Legends of Olympus (On Hold)

By mahriyumm

2.4M 185K 257K

In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students... More

Legends of Olympus
Born Ready
Family
Future Rising
Olympus Academy
The Omegas
Emergence
Game of Thrones
Price of Power
Responsibility
Balance
Spells
Reputation
Thunder Child
Groceries
Skies
Love Story
The Omega Way
Amnesia
Figures
Pandora
Taking the Lead
Languages
Auraic Studies
Ultimate Control
Deep Sleep
Curiosity
Black Market
Frustrations
Top Student
The Tenth
White Knights
Australia
North America
Destined
West Asia
Africa
Europe
Loyalty
South America
East Asia
The Noise
Blackened
Interrupted
Breakthrough
Revived
Crises
First Strike
Reapers
A Stone
The Commander
Aftermath
True Power
Reign
Deadly Relief
Consequence
Parental Guidance
Checklist
Rumors
Wishes
Life of the Party
The Strongest Bond
Romeo and Juliet
Closer
Preparations
Annual Olympics I
Annual Olympics II
Obsessions
Entranced
Labyrinth
Imprisoned
One at A Time
Guardians
War of Powers
War of Hearts
Nothing Left To Say
Gifted
Rock Climbing
Masquerade I: Glass and Shield
Masquerade II: Blood and Poison
Masquerade III: Veil and Thorn
Masquerade IV: Riptide and Flame
Masquerade V: Tethered Tempest
Unmasked
Betrayed
Crack of Dismay
Remedy
Mysteries
Isles of the Blessed
Anchors
Puppet Master
Announcement: Life's Surprises
Queen of Kings
Orion Organization
Veils
Elysian War I
Olympus Academy I Gifts Set
Elysian War II
Elysian War III
Sweet Sixteenth (Special Chapter)
Detached
In Between
Invisible
The Erinyes
Mastermind (OA Book II Raffle)
Achilles' Heel
The Fall
Heartless

Betelgeuse

17.7K 1.6K 2K
By mahriyumm

Zack's POV

Habang nagtatago sa likod ng makapal na palumpong, nilipat-lipat ko ang pagkakatuon ng binoculars sa mga nakahanay na pagkainan.

"Gago," bulong ko. "Sa'n na 'yon?"

Kailangan ko ng pruweba na may mali nga kay Bella at ipakita ito kay Reign.

Kanina lang, nakasunod ako sa kanya pero hindi ako makalapit dahil sa pinsan niyang nakabantay sa paligid, pinaghahanap ata ako.

Agad akong nagtago nang tumigil si Amber sa aking harapan.

"Bella?" Narinig kong tanong niya, bago nagpatuloy sa paglakad. "Bella!"

"Ba't ang daming naghahanap sa'kin?"

"Puta-" Napayakap ako sa binoculars ko nang biglang lumitaw si Bella sa tabi ko nang nakaupo sa damo. "Bella naman!"

Humilig siya sa nakatukod niyang braso. "Hmm?"

Kusang bumaba ang aking tingin sa maiksi niyang palda. Nakapalipot sa isa niyang hita ang itim na sinturon kung saan may nakasabit na kadena. Kuminang pa ito nang galawin niya nang kaunti ang nakatupi niyang mga binti sa lupa.

Umiwas ako ng tingin nang nanlalaki ang mga mata at sa hindi malamang dahilan, nagpipigil din ng hininga.

Putangina. Ba't ba nag-iiba yung hitsura niya kapag pangmalapitan?!

"Do'n ka na kay Amber." Sinenyasan ko siyang umalis. "Wala kang mapapala dito."

Lumiwanag ang kanyang mga mata nang makita ang binoculars sa kamay ko.

"Patingin!" Bigla niya itong hinablot kaya napaatras ako.

Nang makuha niya ito, umayos ako sa pagkakaupo at pinanood kung paano niya ito gamitin nang baliktad.

