His Possessive Ways (Publishe...

By SiMarcoJoseAko

33.9M 672K 91.7K

Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even t... More

Bachelor Stories Series 2: His Possessive Ways
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Epilogue
Author's Note
Published Under Pop Fiction

Chapter Three

778K 16.9K 3K
By SiMarcoJoseAko

THREE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)    

Habang naglalakad ako sa hallway ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Marahil ay alam na nila ang nangyari kahapon o kaya naman ay sadyang nagagandahan lang talaga sila sa akin kaya nila ako pinagtitinginan. Pero sigurado ako na ang unang rason ang dahilan kung bakit nila ako pinagtitinginan. Naglakad na ako papunta sa first class ko para pumasok. Isa akong Mass Communication student at graduating na ako next year. Mas pinili kong maging isang varsity player kesa maging miyembro ng school publication. Simula pagkabata, hilig ko na ang paglalaro ng volleyball kaya mahusay ako sa larangang iyon.

Hindi ko pinansin ang mga matatalim nilang tingin sa akin at siguradong pagdidiskitahan na naman ako ng mga babaeng patay na patay kay Montemayor. Nag-ready na rin ako ng speech para mamaya sa office at sa dean. Tatanggapin ko kung ano man ang ihahatol nila sa ginawa ko. Kilala at napakalaking unibersidad ang paaralang ito kaya hindi nila palalagpasin ang ganito, unless ay may sa lahing anghel ang Montemayor na iyon at pabayaan na lang ang ginawa ko. Pero duda akong hahayaan na lang niya ang ginawa ko sa kanya, knowing na isa siyang demonyo.

Naniniwala kasi ako na hindi ko naman kasalanan kung bakit siya nauntog. Kung sana'y hindi niya ako ginulat, hindi ko sana siya itutulak. Konsensya na lang niya kung sakaling patalsikin ako sa paaralang ito.

Lumipas ang ilang klase ko at hinihintay ko pa rin na patawagin ako sa office, at hindi naman ako nagkamali. Bago mag lunch break ay pinatawag na ako sa office, I just ignored their stares. Kitang kita ko na naaawa sila sa akin at iba naman ay nagagalit sa akin, pero kumpiyansa pa rin ako na hindi ako mapapatanggal sa school na ito. Ipaglalaban ko kung ano ba ang tama. Tinuruan akong lumaban ng Nanay ko lalo na't kung alam kong nasa panig ako ng katotohanan.

Akala ko ay ako lang ang pinatawag sa office, pero laking gulat ko na naroon din ang miyembro ng basketball team at ng team ko. Wala lang ang kanilang hambog na captain. Malamang, nabagok ang ulo!

"So, Ms. Marquez is finally here. We could start our discussion." The dean said. Tumalima naman ang iba pang tao roon.

Tahimik lang kaming nakikinig at nakatingin sa dean. Kagabi, inilabas ko na lahat ng luhang pwede kong ilabas. Hindi ko rin naman kasi madadaan sa pagmamakaawa o sa pag-iyak ang pagkawala ng scholarship ko, hindi naman ako isang desperado na mamamatay kapag hindi na nakapag-aral. Maaari naman akong tumigil muna sa pag-aaral at magtrabaho muna at mag-ipon, nakatapos naman ako ng tatlong taon sa kolehiyo at sigurado akong may tatanggap pa rin sa akin. And besides, he deserves it! Masyado siyang mayabang at hambog, akala mo pa kung sino at tsaka matagal ko na talagang binabalak na gawin iyon sa kanya, napaaga nga lang.

"Ms. Marquez, I really don't know kung bakit umabot sa ganoon ang lahat. I couldn't believe that you could do that. You're a dean's lister since you were first year! Matalino kang babae, at sigurado naman akong matino ka, pero hindi ko lubos maisip kung ano ang pumasok sa isip mo para gawin iyon." She said and dissapointment was written all over her face.

"Hindi ko naman po sinasadya, kung hindi niya lang po sana ako ginulat gamit ang isang laruang daga. Di hindi ko po sana natulak ang gagong 'yon." Sabi ko at sinadya kong hinaan ang huli kong sinabi para hindi nila marinig.

"I'm sorry Ms. Marquez?"

"Dean, wala naman pong may gusto ng nangyari. Siya po ang nagsimula at naniniwala po ako na wala akong kasalanan. Kung tatanggalin n'yo man po ang scholarship ko, sige po. Tatanggapin ko po ang hatol n'yo. Tatanggapin ko po kung ano ang parusang ibibigay n'yo, pero sana naman po. Mayroon din siyang matanggap na parusa dahil siya ang nagsimula nito."  Dirediretso at kumpiyansa kong sabi. Totoo naman kasi, hindi ako papayag na ako lang ang maparusahan. Dapat siya rin! Huminga naman nang malalim ang dean sa sinabi ko.

"Isa itong malaking gulo, Marquez. Alam naman natin na malaki at kilalang angkan ang mga Montemayor pero katulad nga ng sinabi mo, walang may gusto ng nangyari." Sabi ni Mrs. Inquillo.

