SOLD TO THE BILLIONAIRE

By RHNA24

82.9K 2.4K 39

[COMPLETED ✔️] Coleen Andromeda used to live her everyday hellish life. The word pain is not new to her at al... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 47

983 25 0
By RHNA24

Chapter 47

Buhat-buhat ko si Caleb papunta sa opisina ni Casper dahil ayokong gisingin ang bata para lang dito. Napapatingin sa amin ang ibang empleyado ngunit wala na akong pakealam doon. Gusto ko lang makarating sa opisina ni Casper para maayos na makatulog ang bata.

Si Mattias ang umalalay sa akin sa taas nang makarating ako. Ito ang kumuha sa mga paper bags na bitbit ko at dinala ito sa loob ng playroom ni Caleb. I entered in Casper’s office and I made sure that I won’t wake up this little kiddo. Nang makita ako ni Casper ay mabilis itong tumayo at kinuha sa akin ang bata. Ito na mismo ang nag lagay sa bata sa malaking sofa na naroon.

“I’m sorry about this. Nakakaisorbo pa yata kami sayo.” Si Casper na napabuntong hininga matapos kumutan ang bata gamit ang coat niya.

“It’s okay. Hindi naman kayo nakakaistorbo sa akin. I actually love being with him.” I smiled.

Mukhang nagulat si Casper sa sinabi ko dahil napalingon ito sa akin. He lick his lower lip as he brush his hair using his fingers. Napa-iwas ako ng tingin at bahagyang tumikhim. 

“Thank you..” he trailed off.

Tumango ako nang hindi parin tumitingin sa kanya. Ewan ko ba pero hindi ko makayanan ang tingin niya. Kaswal naman ang pagtrato namin sa isa’t isa ngunit alam kong may iilang pagbabago na hindi ko masabi.

I want to talk to him, honestly. Ang dami kong gustong malaman pero wala ako sa posisyon para alamin ito. Kung hindi pa nga nag sabi sa akin si Caleb, hindi ko pa malalamang patay na si Lilliene.

“Are you going home right now? P’wede ka bang manatili dito at kumain kasama ako? Uhm, it’s a small token for taking care of my son.”

Napatingin ako sa kanya. Ilang ulit na napakurap sa kanyang alok at nagdadalawang-isip kung tatanggihan ko ba ito o hindi.

Pero mukhang wala naman siyang ibang gusto kundi ‘yon lang dahil napakaseryoso ng kanyang mukha. His lips thinned and averted his gaze. Napakamot ito sa noo at malalim na napabuntong hininga.

“But it’s okay if you won’t. I understand.” Bawi nito nang hindi ako makatugon.

Pinanood ko lang siyang tumalikod matapos halikan sa noo ang kanyang anak. Saka ko lang rin napansin ang mga paper bags sa kanyang mesa na alam kong pagkain ang laman.

I took a deep breath. Wala namang masama sa alok niya. He said that it’s only a small token for taking care of his son. Then alright, I’ll accept it.

“Wala naman akong sinabi na ayoko. Hindi pa ba tayo kakain?” Agaw ko sa kanyang atensyon nang magsimula siyang mag trabaho.

He looked up to me with his shocked eyes. Tipid na ngumiti ako at iminuwestra ang kamay sa center table doon.

“Shall we?” Dahan-dahan ang pag tango niya. Nauna na akong pumunta doon at naupo sa katapat na upuan kung nasaan si Caleb.

Kampante naman akong hindi magigising ang bata dahil napakahimbing ng tulog nito. I can even hear his faint snore.

“Wala ka pa bang ibang tatrabahuin? I thought you’re busy.” Saad nito nang maupo siya sa tabi ko.

I gasped and heaved a deep sigh. Alam kong malayo ang distansya naming dalawa pero ano ‘tong nararamdaman ko? Nakakagago naman.

“Kaunti na lang ang tatapusin ko. The CEO will be here soon and you will meet him eventually. Sa tingin ko ito na ang huli nating pagkikita.”

Napansin ko ang bahagya nitong pagtigil pero mayamaya ay nagpatuloy rin.

“I see. Malapit ka na palang umuwi.”

I hummed. Inabot ko ang binigay niyang pagkain at mahinang nagpasalamat.

