BOYS TO SEEK (JK and Armina S...

By fedejik

34.2K 2.2K 196

Being a renowned celebrity, JK find it hard to enjoy his private life. Maging ang lovelife ay naging napakahi... More

Boys to Seek (JK and Armina Story)
An Open Letter to my Co-ARMY
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue

Chapter 29

541 46 3
By fedejik

CHAPTER 29

JK

Tahimik kaming nakaupo habang naghihintay ng susunod na instruction. Katatapos lang namin sa TV program guesting, pero grabe ang naging dagsa ng mga fans sa labas ng station.

"Sir, mukhang hindi natin kakayanin ang dami ng mga fans. Kahit sa parking lot punong-puno. Hindi po namin na-anticipate ang mangyayari po. Pasensya na po," apologetic na sabi ng team leader ng security.

Iiling-iling na nagkamot ng ulo si Manager Lee. "What are you planning to do now?"

"Tumawag na po kami ng back-up sa ibang security agency. Parating na po iyon. Ilang minuto na lang po."

"All right. Basta siguraduhin n'yo lang na safe ang mga boys ko," mahigpit na bilin pa nito.

Tumango-tango ito bago nagmamadaling tumalikod.

"Someone might have leaked our schedule," conclusion agad ni Vince.

"That's for sure. Wala namang nakakaalam sa TV guesting natin na ito," segunda ni Jimin.

"And, it could be from the station, too," pabulong namang dagdag ni Jin.

Hindi na ako nakisali sa usapang iyon. Ang gusto ko na lang gawin ay umuwi at matulog. Ilang araw na punong-puno ang schedule namin kung kaya hinahanap ng katawan ko ang pahinga.

"Mararanasan pa kaya natin ang normal na buhay?" Si Rapmon na naiiling pa.

"Mukhang impossible na. Kahit bata yata ay kilala na tayo." Si Yogi na sinundan pa ng inom ng tubig.

"Sinabi mo pa." Bumuntonghininga si Jay. "Nagugulat ako kapag may mga bata ring sumisigaw sa pangalan natin. That's quite surprising to see. I am not complaining, though. Pero nakaka-miss ang privacy."

"Yeah. Iyon ang pinakamahirap na makuha ngayon. Privacy," sang-ayon ni Yogi.

"Who would have thought na mararating natin ang ganitong pagkilala." Si Jin na proud pang ngumisi. "This is beyond my expectation. Kahit pa mga foreigner nating fans, ibang klase ang passion."

"The reason I am very thankful to you, guys," madramang singit ni Jimin, "naranasan ng family ko ang maalwang buhay dahil sa inyo. So, thank you so much from the bottom of my heart." Hinagod pa nito ang tapat ng dibdib na nagpatawa sa lahat.

"JK, are you okay?" puna ni Jay habang concerned na nakatingin sa akin.

Tumango ako at mapait na ngumiti. "Yeah. Pagod lang."

Hindi naman na siya nagkomento sa sagot kong iyon. Maging ang mga kagrupo ko ay hindi na rin nagtanong, pero tamang nagpalitan lang ng makahulugang mga tingin.

"Kumusta na nga pala kayo ni Aiyu?" Si Jin na nilingon pa ako.

"Walang kami... but yeah, she's fine," matabang kong sagot bilang pagpapakita ng kawalan ko ng interes sa topic na binuksan niya.

Alam kong duda sila sa sagot kong iyon lalo pa nga at higit kaming naging malapit ni Aiyu nitong nakakaraang buwan.

"Come on. Spill the beans. Kayo na ba, ha?" pangungulit pa nito.

Nangingiti lang akong umiling. What is not to like about Aiyu? She's simply perfect. Bukod sa mabait ay maunawain din siya at maalaga. But the thing is, I just couldn't force myself to love someone else even if it's almost five years that Armi left me without a single fucking word.

