Legends of Olympus (On Hold)

By mahriyumm

2.4M 185K 257K

In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students... More

Legends of Olympus
Born Ready
Family
Future Rising
Olympus Academy
The Omegas
Emergence
Game of Thrones
Price of Power
Responsibility
Balance
Spells
Reputation
Thunder Child
Groceries
Skies
Love Story
The Omega Way
Amnesia
Figures
Pandora
Taking the Lead
Languages
Auraic Studies
Ultimate Control
Deep Sleep
Curiosity
Black Market
Frustrations
Top Student
The Tenth
White Knights
Australia
North America
Destined
West Asia
Africa
Europe
Loyalty
South America
East Asia
The Noise
Blackened
Interrupted
Breakthrough
Revived
Crises
First Strike
Reapers
A Stone
The Commander
Aftermath
True Power
Reign
Deadly Relief
Consequence
Parental Guidance
Checklist
Rumors
Betelgeuse
Life of the Party
The Strongest Bond
Romeo and Juliet
Closer
Preparations
Annual Olympics I
Annual Olympics II
Obsessions
Entranced
Labyrinth
Imprisoned
One at A Time
Guardians
War of Powers
War of Hearts
Nothing Left To Say
Gifted
Rock Climbing
Masquerade I: Glass and Shield
Masquerade II: Blood and Poison
Masquerade III: Veil and Thorn
Masquerade IV: Riptide and Flame
Masquerade V: Tethered Tempest
Unmasked
Betrayed
Crack of Dismay
Remedy
Mysteries
Isles of the Blessed
Anchors
Puppet Master
Announcement: Life's Surprises
Queen of Kings
Orion Organization
Veils
Elysian War I
Olympus Academy I Gifts Set
Elysian War II
Elysian War III
Sweet Sixteenth (Special Chapter)
Detached
In Between
Invisible
The Erinyes
Mastermind (OA Book II Raffle)
Achilles' Heel
The Fall
Heartless

Wishes

20K 1.6K 1.7K
By mahriyumm

Reign's POV

Sinigurado ko munang nakapatay lahat ng ilaw sa loob ng dorm bago i-lock ang main entrance nito. Pagkatapos, masigla akong bumaba ng hagdan kung saan naghihintay yung girls.

"Tara?" aya ko sa kanila.

"Sa oras talaga na makita ko 'yang Zack na 'yan..." nangangalit na sabi ni Amber nang magsimula kaming maglakad. "Susunugin ko yung katawan niya tapos yung bangkay niya ulit."

Nakasuot siya ng brown fitted dress na polo ang disenyo ng harapan dahil sa nakahanay na mga butones sa gitna. Long sleeves ito at bilang pares, suot niya ang puting boots ko na abot hanggang tuhod.

Sa likod ng kanyang ulo, kumaway-kaway ang naka-ponytail niyang buhok dahil sa mabibigat niyang mga hakbang habang naglalakad.

"Please avoid causing any more commotion during the party, Amber." Paige wore an olive green ruffled top that she paired with brown leather jeans and black heels. "We can't afford to make things worse."

She was dressed in a smart casual attire, and had her hair tied into a french braid. It gently rested against the front of her left shoulder while a couple strands of hair hung loosely on either sides of her temple.

"Amber?" ani Bella. "Gusto mo hanapin ko si Zack para sa'yo? Basta wag mo lang sunugin yung pakpak niya. Hehehe, akin 'yun."

Meanwhile, Bella wore a chinese short dress with a slit on the side. It was velvet black, and matched her black laced sandals. And just below her skirt, around her right thigh, she wore a circlet of black leather with a silver chain hanging.

She looked like a gothic doll with her long hair and straight bangs. Her skin looked paler than usual because of the color of her dress. Mabuti nalang at napilit namin siyang maglagay ng kaunting make-up nang magkakulay naman ang kanyang mukha.

Bella and I both had our hair untied, which I know, is a surprise on my part since I always keep my hair up.

Pero naalala ko kasi na isang kaswal na party yung pupuntahan namin. Hindi naman kami mag-aaral o magte-training kaya hinayaan ko nalang na nakabagsak 'yong buhok ko.

Inayos ko ang long sleeves ng pink satin dress ko nang matabunan ang bandages sa magkabilang balikat ko. 