"Ang galing!" nananabik niyang puna. "Lumalayo sila sa'kin!"

Napabuntong-hininga ako at inayos ito sa kamay niya.

"Yan," tugon ko. "Tumingin ka ulit."

Itinapat niya ulit ang binoculars sa kanyang mga mata at saka luminga-linga.

"Woah..."

Napangiti ako.

"Si Vance ba yung may kasamang babae sa likod ng dorm?"

Mabilis akong napasimangot at binawi ang binoculars mula sa kamay niya.

Kumisap-kisap siya. "Nangangain ng tao si Vance?"

Dahil sa sinabi niya, agad kong ginamit ang binoculars para tignan ang tinutukoy niya at nakita si Vance na may kahalikang babae sa pinakalikuran ng isang gusali.

Ngumingiti-ngiti pa yung gago habang idinidiin yung ulo niya sa babaeng nakatingala sa kanya.

Pagkatapos, bigla siyang tumigil. Inangat niya ang kanyang ulo at dahan-dahang ibinaba ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak sa panga ng kanyang kasama. 

Nakapamulsa siya at ilang segundong tumitig sa blankong pader sa kanyang harapan. Dumapo ang panghihinala sa kanyang mukha, bago niya ako nilingon nang nanliliit ang mga mata.

Umupo ulit ako para magtago.

"Hindi nangangain ng tao si Vance, Bella," sabi ko sa kanya.

Maingay siyang napabuntong-hininga.

"Kakain na sana ako ng karne ng tao kaso pinigilan ako ni Daddy kasi di raw masarap," dismayado niyang sabi. "At hihilab lang daw tiyan ko... di ako mamamatay..."

"Alam mo yung kuru disease?" tanong niya.

Umiling ako.

"Sabi kasi mababaliw ka kapag nakakain ka ng tao, tapos mamamatay..."

Tumango-tango ako.

"Pero di naman daw mangyayari sa'tin yun kasi demigods tayo, ih..." Tumingin siya sa malayo, at malumbay na bumulong, "Sayang..."

Tumatango-tango pa rin ako at saka nagtanong, "Bella, nakainom ka ba?"

Nag-abot ang kanyang kilay. "Huh?"

"Ano yung pinares mo sa hapunan mo?" usisa ko.

"Soju?" aniya. "Yun ata pangalan ng binigay sa'kin nung babae?"

"Ilang bote yung naubos mo?"

"Bote?" Pinaningkitan niya ako. "Hindi ba nakapitsel yun?"

Kinutuban nga naman akong nakainom 'to nang bigla siyang nagbigay ng isang random trivia na parang isang tunay na apo ni Apollo, ang god of knowledge.

Tumayo ako at pinagpag ang damit ko.

Inabot ko ang aking kamay sa kanya. "Umuwi na tayo?"

Matagal-tagal siyang napatitig sa kamay ko bago tanggapin ito. 

Dahan-dahan siyang tumayo at pagkatapos akong bitawan, hinila niya pababa ang masikip niyang palda.

Napabuntong-hininga ako at tinanggal ang suot kong jacket. Lumapit ako sa kanya at ipinalipot ito sa kanyang beywang.

"Sa susunod..." Hinigpitan ko ang tali sa harapan niya. "Iwasan mo nang magsuot ng sobrang iksi kung saan-saan ka lang pala uup-"

Napatigil ako nang maramdaman ang mga braso niyang madahang tumakbo sa ibabaw ng magkabilang balikat ko.

"Bella?" Dahan-dahan akong napatayo nang nakahawak sa likod niya dahil naramdaman ko ang paghilig ng bigat niya sa'kin.

"Balang araw..." bulong niya na may kasamang mahinang hagikgik. "Mapuputol ko rin 'to."

Napayuko ako sa kanya na nakatingala sa'kin suot ang isang nangangarap na ngiti.

"Tapos..." Mabagal niyang ibinukas-sara ang kanyang mga mata. "Tapos..."

