SOLD TO THE BILLIONAIRE

By RHNA24

82.9K 2.3K 39

[COMPLETED ✔️] Coleen Andromeda used to live her everyday hellish life. The word pain is not new to her at al... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 48

959 30 0
By RHNA24

Chapter 48

“He is my friend’s son. Hindi mo siya kakambal. And please Aquila, turn my phone off.” This is my first time using my strict voice and my daughter were shocked at that.

Napaamang ito sa akin at ilang ulit na napakurap pero sa huli ay sinunod naman ang utos ko. Her green eyes screams curiosity but stopping herself because I said so. Hindi ko alam na may litrato pala ako ni Caleb. Siguro ay ‘yong pinahiram ko siya ng cellphone.

“But how can you explain that, mom?” Her forehead creased. “bakit po magkamukhang-magkamukha kami? We also have the same green eyes.”

“Aquila, stop asking.” Nagsisimula na akong kabahan. Matalinong bata si Aquila kaya alam kong madali niyang malalaman ang totoo. “Go to the chair and behave. I’ll finish your food, okay?”

Hindi ko na siya hinayaan na makapagsalita at tuluyan ng tinalikuran para tapusin ang nilulutong fried rice. Narinig ko ang papalayong yabag ng bata at nang mapasulyap ako ay nasa hapag na ito.

I took a deep breath and sigh. Para akong mahihimatay sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko wala akong kawala sa aking anak kapag nalaman niya ang totoo.

I’m sure my daughter will hate me for hiding the truth.

“Here. Eat now and rest. Aayusin ko lang ang gamit mo sa loob.” Saad ko at maingat na inilapag ang mga pagkain niya.

Hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo bago siya iniwan doon. Pumasok ako sa kwarto at sinimulang ayusin ang kanyang mga gamit. Now that my daughter is here, it’s too risky if I’ll take her outside. But I had no choice. Ayoko namang ikulong ang anak ko rito at hindi ipasyal.

There’s a big possibility that they will meet but I won’t let that happen. Mas bumibigat ang mga tanong ng anak ko ngayong nakita niya si Caleb. Kapag kasi ipagtatabi ang dalawa, para talaga silang magkakambal.

Kaso ayoko namang malaman nila ‘to na iisa lang ang kanilang ama. Ayokong saktan ang anak ko na lumaking naghahanap ng tunay na ama. Pero kung ikukumpara rin kay Caleb, lumaki rin itong naghahanap ng aruga ng isang ina.

Kaya naguguluhan ako. Napapagod na akong mag-isip sa kung anong dapat na gawin.

I feel like something is missing but I don’t know what is it. Nasa puso ko, sinasabi ng damdamin ko ngunit hindi mahulaan ng utak ko. Hindi ko maibuka ang bibig para masabi ‘to. Nasa dulo na ng aking dila ngunit parang may pumipigil sa aking magsalita.

Hangga’t narito ang anak ko at may malaking posibilidad na magkikita ang landas nila ng ama niya, hindi dapat ako magpakampante. Dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Casper kapag nalaman niyang may mga anak kami.

Tinapos ko ang ginagawa sa kuwarto at binalikan si Aquila sa kusina. Tapos na itong kumain at ang mga pinagkainan nito ay nasa sink na. My daughter is in the couch while busy with my phone.

Bumuntong hininga ako at nilapitan ito para kausapin. Mukhang nagtatampo dahil nakasimangot ang paslit.

“Akala ko ba magpapahinga ka?” Masuyo ang boses na tanong ko rito. Hinahaplos ko ang kanyang buhok habang pinapanood ito na naglalaro ng minecraft.

“Later on, mom. Pahinga po muna ako kasi busog po ako.”

I hummed and nodded. Seryoso ang anak ko na nakatutok sa phone at kilala ko siya kapag ganito kaseryoso.

“Are you mad, baby?” I asked her. Tumigil ito sa paglalaro at nilingon ako.

“I’m curious, mom, not mad. Iba po ‘yong pakiramdam ko no’ng makita ko ‘yong picture. Tell me, mom. Who is that boy? Is he really not my twin brother?” her curiosity made me swallowed hard.

Ito ang kinatatakutan ko kay Aquila, ang pagiging palatanong niya.

My lips thinned and sigh. Alam kong hindi ko kayang tanggihan ang anak ko at habang nakatitig siya ngayon sa akin ay wala na akong ibang pagpipilian.

