His Possessive Ways (Publishe...

By SiMarcoJoseAko

33.9M 672K 91.7K

Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even t... More

Bachelor Stories Series 2: His Possessive Ways
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Epilogue
Author's Note
Published Under Pop Fiction

Chapter Two

910K 15.8K 2.2K
By SiMarcoJoseAko

TWO

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)    

"Ikaw naman kasi ang may kasalanan, Raisse. Alam mo namang mainit ang ulo n'yo sa isa't-isa pero pinatulan mo pa." Diretsong sabi sa akin Dana. Siya ang tumatayong assistant captain ng volleyball team.

"Gago pala siya eh! Alangan namang hindi ko siya patulan? Di lalo akong ininis ng siraulong 'yon." Inis kong sabi. Marinig ko lang talaga ang pangalan ng Montemayor na 'yon, nagpapantig na ang mga tenga ko. Papasok na kami ngayon sa school at dinaanan ako ni Dana sa apartment para sabay kaming pumasok. Ngayon magsisimula ang pagiging student assistant ko at nananalangin akong hindi ako sa maintenance mapunta.

"That's the point, Raisse! Pinapatulan mo pa. Kung hindi mo na lang sana pinapansin, di wala ka sanang problema ngayon." Sermon pa niya sa akin. Napasimangot lang ako ng wala sa oras. Kung hindi ko lang 'to kaibigan, iisipin kong kay Greg siya kampi. Binati lang namin saglit ang gwardya na si Mang Elijah bago kami pumasok sa loob ng school. Alas otso ng umaga magsisismula ang pagiging student assistant ko at mayroon akong break na isang oras. Kaya hanggang ala-singko ako maglalagi sa school.

"Ikaw na lang ang bahala sa kanila, Dana. Naituro ko na naman sa inyo ang dapat kong ituro." Sabi ko kay Dana.

"Ako na bahala sa kanila, Raisse. Kita na lang tayo mamaya. Una na ako." Ani niya bago kami maghiwalay. Dumiretso naman ako sa OSA para itanong gagawin ko. Agad akong pumasok sa office ng OSA at lumapit sa isang estudyante upang magtanong.

"Ms. Marquez, sa office po kayo ng Dean mag-report. Iyon po kasi ang bilin niya sa amin." Sagot ng isang student assistant ng magtanong ako. Tumango lamang ako at agad na pumunta sa office ng Dean. Kumatok ako ng tatlong beses at tsaka pumasok.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ko ng makita ko kung sino ang naroroon. Ano'ng ginagawa ng tontang ito rito?

"Good morning po, Dean." Bati ko sa Dean at agad na umupo sa isa pang bakanteng upuan. Lumipad naman ang mga mata ko sa lalaking nasa harap ko.

"I have to go, Dean. I hope my suggestion will help you a lot." Nakangiting sabi ni Greg sa Dean. Tumayo na ito at bago lumabas ay kininditan pa ako. Iniripan ko lang siya nang bongga. Akala mo naman kung sinong gwapo!

"So, Ms. Marquez." Panimula ni Dean. Ngumiti naman ako nang bongga. Dapat maging maganda ako sa paningin ni Dean at sa isang airconditioned na room niya ako ilagay. Ang magagandang tulad ko ay sa isang magandang lugar dapat inilalagay. Parang may naririnig pa akong tambol sa magkabila kong tenga habang hinihintay ang sasabihin ng Dean.

"I have already assigned you to spend your eight hours of being student assistant in maintenance office." Biglang nawala ang ngiti sa mukha ko dahil sa sinabi ni Dean. What?! Maintenance office?!

"Dean, bakit naman n'yo inilagay ang beauty ko sa maintenance office? Pwede namang sa MIS mo na lang ako ilagay o hindi kaya ay sa OSA! H'wag lang sa maintenance ng school. Please, Dean." Halos magmakaawa kong sabi.

"My descision is final, Ms. Marquez. Dapat matuto ka sa ginawa mo, hindi pupwedeng hindi mo pagbayaran ang ginawa mo." Mariin na saad ni Dean. Biglang bumagsak ang mga balikat ko at nanghina sa narinig ko.

"At isa pa, Ms. Marquez. Dapat ka rin magsuot ng uniporme ng mga nasa maintenance." Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dean.

