Legends of Olympus (On Hold)

By mahriyumm

2.4M 185K 257K

In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students... More

Legends of Olympus
Born Ready
Family
Future Rising
Olympus Academy
The Omegas
Emergence
Game of Thrones
Price of Power
Responsibility
Balance
Spells
Reputation
Thunder Child
Groceries
Skies
Love Story
The Omega Way
Amnesia
Figures
Pandora
Taking the Lead
Languages
Auraic Studies
Ultimate Control
Deep Sleep
Curiosity
Black Market
Frustrations
Top Student
The Tenth
White Knights
Australia
North America
Destined
West Asia
Africa
Europe
Loyalty
South America
East Asia
The Noise
Blackened
Interrupted
Breakthrough
Revived
Crises
First Strike
Reapers
A Stone
The Commander
Aftermath
True Power
Reign
Deadly Relief
Consequence
Parental Guidance
Checklist
Rumors
Wishes
Betelgeuse
The Strongest Bond
Romeo and Juliet
Closer
Preparations
Annual Olympics I
Annual Olympics II
Obsessions
Entranced
Labyrinth
Imprisoned
One at A Time
Guardians
War of Powers
War of Hearts
Nothing Left To Say
Gifted
Rock Climbing
Masquerade I: Glass and Shield
Masquerade II: Blood and Poison
Masquerade III: Veil and Thorn
Masquerade IV: Riptide and Flame
Masquerade V: Tethered Tempest
Unmasked
Betrayed
Crack of Dismay
Remedy
Mysteries
Isles of the Blessed
Anchors
Puppet Master
Announcement: Life's Surprises
Queen of Kings
Orion Organization
Veils
Elysian War I
Olympus Academy I Gifts Set
Elysian War II
Elysian War III
Sweet Sixteenth (Special Chapter)
Detached
In Between
Invisible
The Erinyes
Mastermind (OA Book II Raffle)
Achilles' Heel
The Fall
Heartless

Life of the Party

19.8K 1.6K 3.3K
By mahriyumm

Amber's POV

Pinaningkitan ko si Denzel, isang Alpha, na nasa kabilang dako ng mahabang bar counter.

Pinapalibutan kami ng mga estudyanteng naghihiyawan at inaalok na kaming simulan ang pag-ubos ng sampung shots ng tequila.

Tig-iisang hanay kami nito sa gitna ng mesa.

"Kinakabahan ka ata, Amber," aniya.

Kinisap-kisap ko ang aking mga mata sa kanya. "Para sa'yo po, tito."

Hindi ko gusto yung class nila pero di naman ibig sabihin nito di na ako gumagalang sa mga nakatatanda sa pamilya.

At kaya tinawag ko siyang tito ay dahil anak siya ni Lolo Hephep!

"Alright, challengers, to your first station!" sigaw ng Gamma na nakatayo sa mesa.

Pumunta kami sa tapat ng unang baso namin.

Ipinilipit ko ang aking mga daliring nangangating kunin ito.

Yung totoo, napadpad ako rito kasi pinilit ako ng mga miyembro ng cheering squads na sumama sa kanila para tumagay at mag-disco.

"Ready!"

Yumuko ako.

"Set!"

Kinuyom ko ang aking palad.

"Go!"

Masasabi kong dinaanan ng hangin ang kalahati ng mga baso ko dahil sa naisip kong technique: uminom nang hindi humihinga.

Napatakip ako ng bibig nang hindi ko sinadyang masinghot ang tequila. Ngunit nang makita ko si Denzel na nasa pang-apat na niyang baso, mabilis kong kinolekta ang sarili ko.

Nakasalalay ang reputasyon ng mga kaklase ko rito! Para sa Omegas!

Huminga ako nang malalim saka mabilis na inangat ang kasunod kong baso. Hindi maiguhit ang aking mukha nang sapilitan ko itong nilunok at marahas na binagsak ang baso sa mesa.

Angat. Lunok. Bagsak. Angat. Lunok. Bagsak.

Ilang beses ko itong ginawa hanggang sa makaabot ako sa huling baso at kadadampot lang din ni Denzel nung sa kanya.

Sa sandaling iinumin na niya 'yon, nagawa ko nang itulak pababa sa aking lalamunan ang huling shot ko ng tequila.

