BOYS TO SEEK (JK and Armina S...

By fedejik

33.9K 2.2K 196

Being a renowned celebrity, JK find it hard to enjoy his private life. Maging ang lovelife ay naging napakahi... More

Boys to Seek (JK and Armina Story)
An Open Letter to my Co-ARMY
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue

Chapter 34

560 48 7
By fedejik

CHAPTER 34

Armina

Sa ilang araw na panunuluyan ko sa headquarters ng BTS, kahit na papaano ay napahinga ako. Naging katuwang ko sila sa pag-aalaga kay Kurt na mukhang agad ding napalagay ang loob sa kanila dahil bigla na itong nagdadaldal sa kanila. Kaya naman mas lalo silang naaliw nang makita ang side na iyon ng anak ko.

"Hindi ako makapaniwalang si JK ang ama ni Kurt..." pagbubukas ni Ariel habang pasimpleng nakatingin sa grupong nakapaikot sa sala at nilalaro si Kurt.

Mapait akong ngumiti at tumango. "I'm sorry kung hindi ko nasabi sa 'yo..."

Maagap siyang umiling. "You owe me nothing, Armi. At saka naiintindihan ko naman kung bakit 'di mo sinabi sa akin. Hindi simpleng tao ang ama ng baby mo."

"Ayokong makasira kay JK, Ariel... Kaya sana itago mo ang sikreto ko..." pakiusap ko.

"Hindi mo na kailangang magsabi, Armi. Alam mo namang poprotektahan ko kayo ni Kurt kahit na ano'ng mangyari."

Mapait akong ngumiti sa sinabi niyang iyon. Sobrang bait na tao ni Ariel. Kung magagawa ko lang sanang turuan ang puso ko.

"Salamat, Ariel."

"Don't mention it. Basta ikaw, hindi ka na magdadalawang salita pa."

Sa halip na magkomento sa sinabi niyang iyon ay ngumiti na lang ako.

"But tell me honestly, may feelings ka pa ba kay JK?"

Ilang saglit din akong nag-alangang sumagot bago mapaklang ngumiti. "Wala namang silbi kung anoman man ang nararamdaman ko. Hindi kami puwede ni JK."

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Hindi pa ba obvious? Ang layo ng agwat namin sa isa't isa."

Nagpakawala siya ng mapaklang tawa. "I've heard that a lot of times, Armi. Palasak na ang ganyang rason. Ang importante sa relasyon, kayo ang nagkakaintindihan. Kayo ang nagmamahalan. Hindi na importante ang opinyon ng ibang tao."

"Makakasira ako sa career nila, Ariel. Hindi naman si JK lang ang masisira ko. Pito sila."

"Nandoon na tayo... Pero 'di ba? Ang fandom nila ang pinaka-passionate sa lahat. Sa tingin ko naman, hindi sila tatalikuran ng fandom kung magmahal man sila."

"Hindi ko alam, Ariel. Ayoko pa ring makasira... Ang layo nang narating nila. At grabe ang hirap nila marating lang ang kinalalagyan nila ngayon."

"Look, Armi. There will come a time that their careers will come to an end. Sa tingin ko, hindi naman nila sisisihin ang isa't isa kung ang rason naman ay nagmahal lang ang isa sa kanila. And besides, alam naman nating pasikretong lumalabas ang mga iyan. Meaning lang, gusto rin nilang may babaeng minamahal."

Hindi na ako nagkomento sa sinabi niyang iyon at sa halip ay ibinaling na lang ang tingin sa malayo.

"Huwag mong maliitin ang sarili mo, Armi... Kahit pa ganito lang ang trabaho natin, deserved pa rin natin ang mahalin ng kahit na sino'ng mas mataas pa sa atin. Pantay-pantay lang tayo sa larangan ng pag-ibig."

Mapakla akong ngumiti. "Ang dami mo yatang alam?" biro ko pa.

Humalakhak siya. "Hindi naman. Nakaranas lang ding ma-in love. At saka totoo naman ang sinasabi ko, 'di ba? Kung pipiliin ka namang mahalin, bakit 'di ka susugal?"

Tumango ako at muling ibinaling ang tingin sa malayo. Nang umihip ang malakas na hangin ay may kung ano'ng biglang pumuwing sa akin.

