SOLD TO THE BILLIONAIRE

By RHNA24

82.9K 2.3K 39

[COMPLETED ✔️] Coleen Andromeda used to live her everyday hellish life. The word pain is not new to her at al... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE

CHAPTER 8

1.5K 54 1
By RHNA24

Chapter 8

Casper Miranda is a casanova Billionare and that was the first thing I knew about him. Habang nasa loob ng kotse patungo sa kompanya nito, panay ang pisil ko sa aking kamay at tingin sa labas ng bintana. Habang papalayo kami, palaki naman ng palaki ang mga gusaling nakikita ko. Karamihan dito ay mga kompanyang kilala sa buong mundo at inaasam kong mapagtrabahuan. Sa sobrang taas ng pangarap ko, pagiging waitress parin ang bagsak ko. But anyway, that's okay. Ngayon na marami na akong oras para sa sarili ko, kakausapin ko nalang si Casper na ipagpapatuloy ko ang pag-aaral.

Isang taong nalang. Kailangan ko lang mag tiis.

"Anyway, where do you want to go after this? Mamayang gabi pa naman ang duty mo, 'di ba?" Mayamaya ay tanong niya habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe.

"Ayos lang ba sa 'yo na bisitahin natin ang mga kapatid ko? Ilang araw ko na rin silang hindi nakikita."

"Sure, it's okay. I wanna see them too."

Napangiti ako at nilingon siya.

"Salamat. Miss ko na kasi sila at gusto ko silang makasama kahit konting oras lang."

"Then take your time with them. Wala ka namang ibang gagawin bukod sa trabaho mo mamaya."

I bit my lower lip. Speaking of work, I need to ask him about that.

"Siya nga pala, Casper. Sigurado ka bang pagiging katulong lang ang gusto mong gawin ko? I mean, I can do whatever you want. Sabihin mo kung anong gusto mo, gagawin ko. Malaki ang utang na loob ko sayo at ito lang ang paraan na naiisip ko para bumawi sa 'yo."

He quickly glance at me. His eyes were delighting in unknown emotion. Napalunok tuloy ako.

"Hmm, let me tell you the reason, then. I did this because I can see how hardworking you are and let's say, you're worth it. Kung dadagdagan ko pa ang trabaho mo, paano ka magkakaroon ng oras sa sarili mo at mga kapatid mo? You even chose to work in that pub even though it's against my will. Su-suwelduhan naman kita sa pagiging kasambahan kaya bakit ka pa magtatrabaho doon?"

Napakurap ako at pinakatitigan ang mukha niya. His forehead were creasing. Nakasandal ang isang siko niya sa bintana at nakahawak siya sa kanyang baba. Ngayon na mas pinakatitigan ko siya, sobrang ganda talagang tingnan ng matangos niyang ilong.

Pero ang lahat ng sinabi nito ay tila humaplos sa aking puso. Kung hindi lang ako natauhan, hindi pa ako mag-iiwas ng tingin. Nasapo ko ang dibdib at pinakiramdaman ang malakas na pag tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim at maingat itong pinakawalan.

Calm down, Coleen. Calm down. He's a casanova remember? Don't be fool.

But, his words were sincere and true.

"Thank you." Was all I said after a deafening silence. "salamat at inisip mo pa ang kapakanan ko."

"Hey, kahit gago ako, may puso parin naman ako. I'm not sorry for buying you though. It was a good thing that you're here, enjoying your freedom."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi sa sinabi nito. Parang tumalon ang puso ko sa saya kaya mabilis kong sinuway ang sarili at umayos.

"I guess thank you is not enough." I whispered.  Napasandal ako sa kinauupuan, ang paningin ay nasa labas. "Uuwi ka ba mamaya?"

"Hmm, yeah. Mabilis lang naman matapos ang trabaho ko."

"Mabuti naman." Napangiti ako. "ipagluluto kita mamaya."

I chuckled when I heard him almost shouted 'yes'. Napailing nalang ako at hindi na umimik hanggang makarating kami sa kanyang kompanya. And imagine how shock I am when I saw the name of his company.

"Miranda Shipping Line." Bulong ko sa hangin habang nakatingala sa malaking gusali sa harapan.

Kung hindi ako nagkakamali, itong kompanya na 'to ang pinagtatrabahuan ni Lena! Sa Tagaytay nga lang siya nakadestino pero iisa lang ang kompanya.

Miranda. Bakit nga ba hindi pumasok sa kokote ko ang apilyedo ni Casper? Isa pa, malay ko ba na sa kanya 'to. Maraming Miranda sa buong mundo!

"Let's go."