“He’s Caleb. Anak siya ng kaibigan ko.”

“May kaibigan ka po dito sa Maynila?” She frowned. “I thought you grew up in davao..”

My heart beat quicken. Kinakabahan ako pero nagawa ko paring ngumiti sa ‘king anak.

“I grew up here, Aquila. Dito nakatira si papa kaya dito kami lumaki. Pumunta lang kami sa davao noong pinagbubuntis ko na kayo ni Alora.”

Her lips thinned. “So that means my father is.. here. Right, mom?” she sounded excited.

Isa itong karayom sa akin na tumusok sa puso ko. Ang boses niya, ito ‘yong boses ng pangungulila. She want to meet her father even if she don’t ask me about it. Alam kasi nito kung ano ang palagi kong sinasabi kapag hinahanap niya sa akin ang kanyang ama.

And it hurts me. Masakit para sa akin na ina niya dahil kailangan kong ilihim ang lahat para hindi ito masaktan.

“But Manila is too big, anak. You can’t meet your father here.” Kahit p’wede naman kitang dalhin sa kanya.

“Ow, really?” Lumungkot ang mukha nito at parang pinilipit ang puso ko sa nakita. “Mom, will you get mad if I say that I want to meet my father?”

Nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko. Ayoko makita niya akong ganito kaya niyakap ko siya at itinago ang paglandas ng luha sa pisngi.

Damn. Akala ko ayos lang ‘tong ginagawa ko. Akala ko para ‘to sa ikabubuti ng anak ko. Aquila may be a kid but she grew up smart. Alam kong darating ang araw na ‘to 

I kissed her head while still hugging her. “I-I’ll try, okay? I will try, Aquila.” Pinipigilan kong mabasag ang boses ko. Hindi ko hinayaan ang anak ko na kumalas sa pagkakayakap. I don’t want her to see me crying.

“Really? Thank you, mom!” She cheered. Napakasaya ng boses niya at tila ito sampal sa akin.

She’s looking forward to seeing her father. Yet I’m not so sure if I prepared my self for this. Parang napakabilis ng lahat. Parang sa isang iglap lang ay may malaking pagbabago sa buhay ko. Lahat ng pinaghandaan at desisyon ko noon, pakiramdam ko hindi matutuloy dahil sa anak ko. Siya ang kahinaan ko.

I lick my lower lip and wipe my tears. Alam kong mahahalata ni Aquila na umiyak ako kaya sinadya kong hindi mapatingin sa kanya.

“Rest now, Aquila. Mamamasyal pa tayo mamaya.” I kissed her forehead. Naramdaman kong tumango ito bago nagpaalam at patakbong umalis.

When my daughter is gone, I took a deep breath. Nanghihinang napasandal ako sa couch at napatitig sa kisame.

What should I do right now? Alam kong pinanghahawakan ni Aquila ang sinabi ko at alam ko ring kailangan ko itong gawin. Kung sana gano’n na lang kadali ang lahat, matagal ko na ‘tong ginawa.

I texted Dio if he’s still awake and when he replied, I got out in my room. Magkatabi lang ang room namin kaya madali para sa akin na pumunta dito.

“What happened?” He asked when he saw me with my swollen eyes.

Walang ano-ano’y niyakap niya ako at doon ay napahagulhol na ako sa kanyang dibdib. I clutch his shirt while weeping into his arms. I just couldn’t handle the pain. Nagkahalo-halo na ang emosyon na tumatakbo sa sistema ko at hindi ko na alam ang gagawin.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

“Come on in, Coleen. You need to calm down.” Inalalayan niya ako papasok at pinaupo sa couch doon.

Pinunasan ko ang luha na kumakalat sa aking mukha habang humihinga ng malalim. Inabutan ako nito ng tubig kaya nagpasalamat ako bago ito ininom.

“Are you calm now?” He softly asked.

Tumango ako at binaba ang basong hawak sa lamesa.

“What happened?” Muli ay tanong niya habang pinapanood akong kumalma.

Napabuntong hininga ako at napatungo. Si Dio lang ang makakausap ko ngayon at alam kong matutulungan niya ako dito.

