SOLD TO THE BILLIONAIRE

Da RHNA24

82.9K 2.4K 39

[COMPLETED ✔️] Coleen Andromeda used to live her everyday hellish life. The word pain is not new to her at al... Altro

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 23

1K 28 0
Da RHNA24

Chapter 23

"Call me after your group study, okay? Baka kung mag-text ka ay hindi ko mabasa."

Tumango ako kay Casper habang inaayos ang magulo kong buhok sa kamamadali ko kanina. Late na akong nagising at doon pa kami sa bagong barko ni Casper natulog dahil doon kami nagpalipas ng gabi. Tuloy ay kailangan pa naming umuwi para makapag-ayos ako bago pumunta kina Michelle para sa group study namin.

Although, it's not that the only reason. Casper was insatiable last night and I don't know what time did we slept. Basta ang alam ko lang ay walang sawa niya akong inangkin kagabi kaya late na akong nagising.

Sinisisi ko siya kahit ginusto ko naman ang nangyari.

"Okay. Basta h'wag mo lang i-silent ang phone mo dahil alam ko pa namang sobrang busy mo."

"Of course, I won't. Take care, okay? Sigurado ka bang hindi ako p'wedeng sumama?"

Natawa ako at tumigil sa pag-aayos ng buhok para lingunin siya na abala sa pagmamaneho. Panaka-naka niya akong sinusulyapan pero mabilisan lang dahil abala siya sa daan.

"Ano ka, kagrupo ko?" I sneered at him. "isa pa, mabilis lang kami doon. Malapit na rin namang matapos ang powerpoint namin kaya maaga akong makakauwi mamaya." I said.

It's the truth that we're almost finish at our powerpoint but I have something to be ready later kaya sisiguraduhin ko na makakauwi ako agad ng hindi niya nalalaman.

Tommorow is his birthday and I wanted to do something for him as his advance gift from me. Hindi ko nga lang alam kung kaya ko ba pero bahala na. Ang mahalaga ay kung magugustuhan ba niya.

"Just be sure, Coleen. Hindi ako sanay na may kasama kang ibang lalaki at sa bahay pa ng kaklase mo. Call me crazy but that's what I feel."

My smile softened at his words. Andiyan na naman 'yong mga paru-paru na naglalaro sa loob ng tiyan ko dahil lang sa salita niyang 'sing tamis ng asukal. Ewan ko nalang talaga kung makakaya ko pa bang malayo sa kanya kung ganito na ako kahulog na kahulog sa kanya.

"I am sure, Casper." Sagot ko bago dumukwang at hinalikan ang gilid ng kanyang labi para kumalma siya. "kapag sinabi kong group study, group study lang talaga at wala na akong balak pumunta kung saan kapag sakaling mag-aya sila. Gusto kitang makasama agad, kung alam mo lang."

Napangiti ako at umayos ng upo habang pinapanood ang reaksyon niya. Mukha namang hindi ko na kailangang mag-alala nang makita ang pagkagat niya sa kanyang pang-ibabang labi para pigilan ang ngiti.

Hayy, napaka-guwapo talaga nitong jowa ko.

"Fuck, this is not fair. Bakit ba sobrang rupok ko pagdating sa 'yo?"

Napahalakhak ako at ngiting-ngiti na umiling sa kanya.

"Who knows?" I sheepishly smiled at him.

I can't answer him and I don't want to assume. Baka lang naman pero, malay ko. Hindi parin ako maniniwala sa mga nakikita ko kung hindi ko marinig sa kanya ang tatlong kataga na hinihintay ko.

Patience is a virtue, ika nga nila. Kung 'yon lang naman ang usapan, aba marunong ako diyan.

Kaya maghihintay ako. Maghihintay ako hanggang malaman ko kung pareho ba kami ng nararamdaman.