"Guys, come on. Nandiyan na ang back-up security." Si Manager Lee na sumenyas pa sa aming sumunod.

Halos sabay-sabay kaming sumunod sa aming manager papuntang parking lot. Pero sa halip na sa dati ay sa ibang floor kami pumunta. Iyon pala ay sa ibang sasakyan kami sasakay.

Nakapaikot na ang ilang security sa buong parking lot na iyon kahit pa walang tao.

"Magdalawang grupo kayo. May kasama kayong security sa loob kaya wala kayong dapat na ipag-alala kahit pa walang naka-convoy," mahigpit na bilin pa ni Manager Lee. "Maiiwan muna ako rito. Kapag sigurado kong nakalabas na kayo ng building, saka ako susunod."

Agad naman kaming tumalima sa utos nito. Magkakasamang sumakay sina Rapmon, Yogi at Jin sa nauunang sasakyan at kami naman nina Jin, Vince at Jimin sa sumunod na sasakyan.

Tulad nang inaasahan ay may mga nakasakay na ngang security sa loob.

Paupo na lang sana ako nang biglang mag-ring ang cell phone ko.

Si Jin.

Tamad kong sinagot iyon bago pumasok sa loob ng sasakyan.

"What?" bungad ko.

{Do you want to switch places with me?}

"I'm already inside the car."

{Believe me, you want to switch places with me.}

"Ang lakas ng trip mo. Huwag mo nga akong guluhin!" Agad kong pinutol ang tawag.

Hindi nagtagal ay nakatanggap ako ng message galing sa kanya.

Bumuntonghininga ako at walang interest na binuksan iyon. Pero ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang mukhang 'di ko kailanman nakalimutan.

What the hell is she doing here?!

Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at agad na binuksan ang harapan ng kabilang sasakyan. At ganoon na nga lang ang gulat ko nang bumungad ang namumulang mukha ni Armi.

Ilang segundo rin akong napatitig sa mukha niyang iyon. Hindi ko sukat-akalain na matapos ang maraming taon ay makikita ko pa rin siya!

What the fuck?

"Hi..." bati pa niya sabay ngumiwi.

I can't fucking believe this!

Pero sa halip na pansinin ay padabog ko lang ulit na isinara iyon at muling bumalik sa likod na sasakyan.

"Si Armi talaga iyon? Seryoso?" hindi pa makapaniwalang tanong ni Vince.

Tumikhim lang ako at kuyom ang palad na nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano bang dapat na maramdaman.

"Security personnel na rin siya? That's so cool. Hindi ko ma-picture." Si Jimin na tila ba namangha rin sa pangyayari. "Did she gain weight now?"

"Hey, stop it," saway ni Vince.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at pilit na itinuon ang atensyon sa labas kahit pa ang utak ko ay naglalakbay sa kabilang sasakyan.

Thirty minutes din ang aming nilakbay papunta sa bagong headquarters ng grupo. Higit iyong mas malaki kumpara sa dati. Malayo iyon sa mga kabahayan at napalilibutan iyon ng matataas na pader. Doble na rin ang security dahil na rin sa dami ng mga obsessed na fans na nagtatangkang lumapit sa amin.

Dali-dali akong lumabas ng sasakyan at saktong paglingon ko ay nahuli kong nakatingin si Armi sa akin. Pero agad akong nag-iwas ng tingin at diretsong naglakad papasok habang nagpaiwan naman sina Vince at Jimin na bumati kay Armi. Natanawan ko rin ang ibang grupo na nag-usyoso rin at nakipagkumustahan.

Aburido akong pumasok sa kwarto at palihim na sumilip sa bintana. Sa loob ng limang taon, masasabi kong medyo nag-matured ang hitsura ni Armi. Bukod doon ay hindi na rin siya kasing payat ng dati. Medyo malaman na ang kanyang katawan at para bang alaga rin sa gym. So yeah, she's not so bad. I mean, she's still the prettiest girl I've ever seen.