I wore a mini dress with lantern sleeves. May manipis na belt din itong nakatali sa harapan ko, at nakatupi ang v-shaped neckline nito. 

Isa ang dress na'to sa pinamili namin ni Mama sa isang vintage boutique sa France noong huling bakasyon. Pati na rin ang puting heels na suot ko ngayon at nakapalipot ang straps sa kalahati ng aking binti.

"You also, Bella," ani Paige. "Don't disturb the other students."

"Luh!" Ngumuso si Bella. "Di kaya!"

"Paanong hindi, eh bigla ka nalang lumalabas sa dilim," sabat ni Amber. "Nananakot ka na, hoy. Hindi nang-iistorbo."

"Di nga sabi!"

Pinakinggan ko lang yung dalawang magpinsan na nagsasagutan nang matanaw ko na ang lumiliwanag na gate ng Gamma Residences.

"We're here," anunsyo ko.

Pagkapasok namin, bumungad sa'min ang park nila kung saan nakapalibot ang maliliit na stalls para sa mga pagkain at drinks.

"Oh my ghosts! May buhay na baby octopus sila!" biglang sigaw ni Bella. "Sa korean stall!" Tumakbo siya nang tumitili. "Iiiiih! Yung hapunan ko!"

"Samahan ko lang si Bella, ah?" paalam ni Amber. "Baka makasaksak na naman gamit yung chopsticks."

Pagkatapos, humarap sa'kin si Paige. "I'll meet you back at the dorm."

Kumunot ang aking noo. "Iiwan mo'ko?"

"I have plans with someone else," sabi niya na ikinabigat ng panga ko.

"What?" Hindi ako makapaniwala. "Sino?!"

Napansin kong tumuon siya sa likod ko kaya umikot ako at nakita si Grey na naglalakad papalapit sa'min nang nakapamulsa.

"Hello, Reign," nakangiti niyang bati sa'kin nang makarating sa tabi ko.

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. Pagkatapos, muli kong hinarap si Paige na napabuntong-hininga.

"Uh?" Tinaasan ko siya ng magkabilang kilay.

Paige gave my brother a tired look before looking back at me. "Don't even try to ask," she said with a bored tone. "I don't know why either."

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa nang hindi pa rin nagsasalita.

"Stop it, Reign," nagbabanta ang boses ni Paige.

Tumigil ang mga mata ko sa kanya. 

"I guess, I'll..." Mabagal akong napailing habang naghahanap ng mga salita. "See you later?"

Paige let out another sigh before walking away with my brother confidently trailing behind her.

Napakurap-kurap ako.

Hindi naman siguro ako nag-hallucinate, ano?

Ilang sandali pa'y napailing ulit ako. 

I'll just scratch that off my mind or else, I'll spend the entire night thinking about what happened and how it happened.

Huminga ako ng malalim at nang pakawalan ito, madahan kong inilibot ang aking paningin sa buong outdoor area ng Gamma. Napuno ito sa mga estudyante na kumakain, nagtatawanan, naghihiyawan at may ibang nagsasayawan.

Think of it as a one-night music festival, where there are different musics coming from the residential buildings. And I know, that behind one of the buildings, there's a large disco happening because of the lights coming from behind it.

Tumingala ako sa hanging lights ng park, at wala sa sariling napangiti.

"Ang ganda..." bulong ko.

Mula rito, dahan-dahang bumaba ang aking mga mata sa fountain na nasa gitna. Gawa ito sa puting marmol at may tatlong tiers ito. Nakaukit sa bawat baitang ang iilang greek deities at sa tuktok, nakaluhod ang isang batang kupido na nagbubuhos ng tubig mula sa kanyang banga.

Lumapit ako rito.

Unlike the fountain we have in our campus park, the Gamma's fountain is one where you can throw a coin into.

It's a wishing fountain, at kaya nakaukit ang napakaraming deities sa fountain ay para daw marami ring deities ang makakarinig ng mga hiling mo, at baka may isa sa kanila na gustong tumupad nito.

Unfortunately, I didn't bring any coins.

Napatitig lang ako sa mga barya na nasa ilalim ng tubig nang mahagilap ko ang kinang ng isang gintong barya na nakapatong lang sa ledge malapit sa'kin.

Luminga-linga ako upang tignan kung meron bang nagmamay-ari nito at nang mapagtantong wala, kinuha ko ito.

It's one of those coins from the Underworld.