"Dean, ayos ng sa maintenance ako. Pero h'wag n'yo naman akong pag-suotin ng uniporme ng mga janitress dito! Marangal na trabaho ang pagiging janitor at janitress pero Dean, sobra naman ata ang ginagawa n'yo sa aking parusa." Reklamo ko. Hindi ko ata maatim na mag-suot ng ganoong uniporme. Pumasok ako rito bilang isang estudyante, hindi bilang isang empleyado. Dapat na ipaglaban ko ang karapatan ko. Oo, tama! Hihingi ako ng tulong sa GABRIELA at ANAKBAYAN.

"It's up to you, Ms. Marquez. Scholarship mo o ang walong oras na pagiging maintenance." Ani ni Dean. Lalo akong nanghina. Ayoko namang mawalan ng scholarship. Ayokong madissapoint sa akin ang Nanay ko na siyang naghihirap at nagtataguyod sa akin.

Muli akong huminga nang malalim tanda nang pagsuko ko. Padabog kong kinuha ang uniporme at magalang na nagpaalam sa Dean. Sakto namang pagkalabas ko ng office ng Dean ay namataan ko si Montemayor na nakasandal sa pader na mayroong ngisi sa labi, pero mas lalo lamang siyang ngumisi ng dumako ang mga mata niya sa hawak kong uniporme.

"Nice." Nang-aasar niyang saad. Uminit naman agad ang ulo ko.

"Ginagawa mo rito?!" Inis kong bulyaw sa kanya.

"Wala lang. Gusto lang kitang makita, masama ba?" Nakangisi niyang tanong. 

"Leave me alone, Montemayor." Mariin kong giit at agad siyang tinalikuran. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang magsalita siya.

"I really love,  Dean Inquillo."

Agad na nagpantig ang mga tenga ko. Unti-unting pumasok sa isipan ko ang paglabas niya kanina sa office ni Dean bago ako pumasok. Dahan dahan ko siyang nilingon at halos maiyukom ko ang mga palad ko sa uniporme kong hawak dahil sa sobrang inis.

"Ikaw ang may pakana ng lahat ng ito?!" Galit kong sigaw sa kanya. Lalo naman siyang ngumisi at maya-maya lang ay bigla na lamang siyang humalakhak.

"Nadali mo, Marquez!" Humahalakhak niyang sabi. Walang pag-aalinlangan akong lumapit sa kanya at agad siyang sinapak sa mukha. Napatumba siya sa ginawa kong iyon at hindi pa ako nakuntento't tinadyakan ko pa ang pare niya. Napahiyaw siya sa sakit sa ginawa kong iyon.

"Demonyo ka talaga! Gaganti ako sa'yo, tatandaan mo iyan!" Galit na galit kong sigaw sa kanya at tsaka siya tinalikuran ng may kaunting ngiti sa labi.

Nakaramdam ako ng gutom sa paglilinis sa comfort room ng mga babae. Iyon muna kasi ang inutos sa akin ng maintenance na linisin ko bago ang sa boys. Hirap na hirap ako sa paglilinis lalo na't maya-maya ang labas pasok ng mga nagbabanyo. Napapatingin ang iba sa akin at ang iba naman ay pinagtatawanan ako. Ang iba naman ay dedma lang sa presensya ko.

Naghugas muna ako ng kamay sa sink ng matapos ako. Nadatnan ko naman si Aling Karmen na nag-momop sa labas. Agad akong lumapit sa kanya.

"Aling Karmen, sabing ako na ho ang bahala sa mga gawain n'yo ngayon. Magpahinga na lamang po kayo." Magalang kong sabi kay Aling Karmen.

"Ikaw talagang bata ka, oo. Kaya ko naman itong simpleng gawain na ito. Parang hindi ko na ito ginagawa sa loob ng labing dalawang taon. Ito na nga ang nakapagpatapos sa mga anak ko." Medyo nakatawang sabi ni Aling Karmen. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Trabaho ko ito ngayon Aling Karmen. Kaya ako dapat ang gumagawa nito. Sige na ho, magpahinga na kayo roon sa maintenance office." Sabi ko at tsaka ko kinuha ang hawak na mop ni Aling Karmen.

"O siya sige, basta't kumain ka pagkatapos mo riyan, maliwanag?" Saad niya. Tumango lamang ako bilang sagot.