Itinaas ko ang maliit na baso sabay sigaw, "Wala pa ring magbabago, mga ulol! Omega pa rin ang magwawagi!"

Lumakas ang hiyawan ng mga estudyante.

"Our winner!" Kinuha ng Gamma ang kamay ko at inangat pa ito dahilan na mapatingkayad ako. "Amber! Daughter of the light and the bearer!"

Tangina. Dumadalawa na yung paningin ko- ay hindi. Tumatatlo na ata.

Binaba ng Gamma ang kamay ko kaya naibaba ko na rin ang shot glass sa mesa.

"Amber! Amber! Amber!"

Suot ang isang malapad na ngiti, kinawayan ko silang lahat na sinisigaw ang pangalan ko.

"Alright!" Biglang umalingawngaw ang boses ng DJ. "Everyone let's give it up for the one and only captain of our cheerleading squad! Amber!"

Sabay na naghiyawan at nagpalakpakan ang mga estudyante.

Samantalang, pabiro ko silang inirapan at umaktong tinatabig ang mga puri nila.

"Ano ba..." nahihiya kong sabi. "Ang dali naman kasi no'n..."

Mamamatay na ako.

At sigurado ako kasi ramdam ko na. 

Ramdam ko na ang unti-unting paghihiwalay ng kaluluwa ko mula sa katawan ko.

"Amber! Tara sa dance floor!" alok ng isa sa assistant captains ko kasama ang ibang miyembro.

Mabigat akong humilig sa counter at kinawayan sila. "Susunod lang ako!"

"We'll be in front of the DJ Booth, okay?!" Nilakasan niya ang boses niya nang marinig ko. "We'll come back for you if you won't come!"

Tumango-tango ako habang kinakawayan sila.

Nang makaalis na sila ay dahan-dahan kong inangat ang aking sarili at umupo sa isa sa bar stools.

Itinaas ko ang aking kamay para senyasan ang bartender na nagliligpit ng shot glasses.

"T-Tubig..." Tila tumanda ng ilang taon ang boses ko. "Damihan mo... y-yung ice."

Pagkatapos akong tanguan nito, bumagsak ang aking noo sa mga braso kong nakapatong sa mesa. Sinubsob ko ang aking mukha sa bisig ko at mahigpit na pumikit.

Wala na akong nakikita pero nahihilo pa rin ako. Umiikot ata ako sa kinauupuan ko.

"Tangina," nanghihina kong sambit.

"Here's your water."

Inangat ko ang aking ulo at pinasalamatan ang bartender bago inumin yung tubig.

Nanliit ang aking mga mata nang namnamin ko ang lamig na dumaan sa bibig at lalamunan ko. Saka ako uminom ulit.

Narinig kong may kumalabog sa tabi ko kaya napalingon ako at nakita ang dalawang estudyante na naghahalikan habang nakasandal sa counter.

Kinisap-kisapan ko lang sila habang sumisipsip ng tubig.

Bilang captain ng cheerleading, wala akong ibang nagawa kundi ang i-cheer sila sa aking isipan.

H to the I to the N! To the D-O-T!
Go, go! In and Out, Hin and Out! HINDOT!

Nanlaki ang aking mga mata sabay iwas ng tingin nang aksidente nilang matabig ang isang baso at nahulog ito sa likod ng counter.

Iniyuko ko ang aking ulo, nagpipigil ng tawa.

Pinagalitan sila ng bartender kaya napailing ako at mabilis na inubos ang tubig ko.

"Amber," narinig kong tawag ng DJ. "Your cheerleaders are looking for you."

Inilapag ko ang baso sa mesa at kinawayan ang DJ na binigyan ako ng thumbs up.

Namimigat ang katawan ko nang bumaba ako mula sa matangkad na upuan. Mabilis akong napahawak sa dulo ng counter para maiwasang mawalan ng balanse.

"Putangina na talaga..." bulong ko.

Inaantok ang mga mata ko nang ayusin ko ang aking pagkakatayo. 

Humakbang ako papasok sa kumpulan ng mga tao at papunta sa kinaroroonan ng mga kasama ko, tinanggal ko ang tali ng buhok ko at sinuot ito sa kaliwang kamay ko.

Di pwedeng itapon. Kay Reign kasi.

Bahagyang napapiling ang aking ulo nang mabagal kong dinaganan gamit ang aking palad yung buhok ko. At nang bitawan ko ito sa dulo, umiling-iling ako upang magulo nang maayos ang kahabaan nito.