“It’s about Aquila..” I trailed. “She’s looking for his father.” Nag-angat ako ng tingin sa kanya at hindi man lang makikitaan ng gulat sa mukha niya. Sa tingin ko inaasahan niya na rin mangyayari ‘to 

I told him everything what happened earlier. Kung gaano kagusto ni Aquila na makita ang ama nito. Kung gaano kasaya ni Aquila na malamang nandito ang ama niya. Wala akong pinalampas na kuwento, lahat sinabi ko pati na rin ang batang nakita ni Aquila sa litrato.

“May kapatid si Aquila sa ama?” Tanong ni Dio na napasinghap sa gulat. “Damn.. it blown my mind.”

“Tell me, Dio. What I’m supposed to do? Alam kong maghihintay si Aquila. Aasa siya.”

“Then tell her everything, Coleen. May karapatan ang bata na malaman ang totoo. Ang lahat ng itinatago mo.”

“But it will hurt her, Dio. Masasaktan ang anak ko..”

“Sa tingin mo hindi siya nasasaktan ngayon?” Natigilan ako. “Look, Coleen. Bata pa si Aquila pero iba na ang tumatakbo sa isip niya. Oo marami tayo sa paligid niya, nagmamahal sa kanya at inaalagaan siya pero alam kong iba parin ang aruga ng isang ama. If you will just tell her the truth, I know she will understand you. Sabihin mo na sa kanya, insan. Sabihin mo na ring patay na ang kakambal nito.”

It made me speechless. Alam kong naiintindihan ako ni Dio dahil sa mga pinagdaanan ko pero nakukuha ko rin ang punto niya tungkol kay Aquila.

I know I’m selfish. Naging makasarili ako at iniisip ang mararamdaman ko sa oras na malaman ni Aquila ang totoo. Tama si Dio, hindi ko pa man nasasabi sa kanya ay nasasaktan na ang anak ko. Sa kaalamang wala siyang totoong ama at ang kakambal niya’y wala na.

“Pero desisyon mo parin ‘to.” Napabuntong hininga ito. “alam kong nasaktan ka ng sobra. Sobrang hirap ng pinagdaanan mo at hindi ko maiintindihan kailanman ang sakit na pinagdaanan mo. Choose wisely, Coleen. Sa ngayon, h’wag ka nang mag desisyon ng padalos-dalos. Nandiyan na si Aquila na maaapektuhan sa mga gagawin mo.”

I weakly nodded. Napakadaling sabihin ngunit napakahirap gawin at tuparin. I felt like I’m being sandwiched between two important decisions. Naguguluhan na ako kung ano ang uunahin ko.

Hindi na rin ako nagtagal doon dahil kailangan ko ng bumalik at maglinis. Mayamaya pagkagising ni Aquila ay ipapasyal ko siya. Nagbabakasakaling malihis ang kanyang atensyon tungkol sa ama niya.

While waiting for her to wake up, I clean the room even though it’s already clean. Wala lang akong magawa sa totoo lang. Tapos na ang trabaho ko at wala akong mapagkakaabalahan. Ayoko namang umalis nang hindi kasama si Aquila. Ayoko siyang iwan dito at baka hanapin ako.

Gusto kong makita si Caleb kung p’wede lang sana. I miss that little kiddo. I miss hanging out with him. Kaso ayokong pumunta doon nang walang sapat na dahilan. Hindi pa naman maganda ang huling punta ko doon. I will probably hurt my self again.

Halos isang oras na nakatulog ang anak ko at pagkagising nito ay inayusan ko na para makapasyal na kami. Nagpaalam lang kami kay Dio bago tuluyang umalis gamit ang nirentahan nitong sasakyan. Wala naman itong balak umalis kaya pinagamit niya muna sa amin.

“Mamita said that I’ll buy her souvenirs. Can I, mom?” My daughter asked. Nasa biyahe pa kami at as usual, napakahaba na naman ng traffic.

“Sure, baby. We’ll buy her some souvenirs.”

“As well as tita Nicky, tita Nica and nanay Rona?”

I chuckled. “Of course. Including them, Aquila.”

“Bibilhan ko rin si tita Guin! She always gave me chocolates so I’ll buy her chocolates too.”

“Matutunaw ang tsokolate kapag ‘yan ang binili mo, Aquila. How about dresses? Or stuff toys for her baby.”

“Hmm. Okay!”

Napangiti ako. Inabot ko ang pisngi nito at mahinang pinisil. Pumirmi naman ang anak ko ngunit panay ang tingin sa labas at tanong sa mga gusaling nadadaanan namin. Like what I always said, she’s too curious to her surroundings. Hinahayaan ko lang dahil at least marami siyang natututunan.