Kumunot ang aking noo at muling napatingin sa palibot ko.

Maybe one of the students wanted to throw it but it didn't land on the water?

I stood near the fountain for a while, just to see if someone's coming for their coin but no one did. Sighing, I faced the fountain with the coin in my hand.

"Um..." I started thinking about something to wish. "Sana..." Tinignan ko ang gintong barya sa kamay ko. "Sana masaya sa buhay ang may-ari nito." Unti-unting namuo ang isang magaang ngiti sa aking labi. "At kung hindi pa ngayon, sana bukas o sa mga susunod na araw."

Maingat kong itinapon ang barya sa fountain. Minasdan ko ang mahinang pagtalsik nito sa tubig bago lumubog sa ilalim.

"Hindi nga totoo 'yan!"

"Mag-wish ka na lang kasi!"

Sa kabilang dako ng fountain, sinilip ko ang dalawang estudyante na nagtatalo. Isang babae at isang lalaki na nakasuot ng gintong pins.

Alphas.

"Ba't pa ba ako hihiling dito kung pwede ko namang pakiusapan yung tatay ko?"

"Miles, ano ba!"

"Ito na nga! Ito na!"

Napangiti ako habang nakamasid sa dalawa.

"Ano yung hiniling mo?" tanong ng babae sa lalaking kasama niya.

"Wala, tinapon ko lang yung barya kung kailan ko gusto."

"Yun nalang natitirang barya ko tapos sinayang mo pa!" Mabilis na tumalikod ang babae at padabog na naglakad palayo. "Ayoko na!"

"Teka lang, Hope! Di ka naman mabiro!"

Natawa ako ng mahina nang sundan sila ng tingin. Pagkatapos, dumako ang aking mga mata sa lima pang Alphas na pinuntahan nila.

May isa sa kanila na nakapansin sa'kin kaya siniko niya ang katabi niya at kasama yung iba, sabay silang lumingon sa direksyon ko.

I'm already used to being stared down at by the founders, so the weight of the students' eyes that are looking back at me right now... is not as suffocating as others tend to feel when they get stared at by a group of Alphas.

Nginitian ko sila at naunang tumango bilang pagbati.

Isa sa kanila'y bahagyang napabukas ng bibig habang yung katabi naman niya ay napabitaw ng bitbit nitong paper cup.

Bigla akong nakaramdam ng gutom dahil hindi pa ako nakapaghapunan kaya binigyan ko ng namamaalam na sulyap ang Alphas bago umikot at nagsimulang maghanap ng stalls na makakainan.

"Shoot," napabulong ako nang maalalang nakalimutan kong dalhin yung ID ko.

Kinapa-kapa ko ang skirt ng dress ko at nalamang wala itong bulsa.

Ilang segundo kong pinikit ang aking mga mata sabay hinga ng malalim, at sa aking pagmulat, bumungad sa'kin ang lalaking mahinahong nakaupo sa likod ng isa sa maliliit na mesa.

Nakapihit ang kanyang magkabilang braso sa dibdib nang mamuo ang isang nanunuksong ngiti sa kanyang labi. At pagkaraan ng ilang segundo ng pagtitig sa'kin, panandalian niyang sinulyapan ang bakanteng upuan sa tapat niya.

Umiling ako. 

Binaba niya ang kanyang mga braso at akmang tatayo nang kusa akong napalapit sa kanya pagkatapos kong maalala ang ginawa niya sa'kin no'ng pinilit niya akong bumalik sa cubicle ko sa clinic.

Napabuga ako ng hangin pagkaupo ko sa harap niya.

"You're still not forgiving me for that kiss?" tanong niya na ikinalaki ng aking mga mata.

Luminga-linga ako upang masiguro na walang nakarinig ng sinabi niya.

"Henri!" pabulong kong sigaw.

He chuckled lightly and gently pushed the menu on the table closer towards me. "I've already ordered us drinks. You can choose what you want to eat."

Sinamaan ko siya ng tingin bago kunin ang menu.

Pagkatapos kong makapili, hindi ko binaba ang menu sa kamay ko at sa halip ay palihim na minasdan ang lalaking nasa likod nito.

Kung saan-saan dumako ang kanyang mga mata, sinusundan ng tingin ang mga taong dumadaan. 