Natawa siya nang marahan, dahilan na dumako ang aking tingin sa kanyang labi.

Napapikit ako at palihim na nagpasalamat, nang ibaba niya ang kanyang ulo para ilapat ang kanyang tenga sa aking dibdib.

"Tapos di ko na maririnig ang tibok nito..."

Yumuko ako. Maingat kong inangat ang likod ng kanyang mga tuhod.

Bago pa may makakita sa'min, ginamit ko ang kapangyarihan ko at lumipat sa labas ng gate ng Gamma.

"T-Teka- yung binoculars naiwan-"

Inayos ko ang pagkakabuhat sa kanya. "Mamaya na," sambit ko at nagsimulang maglakad pabalik sa dorm namin.

"Pero Zack!" Malikot niyang ginalaw ang kanyang mga paa pero agad din siyang napatigil nang mapatuon sa kalangitan. 

"Zack, may nakikita akong kalaban..."

Mabilis kong napagtanto na constellation ng orion ang tinutukoy niya kaya di na ako nag-abalang tumingin.

"Alam mo ba na may kapangalan ako na bituin sa Orion?" Humagikgik siya. "Bellatrix, yung nasa kaliwang balikat niya."

"Nasa kabilang balikat naman yung Betelgeuse, ang pangalawang pinakamaliwanag na bituin sa constellation..." dagdag niya. "Kasingkulay nga nito yung buhok mo, ih..."

"Sabi rin ng astronomers, malapit na raw mamatay ang Betelgeuse kaya sana ikaw din."

Napangisi ako sa sinabi niya.

"Totoo kaya!" aniya. "Bumibigat na kasi 'to, eh! Tas gumagawa na rin si Betelgeuse ng mga elements na magagamit ng ibang bituin pagkatapos niyang mamatay."

"At kapag namatay na ito, boom! Sasabog ito ng sobrang lakas at sobrang laki..."

Sinulyapan ko ang kumikinang na mga mata ni Bella.

"Aabot dito yung liwanag niya, at magiging kasinglaki ito ng buwan..." kuwento niya. "At makikita pa rin natin yung pagsabog kahit may araw... at tatagal din ito ng ilang linggo o buwan."

Napangiti ako.

"Sobrang liit kapag buhay pa." Napansin ko ang paghina ng kanyang boses. "Pero sobrang laki kapag namatay na..."

"Matatakot siguro yung iba, ano?" tanong niya. "Kapag namatay na ang Betelgeuse?"

"Mmm."

Sino bang di matatakot sa isang pagsabog sa kalangitan na kasinglaki ng buwan? Tapos tatagal pa ng ilang linggo?

"Di nila alam kung ilang taon nang naglalaho-laho yung liwanag niya..." bulong niya. "Na parang gusto na niyang mamahinga..."

"Kaya sana..." Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. "Sana mas dumami ang makapansin sa kanya ngayon, para walang malungkot pagdating ng araw na mawawala siya."

"At imbes na matakot sila sa pagkamatay niya, magagandahan sila..."

Binagalan ko ang aking mga hakbang nang matanaw ko na ang dorm. 

Wala naman sigurong mali kung gusto ko pang makinig sa kanya.

"Sana maging masaya sila para sa isang bituin na higit pa sa isang daang libong taon na nabuhay at handa nang mamahinga..."

"Kaya kapag handa ka nang mamahinga, Zack, sabihin mo lang sa'kin, okie?" aniya. "Tutulungan kitang pagandahin yung pagkamatay mo."

"Basta ako rin yung una mong hahanapin kapag gusto mo nang magpahinga," sagot ko.

"Mmm!" Masigla siyang tumango. "Deal!"

Umakyat ako sa maikling hagdan.

"Andito na tayo." Ibababa ko na sana siya sa tapat ng pinto nang biglang mandilim ang aking paningin at kasunod kong natagpuan ang aking sarili sa gitna ng kanyang kwarto.

