Legends of Olympus (On Hold)

By mahriyumm

2.5M 187K 258K

In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students... More

Legends of Olympus
Born Ready
Family
Future Rising
Olympus Academy
The Omegas
Emergence
Game of Thrones
Price of Power
Responsibility
Balance
Spells
Reputation
Thunder Child
Groceries
Skies
Love Story
The Omega Way
Amnesia
Figures
Pandora
Taking the Lead
Languages
Auraic Studies
Deep Sleep
Curiosity
Black Market
Frustrations
Top Student
The Tenth
White Knights
Australia
North America
Destined
West Asia
Africa
Europe
Loyalty
South America
East Asia
The Noise
Blackened
Interrupted
Breakthrough
Revived
Crises
First Strike
Reapers
A Stone
The Commander
Aftermath
True Power
Reign
Deadly Relief
Consequence
Parental Guidance
Checklist
Rumors
Wishes
Betelgeuse
Life of the Party
The Strongest Bond
Romeo and Juliet
Closer
Preparations
Annual Olympics I
Annual Olympics II
Obsessions
Entranced
Labyrinth
Imprisoned
One at A Time
Guardians
War of Powers
War of Hearts
Nothing Left To Say
Gifted
Rock Climbing
Masquerade I: Glass and Shield
Masquerade II: Blood and Poison
Masquerade III: Veil and Thorn
Masquerade IV: Riptide and Flame
Masquerade V: Tethered Tempest
Unmasked
Betrayed
Crack of Dismay
Remedy
Mysteries
Isles of the Blessed
Anchors
Puppet Master
Announcement: Life's Surprises
Queen of Kings
Orion Organization
Veils
Elysian War I
Olympus Academy I Gifts Set
Elysian War II
Elysian War III
Sweet Sixteenth (Special Chapter)
Detached
In Between
Invisible
The Erinyes
Mastermind (OA Book II Raffle)
Achilles' Heel
The Fall
Heartless

Ultimate Control

24.3K 1.9K 2.9K
By mahriyumm

Amber's POV

Sabi ko na nga ba. Auraic Studies lang ang makakapanghina sa'min.

Kagigising ko nga lang pala ulit sa clinic kaninang umaga.

Isang aurai ang pumasok sa nakabukas kong cubicle. Tulak-tulak niya ang isang trolley kung saan nakapatong ang mga pagkain at mayroon ding isang pitsel ng juice para lang sa'kin.

Naglagay ang aurai ng tray sa harapan ko at habang nilalapag niya rito ang mga pagkain, sinamaan ko ng tingin si Bella na nasa katapat kong cubicle.

Kagigising lang niya at walang nurse na nagtatangkang lumapit dahil sa nandidilim niyang cubicle.

"Hoy!" tawag ko sa kanya. "Kumain ka na!"

Suot niya ang isang dismayadong simangot. Nakahalukipkip din ang kanyang mga braso sa dibdib. "Hindi ako namatay!"

"Tumahimik ka nga!" sigaw ko sa kanya. "Kaya di pa nagigising si Reign hanggang ngayon dahil sa'yo, eh!"

Saka ko nilingon ang aurai. "Sigurado po ba talaga kayong buhay pa si Reign?" nag-aalala kong tanong. "Naubos niya enerhiya niya kakaprotekta sa'min, eh."

Tumango-tango ang aurai. "She was, on the verge of death, after she walked out of that room and-"

"Teka." Pinutol ko ang sasabihin niya. "Verge of death?"

"Yes," sagot ng aurai at naglagay ng tissue sa tabi ng plato ko. "Her heart was unexceptionally beating slow when she called to send you here in the clinic."

Itinukod ko ang aking mga palad sa higaan sabay angat ng katawan para maayos ko ang aking pagkakaupo sa higaan.

Kumunot ang aking noo.

Ang naaalala ko, ginawa na namin lahat upang mapatagal ang barrier pero hindi pa rin tumigil ang pagbuhos ng asido at pagbagsak ng mga kidlat, kaya unti-unting naglaho ang barrier ng bawat isa sa'min.

Ako nga ang naunang naubusan ng aura, tapos nilapitan ako ni Ash para ipaloob sa barrier niya.

Sino bang hindi mapapagod sa kaso ko, eh, apoy kaya yung kapangyarihan ko? Sobrang init sa katawan at nawalan na ako ng lakas na panatilihin ang barrier nang makaramdam ako na parang niluluto na yung laman ng katawan ko.

Ayon nga, isa-isa kaming nawalan ng barrier at yung natira, kahit sobrang nipis na ng barrier nila, ay pinili pa rin nilang ibahagi ito sa'ming napagod na.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas n'on, pero tandang-tanda ko kung paano ipakalat ni Reign ang nangangapos niyang barrier para maghugis-dome sa gitna ng silid kung saan ipinaloob niya kaming lahat. 

