Playing with the Wrong Girl [...

By WendelRamirez

247K 7.4K 132

What if yung taong lagi nalang merong kalokohan at pang aasar na ginagawa sayo. E ayon pala yung hindi mo ina... More

Prolouge:
Chapter 1: First Day
Chapter 2: Welcome to Our University
Chapter 3: Fight Back
Chapter 4: He's a Good Guy
Chapter 5: Who is this Guy?
Chapter 7: Crush
Chapter 8: Partner
Chapter 9: Go! Zoey
Chapter 10: Audition
Chapter 11: Practice
Chapter 12: Awkward
Chapter 13: Deal
Chapter 14: Friends
Chapter 15: Family
Chapter 16: Mall
Chapter 17: Section 12
Chapter 18: Best Friend
Chapter 19: Brother
Chapter 20: Kuya's Birthday
Chapter 21: Childish
Chapter 22: Nerd
Chapter 23: Movie
Chapter 24: Sleepover
Chapter 25: The Royalties
Chapter 26: Ryu's Feelings
Chapter 27: Girlfriend
Chapter 28: Comfort
Chapter 29: I'll never forget
Chapter 30: Forget About Me
Chapter 31: Forget Him
Chapter 32: Maru's Plans
Chapter 33: Bipolar
Chapter 34: Broken Family
Chapter 35: First Kiss
Chapter 36: Memories
Chapter 37: Dad's Reasons
Chapter 38: Same situation
Chapter 39: My savior
Chapter 40: Fight for Love
Chapter 41: Her Death Anniversary
Chapter 42: Something is wrong
Chapter 43: Broke
Chapter 44: Festival
Chapter 45: Curious
Chapter 46: Seffy's Wish
Chapter 47: Explanations
Chapter 48: Janine's Love
Chapter 49: Red's Problem
Chapter 50: Problem and Solving
Chapter 51: Truth
Chapter 52: Prom Night
Chapter 53: Drunk Confession
Chapter 54: He's Confession
Chapter 55: Status
Chapter 56: Date
Chapter 57: Battle of the bands
Chapter 58: We're Official
Chapter 59: Party
Chapter 60: I miss you
Chapter 61: Misunderstanding
Chapter 62: See you soon
Chapter 63: Surprise
Chapter 64: I will watching you
Chapter 65: It's Over
Chapter 66: It's not over yet
Chapter 67: Muling Pagkikita
Chapter 68: Condo
Chapter 69: Let's be friends
Chapter 70: Give Him another chance
Chapter 71: One more time
♠Epilogue♠
Author's Note
♪ Playlist ♪

Chapter 6: Something

4.8K 136 5
By WendelRamirez


Zoey's POV

Minulat ko ang mga mata ko at nagunat-unat.

Hanggang sa napagtanto ko ang isang bagay... Ang weird ng panaginip ko, meron daw akong kasamang apat na lalaki? At nandun sina alien, band aid boy at kindat boy.

"You're awake"

Nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita at marinig ko sa harapan ko ang naka topless at naka boxer shorts na si alien.

Napatingin ako sa katawan ko, OMG! Meron bang nangyari sa amin kagabi? Iba na kasi ang suot kong damit. Maluwag na damit ang suot ko na kulay black, marahil sakanyang damit ito. At ang shorts ko cycling short parin.

Kinurot ko ang pisngi ko baka binabangungunot lang ako.

"What are you doing?" Nakangising tanong nito.

"Anong ginawa mo sa akin?" Kunot noong tanong ko sakanya

Kung tanong ang tanong niya sa akin, tanong din ang sagot ko sakanya.

Ano ba talaga kasing nangyari kagabi? Bakit wala akong maalala na merong nangyari sa amin? Sa pagkakaalala ko binuhat ako ng isang lalaki at sinabi niyang girlfriend niya ako. Teka siya ba yung lalaking iyon?

"Wala ka bang naalala kagabi?" Nakangising tanong niya

"Wala. Mag tatanong ba ako kung meron?" Kunot noong sagot ko

Napahawak siya sa balikat niya at nagunat-unat na para bang nanglay siya.

"Ang sakit ng katawan ko, dahil sa nangyari kagabi" natatawang sabi nito

"Sira ulo ka! Mabaog kana sana!" Inis na sigaw ko sakanya at pinaghahagis hagis ko sakanya yung mga unan na nasa kama.

Tumawa lang siya "Wag naman, baka magkatotoo eh"

Sana nga magkatotoo!

Humakbang siya palapit sa akin at umupo sa kama.

