

naramdaman kung ang paghaplos nito sakin likod, pero hindi ko alam bakit hindi ako nagprotesta sa ginawa niya.

sumunod kami pareho sa tugtog ng dancefloor.

I saw him smirked, mukhang nag-eenjoy ang gagong to ah.

"Hindi ibig sabihin na nadala mo ako dito makikisayaw ako sayo." i said in a sarcastic way. 

"Will let see." then he dance like he is seducing me. hawak hawak niya ang kamay ko at siya itong gumagala sa kanyang katawan.

People are staring with us. specially mga babae. 

Shit I hate this guy.

"Wooh!!Tol!!" rinig kung sigaw ng mga kasamahan nito.

hindi pa rin ako gumagalaw at tinataasan ko lang siya ng kilay.

"Anu, gusto mo na ba ako makasayaw? sayang ang damit mo ang ganda mo pa na naman." then he tapped my check na mas lalo kung kinainis.

"Tse!" sabay talikod dito.

sumayaw kang mag-isa mo.

"Wait, wala pang babae ang tumatalikod kay Raffy the great." nahihimigan ko ang pagkainis sa boses nito.

hindi ko siya pinansin, hanggang sa makarating kami sa table ng mga kasama niya. and I therefore conclude, si Anton nga ang kasama nito.

"ano ba bitawan mo nga ako." hinawi ko ang kamay niya.

"Hindi ka ba nagagwapohan sakin?" 

aba talagang malakas ang apog ng lalaking to ah.

Siguro sinalo nito ang lahat ng kayabangan sa mundo.

"Monteverde, kung wala kang matinong gagawin wag mo na kaming istorbuhin, we are here to make fun, not to flirt with you." pinandilatan ko siya ng mata.

I saw him smirk again. and this time, I'm freaking annoying sa ngiti nito. nakakainis!

bakit ang gwapo gwapo niya kapag nangisi siya.

"Be my girl tonight Salvador, I will satisfied your need." at kumindat pa sakin.

Swear, gusto kong dukutin ang kayabangan sa loob ng katawan nito ng mahiya naman siya sa kanyang pinagsasabi.

pero kung hinahamon niya ako, pwes hindi ko siya aatrasan.

I'll make sure na titigilan niya kami.

I wore my flirtatious smile, iyun ngiti na lahat ng lalaking makakakita, they will imagine na gusto ko sila.

iwinagayway ko pa ang aking buhok at dahan dahan pang lumapit sa kanya.

sinulyapan ko muna ang kanyang mga barkada and give them a genuine smile.

at nakita ko siyang napalunok ng laway lalo na nung pinaikot ko ang aking daliri sa kanyang dibdib, pababa sa kanyang abs, hanggang sa kanyang..

"ahhh." seriuosly nagmoan siya sa ginawa ko.

napapitlag pa ito at tumingin sa mga tao, halatang samin ang mata ng lahat. pero mas nakatuon sila sa kamay kong nakahawak sa kanyang ewan..hirap eexplain at ramdam na ramdam ko ang pagkaturn on nito.

napalunok siyang muli

"You're s..so fa..st." halata ang pagiging stutter sa boses nito.

nang magtatangkang hawakan nito ang aking kamay ay bigla ko nang inalis. mukha atang nag-enjoy ito sa pagpisil nun.

tiningnan ko ang mga kasama nito at ngumisi ako.

"Monteverde, hindi ko alam kung anu ba ang nahawakan ko sa parteng yun, but I'm sure hindi ako masasatisfied dyan." sabay turo dun.

biglang namilog ang kanyang mga mata.

at napatingin siya sa ibang mga tao na halatang nagpipigil ng tawa.

Yes, ako ang nagwagi.

gusto kong kantahin yun ng mga oras na yun, pero tsaka na kung talagang nilubayan niya ako,

pero ang gago, hindi nagpatalo at bigla akong kinabig

at walang pasabi sabing siniil ako ng halik.

halik na hindi ko alam kung bakit ko hinahanap hanap.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
2.3M 27.7K 68
#1 IN FICTION #54 IN ROMANCE Thank you all!!! ~~~~~~~~~~ "If love were only feelings, then, there's no such thing as lasting..." "Marrying you is th...
36.6K 1.3K 9
Book 3 of My Aloof Husband
405K 4.3K 55
Si Zabyne ang kabaliktaran ng ideal girl ni Marco...Si Marco ang lalaking hinabol-habol noon ni Zabyne kung saan ginawa niya ang lahat makuha lamang...