May isang okasyon na nahagip ko ang bahagyang pag-angat ng isang sulok ng kanyang labi kaya napalingon din ako at nakita ang isang lalaki na malapad na nakangiti sa kausap nitong babae.

Bumaba ang mga mata ko sa pin ng lalaki at nalamang Gamma ito habang yung kausap naman niya ay Beta.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa harapan ko at binaba ang menu sa mesa.

"You like watching people?" tanong ko.

Malumanay siyang ngumiti. "I like looking at their threads."

Nagkasalubong ang aking kilay. "Anong ibig mong sabihin?"

Umayos siya sa pagkakaupo at ipinatong ang kanyang mga braso sa mesa. Ipinagdaop niya ang kanyang mga palad sabay hilig sa'kin.

"Every creature, Reign, has threads surrounding them," pagbibigay-alam niya. "The thickest one is their thread of life. It shines gold, and it measures how long one will live."

"Only the Fates can control it," dagdag niya. "They're also the only ones who can cut it and start another thread for a new life."

"Then there's the red thread of fate..." sabi niya.

"Narinig ko na 'yan dati," puna ko.

"The thread that may stretch or tangle, but never break." He slightly tilted his head to the side, as if he found it interesting himself. "For two people who are destined lovers, regardless of place, time or circumstances..."

"And lastly," sambit niya. "Are the strings..."

Humiling ako papalapit sa kanya. "The strings?"

"Like the thread of life, they're also gold but thinner." Pinaningkitan niya ako. "The ones that fade in and out while circling around you."

"And what do they do?" usisa ko.

"They predict every inch of your movement," aniya. "When you want to stay still, they will stay still. But when you are supposed to move, one of the threads move first before you do."

"Is that how you see motion a second in advance?" Naalala ko kasi ang isa sa abilities niya na nasabi na niya sa'kin.

"Mmm." Nginitian niya ako bilang sagot.

"That's..." Nanghina ang aking boses sa bandang huli. "-actually cool."

"Hi." Isang babae ang lumapit sa'min na may dalang tray.

Sabay kaming humilig ni Henri palayo sa isa't isa at umayos sa pagkakaupo.

"So, have you already decided on something to eat?" tanong ng server habang isa-isang nilapag ang drinks namin sa gitna ng mesa.

"Salad with roasted chicken," sagot ko.

"I'll take your seared scallops," sabi naman ni Henri.

Kinuha ng server ang menu at nginitian kami. "I'll be back right away."

Hinatid ko siya ng tingin, hanggang sa dumako ang aking mga mata sa isa sa mga papers na nakadisplay sa gilid ng stand.

Bahagya kong piniling ang aking ulo upang mabasa nang maayos ang headline nito.

"A change of top class..."

"You're not worried?" ani Henri.

Natawa ako ng mahina nang harapin siya. 

"No," kampante kong sagot. "Everyone knows that whichever class the top student belongs to, is the top class."

"Which means if they want to change the ranks..." My lips curved to a sly grin. "They'll have to bring me down first."

Napasulyap si Henri sa ngiti ko bago nahawa nito.

"Right..." he whispered in agreement.

• • •

Natapos ang dinner namin ni Henri nang hindi pa kami tapos sa pag-uusap tungkol sa mga sinulid at tali na ayon sa kanya ay nagpapakita ng nakatadhana.

Nakapalikod ang aking mga kamay habang naglilibot sa park kasama siya.

"Can you see my red string?" tanong ko.

"Mmm."

"Where does it lead to?" 

"I don't know yet," sagot niya. "It's still tangled around you."

"Di mo nakikita yung dulo nito?" tanong ko ulit.

"No," sagot niya. "It's too intertwined with itself."

"Ibig sabihin ba nito..." Madahan akong suminghap. "Nakatadhana ako sa sarili ko?"

"I told you not to order any more drinks, Reign."

"You know how they put the tiniest amount of ambrosia sa drinks nila?" pagbibigay-alam ko sa kanya. "Para 'yan hindi tumigil sa pag-inom yung customers nila."

"If you knew, then why did you still ask for more?"

"Kasalanan mo rin naman," sabi ko sa kanya. "Sa sobrang haba ng usapan natin tungkol sa ability mo, nauhaw ako."

"Tsaka, malay ko ba lahat pala ng drinks na nandito may alcohol-" Tumagilid ang pananaw ko kaya napahilig din ako nang kaunti ngunit dali-dali ko ring inayos ang aking paglalakad bago may nakapansin. "Di ko naman kasi nalasahan yung alak, eh."