Di nagtagal, nagkabutas-butas din ang kanyang barrier kaya natamaan kami pero saglit lang dahil bumuo rin ng isa pang layer ng barrier si Henri, at pinatatag yung kay Reign.

At sa sandaling patahan na ang kidlat at asidong ulan, dahan-dahan akong nawalan ng malay dala ng sakit sa natamo kong mga sugat, at matinding pagod na rin.

"Di ko kaya sinadya yun!" ani Bella.

"Hoy! Kilala kita! Magpinsan tayo!" nangangalit kong paalala sa kanya. "Kaya sumunod ka sa'kin kasi gusto mo ring matulad ko na natamaan!"

Humaba ang nguso niya. "Di nga kasi!"

"Eh ba't ka nakangiti nung naglaho yung barrier mo?!" naiinis kong tanong.

"Masakit kasi!" 

"Baliw- amputa," puna ko.

Isa pa tong si Bella.

Si Bella, ay ang pinsan kong baliw. 

Hindi ko alam kung paano siya ginawa ng mga magulang niya pero dahil sa kombinasyon ng liwanag at kadiliman nila, isang demigod na may topak sa ulo ang kinalabasan.

Minsan matino, pero palaging hindi.

Pero alam ko namang hindi lang si Bella ang produkto ng founders na parang ipinanganak at ipinalaki sa mental. Siya lang talaga ang nangunguna sa listahan.

"Tumahimik nga kayo!" Narinig kong sigaw ni Zack mula sa kabilang cubicle. "May nagpapahinga rito!"

Nalaman kong nawala na yung aurai na naghatid ng pananghalian ko kaya agad kong kinuha ang tinidor at galit na tinusok ang pork chop.

Isang aurai na may dalang tray ng pagkain at inumin ang huminto sa paanan ng higaan ni Bella.

"Pa!" tawag ko. "Si Bella ayaw pa ring kumain!"

Imbes na masilayan ko si Papa, si Ash ang nakita kong lumapit sa aurai at kinuha ang tray mula sa mga kamay nito.

Napatigil ako, at dahan-dahang napatakip ng bibig pagkatapos makita si kambal na napangiwi nang kaunti sa sakit nang tanggapin yung tray.

Bumaba ang aking mga mata sa naka-bandage niyang mga braso.

Actually, kaming lahat ay nabalot sa puting bandage dahil nagkasunog-sunog yung balat namin sa asido at kuryente.

"Bella?" Mahinahong sambit ni Ash at marahang ipinatong ang bed tray sa harapan ni Bella na nanliliit pa rin ang mga mata.

"What do you say we eat lunch and for dinner..." aniya. "-we help the aurai catch chickens and kill them?"

Mabilis na lumiwanag ang mukha ni Bella. "Talaga?"

Ngumiti si Ash saka tumango-tango.

"Okie!" Masiglang dinampot ni Bella ang kutsara't tinidor niya.

Palihim akong napangiti sa ilalim ng palad kong nakatakip sa aking bibig. Nilingon ako ni Ash at saka umiling, kaya idiniin ko ang aking palad sa bunganga ko upang pigilang bumulalas ng tawa.

Kasi naman. Bukas pa sa kinaumagahan yung discharge namin kaya alam kong hindi mangyayari 'yang usapan nilang manghuli ng mga manok.

At bago pa maalala ni Bella ang kanilang plano, babagsak na 'yan dahil sa ambrosia at pain-reliever na idadagdag sa IV fluids na nakakonekta sa'min.

Yumuko si Ash nang nagpipigil din ng ngiti. Saka siya tumayo at nagpaalam na kay Bella na babalik sa cubicle niya.

Binigyan ko si kambal ng dalawang thumbs-up habang inanga't babaan naman niya ako ng magkabilang kilay bilang ganti.

Ngunit bago pa ako magpatuloy sa pagkain, bigla akong may naalala.

Kambal...

• • •

Humigpit ang aking pagkakahawak sa IV pole nang makarating ako sa tapat ng isa sa mga ICU rooms.

Pagkaraan ng ilang segundo ng pagtitig sa pihitan ng pinto, napagdesisyunan ko na ring buksan ito at pumasok.

Kusang dumako ang aking tingin sa babaeng nakahimlay sa higaan, at magaang nakapikit ang mga matang namamasa dahil sa gamot na inilagay para sa naglalangib nitong balat.

Lumapit ako sa kanya. "Hi, Maeve."

Napansin ko ang panandaliang pagkibot ng kanyang mga daliri.

"Omega," bulong niya.