"Ouch..." daing ko sabay hawak sa mata ko.

"Are you all right?" nag-aalalang tanong pa niya sabay hawak sa magkabilang braso ko.

"Napuwing ako... ang sakit..."

"Come on. Let me see," aniya sabay gagap sa mukha ko. "Maididilat mo ba? Hipan ko?"

"Baka masakit..."

"Wait..." Hinawakan niya ang balat malapit sa aking mga mata at pilit na idinilat iyon bago ilang beses niyang hinipan. "Nawala ba?"

"Parang mayroon pa rin..." Ngumiwi ako at muling pinakiramdaman ang mga mata.

"I'll try—"

"What the hell are you doing?!"

Halos sabay kaming mapatalon sa boses na iyon.

Mabilis akong lumayo kay Ariel habang takip ang isang mata. 

"Napuwing po si Armi, sir," paliwanag din naman ni Ariel na halatang medyo nataranta.

Nanatiling kunot ang noo ni JK at nagdidilim ang mukha. Para bang hindi tanggap ang paliwanag na iyon ni Ariel.

"Idilat ko na lang sa tubig 'to, Ariel. Salamat."

Tumango ito. "Sige. Mabuti pa nga."

Nilagpasan ko si JK na ramdam kong nakasunod sa akin. Pero nagkunwari akong hindi siya pansin at dumiretso pa rin sa kusina. Agad kong binuksan ang faucet at itinapat ang kamay doon bago ibabad ko rin ang mata ko sa dumadaloy na tubig sa palad ko.

Nang makatapos ay para bang nawala na rin ang puwing sa mata ko.

"Nawala na?" bungad agad ni JK na noo'y matamang nakatitig sa akin.

Tumango ako. "Oo..."

"Let me see..." pormal na aniya sabay lapit sa akin at tiningnan ang aking mata.

Dahil sa sobrang lapit niya ay hindi ko naiwasan ang sobrang matensyon. Halos maamoy ko na ang kanyang hininga sa sobrang lapit niya. At pakiwari ko ay dinig na dinig niya ang malakas na kalabog ng puso ko.

"Medyo namula..."

Mabilis akong dumistansya at mapait na ngumiti. "Mawawala rin 'yan. Thank you."

Seryoso siyang tumango-tango bago mataman akong tinitigan sa mukha.

"He knew about our son, right?"

Saglit akong naguluhan sa tanong at mukhang nahalata naman iyon.

"That guy outside. Ariel? He knew about our son, right?" pag-uulit niya.

Tumango ako. "Nito lang..."

"Can he be trusted?"

"Oo," tumatangong sagot ko. "Wala kang dapat ipag-alala kay Ariel. Mabuting tao 'yon."

Tumikhim siya. Tila ba hindi kumbinsido sa sagot ko.

"Is he courting you?"

Umawang ang mga labi ko sa tanong niyang iyon. Ilang saglit din akong natulala lang bago marahang tumango. Wala rin naman akong makitang rason para i-deny pa iyon. Parehas naman kaming single.

"So, do you like him?"

Umismid ako. "It's none of your business."

"It is my business, Armi. Remember, may anak tayo? Gusto ko lang ding makasiguro na hindi sasaktan ng kahit na sino'ng lalaki ang anak natin kung sakaling maging kayo man someday."

Humugot ako ng malalim na buntonghininga. "Matagal ko nang nakasama si Ariel. Mabuti siyang tao."

"Okay," malamig na sagot niya. "Pero habang nandito kayo sa HQ, sana iwasan ninyong magdikit. Sana trabaho muna ang iniisip ninyo," masungit pang dagdag niya na nagpagulat sa akin.

Ayoko man sanang isipin, pero nagseselos ba siya kay Ariel?

"W-w-what?" Kunot-noo pa niyang tanong habang nakatitig sa akin.

Dumiretso ako ng tayo at mataman itong tinitigan sa mukha. "Wala po. Babalik na ako sa trabaho ko."

"Do that later. Mukhang inaantok na rin si Kurt. Patulugin mo muna."

"Okay." Mabilis akong tumalikod at agad na tinunton ang daan papunta sa sala.

Naabutan kong nakahiga na si Kurt sa sofa at nakaunan na sa hita ni Vince.