“Kapag tapos na talaga ang kailangang tapusin dito, uuwi na ako. Ayokong mag tagal dito.” Binuksan ko ang lalagyan at nagsimulang kumain nang hindi tumitingin sa kanya.

I can feel his stares but that’s it. I can’t looked at him now. Isa pa, gutom na rin ako at gusto ko lang kumain.

“Is it because of me?” mahina nitong saad ngunit rinig na rinig ko. “nagmamadali ka bang umuwi dahil sa ‘kin? You can’t stand being alone with me even just for a second. Baka nga ngayon napipilitan ka lang.”

Natigilan ako sa pag kain. Hindi ko alam kung saan hinuhugot ni Casper itong sinasabi niya ngunit isa rin ito sa dahilan kung bakit. Nasasaktan akong makita siya at kung umakto ay parang wala lang nangyari sa aming dalawa noon. Pero may isa pa akong dahilan na ayokong mangyari.

“Lolokohin ko lang ang sarili ko kapag sinabi kong hindi,” napabuntong hininga ako. Tutal sinimulan naman niyang pag-usapan ito, itutuloy ko nalang. “It’s partly the reason why I want to go home as fast as I can. Kasi lolokohin ko rin ang sarili ko kapag sinabi kong hindi ako nasasaktan kapag nakikita ka. Every time I see you, it hurts me. Every time you’re acting like nothing happened between us, I can’t stand it. Sa totoo lang ayokong bumalik dito sa Maynila dahil ayokong makita ka. Kaya gulat na gulat ako nang malaman ikaw pala ang kikitain ko.” Tumingin ako sa kanya. Nakayuko lang siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. “you gave me trauma, Casper. Gusto kong isumbat lahat sayo ang nangyari pero naalala kong may utang na loob parin ako sayo. Galit na galit ako ngunit hindi kita kayang saktan. Lahat ng sakit na nararamdaman ko noon ay kinimkim ko lang dahil ayokong malaman mo ‘to. I loved you so much that it hurts me a lot. You’re like a poison in my being, Casper.”

Silence filled the whole room. Napasinghap ako at nag-iwas ng tingin nang maglandas ang luha sa aking pisngi. I bit my lower lip while trying to calm down. I don’t want to break down in front of him. I don’t want to experience that pain again. I thought I’m already healed, but since I saw him once again, the trauma came back.

“I.. I don’t know if my sorry is enough to take away all the pain that I’ve cause. I know it’s stupid, though. Paano naman mapapawi ng isang sorry ang paghihirap na naranasan mo.” I can sense the bitterness in his voice. Hindi ako nakatingin sa kanya ngunit alam kong umiiyak siya dahil sa pagkabasag ng kanyang boses. “But still.. I’m sorry. I’m so, sorry, Coleen. M-My life was messed up and I don’t know if I can fix it alone. A-Alam kong huli na para pagsisihan ang lahat. Alam kong napaka-imposible ng ibalik ang dating tayo. I know I can’t take back the time and redo everything I did. But.. but I hope you can still hear me? Can you still.. listen to me? Please?”

Napapikit ako. Masaganang luha ang tumakas sa aking mata at hindi ako nag-abalang punasan ito. Napakasakit. Sobrang sakit ng mga pinagdaanan ko at hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ang pakiusap niya.

He inflicted a huge pain in my life. Natuto na ako at ayoko ng bumalik sa dati kahit gusto kong marinig ang kanyang sasabibin. I can’t risk my self. Someone is waiting for me.

“I.. I can’t..” Pumiyok ang boses ko. Napaluha ako at mabilis itong pinunasan. “ayoko na, Casper..”

Sobs filled the whole room. Maski siya ay naririnig kong napapahagulhol. This is my second time witnessing his cries and it’s still painful. Ganito talaga siguro kapag may mga pagkakamaling nagawa sa nakaraan at hindi na kayang ungkatin ngayon. Kasi napakahirap.

It’s between your thoughts and feelings.

Our feelings sync right now. Nahihirapan, nasasaktan at naguguluhan. Alam kong pareho kaming nasasaktan ngayon ngunit mas malala ang sakit na naranasan ko. I’ve been through a lot than him. Kaya ganito ako at hindi kayang gawin ang pakiusap niya.

