His Possessive Ways (Publishe...

By SiMarcoJoseAko

33.9M 672K 91.7K

Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even t... More

Bachelor Stories Series 2: His Possessive Ways
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Epilogue
Author's Note
Published Under Pop Fiction

Chapter Six

709K 15.1K 924
By SiMarcoJoseAko

SIX

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Ang sungit mo." Puna ko sa kanya. Kanina pa kasi magkasalubong ang mga kilay niya habang nagmamaneho. Simula ng hinatak niya ako sa school hindi na maganda ang timpla niya. Parang may bumabagabag sa kanya na kung ano. Baka naman nakabuntis na siya kaya ganyan.

"Manahimik ka na lang d'yan." Masungit pa rin niyang sabi sa akin. Nagsalubong naman ang mga kilay ko. 

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa masungit diyan at pati yung lalaking gustong tumulong sa akin kanina, sinungitan mo na. Gusto lang tumulong ng tao pero kung umasta ka akala mo binili mo buong mall." Napaka ng lalaking 'to! Kung wala lang talaga akong atraso sa kanya, matagal ko na siyang sinipa nang malakas!

"Tsk." Iyon lang ang sinagot n'ya sa akin at itinutok na ulit ang sarili sa pagmamaneho.

"May problema ka ba Montemayor?" Tanong ko ulit.

"Wala!" Sagot niya sa akin.

"Nakipag-break sa'yo yung girlfriend mo, ano?" Humarap na ako sa kanya. Para naman kasi akong nasa sementeryo kanina at napakatahimik. Hindi ako sanay na tahimik ang isang 'to eh.

"Marami akong babae at wala akong pakealam kung makipagbreak sila sa akin. Katawan lang naman nila ang habol ko sa kanila at katawan ko lang din ang gusto nila. Pare-parehas lang kaming nasasarapan sa mga ginagawa namin. Pero sa akin walang mawawala sa kanila meron." Natigilan ako sa sinabi niya. Jusko, kung pwede lang patayin lahat ng lalaking tulad ng gagong 'to, ginawa ko na!

"Eh ano ang problema mo? Bakit kanina ka pa nagsusungit?" Tanong ko.

"It's not your business anymore, at pwede ba? Could you please shut your mouth!" May topak ata 'tong gagong 'to eh. Parang nagtatanong lang ang sungit! 

Prente kong isinandal ang likod ko sa upuan. Ipinatong ko rin ang paa ko sa unahan at ilinagay ko ang dalawa kong kamay sa likod ng ulo ko. Gusto ko nang matulog pero wala naman akong magagawa dahil impakto ang lalaking kasama ko ngayon at ayaw ako tantanan.

"Alam mo Montemayor, darating din 'yang araw mo. Yung iiyak ka dahil sa sarili mong kagagawan." Pag-uumpisa ko. Gusto ko lang ipamukha sa kanya na hindi lahat nasa kanya, na hindi niya pwedeng makuha ang lahat. Di porket mayaman siya, guwapo, matalino. Kaya niya ng kunin ang lahat.

"What were you saying?" Nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.

"True love." Simple kong sagot sa kanya. Kinuha ko ang isang chocolate bar na nakalagay sa parang box sa unahan.

"Seriously? Naniniwala ka sa true love?" Sarkastikong tanong niya.

"Oo. Naniniwala ako sa true love. Kahit papaano babae pa rin ako." I said, sabay kagat sa chocolate ko na chocolate niya.

Tumawa siya ng pagak bago magsalita. "Isa ka rin pala sa mga babaeng naniniwala na may darating na lalaki sa kanila na magmamahal sa kanila ng totoo." Umiling iling pa siya.

"At bakit? Masama? Alam mo ba na sa panaginip ko na basketball player ang magiging asawa ko?" Tumawa lang siya ng mahina.

"Baka ako naman 'yan. Kunwari ka pa kasing walang gusto sa akin. Napapanaginipan mo na tuloy ako." Ang kapal talaga ng pagmumukha ng unggoy na 'to.