Bumaba siya mula sa bisig ko.

"Night, Zack." Dumiretso siya sa kanyang higaan. "Huwag ka sanang kunin ni Thanatos sa tulog mo."

Hindi agad ako umalis sa kinatatayuan ko at napamasid muna sa kanya.

'Sana mas dumami ang makapansin sa kanya ngayon, para di sila malungkot pagdating ng araw na mawawala siya.'

Piniling ko ang aking ulo at napahalukipkip ng mga braso.

'At imbes na matakot sila sa pagkamatay niya, magagandahan sila...'

'Sana maging masaya sila para sa isang bituin na higit pa sa isang daang libong taon na nabuhay at handa nang mamahinga...'

Siguro kung ibang tao ako na nakarinig sa sinabi niya, wala akong maiintindihan.

Kaya bihira lang ang mga taong kilala siya, at mabibilang lang ang nakakaalam...

Na sa likod ng kakaibang galaw at pananalita niya, ay ang hangarin niya pa ring sumaya ang iba, mapatay man o mabuhay.

Si Bella lang din ata ang kilala kong may nakikita pa ring kagandahan sa mga bagay na para sa karamihan ay hinding-hindi maging maganda.

At mga bagay na hindi katanggap-tanggap sa mga mata ng iba...

"Wag kang magbago," bulong ko. "Di na kailangan."

At kung darating man ang araw na papalibutan ako ng gulo, at bumaliktad ang buong mundo, kung saan lahat ng masasaksihan ko ay hindi katanggap-tanggap...

Hindi ako matatakot.

Hindi ako mababaguhan, dahil alam kong may mahahanap pa rin akong dahilan, kagandahan sa likod nito.

Inilibot ko ang aking mga mata sa madilim niyang kwarto, bago muling napatingin sa kanya.

Bakit nga ba ako mangingilabot at matatakot sa'yo, Isabella... 

Unti-unti akong napangiti.

Kung pwede naman akong mahumaling sa pagiging kakaiba mo?

Lumapit ako sa kanya para kunin ang paborito niyang si Spooky mula sa upuan nito at maingat itong itinabi sa kanya.

Pinaningkitan ko yung laruan. "Bantayan mo ang babaeng 'yan," utos ko sa kanya. "Kung ayaw mong ipasok kita sa washing machine."

Syempre, hindi ako sinagot nito.

Nagbaka sakali lang naman ako na may kaluluwa nga talagang sumasapi nito, na nabalitaan ko mula kay Amber.

Pagkatapos, inayos ko na rin ang kumot na nakapatong sa kanya.

Kasunod kong napansin ang hibla ng buhok na nakaharang sa kanyang mukha. Hahawiin ko na sana ito nang bigla siyang gumalaw dahilan na mapatigil ako.

Kumunot ang kanyang noo, at kumibot ang mahahaba niyang pilik-mata. Pumiling siya patagilid sa kanyang unan dahilan na makita ko kung gaano katangos ang maliit niyang ilong.

Kusang bumaba ang mga mata ko sa manipis niyang labi na kahit sa pagtulog ay nakanguso pa rin.

Sa huli, napapikit ako at pinigilan ang sarili kong ayusin ang buhok niya o hawakan siya. 

Ibinulsa ko ang aking mga kamay at lumayo kay Bella na mahimbing na natutulog.

Pinadalhan ko siya ng isang huling sulyap bago umalis mula sa tabi ng kanyang higaan at tumungo sa pinto ng kwarto. 

Tahimik ko itong binuksan at tahimik ko rin itong sinarado pagkalabas ko.

Saka lumihis ang aking ulo pataliwas sa pinto, nagpipigil na lumingon.

Gago. Ito na ata epekto ng pagkawala ng pakpak ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 63.9K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
4.1M 192K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
1.8M 181K 205
Online Game# 2: MILAN X DION