Legends of Olympus (On Hold)

By mahriyumm

2.4M 185K 257K

In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students... More

Legends of Olympus
Born Ready
Family
Future Rising
Olympus Academy
The Omegas
Game of Thrones
Price of Power
Responsibility
Balance
Spells
Reputation
Thunder Child
Groceries
Skies
Love Story
The Omega Way
Amnesia
Figures
Pandora
Taking the Lead
Languages
Auraic Studies
Ultimate Control
Deep Sleep
Curiosity
Black Market
Frustrations
Top Student
The Tenth
White Knights
Australia
North America
Destined
West Asia
Africa
Europe
Loyalty
South America
East Asia
The Noise
Blackened
Interrupted
Breakthrough
Revived
Crises
First Strike
Reapers
A Stone
The Commander
Aftermath
True Power
Reign
Deadly Relief
Consequence
Parental Guidance
Checklist
Rumors
Wishes
Betelgeuse
Life of the Party
The Strongest Bond
Romeo and Juliet
Closer
Preparations
Annual Olympics I
Annual Olympics II
Obsessions
Entranced
Labyrinth
Imprisoned
One at A Time
Guardians
War of Powers
War of Hearts
Nothing Left To Say
Gifted
Rock Climbing
Masquerade I: Glass and Shield
Masquerade II: Blood and Poison
Masquerade III: Veil and Thorn
Masquerade IV: Riptide and Flame
Masquerade V: Tethered Tempest
Unmasked
Betrayed
Crack of Dismay
Remedy
Mysteries
Isles of the Blessed
Anchors
Puppet Master
Announcement: Life's Surprises
Queen of Kings
Orion Organization
Veils
Elysian War I
Olympus Academy I Gifts Set
Elysian War II
Elysian War III
Sweet Sixteenth (Special Chapter)
Detached
In Between
Invisible
The Erinyes
Mastermind (OA Book II Raffle)
Achilles' Heel
The Fall
Heartless

Emergence

34.4K 2.5K 7.8K
By mahriyumm

Reign's POV

Habang naglalakad papuntang ceremonial hall kasama ang mga Omegas, may napansin ako kaya napalinga-linga ako.

Bahagya akong umikot at natagpuan si Henri na nagpahuli sa'min.

Huminto ako at nang makarating siya sa aking tabi, saka lang ulit ako nagpatuloy.

"May nakapagsabi na ba sa'yo tungkol sa claiming ceremony natin?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya.

"Claiming Ceremony is where the gods claim their descendants in front of the whole school," pagbibigay-alam ko sa kanya. "It's when we receive our graces, or blessings from our deities, and it could be anything. Weapon... jewelry... instrument..."

"And that includes us?" aniya.

Napangiti ako. "We don't get claimed by the gods."

Pinasadahan niya ako ng tinging nagsasabing kinutuban nga naman siyang maiiba ang class namin.

"But we do get claimed by the titan goddess of memories."

Nagkasalubong ang kanyang kilay. "Mnemosyne."

Tumango ako. "I'll let you see for yourself," tugon ko sa kanya bago bilisan ang aking mga hakbang nang matabihan ko si Grey na nangunguna sa paglalakad.

Bago pa kami makapasok ng ceremonial hall kung saan nakaabang sa'min ang mga estudyanteng nakatayo na, umikot ako para harapin ang class ko.

"Wait," sambit ko na ikinatigil nila.

Tinignan ko si Kuya. "Grey, necktie."

Inayos naman niya ang kanyang necktie.

Kasunod kong nilingon si Bella. "Bella, wag pasobrahan yung kadiliman."

Tumango-tango siya.

Huli kong sinulyapan sina Amber at Zack. "At walang batuhan ng apoy o sandata."

Amber and Zack exchanged threatening glares and snickered at each other before looking separate ways.

"Paige, we're good to go?" tanong ko kay Paige na isang beses akong tinanguan.

Napangiti ako pagkatapos isa-isa silang tinignan, ngunit napatigil ako nang makita si Henri na nasa likuran.

Nakayuko patagilid ang kanyang ulo at nakasayad ang kanyang mga mata sa gawing gilid niya, na para bang malalim ang iniisip.