Tahimik ang sumunod na biyahe namin dahil abala rin ako sa pagtipa sa cellphone ko dahil ka-chat ko ang kagrupo ko. Pinapaalam ko sa kanila na papunta na ako at bukod sa akin, si Fe at Onyx ay papunta na rin kela Michelle. Nauna na si Jim tutal malapit lang naman ang bahay nila.

Ilang minuto ang nakalipas, pumasok kami sa isang subdivision kung nasaan ang bahay nina Michelle. Medyo malayo sa gate ang bahay nila pero dahil naka-kotse naman ay nakarating agad kami doon.

"Don't forget to call me. Even if I'm busy, I always prioritize you." Bilin ni Casper nang huminto ang kotse niya sa harap ng bahay ni Michelle.

Kung paano ko nalaman? Siyempre dahil nasa labas siya at kasama si Jim. Mukhang hinihintay na makarating ang iba pa naming kagrupo.

"Opo. Hindi ko kakalimutan. Mag-ingat ka sa pag biyahe pabalik." I reassuringly smiled at him.

Mukhang hindi pa siya kontento dahil nakanguso ang loko kaya naiiling na natawa ako at dumukwang para halikan siya sa labi.

"Satisfied?"

Ngumiti siya at pumalibot ang kanyang kamay sa aking beywang saka ulit ako hinalikan sa labi. This time, he kissed me with tongue and I like it. Kung hindi ko lang naalala na nasa labas sina Jim at Michelle ay hindi ko pa siya maitutulak.

"Chill, heavy tinted and kotse ko." He chuckled as he planted a soft kiss in my cheek.

Nag-init ang pisngi na lumayo ako sa kanya at mahinang tinampal ang kanyang labi.

"Ikaw talaga, walang pinipiling lugar ang kahalayan mo. Kahit na heavy tinted itong kotse, magtataka parin ang mga kaklase ko kung bakit ang tagal kong nakalabas. Diyan ka na nga."

Tanging halakhak lang ang narinig ko galing sa kanya nang makalabas ako ng kotse. Saka ko lang pinakawalan ang pinipigil kong ngiti na siya lang ang dahilan.

Daily dose of Casper Miranda.

"Coleen!"

Kumaway ako kay Michelle nang tawagin niya ako at dagli akong lumapit sa kanya saka siya saglit na niyakap.

"Mabuti nalang at nandito ka sa labas. Sa dami ng bahay dito, hindi ko talaga malalaman kung nasaan ang inyo."

"Oo nga eh. Actually, si Jim talaga ang nag suggest na maghintay kami sa labas para malaman niyo agad kung saan ang bahay namin." Tumigil ito at pasimpleng nginuso ang kotse ni Casper na hindi parin umaalis. "boyfriend mo ba 'yang naghatid sayo?"

Agaran akong tumango. Walang pagdadalawang-isip na sinagot ang kanyang tanong.

"Oo, hindi ko nga lang alam kung bakit hindi pa umaalis."

"Ito naman, parang hindi girlfriend. Ipakilala mo naman sa amin." Mahina pa niya akong siniko kaya napasimangot ako at muling napatingin sa kotse.

I was about to tell Michelle that my boyfriend is a busy man but it was too late when Casper stepped out from the car while holding my laptop.

Saka ko lang napansin na hindi ko nga dala ang laptop na naiwan ko sa dash board ng kanyang kotse dahil doon ko ito nilagay habang inaayos ko ang sarili.

"You forgot this."

I blinked my eyes enumerably times. I didn't notice that he's now in front of me.

"S-Salamat." Kinuha ko sa kanya ang laptop. "hindi ka pa ba aalis? Sa pagkakaalam ko may meeting ka ngayon."

"I am the boss so they should wait. You are my priority first before others."

I bit my lower lip to suppress my smile. Tumango nalang ako dito at bahagyang kumaway.

"I know. Take care, okay? We'll see each other later."