"Dean, ako po lahat ang may kasalanan. Huwag n'yo na pong idamay ang basketball at volleyball team. I'll accept any of your decision. Kung kailan ko pong bumaba sa pwesto ko bilang Captain ng volleyball team. Sige po, malugod ko po iyong tatanggapin." Yumuko ako, kailangan kong magpakumbaba para maligtas ang dalawang team. Kahit ngayon lang sana, tubuan ako ng pakpak at halo sa ulo.

"Captain." Lumapit sa akin si Dana.

"Alright, pinatawag ko lang kayong lahat dito para makumpirma ang nangyaring gulo at dahil parehong Captain ang involved dito, isinama ko na rin kayo. Mr. Greg Montemayor is now okay, hindi naman malala ang nangyari sa kanya but there's one thing na gustong mangyari ng side ni Mr. Montemayor para hindi ka na mapatalsik sa school na 'to." Bigla akong napaangat ng tingin sa dean. Seryoso ba siya? Hindi na ako matatanggal sa school na 'to?

"Totoo po? Hindi ako matatanggal sa school na 'to?" Gulat kong tanong.

"You heard it right, Ms. Marquez." Napangiti ako ng wala sa oras. I looked at my teammates and they are also smilling, habang ang mga matapobreng miyembro ng basketball team ay wala namang reaksyon.

"Pwede na kayong lumabas except of you, Ms. Marquez, may importante pa akong sasabihin sa'yo." Nagpaalam ako sa mga teammates ko bago sila lumabas at sinabihan lang ako ng goodluck.

"Mr. Montemayor insisted na pumunta ka ngayon sa ospital kung saan siya naroroon. He has something to tell you which is really important dahil scholarship mo ang nakasasalay dito." Tumango lang ako sa dean at nagpasalamat bago lumabas. Masaya ako na hindi nawala ang scholarship ko at masaya ako na maaari pa akong makapaglaro sa National Tournament. May sa lahi rin palang anghel ang Montemayor na 'yon.

"I told you." Si Miguel agad ang sumalubong sa akin pagkalabas ko sa office ng dean. Wala ako sa sarili napayakap sa kanya sa sobrang saya.

"O, baka naman mamatay na ako sa sobrang higpit ng pagkakayap mo."  Napabitiw naman ako bigla pero hindi pa rin mawawala sa mukha ko ang ngiti.

"Sorry, masaya lang talaga ako dahil makakapag-aral pa rin ako dito." Nakangiti kong sabi.

"You should thank him." Ngumiti siya kaya nasilayan ko na naman ang pantay at mapuputi niyang ngipin. Tulad ni Greg, may maipagmamalaki rin si Miguel, chinito ito at maganda rin ang pangangatawan, mayaman at habulin din ng mga babae dahil sa gwapo na ito ay hindi pa masungit. Ngunit hindi tulad ni Greg, mabait ito at gentleman. Halos lahat naman kasi ng basketball player dito sa school ay may mga itsura at mayayaman kaya sila lang din ang nagkakasundo sundo.

"Pupuntahan ko nga siya ngayon sa ospital. Wala rin na naman akong klase sa hapon." Sabi ko sa kanya.

"Gusto mo samahan na kita?" Aniya. Agad naman akong umiling, alam ko kasing may klase pa ito sa hapon at masyado ko na siyang maaabala pa kung magpapasama pa ako sa kanya.

"Ayos na ako, ibinigay na naman sa akin ng dean kung saang ospital siya nakaconfine ngayon.  Baka naaabala na kita, may klase ka pa mamayang hapon." Saad ko.

"Pwede naman akong umabsent, gusto ko lang makasigurado na ayos kang makakarating doon." I felt my cheeks burn. He's really sweet! Kahit pala hambog ang captain ng basketball team mayroon pa rin silang matinong miyembro.

"Huwag na, ang laking abala ko na sa'yo niyan. Salamat ulit Miguel." Ngumiti ako sa kanya. Nagpaalam na ako sa kanya at inayos ang mga gamit ko bago lumabas ng school. Nag-iisip din ako kung bibili ako ng kandila para itirik sa labas ng kwarto niya sa ospital, pero dahil naging mabait siya, hindi na ako bibili. Wala rin kasi akong pambili at dalawang piso rin ang pospro.

Sumakay lang ako ng jeep at agad din naman akong nakapunta sa ospital kung saan siya nakaconfine. Sisingilin ko siya mamaya sa pamasahe, ang demanding naman kasi niya at ako pa ang pinapunta sa ospital. Tinanong lang ako ng nurse kung ano ang sadya ko at sabi ko kung may namatay na bang pasyente na nagngangalang Greg, pero sabi nila wala pa naman daw. As usual, disappointed ako pero pinilit ko pa rin maging mukhang masaya. Ayoko namang humarap sa kanya na nakabusangot ang mukha.