"Hindi ah. Imposible ngang ikaw 'yun kasi sa panaginip ko mabait siya, gentleman, macho, at alam kong pogi siya." Kinikilig kong sabi sa kanya.

"Umaasa ka na may ganoon talagang lalaki?" Tanong niya. Siguro wala na rin siyang magawa kaya kinakausap niya na rin ako. Achievement nga dahil hindi ata kami nagbabayangan ngayon.

"Oo naman, sabi kasi nila, kapag mahal mo ang isang tao. You could do everything just to make him or her fall in love to you. That his or her imperfections makes him or her perfect." Palibahasa puro fling lang siya eh. Hindi niya tuloy maranasan yung may babaeng mag-aalaga sa kanya at mag-tetext kung nakauwi na siya, nakakain na ba siya, kung nasa school na siya o kung nambababae siya.

"Really?"

"Hm—mn!" I nod sabay kagat uli sa chocolate ko.

"Hayaan mo, kapag hindi ka na gago, siraulo, manyak o kung ano pa mang negative sa'yo. Mahahanap mo rin 'yang true love mo. Masyado mo lang kasing binubulag ang sarili mo sa mga bagay na humaharang sa feelings mo. Subukan mong buksan ang isip mo, ang mga mata mo at higit sa lahat 'yang puso mo para naman mahanap mo na yung babaeng katapat mo." Seryoso kong sabi sa kanya.

"I don't even believe in true love. Kung mayroong ganon, matagal na sana akong masaya ngayon." Seryoso niya ring sabi.

"Matuto ka naman kasing maghintay, hindi yung puro babae lang ang inaatupag mo. Naku, kapag nakabuntis ka talaga, tatawanan kita nang sobra." Biglang tumigil ang sasakyan at nag-park na siya. Lumabas siya kaya lumabas na rin ako. Kukuhain ko na sana 'yung mga pinamili niya kanina nang pigilan niya ako.

"Ako na." Sabi niya tsaka binuhat yung dalawang malaking plastic ng mga pinamili niya. Nagkibit balikat na lang ako at tsaka sumunod sa kanya.

"Ikaw na bahalang mag-ayos ng mga 'yan diyan sa mga cabinet and cook something. Nagugutom ako." Sabi niya pagkapasok namin sa unit niya. Nagtuloy tuloy lang siya sa kwarto niya at tsaka isinara iyon.  

Hinubad ko lang ang rubber shoes ko tsaka sinunod ang mga inutos niya. Una ko munang sinalansan ng maayos ang mga pinamili niya at inayos ko na rin ang mga stocks niya sa fridge niya. Puro kasi beer at kung anu-ano lang naman ang mga nakalagay sa ref niya. Pagkatapos kong ayusin ang lahat, naghanap naman ako ng maaaring iluto. Tumingin ako sa freezer niya kung may stock siya ng meat. At buti na lang mayroon. Adobong meat na lang ang iluluto ko para sa kanya, tutal masarap naman ako magluto ng adobo. Nagsaing din ako ng bigas dahil hindi naman pwedeng isaing ang kanin kasi nga kanin na, at feel na feel ko rin ang pagiging katulong ko. Minsan lang naman ang ganito at sanay na rin naman ako magluto dahil mag-isa lang ako sa buhay.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto niya. Malapit na rin naman akong matapos sa niluluto ko kaya naghanda na ako ng plato at sigurado akong gutom na ang isang 'yon. Knowing boys, napakalalakas kumain.

"Are you done?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses niya sa likod ko. Sobrang lapit niya at naramdaman ko pa ang init ng hininga niya sa leeg ko. I felt something foreign.

"A—Ano, malapit na akong matapos. Hintayin mo na lang, mga five minutes." Sagot ko. Tinakpan ko ang niluluto ko at humarap sa kanya.