It will just hurt me and I’m not prepared for it. Ayokong ibalik sa kamiserablehan ang sarili ko.

Hindi ko alam kung paano namin natapos ang pagkain nang hindi nag-iimikan. Maski si Caleb ay hindi nagising sa ingay namin na pinagpapasalamat ko. Ayokong malaman ng bata ang ugnayan namin ng ama niya noon. 

Nakauwi na ako’t lahat-lahat pero naiwan ang utak ko sa nangyari kanina. Blankong nakatitig ako sa kisame habang nakahiga sa kama. I felt tired not physically but emotionally. Nakakapagod talagang umiyak.

Ilang minuto akong nasa gano’ng posisyon nang mapagdesisyonan kong mag bihis ng bagong damit. Winaglit ko lahat ng mga iniisip kanina para makapagsimula ng mag trabaho. So far, I’m doing good while finishing the last part of my job here. Pagkatapos nito, si Dio na ang bahala sa lahat.

Medyo matagal bago ako natapos pero ayos lang dahil wala naman akong ibang gagawin. I just made sure that everything I prepared are completed.

Kinabukasan ay text ni Dio ang bumungad sa akin. Pinapaalalang darating sila mamayang alas siyete. Maaga pa pero nagsimula na akong mag-ayos para mamaya ay aalis na lang ako agad. Mahapdi ang mata ko habang naliligo pero hindi ko na ‘to pinansin. It's swollen but I can hide it by concealer. Ayokong malaman ng anak ko na umiiyak ako.

Pagpatak ng alas siyete ay umalis na ako para sunduin sila. Traffic as usual pero maayos naman akong nakarating sa airport.

“Salamat manong.” Inabot ko sa driver ang bayad bago tumalikod at pumasok sa airport.

Nag-text na sa akin si Dio kung nasaan sila kaya doon ako dumiretso at hinanap ang dalawa. Maraming tao pero hindi naman ako nahirapan sa paghahanap.

“Mommy!” Aquila exclaimed in so much happiness when she saw me walking towards them.

Nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko at umuklo para tanggapin ang yakap ng anak ko.

“Mommy! I missed you!”

“I know. And I missed you too, baby.” Napasinghap ako. Ilang ulit kong pinatakan ng halik ang kanyang ulo. “Miss na miss kita, anak ko.”

She giggled. Humigpit ang yakap niya sa akin kaya kinarga ko na dahil mukhang wala itong balak na lumayo.

“How are you, insan? Are you alright here?” Tanong ni Dio at tanging pagtango ang tinugon ko rito kahit medyo hindi naman totoo. 

“Yeah, I’m fine. I just missed my daughter.” I said. “and the transaction went well. Gusto kang makausap ng personal ni mister Miranda.”

Napatango si Dio. Ang mga mata nito ay bahagyaang nalungkot at nahaluan ng pagsisisi.

“I’m sorry, insan. I didn’t know that the CEO in Miranda shipping line was the person who..” hindi nito maituloy ang sinasabi pero alam ko ang nais nitong sabihin.

“Kanino mo nalaman?”

“From my mom.” He sighed. “I’m really sorry.”

“It’s okay, Dio. Hindi mo kasalanan kasi wala ka namang alam na siya ‘yon. It’s alright, you don’t need to say sorry.”

“But are you alright?” his voice were so concern. “alam mo naman kung anong nangyari..”

“Maayos ako, sa tingin ko.” I faint a small smile. “nakaya ko na makaharap siya. Pero limang taon na ang nakakalipas at masakit parin talaga. He’s acting like nothing happened.”

“He’s an ass—” tumigil ito at napatitig kay Aquila, hindi naituloy ang pagmumura dahil sa bata. “you know what I mean. But let’s not talk about him. Ako ng bahala sa iba at magpahinga ka na lang kasama si Aquila. That girl miss you so much.”

I nodded. Hinaplos ko ang ulo ni Aquila at hinalikan ito.

“Salamat at dinala mo siya rito.”

“She insisted, actually. Narinig niya ako na pupunta ng Maynila kaya sumama talaga. Pumayag naman si mommy kasi gustong-gusto ka ng makita ng bata.”

“And I want to go here too!” Singit ni Aquila na napakalas sa yakap.