"Even though it's hard for me to leave you like this, I won't let my selfishness control me." He smiled. "enjoy this day. Pakibilisan nga lang dahil medyo inipin pa naman ako pagdating sayo."

I nodded. I watched him bid goodbye to my classmates as he entered in his car and drove it fast. Nakangiti ako na nilingon si Michelle pero agad itong nawala nang makita ang mukha niya.

Naka-awang ang bibig niya at kulang nalang ay pasukan ito ng langaw. Ang tingin nito ay nasa kalsada parin na para bang nasa harapan pa niya ang kotse ni Casper. She looks like she's lost in another world.

"Hello? Earth to Michelle?" I snapped my finger in front of her.

Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Jim na hindi ko nalang pinansin dahil mas nag-aalala ako kay Michelle na hindi na gumagalaw!

"Hoy gaga, gumising ka." Tinapik ko na ang pisngi niya at sa wakas ay natauhan na rin.

"Tangina jowa mo 'yon?" Histerikal na hinawakan niya ang braso ko at bahagya akong niyugyog. Muntik pang mahulog ang laptop kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba? Dahan-dahan lang naman." Tinapik ko ang braso niya paalis pero hindi parin bumibitaw ang gaga. "at oo, jowa ko 'yon. May problema ka?"

"Saan mo siya napulot? Shit ang gwapo. Green eyes pa!"

Napakamot ako sa aking kilay at lumayo sa kanya dahil nahihilo na ako sa ginagawa niyang pagyugyog sa akin.

"Hindi ko siya napulot, siya ang nakapulot sa akin." Saad ko at inayos ang pagkakahawak sa laptop. "kung gusto mo ng gano'ng jowa, hindi kita matutulungan diyan."

"Eiii! Ang suwerte mo naman."

Doon na ako napangiti at tumango-tango sa kanya.

"Hindi ka nagkakamali diyan."

Pabiro niya akong inirapan at lumingkis sa akin habang sinasabi kung gaano ka-guwapo si Casper. Indeed, he's one hell of a kind. There's two out of billion people who can inherit green eyes and luckily, my boyfriend got those.

Unang pagkita ko sa kanya, namangha talaga ako sa ganda ng kanyang mga mata. His green eyes glisten in different emotion and I enjoyed watching it. When I first saw him in the pub, I got attracted in instant. Hindi ko nga nakita ang sarili ko na kasama siya at magiging jowa pa. But look at us now, we're happy together.

Ilang minuto rin kaming naghintay sa iba pa naming ka-grupo hanggang makompleto kami at makapasok sa bahay nina Micelle. Bukod sa kanya, ang dalawa lang niyang kapatid at iilang kasambahay ang tao sa kanilang bahay dahil may trabaho ang kanyang magulang.

She has a separate room for us so we could fucos and finish our powerpoint. Wala kaming inaksayang oras at nagsimula na naming tapusin ang iba pa naming gawain. Bukod kasi dito, alam namin na may iba pang ipapagawa ang mga prof sa amin kaya hangga't maaga ay kailangan na namin itong tapusin.

And the worse part is our thesis. It's coming very, very soon.

"Ayos na ba 'to?"

Lumingon ako kay Fe nang kalabitin niya ako at ipinakita sa akin ang kanyang presentation. I read it thoroughly and smiled while nodding.

"It's nice and accurate. Kahit hindi mo e-explain, maiintindihan agad sa isang basa lang."

"Talaga?" Ngumiti ito at nakahinga ng maluwag. "sa wakas, tapos na rin ako."

"Great job." I tapped her shoulder and continue what I'm doing.

Magka-grupo nga kami pero iba-iba naman ang topic na ibinigay sa amin kaya kanya-kanya rin ang powerpoint presentation namin. Ang purpose lang naman ng group study na ito ay para tulungan namin ang isa't isa at maayos ang presentation namin. Maganda nga rin naman kasi mas marami ang malalaman namin.