Ngayon ko lang nakita sa malapitan ang pangangatawan niya. Meron siyang anim na tinapay sa tiyan niya, hindi yan literal ah. Totoong meron siyang 6 packs abs ommmggg! Pahinge kanin! Teka ano ba tong sinasabi ko, mandiri ka nga sa sinasabi mo zoey!

"Ano, hindi kapa ba sawa sa view?" Tanong niya at hindi ko naman siya kinibo "Kung gusto mo gawin natin ulit yung nangyari kagabi" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya, hinawakan ko ang unan na nasa ulunan ko at hinampas ito sakanya.

"Abnormal! Mahangin! lahat nasayo na!" Inis na sigaw ko at patuloy ko parin siyang pinaghahampas.

Akala mo kung sino ka!

Napatigil ako sa paghahampas ko sakanya ng hawakan niya ang kamay ko. Bigla niya akong tinulak, kaya napahiga ako sa kama.

Pumatong siya sa akin, ano ba to! Ang laswa naming tignan sa ginagawa niya.

Nilapit niya ang mukha niya sa kaliwang tainga ko.

"Hindi ako nag enjoy kagabi, dahil hindi ka umuungol" pinamulahan ako sa sinabi niya.

The hell! Ano bang sinasabi niya!? Ganoon ba yun? Hindi mag eenjoy ang isang lalaki kapag hindi umuungol ang babae?

"Mamatay man? Hindi ka nagsisinungaling? Mabaog man?" Sunod-sunod na sabi ko sakanya. Tumawa lang siya at umalis siya sa pagkakapatong niya sa akin.

Nakahinga na ako ng maluwag, tama nga ang hinala ko walang nangyari sa amin. Tawa siya ng tawa eh, kaya halata.

"Don't worry, hindi ko ginagalaw ang mga babaeng hindi gising. Walang excitement na magaganap kung ganun" natatawang sabi nito at humakbang siya patungo sa pintuan.

Napabangon nalang ako mula sa pagkakahiga ko at tinitigan siya.

"San ka pupunta?" Kunot noong tanong ko sakanya

Nilingon niya ako "Sa puso mo, sama ka ba?" Sagot niya "Matagal ng sarado ang puso ko para sa mga sira-ulong katulad mo, kaya hindi kana pwedeng pumasok" I smirk

"Don't worry babalik ako, just wait for me there. Sabi nga niya, kung mahal ka babalikan ka." Kinindatan niya ako, hindi kilig ang nararamdaman ko dahil kinikilabutan ako.

Sorry pero hindi kita mahal.. Tanging gasolina lang at bilihin ang nagmamahal.

"You can use my bathroom, para makaligo kana ang baho mo na e. Tsaka andyan pala sa sofa yung uniform mo, nalabahan na yan. Ay nga pala, pinabilihan kita ng panty mo, para naman makapagpalit ka" napangisi siya

Magsasalita sana ako ng bigla nalang siyang lumabas ng pinto.

Aba! Loko yun ah! Ako mabaho? Wow! Akala mo talaga napakabango niyang nilalang e! Tsaka nagabala pa siyang bumili ng panty? Wow!

Nagtungo ako sa Bathroom niya, at hindi na ako namangha dahil marami na akong nakikitang ganito kalaki at mas maganda pa.

Pagkatapos kong maligo ay nag palit narin ako. Nagulat ako ng pumasok sa kuwarto ang isang babaeng naka uniporme na black and white.

"Good morning ma'am" nakangiti nitong bati

Marahil isa ito sa mga maid niya.

"G-ood morning din po" nagkadautal na bati ko.

Meron siyang hawak na tray na may mga pagkain at inilapag niya ito sa lamesa na malapit sa sofa.

Bago ito tuluyang makaalis ay nagtanong muna ako sakanya.

"Kanino po itong bahay?" Tanong ko sakanya

Naniniguradong tanong lang, malay ko ba kiung sakanilang tatlo ito diba?

"Kay Master Ryu po" sagot nito

Master?

Hindi ko na tinaning kung bakit master ang tawag niya dun dahil hahaba lang ang usapan naming dalawa. Mas bagay pang tawagin yun na MONSTER, kaysa sa master e.

"Ah okay po, salamat" at nag bow sa akin ang babae at tuluyan na siyang umalis.

Nakakabilib naman na sa murang edad niya meron na siyang ganitong kalaking bahay. Should I call it House or Mansion?

"Hoy sugpo!"

"Ay baklang alien si Ryu" napiling-iling nalang ako, maling-mali yung nasabi ko. Bakit ba kasi siya nanggugulat?