Nakarating kami sa mall nang mahigit isang oras kaya bago mamasyal ay kumain muna kami dahil mamaya ay mahaba na ang pila. She chose her favorite fast food restaurant: Jollibee. Nakaalalay lang ako rito dahil masyado itong makalat kumain ng spaghetti. 

“Aquila, slow down please. Hindi ka mauubusan.” Paalala ko rito pero dahil puno ang bibig ay tumango lang ito.

Napailing ako at nagsimula na ring kumain. Nagmamadali ang anak ko sa pag kain dahil gusto ng mamasyal at bumili ng mga pasalubong.

Kaya bago mainip ang anak ko ay binilisan ko na rin sa pag kain bago kami umalis sa naturang fast food. Hinayaan ko ito na pumasok sa gusto nitong boutique. Nakasunod lang ako sa kanya at naka-alalay sa mga dapat na bibilhin.

“Coleen? Is that you?”

Mula sa pagtutok kay Aquila ay lumipat ang tingin ko sa tumawag sa akin. Gano’n na lamang ang pag-awang ng labi ko nang mapagsino ang nasa harapan ko.

“Onyx!” Napahakbang ako palapit sa kanya at hindi mapigilang yakapin ito.

It’s been so many years since I last saw him! Ang laki ng pinagbago ni Onyx. Mula sa katawan niya at maging sa mukha! He looks handsomer than before. Ang moreno nitong balat noon ay ngayo’y mestiso na. Matangkad na rin ito at hanggang dibdib lang ako. He looks mascualine too. Mukhang batak sa gym.

“Hindi ako makapaniwala na makikita kita dito. It’s been so many years. Bigla ka na lang nawala.” Kumalas ito sa pagkakayakap para tingnan ako.

Nakangiti lang ako dahil totoong masaya ako na makita siyang muli.

“A lot happened, Onyx. I needed to leave.” I said. “pero hindi lang ikaw ang nagulat, pati rin ako. Hindi ko inaasahan na makikita kita dito. You worked here?” pinasadahan ko ang itsura niya. Naka-uniporme kasi siya katulad ng mga staff dito. Ang kaibahan lang ay kulay pula ang sa kanya at may name tag rin sa may dibdib niya.

“Yeah. Assistant manager ako rito. May chine-check lang akong mga gamit sa kabilang aisle tapos nakita kita. Mas lalo kang gumanda.”

Napatawa ako. Nahihiya naman ako sa sinasabi niya.

“Mas lalo ka ring gumuwapo. Panigurado may asawa’t anak ka na noh?” Biro ko pa pero napakamot lang ito sa batok.

“Nah, hindi ‘yan pumasok sa isip ko. Abala ako sa trabaho para pagkaabalahan ang ibang bagay.”

“Huh? Why not?” napalabi ako. “you should enjoy your life better, Onyx. Pero sa bagay, gwapo ka naman kaya pagpipilahan ka sigurado.”

Napahalakhak ito. Napagmasdan ko tuloy ang malalim nitong biloy sa pisngi. Onyx really changed a lot and he’s a lot more attractive now. Kung noon madami ng nagkakagusto sa kanya, paano nalang kaya ngayon?

“Mommy? Mommy! How about this?”

I shifted my eyes to my daughter who’s approaching me. May dala itong dress na katamtaman lang ang laki kay Guin.

“That’s right, baby. We’ll get that.” I said.

Napangiti ito at nagtatakbong lumapit sa akin saka ibinigay ang damit na pinili niya.

“Is she.. your daughter?”

Nag-angat ako ng tingin kay Onyx. Mababakas ang gulat sa kanyang mukha habang nakatingin sa aking anak.

“Yeah..” I trailed off. “She’s my daughter.”

RHNA24 | rhiena manunulat

Continue Reading

You'll Also Like

18K 71 10
I don't own this Creepypasta or any sonic characters. All I own is the plot of the story. --------------------------- Your a cult leader desperate to...
2.7M 178K 87
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
8K 167 8
Guide: Y/N = Your Name E/C = Eye Color H/L = Hair Length H/C = Hair Color F/C = Favorite Color It's been years since I fell into this world. Living...
57.4K 1.1K 24
You enrolled into an school where you can only get by by gambling but someone knows how good you are .A student catches on ...