"Kurt, sa kwarto ka na sleep, a," mahinang sabi ko kay Kurt na agad namang nag-angat ng mga kamay para magpabuhat.

Maingat kong kinarga si Kurt na agad naman ding isiniksik ang mukha sa kurba ng aking leeg.

Nagsenyasan ang grupo na tumahimik lalo pa nga't nakapikit na rin agad ang anak ko hindi pa man kami nakakaakyat sa ikalawang palapag.

Naramdaman kong nakasunod pa rin si JK kung kaya nilingon ko ito at pabulong na nagsalita. "Ako na ang bahala kay Kurt."

"May kukuhanin lang din ako sa kwarto," malamig pang aniya.

Tumango ako at muling itinuon ang atensyon sa hallway.

Malapit na kami noon sa kwarto nang tumunog ang cell phone ni JK. Agad din naman niyang sinagot iyon.

"Hey, Aiyu..." malambing na bungad pa niya.

Kahit pa hindi ko alam ang tunay nilang relasyon, nandoon pa rin ang selos. Aiyu was JK's ultimate crush. At dahil mabuting babae rin si Aiyu, alam kong hindi impossibleng sa tagal kong nawala ay hindi sila magka-develop-an. Marami rin akong nabasang article tungkol sa kanila. Hindi ko lang masiguro kung alin nga ba roon ang totoo.

Nagkunwari akong hindi pansin iyon at dumiretso pa rin sa loob ng kwarto. Nakahiyaan ko tuloy magsara ng pinto lalo pa nga at huminto siya sa tapat namin habang nakikipag-usap.

"I'll try. Medyo maluwag naman ang schedule namin this week."

Tumahimik siya. Tila ba nakikinig na maigi sa kausap sa kabilang linya.

Ayaw ko mang makinig ay hindi ko mapigilan lalo pa nga't naririnig ko ang boses niya.

"Really? That would be great. I can't wait to see you, then."

Parang pinipiga ang puso ko sa naririnig kong saya sa boses niya. At kahit ayokong mag-assume, parang sa boses pa lang ay halata na ang relasyon nilang dalawa.

"All right. I'll call you as soon as I check my schedule tonight, okay?"

Nagkunwari pa rin akong abala habang inaayos si Kurt sa bed.

Nakapamulsa siyang lumapit sa bed bago haplusin ang noo ng anak namin.

"Mukhang napagod siya ng mga Uncle niya."

"Oo nga," matabang kong sagot.

Kahit pa inaasahan ko nang walang future sa aming dalawa, hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng matinding selos.

"I might be out tonight," paalam pa niya.

Nag-angat ako ng mukha at mapait na ngumiti. "Hindi mo naman kailangan magpaalam. Karapatan mo namang makipag-date at single ka naman."

Nakanguso siyang tumango-tango. "Baka bukas ng madaling araw na rin kasi ang uwi ko."

Tumango-tango ako. "Enjoy ka na lang."

"Yeah. If there is anything you need, magsabi ka lang."

"Wala naman na... pero salamat."

"Okay. Later," aniya sabay talikod.

Nang tuluyan siyang makalabas ng kwarto at maisara ang pinto ay wala ako sa sariling naupo sa bed at tinitigan ang anak ko. Alam kong kailangan kong gwardiyahan ang sarili ko dahil kung hindi ay ako lang din ang masasaktan sa huli. Hangad ko na lang na maging masaya si JK sa bago niyang relasyon. Ang relasyong alam kong katanggap-tanggap sa mga boss nito at sa mga mata ng mga humahanga rito.

Continue Reading

You'll Also Like

18.8K 627 20
Muse and Bench were the best of friends since birth. Buong buhay ni Muse ay si Bench ang kasama niya at hindi na yata sila mabubuhay kung wala sa pil...
548K 24.1K 42
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang...
362K 14K 50
Terrence will always be Chloe's first love. Lumaki silang magkababata ng lalaki, pero ang batang puso niya ay maaga ring nahulog dito. Lantarang ipin...
1.3M 41.4K 27
SAN DIEGO SIBLINGS SERIES #3 (MATIAS' STORY) Inspired by the movie, MAGIC MIKE starring Channing Tatum! ********** Maliit pa lamang sila ay pinangara...