Napatingin nalang ako sa kanya.

"Sinong bakla?" Humakbang siya palapit sa akin at napapaatras nalang ako sa ginagawa niya.

Hanggang sa wala na akong maatrasan, umurong ka pader please!

Napakurap nalang ako ng bigla niyang itukod ang mga kamay niya.

"Ngayon, sabihin mong bakla ako, at papatunayan ko sayong hindi ako bakla. Sa pamamagitan ng halik" seryosong sabi nito

Subukan mo lang talagang halikan ako! At hindi ako magdadalawang isip na ipahalik ka sa sahig ng pamamahay mo.

"Ah.. Ehh... Wala joke lang yun. Tawa ka naman" ngumiti ako ng tipid, inalis niya ang ang kamay niyang nakatukod at tinitigan lang ako "Kumain kana at aalis na tayo"

"Huh? Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko sakanya

"Malamang sa school" hinila niya ako papunta sa sofa at inupo niya ako doon.

Huh? Sa school? Talaga ba?

"Kumain kana diyan, kung hindi ikaw ang kakainin ko diyan" napangisi siya

Napakurap ako sa sinabi niya.

Ako kakainin niya? Paano? Pwede ba yun? Gayshit! Alien nga pala siya kaya pwede siyang mangain ng tao.

At sinunod ko ang ginagawa niya. Nag-umpisa na akong kumain, at siya nakatingin lang sa akin na walang reaksyon ang mukha.

"Para kang bata kumain" napahinto ako sa paghinga ko ng ilagay niya ang hinlalaki niya sa gilid ng labi ko.

***

Ryu's POV

Hay nako! Nag pitik bulag lang naman kami kagabi, kung sino kasi ang matatalo sa amin. Sakanya mapupunta itong sugpong ito.

Why did I call her sugpo? I don't even know why I called her like that.

As usual talo ako kaya ito nandito siya sa pamamahay ko. Nakakaasar kasi, siya yung natulog sa kama ko at samantalang ako nagpakahirap matulog sa sofa.

Mahirap ng magtabi kami, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Meron pa akong magawa sakanyang kakaiba, diba?

Hay, ang sakit parin ng katawan ko kahit sa sofa ako natulog. Hindi kasi ako sanay na matulog sa sofa, kaya may ibang parte ng katawan ko na nangangalay.

Iba ang suot niya dahil pinapalitan ko siya ng damit niya sa maid ko. Pinagpapawisan na kasi siya kagabi, kahit naka air-con itong kwarto ay tagaktak parin ang pawis nito. Pinaasikaso ko siya kay Lily, upang mabawasan ang init nito sa katawan sa pamamagitan ng pag punas ng towel na may tubig na malamig.

Yung Black na t-shirt niya akin talaga yun at yung panty na sinasabi ko sakanya pinasadya ko talagang bilihin yun. Ang effort ko no? Hindi pa kami niyan close ma effort na ako paano pa kaya king maging kami na. WAIT, WHAT DID I JUST SAY?

Nakakatuwa siyang biruin, nag tanong ba naman siya kung ginalaw ko ba daw siya kagabi?! The hell! Kahit maghubad siya sa harapan ko, hindi ko yan gagalawin. Pero joke lang pala hahaha. Ewan ko ba pero ang sarap-sarap niyang biruin, nakakatuwa kasi yung mukha niya pag naiinis.

Bumalik ako sa realidad ng iabot niya ang kutsara na merong kanin at ulam.

"Gusto mo?" Kunot noo ko siyang tinignan at umiling-iling ako "Kanina kapa kasi tulala sa pagkain ko, baka kako nagugutom kana rin" tinignan ko lang siya at hindi kinibo ng ilang minuto

Busog na busog na ako kanina pa, hindi niya lang alam na palihim akong dumadampot ng grapes sa plato niya.

Maya-maya pa'y natapos na siyang kumain at naglakad na kami patungo sa garage ng bahay.

"Bro, good morning" kumakaway na bati ni Blaze.

Kahit kailan talaga hindi talaga siya nag sasabi na pupunta siya dito sa bahay.

"What's up Bro, at good morning miss" nakangiting sambit ni Red

"G-ood morning" nahihiyang bati niya at napayuko nalang siya.

Magpapahatid kami sa driver ko, dahil ayokong mag drive. Pag katapos ba naman ng nangyari kagabi, medyo hindi ko parin magalaw ang kamay ko ng maayos.

Hanggang sa pumasok na kami sa sasakyan, sa limousine. Tama, naka limousine kami, para naman magkakaharap kaming mag-usap.