Namimigat pa rin ang mga mata ko papalapit sa grupo ng mga babaeng malapit sa booth ng DJ, kung saan pinakamalakas yung music.

Tinapik-tapik ko ang aking daliri sa gilid ko habang pinapakinggan ang tugtog. Pagkatapos, mahina akong napatango kasabay ang bawat beat nito, at wala sa sariling napangiti nang isabay ko na rin sa tiempo ang bawat indayog ng katawan ko habang naglalakad.

"She's here!"

Mahina akong natawa nang hilahin ako ng dalawang cheerleaders pagitna. Itinaas nila ang mga kamay ko at nang bitawan ako ay mabagal kong ibinaba ang mga ito sa katawan ko habang umiikot sa kinatatayuan ko.

Narinig ko ang hiyawan nila nang gawin ko ito.

Uuwi na naman ako mamaya kaya nagpatangay na ako sa harot ng tugtog na kinutuban akong pinili ng DJ para lang sa mga babaeng nasa harapan niya.

Isa na ako do'n.

Pinikit ko ang aking mga mata sabay takbo ng aking mga palad paangat sa magkabilang gilid ng dibdib ko, at paikot sa likod ng leeg ko kung saan tumigil ang mga ito nang madama ko ang buhok ko, ngunit nagpatuloy pa rin sa pag-angat ang aking mga siko habang ginagalaw ko ang aking magkabilang balikat ayon sa tiempo.

Dahan-dahan akong namulat pagkatapos maramdaman ang isang mabigat na presensyang nakatuon sa'kin.

Pabiro kong hinila ang isa sa mga kasama ko. Sumabay naman ang iba sa kanya kaya habang nasa gitna nila, sumayaw ako nang naaayon sa tugtog habang tumitingin-tingin sa kapaligiran ko para hanapin ang presensyang ito.

Nang mapagtantong hindi ko ito mahahanap sa dinami-rami ng mga estudyante, binalewala ko nalang ito at ibinalik ang aking atensyon sa mga kasama ko.

Napansin kong bumilis yung tugtog kaya lumapad ang aking ngiti nang sa wakas ay nabilisan ko na rin ang pag-indak ng aking beywang, na may kasamang pagbagal depende sa lalim at tagal ng nagpaparinig na himig.

Pagkaraan ng ilang minuto, nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpaalam ako na pupunta muna sa bar at babalik agad.

Papaalis ng dance floor, napasuklay ulit ako ng buhok gamit ang kamay ko at nalamang namamasa ito ng kaunti dahil sa pawis.

Nagpakawala ako ng pagod na hininga nang salubungin ako ng malamig na hangin sa labas ng nagkukumpulang mga estudyante.

May sarili atang atmosphere ang dance floor at labas nito dahil sa malaking ipinagkaiba ng temperatura.

Tumungo ako sa bar. Umupo ako sa nag-iisang bakanteng upuan nito at nginitian ang bartender na mabilis na rumesponde sa pagdating ko.

"Uh..." Ipinatong ko ang aking mga braso sa counter. "Kahit ano basta walang tequila?"

Marahan siyang natawa sa tugon ko saka tumango-tango.

Napalingon ako sa katabi ko at agad napatigil nang makilala kung sino ito.

"Wow," puna ko. "Ang liit talaga ng mundo."

Tinanguan niya ako sabay taas ng basong nasa kamay niya.

Kumunot ang aking noo kay Vance na tahimik na umiinom. "Anong nangyari sa'yo?" tanong ko. "Tsaka..." Luminga-linga ako. "Sa'n na yung kasama mong babae kanina?"

Nilingon niya ako. "Not here."

"Iniwan mo?" usisa ko.

"Your brother asked me to look for you," aniya. "But I found you dancing so I didn't bother to disturb you."

Ah...

"Huling inom ko na 'to tapos uuwi na agad ko."

At lingid sa aking malawak na kaalaman, ang huling inom ko pala ay apat na baso ng margarita na walang tequila kundi tequila-flavored ambrosia kaya di ako tumigil sa pag-inom nito.

Namalayan ko nalang kung ilang baso na ang naubos ko nang magsimulang umikot ang pananaw ko.