Gumuhit ang isang mapait na ngiti sa aking labi.

"Amber," mahina kong tugon. "Si Amber 'to."

Madahang umangat ang magkabilang sulok ng kanyang labi. "Hello, daughter of the light and the bearer," bati niya sa'kin. "Ba't ka napunta rito?"

"Syempre, para bisitahin ka."

Ipiniling niya ang kanyang ulo sa direksyon ng boses ko at marahang natawa. "Amber..."

Maingat akong umupo sa tabi niya. "Anong sabi ni Papa?" usisa ko. "Kailan ka raw gagaling?"

"Doc said I'll have my sight back a week from now," sagot niya.

Tumango-tango ako.

"But I'll never have my sister back, won't I?"

Sinundan ito ng ilang sandali ng mabigat na katahimikan, na siya rin naman ang sumira.

"Were you able to attend the funeral?"

"Mmm."

"What did she look like?"

Kumawag-kawag ang aking panga nang mapayuko ako ng ulo. "Maeve..." Nagsimulang mamasa ang aking mga mata nang sambitin siya.

"Okay lang." Nanumbalik ang kanyang ngiti, ngunit malungkot na ito. "Kasalanan ko rin naman kung hindi ko siya nakita."

Umunat sa magkabilang gilid ang aking labi, nagpipigil ng hikbi.

Humugot ako ng malalim na hininga saka kinuha ang kamay niya. "Kasingganda mo rin, pero sa mga sandaling 'yon..." Napangiti ako at dinama ang mga luha kong palihim na tumulo. "Pasensya na, Maeve, pero mas maganda siya sa'yo."

"I burned half her face, Amber," aniya. "When I held her in my arms."

"Kaya nga..." Napalunok ako. "Kahit anong mangyari sa kanya, maganda pa rin siya," luhaan kong sagot habang inaalala ang namumulang mukha at leeg ng kambal niya nang masilayan ko ito sa ilalim ng salamin.

"Mas maganda pa rin sa'kin?" tanong niya.

Natawa ako nang mahina. "Sorry." Marahan kong hinagod-hagod ang likod ng kamay niya. "I'm sorry, Maeve."

Hinawakan niya rin ang kamay ko. "I destroyed their facility, didn't I?" aniya. "Were we able to find something useful?"

"Sobra," nagagalak na naiiyak kong sagot sa kanya. "Dahil sa'yo kaya natunton na natin ang iba pang nakatagong facilities nila."

"Mabuti naman..." bulong niya.

"Maeve..." Bumigat ang aking mga mata dahilan na mapatuon ako sa magkadikit naming palad. "Ano ba talaga ang nangyari?" 

Napabuntong-hininga siya. "We were doing fine, Amber, until a man and a woman showed themselves behind their soldiers... that's when everything fell apart."

"They had powers," aniya. "The man can control fire, while the woman can control..."

Naghintay lang ako sa karugtong nito.

Nagkasalubong ang kanyang kilay. "She was able to control light."

"They were able to attack us from different directions, and my sister and I cannot use our own abilities against them." Nagpatuloy siya sa pagsalaysay nang nakakunot pa rin ang noo. "We couldn't sustain them. We were only half of their numbers."

"I wanted us to retreat but Avery was insistent," dugtong pa niya. "Kahit anong pagpupumilit ko sa kanya, ayaw niya pa ring umatras, kaya kaming dalawa nalang ang nagpaiwan."

"Ngunit bago pa makalabas yung iba, isa pang lalaki ang lumitaw sa likod niya at-" Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Naiintindihan ko na," tugon ko. "Hindi mo na kailangang sabihin pa."

"No, Amber-" Umiling siya. "That man stabbed my sister in the neck and her veins started to darken."

"Poison," bulong ko.

"They didn't just have abilities," aniya. "They had technology that could kill us."

Napabuga ako ng hangin. "Kaya nga pumapatay sila ng mga nilalang na katulad natin para umabot sa puntong 'yan, kung kailan hawak-hawak na nila ang kapangyarihan sa loob, at sa labas."

"They know everything about us..." mahina niyang sabi. "But how is it that until now, we don't even know their name?"

"Hindi ko rin alam, Maeve," sagot ko. "Pero pipilitin nating malaman."

"We..." Lumuwag ang pagkakahawak niya sa'kin. "We found pins of previous students of the Academy, Amber, and they were all stained with blood."

"I think they've hunted our Alumni as well, and killed them..." pagbibigay-alam niya. "Maybe that's why they were able to reach such power."

"They also had a couple of uniforms," dagdag niya. "There was- there was a room where they kept the pins, uniforms, even brochures and they all had blood on them and they all smelled death- why..."

Humikbi siya. "Why are they doing this to us?"