Napalingon ako kay Casper nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako papasok sa kompanya. I gnawed my inner cheek when the employees look at our direction. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero mas humigpit lang ang hawak niya rito.

"Casper." Mahinang tawag ko sa kanya habang naghihintay kami na bumukas ang elevator. Hindi ko magawang ipalibot ang tingin sa paligid lalo pa't maraming tao.

"Hmm?" He response without looking at me.

Gusto ko siyang sabunutan sa inis pero hindi ko magawa dahil maraming tao na nakatingin.

"P'wede mo bang b-bitawan ang kamay ko? Pinagtitinginan na tayo." Sambit ko na kami lang dalawa ang nakakarinig.

This time, he looked at me over his shoulder. Bahagyang magkasalubong ang kilay niya, tanda ng pagka-inis.

"Are you uncomfortable? I'll let go of your hand."

I moistened my lips. Hindi naman sa ayaw niya akong hawakan pero kasi, ang daming tao na nakatingin. Casper is the owner of this company. Nakakagulat na makita siyang may kasama na katulad ko. Ayoko namang mag-iba ang tingin nila sa kanya.

"H-Hindi naman sa ayoko—"

"Then it's settled. I won't let go of your hand."

Napaamang ako nang hinalihan niya ako papasok sa elevator habang hawak ang kamay ko. Napanguso ako at hinayaan nalang siya na gawin ang gusto nito. Hindi ko naman ipagkakaila na gusto ko ang paghawak niya sa kamay ko.

He pressed the button with letter C, it must be his office. Pareho kaming tahimik hanggang bumukas ang elevator at sumalubong sa akin ang red carpet. Nakaawang ang bibig ko habang pinapalibot ang tingin sa kanyang opisina!

Shit. This is not a normal office! Karamihan sa kanyang opisina ay glass wall at kitang-kita ang malawak na lungsod sa 'baba. His office is a mixed of gray and black. Panglalaking-panglalaki ang kulay pati na rin ang mga gamit nito. The large sofa set in front of his table are gray. May paintings na nakakalat sa dingding at isa na doon ang sarili niya.

Nakasuot siya ng asul na tuxedo at seryosong nakatingin sa camera. Ang berdeng mga mata ay masyadong nakaka-akit. The ceiling has chandelier. May bar counter din siya at may dalawang pinto doon na hindi ko alam kung para saan. Must be his bathroom. Hindi pa kasali doon ang isang kusina na kompleto sa gamit.

Seryoso? Opisina ba ito o bahay?

"You liked it?" He muttered after a while. Binitawan niya ang kamay ko kanina nang makapasok kami para bigyan ako ng oras na maglibot sa kanyang opisina.

"Ang ganda-ganda ng opisina mo." Usal ko habang nakatingin sa labas ng glass wall. "pasado na para maging condi unit."

"I intentionally design it like this. Minsan lang akong makauwi noon kaya dito ako namamalagi. This place was like my house in the past few years. I kept my self busy and fucos in my company. But now, I seldom stay here."

"At minsan ka lang umaalis para mag trabaho." Umayos ako ng tayo at pumihit paharap sa kanya. "kailangan ka ng kompanya mo, Casper. Kailangang nandito ka palagi para mag trabaho bilang boss nila. Paano nalang kung may mga meetings ka? Sinong dadalo?"

"I prefer online meetings, Coleen. I work from home and I know my company can survive without me for a day or so. I also trust my secretary. Lahat ng kailangan kong gawin ay pinapadala niya agad sa akin. The company is stable as you know."

I wet my lips. Sa bagay, siya ang boss kaya siya rin ang masusunod.

"Kung noon dito ka nananatili kapag nag o-overtime ka, bakit ngayon hindi? Ayaw mo na bang gamitin 'to? Sayang naman. Ang ganda kaya dito."

"Hmm, it's not that I don't want to use it." Anito at naupo sa swivel chair at humarap sa akin. "mas gusto ko lang na umuwi sa bahay kasi alam kong may inuuwian na ako. That someone is waiting for me to go home."

My heart throb at what he said. Kahit medyo malayo siya sa akin, parang ang lapit-lapit lang niya dahil sa tingin niya sa 'kin. I swallowed and averted my gaze. Nahihipnotismo na naman ako sa tingin na binibigay niya dahilan para mas kumabog ang puso ko.

Ako ba ang pinupunto niya sa sinabi niya? That I am the one who's waiting for him to go home? Ako lang naman kasi ang tao sa bahay niya, unless nalang kung may imaginary friend siyang naghihintay sa kanya doon.

But why do I feel this towards him? Why I felt giddy and happy that I can't stop my self from biting my lips to suppress my smile? Bakit ganito ang epekto niya sa 'kin?