"Mmm!" Tinanguan ko ang margarita sa kamay ko. "Patay na talaga ako kay Mama at Papa nito!"

"You keep saying that after you finish a glass." Nakapatong ang isang siko ni Vance sa mesa habang nakaharap sa'kin. "Are you sure you're okay?"

"Vance." Pinandilatan ko siya. "Nakalimutan mo na ba kung sino ako?"

Kumunot ang kanyang noo.

"Ako lang naman yung best friend mong unang nagpainom sa'yo ng alak nung first year pa tayo!" paalala ko sa kanya. "Initiation rites? Kasi pareho tayo ng section?"

"Right," natatawa niyang sagot. "And Dad found out about it when he smelled it from my shirt while doing laundry."

Napasinghap ako. "Nahuli ka?!" Halos mapasigaw ako sa gulat. "Ba't di mo sinabi sa'kin?!"

"I only got the usual scolding..."

"Kahit na!" Pumihit ako sa upuan ko para harapin siya. "Ako yung nagpilit sa'yo, eh!"

"It was already years ago, Amber..."

Suminghap ulit ako, at mabilis napabuga ng hangin. "Oo nga 'no?" sang-ayon ko. "Napagalitan ka rin ba dahil sa iba pang trip natin dati?"

"After every detention?" aniya. "When I got called to the office everytime-"

"Huwag mo nang ipaalala." Tumingin ako sa malayo nang nanliliit ang mga mata. "Kumukulo pa rin yung dugo ko sa mga lalaking 'yon."

"You know they transferred to another school because of you, right?"

Inangat ko ang margarita sa kamay ko bilang sagot sa tanong niya.

"There you are!"

Napalingon ako sa babaeng lumapit kay Vance at agad ipinalipot ang braso nito sa likuran ng balikat niya.

Tinignan ko ang gintong pin ng estudyante at nalamang isa siyang Alpha.

"The music's getting better..." Hinagod-hagod niya ang likod ni Vance. "What are you still doing here?"

Humarap ako sa counter at mabilis na inubos ang margarita ko.

"Excuse me?" Tinawag ko ang bartender. "Pwedeng padagdag ng isa?"

"Amber, I think you should-"

Binigyan ko siya ng isang mahilaw-hilaw na ngiti. "Hmm?"

"I think you should stop drinking."

Humugot ako ng malalim na hininga at nginitian din ang kasama niya na ngayon lang ako napansin pagkatapos akong pansinin ni Vance.

"Mukhang tama ka nga." Bumaba ako mula sa upuan at napakapit sa counter nang mahilo ako bigla. Ilang segundo akong napapikit bago ko nagawang kolektahin ang sarili ko. 

Mahina akong natawa. "Kailangan ko na talaga sigurong umuwi."

"I'll come with you," aniya.

Tumango-tango ako. "Gusto mong hanapin muna natin si Ash-"

"What?" biglang sabat ng Alpha. "Uuwi ka na?"

"Yes, Cleo," matigas na sagot ni Vance. "I'm going home."

Nagpalitan kami ng tingin ng bartender na kalalapag lang ng in-order kong margarita.

"Are you still going to drink this?" Itinulak niya ang baso papalapit sa'kin.

Kinuha ko ito. "Thank you."

"Why? Akala ko sasamahan mo'ko buong gabi?"

"Plans change."

Pabalik-balik ang aking tingin sa kanilang dalawa habang sinisipsip ang margarita ko.

"How about the afterparty?!"

Gago. May afterparty? Ba't di ko alam?

Umiling si Vance. "I can't, I'm sorry."

Napangisi ako nang maalala kung paano sumagot si Vance noong mga bata pa kami.

Ah, di nga pala siya sumasagot, kasi kung anong sasabihin mo sa kanya ay susundin lang din niya, kahit ayaw niya.

"You're going to leave early because of her?" Halatang hindi makapaniwala ang Alpha.

Ako rin naman, hindi makapaniwala kaya nagpatuloy lang ako sa pag-inom.

"Amber needs someone to bring her home."

Tinignan ako ng Alpha nang nangangalit ang mga mata.

Kumibit-balikat lang ako.

"She doesn't even give a fuck about you!" sigaw niya. "Look at her!"

Tinignan ako ni Vance.

Napakurap-kurap lang ako sa kanya na nagdulot ng isang natatawang ngiti sa labi niya.