"Teka-" Napatigil ako. "Anong oras na ba?"

Tumingin siya sa relo niya. "A quarter past ten."

"It's still too early to go home, isn't it?" tugon ko. "From a party?"

"You can go home if you want to," suhestyon niya. 

"Psh-" Pinigilan ko ang aking sarili na pagtawanan siya. "Inuutusan mo ba akong umuwi?"

Kumunot ang kanyang noo. "No, I didn't."

"Henri." Binabaan ko ang boses ko nang malaman niyang seryoso ako. "Hindi ako pwedeng umuwi nang maaga."

Pinasadahan niya ako ng nagtatakang tingin.

"Kaya ako pinapunta ni Paige dito ay para makipaghalubilo ako sa ibang mga estudyante, alam mo ba 'yon?" 

Hindi siya nagsalita.

"See? di mo alam." Ako na ang sumagot para sa kanya.

"Anyway..." Nagpatuloy ako sa paglalakad. "Just because I'm the top student doesn't mean I can't have fun, you know?"

"I actually want to. I-" Sumayad ang aking paningin sa daanan namin. "I want to hang out with the others, even Bella, when they're doing their own thing..."

Pagkatapos, napabuntong-hininga ako at muling napatigil. "It's funny how everyone thinks I can do everything, when I actually can't."

"I just don't have the time," saad ko. "And it's physically impossible for me to do everything that I want to all at the same time."

"But then again, this is me, already doing everything that I can for them." Nginitian ko si Henri. "You know what I mean, right?"

"Reign..." mahina niyang sambit. "Have you actually done anything for yourself?"

Sasagutin ko na sana siya nang biglang bumlangko ang aking isipan. Dahan-dahan akong napatikom ng bibig at napaiwas ng tingin.

Pinag-isipan ko nang mabuti ang tanong niya.

Muli ko siyang tinignan. "Just... for myself?"

"Only for yourself," tugon niya.

Napalunok ako nang mapagtantong isa ito sa mga katanungang hindi ko masasagot.

"Binilhan ko yung sarili ko ng isang daang hair ties?" Nag-aalangan kong sagot. "Does that count?"

Bahagyang umawang ang kanyang bibig. "Reign..."

Napalunok ako. "B-Bakit?"

He scoffed, as if he looked at something unbelievable, before grabbing my hand and led me back to the fountain in the middle of the park.

Hindi niya pa rin ako binitawan nang patungan niya ng isang barya ang palad ko.

"Make a wish." Sinarado niya ang kamay ko. "Anything that you want to do right now."

"Henri-"

"Just do it." He said, and finally let go of my hand.

Matagal-tagal ko siyang tinitigan, bago humarap sa fountain.

Hinawakan ko ang kamay kong may lamang barya at pumikit.

What I want to do right now...

Pagkatapos humiling, marahan kong itinapon sa tubig ang barya, saka tinignan si Henri na naghihintay sa'kin.

"What did you wish for?" tanong niya.

"Um, I..." I pursed my lips for a few seconds, silently debating if I should tell him or not.

Umangat ang magkabilang kilay niya.

"I wished I could go into the counselor's office and scratch out everything under my punishment's list?"

Slowly, but surely, a mischievious grin formed on his lips.

"Let's do that."

• • •

"Henri, teka lang-" Nagpipigil ako ng hagikgik nang sundan si Henri na lumabas mula sa pagtatago sa sulok ng hallway papuntang counselor's office.

Nahagilap ko ang liwanag ng flashlight sa likod namin. "Hoy!" bulong ko. "Bilisan mo!"

Maingat niyang pinihit-pihit ang susi sa knob. Nang marinig itong bumukas, mahina niya itong tinulak at sinenyasan ako.

Kagat-kagat ang aking pang-ibabang labi, binilisan ko ang aking mga hakbang papasok sa office.

Pagkatapos, sinarado niya agad ito.

Inilabas ni Henri ang maliit na flashlight na nakuha namin mula sa faculty room kasama yung mga susi ng office. 

Binuksan niya ito at dumiretso kami sa mga drawers ng mesa para hanapin yung original copy ng checklist ko.

"Is this it?" Inabot niya sa'kin ito.