"P-Pero sayang parin." Saad ko nang makabawi sa pagkagulat. "ang ganda-ganda nitong opisina mo tapos minsan mo lang gagamitin. You could even work here comfortably."

"Soon, maybe someone can use this aside from me." Tumayo siya at hinawakan ang kanyang mesa. "hindi naman ako nasa-sayangan dahil alam kong magagamit din 'to."

"How sure are you, huh?"

He glanced at me and wink playfully.

"I'm one hundred percent sure, sweetie."

Muntik na akong mapaubo sa sinabi niya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at napakagat-labi. Nag-iinit ang magkabila kong pisngi at sigurado akong kasing pula na ako ng kamatis.

I took a deep breath to calm down. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa kaya napanguso ako.

We spent out time chatting various things and as much as I can, I always tried to be not affected to his endearment for me. Malokong lalaki si Casper at alam kong hindi na bago sa kanya ang ganoon kaya hinayaan ko nalang. Alam ko namang kahit suwayin ko siya, hindi rin siya makikinig.

Nakilala ko rin ang sekretarya ni Casper na si Mattias na mukha namang hardworking dahil matapos nitong magpakilala ay dumiretso na ito sa labas para magtrabaho. Good thing he can endure a lot of works. Hindi biro ang pagiging secretary lalo pa't malaking kompanya ang pinagtarabahuan niya.

"Siya nga pala, Casper. Gusto kitang kausapin tungkol sa isang bagay." I said while looking at him wandering in his kitchen. Hindi ko alam kung anong gusto niyang gawin.

"Spill it. I'm all ears."

I moistened my lips. Iginalaw ko ang paa para gumalaw ang swivel chair na kinauupuan habang nakatingin sa kisame.

"Gusto ko sanang magpatuloy sa pag-aaral. Kung ayos lang naman sa 'yo na hayaan ako. Ngayon na nasa bahay ampunan ang mga kapatid ko at may maayos naman akong trabaho, sa tingin ko p'wede ko ng ipagpatuloy ang pag-aaral ko."

Matagal ko na 'tong naisip pero hindi lang ako nabigyan ng pagkakataon na kausapin si Casper tungkol dito.

"That's actually good." Humarap ito. May hawak siyang tasa at mukhang tsaa ang laman niyon. "kailan mo planong pumasok? As far as I know, the first semester were staring in this month. Is that okay for you?"

"Oo, ayos lang naman sa 'kin." Sagot ko sa kanyang tanong at umayos ng upo. "Pagsisikapan ko na magkaroon ng sapat na pera para sa tuition o 'di kaya'y mag te-take ako ng exam para sa scholarship."

"No need." Aniya at binaba ang tasang hawak sa Island counter. "I can pay for your tuition fee but promise me you'll study well and pass the last year of your course, understood? Para wala ka ng iisipin na problema."

I froze. Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at kung hindi lang ako nakabawi ay hindi pa ako gagalaw. I took a deep breath and leaned on my seat, still staring at his dead serious green eyes.

Tama naman ang narinig ko, 'di ba? He's not bluffing, right? He'll really pay for my tuition?

"Seryoso ka ba diyan?" Paniniguro ko dahil kung totoo nga 'yon, mas mapapadali ang pagpasok ko sa eskwelahan! "Ikaw talaga ang magbabayad sa tuition ko?"

"Oo nga, paulit-ulit?" He gave me a deadpan look. "maybe I can help you somehow. Don't be too workaholic and always prioritize your health, okay? Take your time, Cole. I won't snatch it from you."

Napanguso ako. Nag-iinit ang magkabilang sulok ng mata dahil sa mga pinagsasabi niya. How could this man be a red flag at the same time a green flag? He help me in so many things that I don't know how to repay him anymore. Kakasabi ko lang sa sarili ko na ayoko ng umasa sa kanya pero heto ako ngayon at masayang-masaya sa alok niya.

"P'wede ba kitang yakapin?" I blurted all of the sudden.

Muntik pa niyang mabitawan ang tasang hawak na niya ngayon habang nakatingin sa akin.

"W-Why are you saying that right now?"

Sa halip na sagutin siya, tumayo ako at tinakbo ang distansya namin para mahigpit siyang yakapin. I close my eyes while hugging him as tight as I could. I felt him stiffened but I don't mind. Pangalawang beses ko na siyang nayakap pero hindi ako magsasawang yakapin siya kahit ilang ulit pa 'yan. He also smells addicting and I liked it.

"C-Coleen?"

Napangiti ako nang marinig ang pagka-utal niya.

"Thank you. Thank you so much, Casper." I heaved a sigh. "I really owe you a lot." I swear, babawi ako sa kanya kahit sa anong paraan.