"Babe..." At sa ikinagulat ko, biglang nanlambot ang boses ng Alpha. Humilig siya kay Vance nang nakakapit pa rin ang isang braso sa likod nito. "Not even for just a few minutes?"

"I'm sure Amber can wait." Tinapunan niya ako ng nagbabantang tingin. "Right, Amber?"

Sa ikinainis niya, umiling ako.

Napansin ko si Vance na napayuko at nagpipigil ng ngiti, dahilan na mapaiwas din ako ng tingin mula sa Alpha nang mapigilan kong tumawa.

"You know what?" naiiritang sambit niya. "Fine! But I'm not taking you back, Vance!"

Inangatan ko ng kilay si Vance na kumibit-balikat.

Pagkatapos, sinundan ko ng tingin ang babae na padabog na umalis. Nang hindi ko na maramdaman ang presensya niya, muli akong humarap kay Vance.

"I'm net taking yee beck, Vens!" panggagaya ko sa Alpha.

Malakas siyang natawa. "Shut up, Amber."

Biglang may pumasok na ideya sa isipan ko kaya inilapag ko ang baso sa counter at dali-daling bumaba sa upuan. Nahilo na naman ako dahilan na mapakapit ako sa braso niya.

"Amber-"

"Dali." Hinila ko siya. "May mga ipapakilala ako sa'yo."

"What-" Napababa siya sa upuan niya nang hatakin ko siya. "Where are we going?"

"Sa dance floor!" sigaw ko at kasama siya, pumasok sa dance floor.

"Amber!"

Binalewala ko ang pagpipigil niya at dinala siya sa mga kapwa cheerleaders ko.

"Girls!" Tinulak ko si Vance sa gitna nila. "Si Vance!"

Napatili silang lahat at dinumog ang kinatatayuan niya dahilan na mapaatras siya.

"No, wait-" Itinaas niya ang kanyang mga kamay. "Wait!"

Nilakasan ng DJ ang tugtog kaya napangiti ako nang walang nakarinig sa pakiusap niya.

At sa ikinaswerte nga naman niya, nag-transition din yung DJ sa latin music kaya isang babae ang humatak sa kanya at nilagay ang kamay niya sa beywang nito.

Nanlaki ang mga mata ni Vance nang mapaikot siya para sabayan ang pag-ikot din ng babaeng kasayaw niya. Ngunit napangiti rin siya rito nang magkaharap sila at saka niya hinila ang babae palapat sa harapan niya habang magkasalikop ang mga palad nila.

Hindi ko naiwasang mapangiti nang maalalang magaling sumayaw si Vance.

Miyembro siya ng music at dance club namin dati, kaya magaling siya sa napakaraming bagay. At hindi ko naman ito ikinagulat kasi descendant siya ni Athena. Kaya sa bawat gusto niyang gawin, alam ko nang magiging mahusay siya rito.

Samantalang ako, sumali lang ako sa dance club para...

Nanlambot ang aking ngiti.

Para masiguradong walang mananakit at makakaapak sa kanya.

Habang tumatagal ang panonood ko sa kanya, unti-unting bumura ang aking ngiti, at kasabay nito ay ang pagsayad ng aking mga mata sa paanan niya at ng mga kasama niya.

Dahan-dahan akong umatras para makaalis sa eksena.

Umikot ako at nakadalawang hakbang papalayo sa kanila nang bigla akong hatakin ng isang kamay mula sa likod.

"Puta-" Magaan akong tumama sa harapan ni Vance na mabilis na humawak sa aking likod.

"Your turn," bulong niya malapit sa aking tenga.

Kinilabutan ako rito. "Tangina..."

Inayos niya ang pagkakalagay ng kanyang palad sa lapad ng aking likod. 

"I'm sure you still remember a few steps from before..." mahina niyang tugon nang igiya ang aking braso sa ibabaw ng balikat niya.

Napasinghap ako nang itulak niya ako papalapit sa kanya.

Hinawakan niya ang kabilang kamay ko. "Or would you like to make new ones?" 

Narinig ko ang pagbubukas ng bagong kanta na pinangunahan ng tunog ng kinakalabit na gitara at isang lalaki na mabagal na kumakanta sa espanyol.

Madahan naming ginalaw ang magkalapit naming mga beywang ayon sa ritmo nito. 