Inilapag ko ang papel sa mesa at kumuha ng pulang ballpen mula sa lalagyan nito.

"She's on her way," sabi niya habang nakatapat ang flashlight sa kamay ko.

"Shh!" Natatawa ako habang nilalagyan ng check marks ang bawat numero na nasa listahan. "Huwag mong igalaw yung kamay mo!"

Ibinalik ko sa kanya yung papel, pati na rin ang ballpen.

Maayos niya itong ipinailalim sa isang record book bago isarado yung drawer. Saka niya pinatay ang flashlight.

Papalabas na kami ng office nang tumapat mula sa kabilang dako ng pinto ang liwanag.

Pumihit-pihit ang doorknob nito.

Napasinghap ako nang bigla akong hatakin ni Henri patungo sa isang sulok ng office. Nagtago kami sa gilid ng isang bookshelf at habang nakadikit ang aking buong katawan sa pader, bahagyang sumilip si Henri mula rito.

Napapikit ako nang ramdamin ang mabibilis na tibok ng aking puso.

Patago na piniling ni Henri ang kanyang ulo sa sandaling narinig ko ang pagbukas ng pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko at sinundan ng tingin ang sinag ng flashlight na kung saan-saan dumako sa buong silid.

Binigyan ko si Henri ng nag-aalalang tingin.

Nginitian niya ako saka umiling.

Tumapat ang liwanag malapit sa balikat niya, at huminto sa loob ng ilang segundo, bago lumipat.

Mayamaya'y narinig ko ang pagsarado ng pinto dahilan na mabuga ko na ang hiningang kanina ko pa pinipigilan.

Narinig ko ang marahan niyang pagtawa kaya mahina ko siyang tinulak.

"Let's get back to the faculty," aniya.

Mabuti nalang at dinaanan ng nagbabantay na aurai ang hall papuntang faculty kaya mas mabilis kaming nakapunta rito kesa nung una.

Pagkalabas namin ng faculty room para isauli ang mga susi, hindi pa rin mawala-wala ang kaba na nararamdaman ko.

Napatingin ako sa mga kamay ko na sa kauna-unahang pagkakataon ay nanginginig. Ibinaba ko ang mga ito at habang nakatuon sa harapan, unti-unting namuo ang isang kakaibang ngiti sa aking labi dulot ng pinaghalong takot at pananabik.

"Why do you look like this is the first time you've broken a rule?" Bakas ang pagkamangha sa tinig ni Henri nang tanungin ako. "When I know this isn't?"

Marahan akong natawa at napailing. "I don't know either..."

"Hey- you!"

Napatigil kaming dalawa nang marinig ang boses ng aurai na umalingawngaw mula sa kabilang dulo ng hallway.

Lilingon na sana ako nang pigilan ako ni Henri.

"Don't let her see you."

"Stay where you are!" sigaw ng aurai. "The both of you!"

Nagpalitan kami ng tingin ni Henri bago kumaripas ng takbo.

"I said stop!"

Hinawakan ni Henri ang kamay ko upang pigilan akong dumausdos sa matulin naming pagliko sa isa sa mga corridors.

Naglaho ang sigaw ng aurai dahil pinalitan ito ng maingay na tunog ng aking sariling puso.

Lumabas kami sa training field, at ako na naman ang humila sa kanya patungo sa harapan ng Academy.

Naramdaman ko ang paglapit ng aurai na humahabol sa'min.

Rumaragasa ang hangin sa aking pandinig nang higpitan ko ang pagkakahawak ko kay Henri at wala sa sariling napangiti.

Binilisan ko ang aking pagtakbo at pagkarating namin sa dulo ng isla, biglang nanahimik ang simoy ng hangin nang bitawan ko ang kamay niya at mataas na tumalon.

Habang nahuhulog, dahan-dahan akong napabukas ng aking bisig nang maramdaman ang unti-unting paggaan ng aking magkabilang balikat.

Umawang nang kaunti ang aking mga labi upang magpakawala ng isang napakahabang buntong-hininga.

Mabagal akong kumisap, at pinatagal ang daloy ng panahon sa aking paningin...

Nang mapahalagahan ko ang bawat segundong walang nakahugot sa'kin mula sa lupa...

At walang bigat mula sa langit ang nakakaabot sa'kin.

Continue Reading

You'll Also Like

408K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
1.6M 63.9K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
2.4M 185K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...