Umalis na si Aling Karmen at pinagpatuloy ko lamang ang pag-momop niya. Nang sumapit ang break ko ay agad akong nagpahinga at nagpasyang sa cafeteria na lang ng Uniberaidad kumain. Maraming tao roon at halos lahat ng mga mata nila ay napapatingin sa akin. Sino ba naman kasing hindi mapapatingin eh sa dyosa ako. Ikaw ba naman ang makakita ng dyosang bumaba sa lupa para kumain lang. Hindi ba?

"Isang order nga po ng sinigang at dalawang kanin, Ate Grace." Sabi ko sa tindera. Napatingin naman siya sa akin at halatang nagulat.

"O Raisse, bakit ganyan ang suot mo?" Gulat niyang tanong. Ngumiti lang ako bilang ako sa kanya.

"Kailangan po eh, parusa." Nahihiya kong sagot. Sino ba naman kasing mahihiya kung ang isang team captain ng volleyball team at dean's lister na tulad ko ay nakaganito? Malamang sa malamang, magugulat ang lahat.

"Bitukang lalaki ka talaga, Marquez." Napalingon ako sa nagsalita.

"Pakielam mo?" Masungit at nakangisi  kong sabi ng makita kong may band aid ang gilid ng labi niya. Napuruhan din kita sa wakas, Montemayor.

Hindi siya sumagot. Bumaling lamang siya sa tindera. "Isang order nga po ng menudo at adobong manok. Dalawa rin ang kanin ko." Sabi ni Greg sa tindera sabay abot ng five hundred bill.

"Pakibayaran na rin diyan ang inorder ni Marquez." Dagdag pa niya.

"Kaya kong bayaran ang kakainin ko." Mariin kong giit.

"I insist, besides barya lang naman 'yan." Sagot niya. Hindi ko na siya sinagot. Atleast nga nakatipid pa ako.

"Salamat." Sabi ko kay Greg ng makuha ko na ang pagkain ko. Agad akong naghanap ng pwesto at ng makakita ako ng bakanteng upuan ay dumiretso ako roon. Hindi pa ako nakakapag-breakfast kaya gutom na gutom talaga ako.

"Oh, mabulunan ka. Wala na akong aasarin kapag namatay ka." Umupo siya sa harapan ko pagkasabi niya noon. Dala niya iyong pagkaing inorder niya.

"Pauunahin na kitang mamatay. Siyempre, kapag namatay ka. Maiiyak ako." Sa tuwa. Lihim akong ngumiti sa kanya. Mababawian din kitang Montemayor ka.

Sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo. Wala na akong pakielam kung nasa harapan ko pa si Greg. Panay ang salita niya at hindi ko siya pinapansin. Nang matapos ako sa pagkain ay agad akong tumayo. Inisang lagok ko lang ang tubig sa harapan n'ya at tsaka ko iyon inilapag sa harap niya.

"Solve! Salamat ulit, Montemayor!" Sabi ko ng nakangiti. Agad akong umalis doon.

"Marquez!" Narinig ko pa ang pagtawag niya ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.

Bumalik na ulit ako sa trabaho ko dahil gusto ko ng umuwi at matapos pa itong parusang 'to. Boys comfort room naman ang lilinisin ko at saktong pagpasok ko roon ay nadatnan ko ang isang grupo ng mga kalalakihan. Tinaasan ko lang sila ng kilay at agad silang nagsilabasan. Lihim akong tumawa sa isip ko, iba talaga nagagawa ng isang dyosa.

Naglinis lang ako ng naglinis at medyo nahirapan akong maglinis dahil mga burara ang mga lalaki sa school namin ng gumamit ng banyo. Lumipas ang isang oras at hindi pa rin ako tapos. Buti na lang at walang pumapasok na lalaki sa loob.

Akmang papasok na ako sa loob ng isang cubicle ng mapatili ako dahil sa malaking daga na dumaan sa paanan ko. Napaupo ako sa sobrang gulat at naramdaan ko ang pagguhit ng sakit sa may likuran ko. Napatingin ako sa may daga at nakita kong laruan lamang iyon.

Hirap akong tumayo ng makarinig ako ng tawa sa may labas. Kahit na nahihirapan ako, agad akong lumabas upang patayin ang gagong naghagis ng daga sa pwesto ko. Nakita kong naroroon si Greg at walang humpay ang pag-tawa. Biglang nagdilim ang paningin ko at agad na lumapit sa kanya. Sinamantala ko ang pagtawa niya at walang sabi-sabi siyang itinulak ng malakas.