“Oh, really?” pinisil ko ang pisngi nito. “I thought you’re being a good girl huh.”

“I am. Uh, sometimes?”

Napatawa ako. Gigil na hinalikan ko si Aquila sa kanyang pisngi at himagikhik lang ang bata.

“Ikaw talaga, napakakulit mo.”

Dio rented a car for us after a while of staying in the airport. Nasa biyahe kami ay bibong-bibo si Aquila habang nakatingin sa labas ng bintana at pinapanood ang mga nagtataasang gusali. Maraming gano’n sa davao pero iba parin sa Maynila. It’s much more bigger than in our city.

“Mom can we go there?” turo ni Aquila sa Mall na nadaanan namin.

I nodded. Wala naman akong trabaho mamaya kaya p’wedeng-p’wede.

“Of course. But later, baby. Saka na kapag nakarating tayo sa hotel, kailangang magpahinga ng daddy Dio mo.”

“Okay po!” umayos na ito ng upo pero ang paningin ay nasa labas parin ng bintana.

I heaved a deep breath and sigh. Now that my daughter is here, I felt complete. Hindi na ako mag-aalala dahil kasama ko na siya ngayon. Hindi na ako magtitiis dahil mayayakap ko na siya.

Naka-book na ng hotel room si Dio at doon siya mananatili habang magkasama kami ni Aquila sa room ko. Tatlong araw na akong nandito pero sa tingin ko hindi agad ako makakauwi. I guess I need to stay here for a while. Gusto kong ipasyal ang prinsesa ko rito. Bukod rin doon, may dapat akong gawin. 

Nang makarating sa hotel, ibinigay sa akin ni Dio ang maliit na bag na ang laman ay mga damit ni Aquila. Ito nama’y dumiretso sa room nito para magpahinga.

“Aquila, hindi ka ba magpapahinga?” Tanong ko sa paslit na dumiretso sa kama at tumalon-talon.

“No. I’m fine, mom. I want to play.”

“You’re not tired?” kumunot ang noo ko at ibinaba ang bag sa kama. Sinenyasan ko siyang lumapit na ginawa naman nito. “mahaba pa naman ang biyahe niyo.”

“I slept in the plane so I’m not tired.”

I nodded. Inabot ko ang suklay sa side table at sinimulang suklayin ang buhok nito.

“But still, you need to rest. Paano kung mapagod ka mamaya habang namamasyal tayo?”

“Iidlip lang po ako mamaya.” Sagot nito na nagpangiti sa akin.

I braid her hair into two parts. Medyo kulot ang buhok ni Aquila pero hindi naman magulo at nabubuhol ng sobra. Her hair is healthy. Kapag nakalugay ang buhok nito ay nagmumukha itong spring.

“Have you eaten yet?” Inayos ko ang buhok niya at nang masigurong okay na ay saka ko siya binitawan.

“Konti lang po. Hindi pa kasi ako gutom.”

“Alright, I’ll just prepare your food.” Hinalikan ko ito sa noo bago siya iwan doon na nilalaro na ngayon ang cellphone ko.

Pinaghanda ko siya ng hotdog at bacon tsaka fried rice na gustong-gusto niya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon sa kusina dahil lumabas ng kuwarto si Aquila bitbit ang cellphone ko.

“Mommy? I have a twin sister, right?” Aniya habang papalapit sa akin.

I frowned at her question. “Of course, Aquila. Ano ba ‘yang mga pinagsasasabi mo?”

Bahagyang kumunot ang noo nito. “So, who is this boy in your phone? We really, really look alike. Kakambal ko parin po ba siya?” Saad nito at pinaharap sa akin ang selpon na may litrato ni Caleb.

RHNA24 | rhiena manunulat

Continue Reading

You'll Also Like

126K 2.5K 33
This is an alternative universe of the Maze Runner series. It's basically the same except everyone has a soulmate and they can find their soulmate by...
202K 6.6K 28
"WHEN FIRE MEETS FATE" Princess Daiyin of the Fire Nation has been chosen to train the new Avatar in her fire bending skills. The rather practical, s...
57.4K 1.1K 24
You enrolled into an school where you can only get by by gambling but someone knows how good you are .A student catches on ...
2.7M 179K 87
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...