We were all fucos and dedicated to our work that we didn't notice the time. Kung hindi lang pumasok ang isa sa kapatid ni Michelle para ipaalala na kumain ay hindi pa namin malalaman.

"Uuwi ka?" Puna ni Fe nang makita niya akong nagliligpit.

Napatingin rin ang iba sa akin kaya tumango ako at inayos ang sling bag sa balikat.

"Yep. Patapos na rin naman ako at may kailangan pa akong gawin sa bahay. Ayos lang naman siguro sa inyo, 'di ba?"

"Oo naman, ayos lang." Tugon ni Michelle. "pero kumain ka muna bago ka umalis. Malilipasan ka niyan."

"Hindi—"

"H'wag ka ng tumanggi, Coleen. Alas dose na rin at alam kong gutom ka na." Segunda ni Onyx na malambing na nakangiti sa akin.

Well, totoo naman ang sinabi niya na gutom nga ako pero p'wede naman akong kumain sa bahay. Pero mukhang hindi nila ako papayagan dahil hinila na ako ni Fe palabas para kumain.

Napangiti nalang ako at sumunod dito. Katulad ng sinabi ni Onyx, doon ako kumain at siya rin ang nag-presenta na ihatid ako pauwi at hindi na ako nakatanggi.

"Sa tingin ko may gusto sayo si Onyx."

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Fe na kahit pabulong ay lubos akong kinabahan na baka marinig ng iba.

"A-Ano?" I cleared my throat. "gaga, anong nakain ko at nasabi mo 'yan? Imposible."

"Hindi eh. Iba talaga ang nakikita ko." Naningkit ang tingin nito sa akin. "ibang-iba ang trato sayo ni Onyx kaysa sa amin. Hindi mo ba napapansin?"

Mabagal akong umiling. Hindi naman ako naniniwala sa sinasabi niya. It's way too impossible. Bukod sa tatlong taon akong matanda sa kanila, wala sa mukha ni Onyx na papatol siya sa katulad ko. Maybe he saw me as his sister and nothing more. Si Fe lang itong praning.

"Namamalikmata ka lang. H'wag mong bigyan ng ibang meaning ang pagtrato sa akin ni Onyx dahil pareho lang naman 'to sa inyo. Ikaw talaga." Napailing ako at magabal na kumain.

"Hmm, siguro. Pero iba talaga ang kutob ko." She tsk-ed while shaking her head. Na para bang hindi talaga niya paniniwalaan ang sinabi ko at gusto lang paniwalaan ang kutob niya.

"Kung ano-ano nalang ang sinasabi mo. Kumain ka na nga lang." Tugon ko at tinuon ang buong atensyon sa pagkain.

Pasimple akong sumulyap kay Onyx na abala sa pakikipag-usap kay Jim. Pinagmasdan ko siya at mabilis na napaiwas nang tumuon ang tingin niya sa akin. 

I shook my head as I continued eating. What Fe said is clearly impossible. Onyx would never felt that way towards me. As in, never. Praning lang talaga si Fe kaya kung ano-ano nalang ang sinasabi.

Mabilis kong tinapos ang pagkain dahil may kailangan pa akong asikasuhin sa bahay. Hindi muna ako babalik sa opisina niya dahil sigurado akong nandoon si Casper. Sana nga lang hindi siya magalit kapag nalaman niyang nauna na akong umuwi at hindi siya tinext.

"Salamat sa lunch, Michelle. Mauna na ako sa inyo, mamaya ko nalang tatapusin ang presentation ko." Ngiti ko at kiming kumaway sa kanila na naka-abang sa labas ng gate.

"You're welcome. Ingat ka pauwi."

"Ihatid mo ng maayos 'yang si Coleen, Onyx hah." Ani Fe at pasimpleng akong kinindatan na inirapan ko nalang.

"Rest assured. I won't let something happen to her."