Sunod-sunod na pumasok sa aking isipan ang bawat dahilan kung paano ako napadpad dito, kasama at kasayaw siya.

Ramdam namin ang pagbilis ng tugtog kaya bumilis din ang pag-ugoy ng katawan namin.

Hinanda ko ang sarili ko dahil alam kong may ikakabilis pa ito. Latino music pa naman.

Sa pagbagsak ng unang beat, muli na naman niya akong tinulak papalapit sa kanya at mabilis na humakbang pakaliwa na agad ko ring sinabayan.

Sunod-sunod ang pagtama ng drum habang may kumakanta kaya nagpatuloy kami sa pag-ugoy ng aming mga beywang habang umiikot sa kinatatayuan namin. 

Sa likod ng maingay na tunog ng mga instrumento, nahagip ng aking pandinig ang isa pang drum na palitaw at papalakas. Nalaman kong hindi lang ako ang nakapansin nito nang pangunahan ako ni Vance sa paglakas ng pag-indak ng kanyang balakang sa magkabilang gilid.

Napangiti ako at humabol sa mga galaw niya.

Nang bumukas ang bagong ritmo, tinaas niya ang magkahawak naming mga kamay at mabilis akong umikot sa ilalim dito. Muli niya akong hinila payapos sa kanya at pinagpatuloy namin ang pagsabay sa tiempo gamit ang aming nakalapat na mga beywang.

"Dahan-dahan lang, Vance," natatawa kong tugon. "Mahina ang kala-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla akong humilig pababa.

"Catch up, Amber." 

At nabigla ulit ako sa mabilis niyang pag-angat sa'kin.

Namuo ang isang nanghahamong ngiti sa aking labi dahil sa sinabi niya.

Binigyan niya ako ng isang mahinang tulak sa balikat dahilan na mabilis akong umikot pagilid at binuksan ang bisig ko nang itukod ko ang aking paa patagilid. Nagpakawala na naman ako ng isang palihim na singhap nang hilahin niya ako paikot ulit at papalapit sa kanya.

Panandalian niya akong binitawan upang marahas na ipihit ang beywang ko paharap sa kanya.

"Bitaw," natutuwa kong utos.

Tinulak ko ang sarili ko mula sa kanya at nilakihan ang espasyo sa pagitan namin. Unang nagtagpo ang aming mga kamay bago namin hinila ang isa't isa nang magkasalubong kami sa gitna.

Dalawang beses naming ginawa ito at sa pangatlong pagkakataon, hindi ko binitawan ang kamay niya at sa halip ay pinihit ang katawan ko palapit sa kanya kaya nakatalikod na ako sa kanya ngayon habang nakaipit sa mga bisig namin.

Magkasabay pa ring umindak-indak ang aming mga beywang sa mabilis na ritmo.

Nasa musika ang buong atensyon ko, hanggang sa bahagyang napabukas ang aking bibig nang maramdaman ko ang paggalaw ng mga braso niyang nakahawak din sa mga braso ko.

Kumunot ang aking noo.

Gumapang ang kamay niya palipot sa tagiliran ko habang yung isa naman ay mahigpit na kumapit sa balikat ko.

Ipiniling ko ang aking ulo sa mga kamay naming nasa ibabaw ng balikat ko. 

"Vance..." naghahabol ako ng hininga.

Samantalang, ibinaba niya ang kanyang ulo sa balikat ko. "Amber."

Humilig ang aking ulo sa kabila nang maramdaman ko ang palad niyang dinaganan ang gilid ng aking leeg at marahang dumapo sa aking panga.

Bago pa tuluyang manghina ang aking mga tuhod, tinanggal ko ang mga kamay niya mula sa katawan ko at umikot palayo sa kanya nang nakakapit pa rin sa isa niyang kamay.

Agad niya akong hinila pabalik sa unang posisyon namin.

Ito na nga yung sinasabi ko. Kakainom ko 'to, eh.

"One last turn?" tanong niya.

Madali kong kinolekta ang sarili ko at sinunod ang sinabi niya. 

Mas mabagal ang huli kong pag ikot sa ilalim ng magkasalikop naming mga palad dahil sa naglalahong tunog. At nang tumigil ito, natagpuan ko na naman ang sarili ko na nakalapat sa kanyang harapan, at nakakapit pa rin sa kanya.