Hanggang sa sumakay na kami ng sasakyan, bale pinagigitaan nina blaze at red si sugpo at ako nasa isang tabi lang, hindi pala tabi dahil nakaharap ako sakanila tatlo. Bale magisa lang ako sa upuan ko

"Meron bang ginawa sayo si Ryu kagabi?" Nagaalala tanong ni Blaze at bigla niya akong tinitigan ng matulis.

"Wala naman, teka paano ba kasi ako napunta sa bahay niya?" Nagtatakang tanong niya

Napabuntong hininga nalang si Red na akala mo ang laki-laki ng problema sa buhay niya.

"Wala ka bang naaalala kagabi?" Tanong niya at umiling-iling naman siya hanggang sa napaisip nalang siya.

"Ang pagkakaalala ko, merong bumuhat sa akin tapos sabi niya girlfriend niya daw ako" nakangusong sabi nito

Girlfriend? Ni shin itong sugpong ito?

"Huh! Girlfriend ka ni Maru Shin?!" Medyo tumaas ang boses ko na naging sanhi naman para matuon ang atensyon nilang tatlo sa akin.

"Gay! Hindi nakikinig kagabi sa sinabi Maru..." Napailing-iling nalang si Red at napakunot nalang ng noo si Blaze at si sugpo takang-taka sa sinabi ko

"Sabi nga ni Maru diba, hindi niya to girlfriend nasabi niya lang daw yun dahil sa lalaking muntik manghalay sakanya" pagpapaliwanag ni Blaze

Nanlaki ang mga ni Sugpo ng marinig ang sinabi ni Blaze.

"M-muntik na akong halayin kagabi?" Pumiyok pa ito

Tumango-tango sakanya si Red.

"Buti nalang nakita ka ni Shin kagabi, kung hindi.. Good bye virginity kana" nakangising sabi ko na kinaseryoso naman ng mukha niya

"Virgin kapa?" Nakangiting tanong ni Blaze

Hay nako blaze! Lahat nalang talaga ng babae, tinatanong niya pa ng ganyan.

"Abno! Baka matakot yan sayo blaze dahil sa pinagsasabi mo" kunot noong sambit ni Red sakanya at pinisil pa ni red yung kanang pisngi ni Blaze.

At napansin kong napayuko nalang siya sa mga nangyayari.

"Nasan ba yung Maru?" Tanong niya habang nakayuko parin

Lumapit ako sakanya.

I pinched her chin para umangat ang tingin nito. Napalunok nalang ako ng makitang nangingilid ang mga luha nito.

Kaya bumalik ako sa pagkakaupo ko ng makita ko ang mga mata niya.

Napakalungkot ng mga nito at meron pang halong inis at galit.

Binigyan siya ng panyo ni Red at kinuha naman niya ito. Pinunas niya ito sa mga luha niyang patuloy parin sa pagbagsak.

Hinagod ni Blaze ang likuran nito para patahanin.

Ganyan ba talaga ang pakiramdam pag muntikan ng mahalay? Siguro nga, dahil hindi ko naman alam yung pakiramdam ng mahahalay dahil takot lang nila sa akin no. Baka ibitin ko sila matiwarik pag nagkataon!

"Pwede niyo bang ikwento ang lahat ng nangyari kagabi?" Tanong niya habang nakatakip ang mukha niya ng panyo.

Nagkatinginan kaming tatlo at nag sensyasan na sila nalang mag kuwento sakanya.

Hanggang sa na naikuwento na lahat-lahat sakanya nina Red at Blaze ang mga nangyari sakanya.

Saktong-sakto naman pagkatapos mag kuwento nila. Nakarating narin kami sa school.

Naunang bumababa si Red at sumunod naman si Sugpo sakanya at si Blaze hanggang sa ako nalang ako natira sa loob ng sasakyan kaya bumaba nalang din ako.

Naglalakad kami at nag silapitan nanaman ang mga babaeng maraming dala-dala na kung anu-ano. As usual pinalibutan nanaman kami ng mga tauhan ko para hindi sila makalapit sa akin.

"Bakit kasama nila yung babaeng yun?" Narinig kong bulong ng isa

"Ewan ko"

"Baka inaakit niya yun"

Tinitigan ko lang sila ng matulis at napamulsa nalang ako.

Hindi ba pwedeng magsama-sama ang mga estudyante sa kapawa niya estudyante?

Napahinto nalang kami sa paglalakad at nanlaki ang mga mata ko ng biglang merong bumato sakanya ng lobo na merong tubig.