Muli na namang bumigat ang aking ulo.

Madahan siyang suminghap at nagpakawala ng nanginginig na hininga. "Wala naman tayong ginagawang masama. Nabuhay lang naman tayo," naiiyak niyang tugon. "Kaya bakit? Ano 'tong pinanggagawa nila sa'tin?"

"May..." Nagbabanta na naman ang mga luha kong makatakas. "May mga taong tuluyan na ngang kinain ng kasakiman, Maeve, sa kagustuhan nilang magkaroon ng kapangyarihan."

"Hinding-hindi sila mawawala sa mundong 'to, at minsan..." Nilunok ko ang namumuong puot at kalungkutan sa aking lalamunan. "Minsan lumalaganap sila."

"Pero kung saan malakas ang kasamaan, malakas din naman ang kabutihan," saad ko. "Kaya nandito tayo."

"Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin sa sandaling makukuha si Ash mula sa'kin." Isang luha ang bumagsak sa magkasalikop naming kamay. "Ang alam ko lang, hinding-hindi ako bibitaw sa sarili ko."

Natawa ako nang mahina. "Masasaktan ako, oo, pero dati ko pang tanggap, Maeve, na kung sakaling mawala nga siya, hindi ko siya mababalik sa pamamagitan ng pagwawala, sa puntong masasaktan ko yung iba."

"Dahil hindi lang siya ang mahal ko," bulong ko. "May iba pa akong pamilya, at kasama ka na roon."

"Masasaktan lang ako ng todo, pero nakatatak na sa kinailaliman ng puso at isipan ko, na ayaw ni Ash na pakawalan ko ang sarili ko." Napabuntong-hininga ako. "Napag-usapan na namin 'yan, eh."

"Napag-usapan na naming Omegas na sa sandaling may isa sa'min na tuluyang makain ng kaguluhan, hinding-hindi kami magdadalawang-isip na patayin ang isa sa'min," pagbibigay-alam ko sa kanya. "Gagawin nga namin lahat, hindi ba?"

"Amber..."

Muli na naman akong nagpakawala ng isang malalim na hininga. "Hindi lang pamilya ang turing namin sa isa't isa, Maeve, kundi mga potensyal din na kalaban."

Kaya hindi namin hahayaang malunod kami sa sarili naming emosyon at kapangyarihan. 

Kagaya ng sinagot ni Reign kay Sir Archie, sa sandaling maramdaman naming unti-unti na kaming kinakain ng kaguluhan, hindi kami magdadalawang-isip na patayin ang sarili namin.

"How powerful have you become, Omegas?"

"Huwag kang mag-alala." Nginitian ko siya. "May mas malakas pa na pwersa kesa sa chaos, at dito kami humuhugot ng lakas."

"You're telling me all this, because you want me to trust you."

"Sinasabi ko sa'yo lahat ng 'to..." Tinignan ko siya. "Dahil ayokong mawalan ka ng pag-asa."

Nasilayan ko ang isang malumanay na ngiti sa kanyang labi. "Where'd you get that strength?"

"Pagmamahal, Maeve, at tiwala, ang dahilan kung bakit hanggang ngayon matibay pa rin ang kapit namin sa isa't isa at sa mga sarili namin," sabi ko sa kanya. "At kung bakit hindi namin ibibigay ang aming mga sarili kay Chaos, kahit anong mangyari."

Dagliang umangat-baba ang kanyang lalamunan. "We don't fear you losing to yourself against chaos, Amber."

"Omegas." Bahagya niyang iniyuko ang kanyang ulo sa gawi ng magkahawak naming kamay. "We already fear you just for who you are and what you have become."

"Mababasag lang kami, Maeve," saad ko. "Pero hinding-hindi kami masisira."

Humilig ako papalapit sa kanya. 

"Sapagka't kahinaan..." bulong ko. "Ang totoo naming kapangyarihan."

"At maniwala ka sa'kin." Umiling-iling ako at napangiti. "Kung sabihin ko sa'yo na hindi niyo pa kami nakikitang totoong nanghihina."

Nabalot ng maliliit na kislap ang aking pananaw ngunit bago pa ito tuluyang lumabas mula sa aking mga mata, yumuko ako sabay tawa nang marahan.

"Kaya kung may mangyari man sa'min, di kami magwawala." Dahan-dahan kong inangat ang aking likod nang nakataas ang noo. 

Magpapakawala lang.

Kasunod kong hinawakan ang braso niya at marahan itong pinisil. "Bye, Maeve." Tinapik-tapik ko ito bago bumitaw. "Babalik ulit ako kapag gumaling na rin ako, ah?"

Continue Reading

You'll Also Like

493K 35K 54
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
283K 7.2K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
2.5M 187K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...