Nakaawang ang aking bibig habang dinadama ang magkasabay naming paghugot ng malalalim na hininga.

"Let's go home," suhestyon niya na tinanguan ko.

• • •

Pauwi sa dorm, tahimik lang kaming dalawa.

Hindi rin naman namin nahanap si Ash kaya kinutuban kaming baka nauna nang umuwi.

Nakatuon ako sa lupa nang napagdesisyunan kong basagin yung katahimikan.

"Vance..." Sinipa ko ang isang bato, at patuloy itong pinagulong habang naglalakad.

"Hmm?"

"May jowa ka ba?" tanong ko.

Huminto siya para lingunin ako. "Why do you want to know?"

"Curious lang?" Kumibit-balikat ako. "Kasi ang dami mong mga babae, eh, kaya gusto kong malaman kung..."

"No, Amber." Nagpatuloy siya sa paglalakad. "I don't have a girlfriend."

Tumango-tango ako at ilang sandali pa'y napatanong ulit.

"Kailan?" usisa ko. "Kailan ka nagsimulang mag... kolekta ng mga babae?"

"Why would you like to know?"

"Kasi gusto kong makilala kita ulit, eh." Malumanay akong napangiti. "Simula nung hindi mo na'ko sinusundo sa mechanical room, pakiramdam ko naglaho na lahat ng pinagsamahan natin."

"Tapos nagising nalang ako isang araw na hindi na kita kilala..." dugtong ko. 

Hindi siya sumagot kaya napabuntong-hininga nalang ako.

"Vance..." mahina kong sambit. "Iniiwasan mo ba ako?"

Tumigil siya kaya napahinto rin ako.

"Sorry." Bigla akong natauhan sa sinabi ko kaya mahina akong napatampal ng ulo. "Hindi mo narinig 'yon. Lasing lang ako."

Tangina. Kung ano-ano nalang talaga bukambibig ko kapag nakainom.

"Huwag mo nang pansinin. Joke lang yun." Marahan akong natawa. "Ang hirap kasi kapag alak ang nagsasalita..."

Hindi pa rin siya kumibo kaya nagsimula na akong magpaliwanag.

"K-Kasi-" Pinilipit ko ang aking mga daliri. "Ano, na-miss ko lang siguro yung dati..."

"Yung sobrang lapit pa natin sa isa't isa," dagdag ko. "Pero di naman ako nagrereklamo kasi naiintindihan ko naman na mas marami tayong inaasikaso ngayon-"

"How about you?" tanong niya nang harapin ako. "Do you like someone?"

"Mmm..." Naglibot-libot ang aking mga mata, nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba.

Bahala na nga. Di ko rin naman 'to maaalala bukas, eh.

"Secret lang natin 'to, ah?" Lumapit ako sa kanya. "Pasalamat ka best friend kita."

Tumingkayad ako sa tabi niya at bumulong, "Ikaw po."

Hindi siya gumalaw kaya nilagpasan ko siya.

"Amber-"

Umikot ako sa harap niya nang nakangiti. "Yung dating ikaw."

Napakurap-kurap siya at bago pa siya makapagsalita ulit ay kumaripas ako ng takbo pabalik sa dorm.

"Kung sinong mahuhuli, bobo!" natatawa kong sigaw sa kanya habang tumatakbo.

"Amber!"

Nagsimulang mamasa ang aking mga mata pagkatapos niya akong tawagin. 

Siya pa rin. Putangina.

Kahit anong iwas ko sa kanya, at kahit anong panggap ko na hindi, siya pa rin yung gusto ko.

Marahas kong tinuyo ang isang luhang nakatakas.

Kahit...

Wala sa sarili akong napahawak sa naninikip kong dibdib.

Kahit ilang beses ko na siyang nakita na may kasamang iba... kahalikang iba...

Kumuyom ang palad kong nakatapat sa pusong unti-unting napipiga sa ilalim nito.

Siya pa rin, kahit malaki na ang ipinagbago niya.

Binilisan ko ang aking pagtakbo habang dinadama ang sunod-sunod na paglabas ng aking mga luha. Hindi ko pinunasan ang mga ito nang hindi niya mapansin ang pag-iyak ko.

Kumaway ako nang nakatalikod pa rin sa kanya. "Ikaw na mag-lock ng pinto!"

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
2.4M 185K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
24.3M 985K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
390K 28.4K 45
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...