Sinong may gawa nun? Ang sabi ko sakanila wala munang magaganap na pagbato ng kung anu-ano sakanya e.

"Aba! Sinong..." Napatigil sa pagsasalita si Red ng magsalita si Sugpo "Okay lang ako, mauuna na ako sainyo" pagkasabi niya ay naglakad siya ng mabilis palayo sa amin.

Hanggang sa nawala nalang siya sa paningin namin.

***

Red's POV
Naglalakad kami patungo sa building namin. Nakatingin lang ako kay Kyo dahil napaka ganda niya ngayon. Napaka ganda? Saan naman nanggaling yun?

I choose to call her Kyo dahil cute ito, parang siya.

Basta, hindi ko maalis ang mga mata ko sakanya. Pinagigitnaan namin siya. Parang sa F4 lang ang ganap.

Napahinto kami sa paglalakad namin ng biglang meron nalang nanggaling, sa kung saan yung lobong merong tubig. Pumutok sakanya ito kaya nabasa siya.

"Aba! Sinong.." Napatigil ako sa pagsasalita ko ng biglang nagsalita si Kyo "Okay lang ako, mauuna na ako sainyo" at bigla siyang naglakad ng mabilis papalayo sa amin.

"Sino yun?" Inis na tanong ni Ryu

Walang nagsalita hanggang sa may napansin nalang kami, isang kamay ang nakaturo sa isang lalaki.

Pinatunog ko ang mga joints ko mga daliri at lumapit ako sa lalaki.

Nang makalapit ako ay agad ko siyang sinuntok. Kwinelyohan ko siya, upang hindi siya masyadong makagalaw.

Hindi na sila naawa sa kanya, sa pagkakaalam ko kasi pinatigil na ni Ryu yung plano niya, yung plano niya whole year na pag wewelcome sakanya. Pero ito parin si g*go hindi nag paawat, na excite ata sa pag wewelcome. Kaya ito patuloy parin siya sa pag wewelcome kay Kyo.

Patuloy ko parin siyang pinagsasapak sa mukha niya.

"Red tama na yan" matigas na sabi ni Ryu sa akin at hinawakan ako ni Blaze sa braso ko para tuluyan na akong tumigil.

Hindi ko alam pero parang may something sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Sa something na yun, nangingibabaw yung awa ko sakanya.

Lumapit si Ryu sa lalaki

"Pag bilang ko ng tatlo, dapat nakaalis kana sa harapan namin" tinitigan niya ito ng matulis at nag umpisang magbilang "Isa... Dalawa" biglang lumapit si Blaze sa lalaki at hinawakan niya ito sa damit niya upang mapatayo ito.

"Kung ako ikaw, hindi ko iinisin ang leader ko. Kasi pag nagkataon, baka mapatay ka niya sa sobrang inis niya" seryosong sabi ni Blaze sakanya.

Tinabig naman ng lalaki ang kamay ni Blaze kaya napabitaw nalang si Blaze mula sa pagkakahawak sa lalaki.

Kinuyom ko ang kamao ko, at aakma na akong susuntok. Hanggang sa pigilan ako ni Ryu.

"Hayaan mo na, ako ng bahala sakanya" pagkasabi niya ay bigla nalang tumakbo ang lalaki, na pata bang hinahabol ng mababangis na lobo.

"Habuling niyo" utos ni Ryu sa mga lalaking nakapaligid sa amin, at agad naman itong sinunod ng mga alagad niya.

Anong meron sakanya? Meron na bang something sakanya? Hindi kaya meron na siyang gusto kay Kyo? Teka ano ba itong sinasabi ko? Baka nagkataon lang na asar na asar siya ngayong araw, dahil sa mga nangyayari.

I sigh

Baka nga.

===

Vote or Comment :D

Continue Reading

You'll Also Like

327K 10.3K 48
[UNDER-EDITING] Kilalang masungit, insensitive, snob at bitter si Ella Jade Santiago and no one dares to give a care to her not until she meets Akie...
285K 8.1K 65
Highest rank:#22 in teenromance Higehst rank:#71 in teenfiction Ang isang Amazonang katulad nya?nainlove sa playboy na kinaiinisan nya? Started:Augus...
17.6K 702 55
HASHI CADEZALA MORALES (CADS) [unedited] "We might have been scarred by the past, but always remember to think about the things that we have learned...
31.4K 1.4K 60
Hindi ka ba crush ng crush mo? Pero gusto mong mahulog sya sayo? Edi ano pang hinhintay mo? Basahin mo na'to para mabasa mo ang 11 na paraan para mak...