Nang makarating ako sa room 666 ay huminga muna ako ng malalim. Sana lang ay hindi niya ako inisin at baka hindi na pala ang maipukpok ko sa ulo niya. Baka masakal ko na siya ng wala sa oras at kung ano pang mangyari sa kinabukasan ko. Hindi na ako kumatok at binuksan ko na ang pinto, but I guess it's a wrong move.

Ganoon na ba siya kadesperado at pati ospital ay hindi niya pinatawad sa mga kababuyan niya? Pati ba naman nurse nilandi na niya. I saw them making out at kung saan saan na lumalanding ang mga kamay ni Greg sa iba't ibang parte ng katawan ng nurse. Hindi pa rin sila tumitigil kaya tumikhim na ako.

"Hindi ba uso sa'yo ang kumatok?!" Sigaw niya sa akin. Agad namang nag-ayos ang nurse at dali daling lumabas. Paano kaya kung hindi pa ako dumating? Gumagawa na kaya sila ng milagro dito? I shook my head to erase my thought.

"Hindi ba uso sa'yo ang magpahinga muna at pati nurse pinatos mo na?" I rolled my eyes.

"Who cares? She's beautiful and sexy, at pumayag naman siyang makipaghalikan sa akin. Kung hindi ka nga lang ata dumating baka nagsesex na kami dito sa kama ko. Istorbo ka lang talaga." Palahin ko ulit 'yang ulo mo eh!

"Ang bastos mo." Nakanguso kong sabi.

"Ang bastos nakahubad, gusto mo ba makita akong nakahubad? Pwede mo akong hubaran dito kung gusto mo, papahawakan ko pa ang gusto mong hawakan sa katawan ko." Hindi ako nakapagpigil at binato ko na siya ng unan na nasa couch. Wala na bang bukang bibig ang lalaking ito kung hindi kababuyan?

"Aba, aba. Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa sa akin? Pwede mo akong mapatay sa ginawa mo sa akin at pwede rin kitang kasuhan!"

"Sana nga natuluyan ka na." Mahina kong sabi at buti na lang bingi siya at hindi niya ako narinig.

"What did you say? May sinasabi ka?"

"Wala." I said in sing-sang.

"Alright, you're here because I want to have an agreement with you." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Kung tungkol sa pera 'yan huwag mo na akong asahan."

"Hindi tungkol sa pera 'to, alam ko namang mas mahirap ka pa sa labandera namin." Aba't! Kung wala lang talaga siyang benda ngayon sa ulo, binatukan ko na siya!

"So, ano nga? Ano'ng gusto mo?"

"Your body. I want you to be my sex slave—ARAY! Ano ba?! Nakakarami ka na ah!" Binato ko ulit kasi siya ng unan at tumama sa ulo niya.

"Umayos ka kasi!" Sigaw ko sa kanya.

"So, as what I've said. I want you to be my personal assistant for a month. Kabayaran na sa ginawa mo sa akin at sa hindi ko pagtanggal sa scholarship mo." Napatigil ako. Isang buwang assistant niya? No!

"Ano ka nahihibang?! Ayoko!"

"You don't have any choice, isang tawag ko lang sa office kaya kong tanggalin ang scholarship mo. Maaari ka pang mapatalsik sa school kung saka sakali. Kaya wala kang magagawa kung hindi sundin ang utos ko." Demonyo talaga! Ayoko namang matanggalan ako ng scholarship, at tama siya. Kaya niyang tanggalin ang scholarship ko at patalsikin ako sa school. He could also sue me in court if he wants.

"Ano? Papayag ka o hindi?" He smirked.

"Oo na! Wala na rin naman akong choice di ba?" I sighed as a sign of defeat. Sana naman maging maganda ang isang buwan ko kasama siya. Sana this time hindi na ako magkasala pa sa taas dahil sa isip ko pa lang pinapatay ko na siya.

"Alright, mamaya na ako lalabas dito sa ospital na 'to. Sasama ka sa akin kahit saan man ako pumunta. Kapag tinawagan kita, pupunta ka. I have my own unit, bibigyan kita ng spare key dahil doon ako laging naglalagi. Kapag may inutos ako, susundin mo at kapag kasama kita ayokong may kasama kang iba. Gusto ko tayo lang, ikaw at ako lang." Sunod sunod na sabi niya kaya tumango lang ako.

"And one more thing, ayokong mag boboyfriend ka."

"Bakit naman bawal akong mag boyfriend aber?"

"Dahil kapag akin, akin lang. Hindi ako namamahagi ng pagmamay-ari ko. Gusto ko nasa akin lang ang atensyon mo, ayaw kong may kahati."

Napatanga lang ako sa sinabi niya.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)    


Continue Reading

You'll Also Like

26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
3.6M 3.9K 1
Now a published book under PSICOM Publishing Inc. Available in bookstores nationwide! Their whirlwind romance ended as fast as it began. When both...
19.8M 401K 43
Published Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3
12.1M 414K 52
All is fair in love and war even among the bekis.