Biglang nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Boxer shorts lang kasi ang suot niya at kitang kita ko ngayon ang halos 90% ng katawan balat niya. Kitang kita ko na naman ang dibdib niya, ang nipples niya, ang abs niya, at ang kanyang mabalahibong legs. Nagawi naman ang mga mata ko sa gitna niyang katawan at—huwag sana akong magkasala sa itaas!

"P—Pwede bang magsuot ka kahit shorts at sando lang? H—Hindi kasi ako sanay na nakakakita ng hubad na lalaki." Sabi ko sa kanya. Umupo lang siya sa harap ng lamesa at tinignan ako.

"As fas as I know, unit ko 'to. Kung maghubad man ako sa harap mo wala ka nang pakealam at kahit pa wala akong suot na kahit ano kayang kaya kong gawin dahil unit ko 'to." Ang sungit!

"Hindi lang kasi ako komportable na makakita ng—"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "Di ba nakita mo na akong naka-brief? Ano pa bang inaarte mo diyan?" Namimihasa na 'tong Montemayor na 'to ah.

"Teka nga, bakit ba ang sungit mo na naman? Mag-isip ka nga Montemayor! Babae ako at lalaki ka. Sino bang hindi maiilang sa itsura mo ngayon na kulang na lang ay hubarin ang kapirasong telang suot suot mo ngayon? Kung mag-asawa ba tayo, why not? Pero hindi eh—"

"Marry me." Natigilan ako sa sinabi niya. Alam kong hindi siya seryoso nang sabihin niya 'yon, pero parang may kakaiba akong naramdaman ng sabihin niya 'yon sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, para akong natatae.

"A—Ano'ng sinabi mo?"

"Pakasalan mo ako, para matigil ka na sa kakasalita diyan. You're so noisy." Bored niyang sabi.

"Bwisit ka! Kumain ka mag-isa!" Umalis na ako sa harapan niya dahil baka mabuhos ko lang sa kanya yung niluluto ko. Nakakainis, akala mo talaga kung sino. Palibhasa anak mayaman! Iipunin ko talaga lahat ng pambwibwisit niya sa akin at ibabalik ko sa kanya ng bonga.

Binuksan ko na lang ang TV sa may living room. Wala rin naman kasing saysay kung papatulan ko pa siya. Maiinis lang din ako sa mga sasabihin niya at sa pagmumukha niya.

Tinignan ko ang relo ko na nabili ko lang sa Quiapo. It's already seven o'clock in the evening. Buti na lang talaga at walang pasok bukas at makakapagpahinga ako ng mahaba-haba. Madalas na kasi ang pagpapractice namin kaya lagi akong pagod. Kumpiyansa akong makukuha ng team namin ang trophy ngayon.  Pinaghandaang mabuti ng mga teammates ko ang National Tournament dahil sawa na kami na laging talo. Gusto ko rin na patunayan kay Greg na hindi ako talunan at hindi totoo lahat ng sinasabi niya.

Biglang tumabi sa akin si Greg na may hawak na mangkok at sarap na sarap sa kinakain niya. Mabulunan sana siya!

"Pwede na palang pagtyagaan 'yung luto mo kahit papaano." Sabi niya sabay subo ng kanin.

"Excuse me?" Baka hindi niya alam na masarap ako magluto, at ano raw? Pwede ng pagtyagaan?

"Sabi ko, ang sarap ng luto mo." Napatitig ako sa kanya. Firstime niya akong pinuri and it's really impossible na isang Montemayor ay puriin ako.

"Buti na lang pinagluto kita, mukha kasing hahanap hanapin ko na 'to." He said.

"Excuse me, 28 days na lang ang pagiging katulong ko. Huwag kang feeler na akala mo pang habang buhay kitang ipagluluto." Inirapan ko siya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.

"I'm pretty sure about it babe. I'll assure na ako lang ang lalaking ipagluluto mo." He said then he wink.

Ano raw?

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Continue Reading

You'll Also Like

121K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
4.3K 19 1
A Collection of LGBT-Themed Stories #3
6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
6.3K 107 8
When you have all the money in the world, people immediately assume you're always problem-free. But when it comes to love, not even the high society...