Inis akong lumayo sa bintana at padarag na ibinagsak ang katawan sa bed. I couldn't believe that I am still feeling this way after all I've been through in the past years.

And fuck, I hate myself for still admiring her this way! I hate myself for still missing her! I hate myself for still loving her!

Ugh, I fucking hate myself!

Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang sobrang inis ko. Kaya naman inaantok akong bumangon at agad na dumiretso sa banyo para mag-shower.

Nang makatapos ay nagdesisyon akong bumaba sa living room at naabutan ko roon ang grupo na panay ang kainan habang nanonood ng TV.

"Gising na ang aming 'Golden Boy.'" Si Jay na sinalubong pa ako sa dulo ng hagdan at inakbayan.

"Nakatulog ako. Sorry. Tapos na kayong mag-dinner?"

"Yeah. Nandoon ang pagkain mo sa table." Si Rapmon na sumulyap pa sa direksyon ng kusina.

Tumango ako at agad na dumiretso sa kusina. Pero ganoon na lang din ang gulat ko nang abutan si Armi roon na kumakain.

What the fuck? Seriously?

"Oh, I'm so s-sorry..." Mabilis itong tumayo at agad na binitbit ang platong kinakainan nito.

Hindi ako kumibo. Hindi ko naman akalaing nandito pa rin siya sa bahay!

"K-kumusta ka na?" tanong pa niya na nagpaangat ng tingin ko sa kanya.

Kumunot-noo ako at galit itong tinitigan.

"I-I'm sorry... Um, kumain ka na. Iwan na kita," aniya sabay tangka sanang tatalikod.

"What are you still doing here? Hindi ba tapos naman na ang trabaho ninyo rito?"

Tumango siya. "Um, oo... Hinihintay lang namin ang instruction mula sa team leader namin. Hindi pa kasi dumarating ang security ninyo kaya pinag-stay muna kami rito."

Hindi na ako nagkomento sa sagot niyang iyon. Ayaw ko mang magsungit ay hindi ko maiwasan. Sobrang sakit balikan kung papaano ako halos mabaliw nang bigla siyang umalis ng walang paalam.

"Manang, please, tell me... Nasaan si Armi. Please, Manang..." Kulang na lang ay lumuhod ako sa pagmamakaawa kay Manang Udyang.

Pero iyak at iling lang din ang isinagot niya sa akin. Wala raw siyang kaalam-alam dahil hindi rin ito nagpaalam. Nadurog ang puso ko dahil doon.

At sa loob ng limang taon na 'yon, sobrang sariwa pa rin ng alaalang iyon sa akin. Para bang kahapon lang iyon nangyari. At parang kahapon lang din ang sakit. Akala ko ay hindi ko na magagawang makabangon. 

"Iwan ko na ang pagkain mo..." aniya sa maliit na boses habang iwas ang tingin.

Tumikhim ako at nagkunwaring walang narinig. Tahimik akong kumain at nag-pretend na wala ang presensya niya. 

Nang tumalikod siya sa akin ay pasimple ko siyang sinulyapan. Sa totoo lang, kahit pa sobrang sakit ng nangyari, wala akong ibang gustong gawin kundi ang halikan at yakapin siya ng sobrang higpit. Umaasa akong sa kabila ng maraming taon, mabibigyan niya ako ng rason na matatanggap ko.

I must be really out of my mind!

Continue Reading

You'll Also Like

15.2K 798 32
She only want a commitment not a serious relationship. She is the woman who just want to play. A Woman who didn't know what love is. But what if one...
143K 3.1K 25
ONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Alesteir apart. Now he's back with a confe...
98.5K 1.9K 52
Also available in Dreame. Do you believe in fate? Would you rather believe in fate than to work for it and make it happen? Officialwhosthatgirl 2014...
1.8M 6K 5
Dela Marcel Series: Kristoff Uno Dela Marcel Story by: Diyosangwriter Cover by: CookieMallows