Nakita ko namang napaatras siya at bigla niyang natapakan iyong mop na ginamit ko kanina at nadulas siya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong tumama ang ulo niya sa pader na nasa may likuran niya. Alam kong malakas ang pagkakatama ng ulo niya roon dahil rinig na rinig ko ang pagtama noon. Naghumerantado ang puso ko at agad na lumapit sa kanya.

"I—It hurts." Dain niya habang nakahawak sa ulo niya. Tinignan ko iyon at halos mapatili ako ng makita kong may dugo roon. Maya-maya pa'y bigla na lang siyang nawalan ng malay.

"Greg, gumising ka!" Kinakabahan kong sabi habang sunod-sunod na pinagsasampal ang pisngi niya.

"What the—?!" Sunod-sunod ang mga lalaking pumunta sa pwesto ko at ang iba roon ay teammates ni Greg. Agad nilang binuhat si Greg at wala akong ibang ginawa kung hindi ang mapatitig na lang sa kawalan.

"Raisse?" Nakita kong lumapit sa akin si Miguel na assistant captain ng basketball team. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"I—I'm so stupid, look what I have done!" Galit kong sabi sa sarili ko. Bigla na lamang akong niyakap ni Miguel ng mahigpit.

"Don't worry, Raisse. He will be fine." Saad niya. Nakaramdam ako ng ginhawa sa presensya niya pero hindi pa rin maalis sa isipin ko na maaring mawala ang scholarship ko o mas malala ay ma-expel ako sa Unibersidad ng dahil sa kagagawan ko. Kinausap ako saglit sa office at agad din pinauwi. Kailangan nilang makuha ang side ni Greg at hindi sila pwedeng mag-desisyon na lang bigla.

Pagkatapos ng lahat ay umuwi na kami. Inihatid ako ni Miguel sa apartment kung saan ako tumutuloy ngayon.

"Don't worry Raisse, everything is gonna be alright." I smiled to him. Si Miguel lang ang isa sa mga close ko sa basketball team, mabait siya at guwapo rin kagaya ni Greg. Pareho sila ng estado sa buhay, mayaman at sa pagkakaalam ko ay matalik din silang magkaibigan ni Greg.

"Thank you Miguel. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Baka tanggalin ng school ang scholarship ko." Napayuko ako. Sa isang iglap, mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko. Sa katangahang ginawa ko, mawawala ang matagal ko nang pinapangarap. Ang maging isang broadcaster.

"Don't lose hope Raisse, I could talk to him." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Hindi mo na kailangang gawin 'yon Miguel, tatanggapin ko ang ihahatol sa akin ng school. Mali ang ginawa ko, buhay ni Greg ang maaaring mawala." Hindi ko napigilang mapaiyak. Bakit humantong sa ganito ang lahat? Suddenly, Miguel hugged me again.

"Shhh, don't cry Raisse. Hindi ako sanay na nakikita kang umiiyak." He whispered. I feel so safe in his arms. Buti na lang talaga nandito siya para i-comfort ako. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung sakaling tanggalin ng school ang scholarship ko, graduating ako at malapit na ako sa pangarap ko pero mawawala na lang ang lahat ng 'yon. I hugged him back, kahit ngayon lang, kahit sandali lang.

"Salamat Miguel." Sabi ko sa kanya pagkatapos. Ginulo lang niya ang buhok ko.

"Wala 'yon, magpahinga ka na. I'll see you tomorrow." He said. I just said my goodbye to him at pumasok na sa apartment na tinutuluyan ko. Agad akong humiga sa kama pagkapasok ko. Ano na lang ang sasabihin ko sa Nanay ko kapag tinanggal ng school ang scholarship ko? Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya kapag nagkataon? Ano na lang din ang mukhang ihaharap ko kay Greg kapag nagkita na kami at ano na lang ang sasabihin sa akin ng lahat kapag nalaman nila ang nangyari? Niyakap ko ang unan ko at doon inilabas ang lahat ng sama ng loob ko.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)    


Continue Reading

You'll Also Like

120K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
3.6M 3.9K 1
Now a published book under PSICOM Publishing Inc. Available in bookstores nationwide! Their whirlwind romance ended as fast as it began. When both...
8.4M 225K 49
Cute and innocent, Desa Franco musters up her courage to confess her feelings for bad boy tattoo artist Baron Medel. When he unexpectedly gives their...
4.5K 195 4
People who are meant to be together will always find their way back to each other. They may take detours in life, but they're never lost.