We spend our remaining time in the orphanage. Katulad ng plano namin, binisita namin ang dalawa kong kapatid na masayang-masaya sa muli kong pagbisita. While Casper? He's been quiet for a while now but his cheek were tinted in red.

Napapailing nalang ako dahil mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit namumula ang mukha niya. Instead of bothering him, I enjoyed being with my siblings. Halos hindi na kami mapaghiwalay kaya habang nanatili sa ilalim ng puno ay kumakain naman kami ng ice cream na binili ko kanina bago pumunta dito.

"Ate, si Tatay po? Kamusta?"

Napatigil ako sa pagsubo nang marinig ang tanong ni Nicky. Si Nica naman ay patuloy na kumakain pero ang paningin ay nasa akin.

"H-Hmm?"

"Si Tatay po, ate." Nicky pouted. "kamusta po siya?"

Napalunok ako nang manuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin pero isa lang ang naiisip ko, kailangan kong magsinungaling sa kanila.

"N-Nasa bahay lang naman si Tatay. Ayos lang naman siya at inaalagaan niya naman ang kanyang sarili."

"Talaga po? Hindi na po ba siya nag-iinom?"

I faint a smile and shook my head. "minsan nalang."

Napangiti si Nicky at nakipag-apir sa kanyang kapatid na masaya rin sa narinig. Nagbaba ako ng tingin at napakagat-labi. Hindi ko intensyon na magsinungaling sa kanila dahil hindi ko kayang sabihin na nawawala si Tatay. I want to blame my self but I know it wasn't my fault. Hindi ko rin sinasabing kasalanan ni Tatay dahil siya mismo ang umalis at iniwan kami.

I already lost my mother. Now, our father leave us too.

"Ate, bakit ka po nag cry?"

I blinked when I noticed Nica's hand on my cheek, drying something and it was tears. Bahagya akong napalayo at pinunasan ang sariling luha.

"Wala 'to. Happy lang si ate kasi kasama ko na ulit kayo."

"Sigurado ka po?" Ang mga mata niya ay nanunuring nakatingin sa akin. "H'wag ka po sad, ate, please?"

Tumango ako habang may ngiti sa labi. Bahagya kong ginulo ang kanyang buhok na nagpatawa sa kanya.

"Hindi magiging sad si ate kasi nakasama ko na ulit kayo."

"Happy rin kami ate kasi kasama ka po namin." Malawak na ngumiti ito at sinugod ako ng yakap. Gano'n din ang ginawa ni Nicky at nakisali sa yakapan namin.

These two is the reason why I'm always complete. These two were the main reason why I kept on surviving. Magtitiis ako, maghihintay ako na magkaroon ng maayos na trabaho at mabigyan sila ng buhay na nararapat sa kanila. Kahit maghirap ako, ayos lang. Kung para naman 'yon sa mga kapatid ko.

Gusto ko pang manatili doon ng matagal at makasama sila pero kailangan na kasi naming umalis dahil sa trabaho ko. Nakangiti ako habang kumakaway sa mga kapatid ko at nang tuluyan na silang makapasok sa loob ay saka ko ibinaba ang kamay at hinarap si Casper na nakasandal sa kanyang kotse.

"Tara na?" I inquired.

Nakatutok lang ang kanyang tingin sa akin kaya napasimangot ako at pumitik sa harap niya.

"Earth to Casper?"

He blinked. Umayos siya ng tayo at nag-iwas ng tingin habang nakapamulsa.

"Let's go?"

I nodded, still looking at him weirdly.

"Salamat nga pala dito. Nag enjoy ako ng sobra." Sambit ko nang makapasok sa kanyang kotse.

He stopped from igniting the car. Nilingon niya ako at pansin ko ang bahagyang pagtagis ng kanyang bagang.

"I take it back, Cole. I don't accept thank you."

Natigilan ako at nang makabawi ay sinubukang ngumiti.

"W-What are you accepting, then?"

He moistened his lips. Napalunok ako nang mapansin ang kakaibang kislap ng kanyang mata.

"This." With that, he lean forward and cupped my cheek before crashing his lips to mine. Earning a soft groan from me.

RHNA24 | rhiena manunulat

Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 428 22
The last time Marcy was in town, six months ago for Anne's 23rd birthday, the trio almost revealed everything. Thank Frog, it was just for a week. Bu...
2.7M 178K 87
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
5.1K 144 18
4 friends turned dogs, now have to go on a journey to find out why. They will have to over come obsticals, face other dogs, and most importantly, wil...
25.5K 512 31
This story will be under revision if I already have enough time. For me, Oliver was red here and I don't like it, haha. Date Published: 12/16/21 Star...