Ngiting-ngiti si Fe sa sinabi ni Onyx kaya halos kaltukan ko siya doon pero h'wag na nga lang. Nagpaalam na lang ulit ako sa kanila saka ako pumasok sa kotse ni Onyx at sinabi ang address ng bahay ni Casper.

Habang nasa kotse, tahimik lang kami dahil abala rin ako sa pagte-text kay Casper para ipaalam ang araw ko. Hindi ko nga lang sinabi na pauwi na ako ngayon.

From: Casper

Did you already eat? And please, don't lie to me. I might not be there but I'll find a way to know if you are lying or not.

I chuckled at his message and I immediately replied.

To: Casper.

Of course, I already eat and I'm not lying. Nagpapahinga na nga ako ngayon.

From: Casper

Cool. Rest well and be a good girl. Hindi parin ako komportable na may kasama ka diyang ibang lalaki -_-

Pigil ko ang malakas na tawa nang makita ang kyut na emoji na ginamit niya. I actually imagine his face doing the same thing. How cute.

To: Casper

Ang OA mo talaga. I'm good here, okay? I'm cool with my classmates, no need to worry. By the way, I miss you <3

Malaki ang ngiti ko na sinend ang mensahe ko. Napailing nalang ako sa sarili dahil para akong timang na excited sa kanyang reply.

"Is that your boyfriend?"

Napalingon ako kay Onyx dahil sa kanyang tanong at napatango ako rito.

"Yep."

"I see. Ang saya mo habang kausap siya."

"Talaga?" Napangiti ako at nag-iwas ng tingin. "well, he's my happiness so that's explain why."

"What a lucky man." Onyx chuckled and I agree with him.

Tuloy-tuloy ang usapan namin tungkol sa kanya hanggang umabot sa pag-aaral namin. Aside from being a soccer player, Onyx is also a part of a committee in our school. Ngayon ko lang 'yon nalaman kaya hindi ako makapaniwala. Hindi ko nga alam na may committee pa sa campus.

Onyx is an achiever since high school. He's been playing soccer and next week, they have a practice game with other school's and I'm looking forward to it.

"I'll cheer for your team next week. Manonood ako ng practice game niyo."

"Are you sure? It's just a practice game." Saad niya sa gulat na boses pero tumango parin ako.

Siguro dahil hindi talaga ako nanonood ng soccer dahil palagi akong nasa library at inaasikaso ang mga lessons ko.

"Ayokong palampasin 'to. Kahit practice game lang ang pupuntahan ko, susuportahan ko kayo hangga't makakaya ko. Kaya galingan mo, okay?" I look at him and give him thumbs up.

Napakamot siya sa kanyang batok at tumango bilang tugon. Ang tainga ay bahagyang namumula na hindi ko nalang pinansin.

Mga ilang minuto rin ang lumipas ay nakarating rin ako sa bahay. Agad ring umalis si Onyx para tapusin ang sarili niyang presentation.

And now, I'm all alone in the house and it felt new. Nakapameywang ako habang pinapalibot ang tingin dahil sa plano ko ngayon para sa boyfriend ko.

Sana nga lang magustuhan niya.

With that in mind, I smiled and went to the kitchen to cook something for him.

RHNA24 | rhiena manunulat

Continua a leggere

Ti piacerà anche

9.6K 520 35
SAVRINAH RIEGNN MILLER Inah Miller is at the peak of reaching her dreams. But a certain Mr. Ivanov found a hobby of flirting with her.
5.1K 144 18
4 friends turned dogs, now have to go on a journey to find out why. They will have to over come obsticals, face other dogs, and most importantly, wil...
8K 167 8
Guide: Y/N = Your Name E/C = Eye Color H/L = Hair Length H/C = Hair Color F/C = Favorite Color It's been years since I fell into this world. Living...
How To Hide A Body Da ash.

Mistero / Thriller

438K 30.4K 42
Solange Southwood is a professional criminal. It runs in the family. She's helped countless notorious criminals and has only been in jail once. Howev...