Nang mapansin ako, inangat niya ang kanyang ulo para salubungin ang aking nangungusisang tingin.

Nginitian niya ako at sinenyasan akong ibaling ang aking atensyon mula sa kanya.

At dahil dito, nagkabahid ng pag-aalala ang tingin ko sa kanya.

"Go," he mouthed.

I pursed my lips for a few seconds before looking back at my brother who had a mischievous grin plastered on his face.

"I'm going to tell Mom and Dad," aniya, dahilan na mapasimangot ako. "-and lolo, and mommyla."

Tila hindi pa kuntento, may idinagdag pa siya. "-and Aunt Treasure and Eva in France."

Napabuntong-hininga ako at sa halip ng pagbabanta niya, dahan-dahan akong napangiti. "Baka nakalimutan mong nasa Academy tayo, Grey, wala sa bahay," paalala ko sa kanya. "Kaya kong gawin kung anong gusto ko."

He bit his lower lip before breaking into a wider grin. "Ah." He chuckled. "Bien parlé, ma jolie princesse."

'Well said, my beautiful princess.'

Pinaningkitan ko siya.

"Ash, ba't di mo rin ako tinatawag na prinsesa?" Narinig naming tanong ni Amber.

"I thought you don't like being called a princess?" sagot naman ng kambal niya.

"Hindi nga," ani Amber. "Pero gusto ko rin, eh."

Kumunot ang noo ni Ash. "Huh?"

Maingay na napabuntong-hininga si Amber. "Bahala na nga. Tinatawag naman ako ni Papa na maganda."

"Kaya pala naka-eyeglass si Doc..." biglang puna ni Zack.

"Gago 'to, ah." Mabilis na nabalot sa apoy ang isang palad ni Amber. 

Nang lingunin sila nina Vance at Paige, umayos sa pagkakatayo si Zack samantalang itinago naman ni Amber ang nagliliyab niyang kamay.

Natawa ako nang mahina saka napailing.

"Let's go?" I asked, but didn't bother to let them answer when I immediately turned around to face the long and wide carpeted aisle.

White circular tables scattered inside the hall and each table was surrounded with students who all had their eyes on us even before we entered.

Hindi ko binura ang aking ngiti nang magsimula akong maglakad kasabay ang kapatid ko. 

Dahan-dahang umangat ang aking noo nang bitawan ko nang paunti-unti ang aking kapangyarihan sa bawat hakbang papunta sa bakanteng mesa na nasa kabilang dulo ng hall.

Mula sa sulok ng aking mga mata, nasilayan ko ang namumuong ngiti ni Grey habang nakapamulsa.

My lips slightly parted when I let out a surge of invisible energy from my body, sending a wave of warmth in the air but at the same time, releasing dark cold mist.

Hindi pa nga kami nakaabot sa gitna ay agad napayuko ang mga estudyante sa'min.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Vance nang sundan nila ni Paige ang ginawa ko at pinaramdam din ang presensya nila sa buong hall kaya habang nakayuko, sabay na nanlaki ang mga mata ng ibang estudyante.

Siniko ako ni Kuya. "Alright," natatawa niyang bulong. "That's enough."

I rolled my eyes at him and collected myself, bringing back the previous calm atmosphere.

In Olympus Academy, students are divided into four classes.

The Alphas, are the direct descendants of the Olympians, the major gods of Greek Mythology. Then the Betas, are the direct descendants of the minor gods, while the Gammas, are the indirect descendants of the gods, where oracles and the keepers of their temples belong...

Last but not the least- never the least, are the Omegas.

The Omegas are the sons and daughters of the twelve founders of the school whose names are forever engraved in history as the demigods who saved the realms from chaos.

The mortal realms, the underworld, the heavens, and the three realms of time: past, present, and future... they protected them all.

Matilda, daughter of Iaso, the Elysian oracle, and the revived healer...

Kaye, daughter of Thanatos, the lady of the white sea...

Thea, daughter of Hephaestus, the passion bearer...

Seht, son of Apollo, the binding light...

Art, daughter of Apollo, the purest form of energy...

Cal, son of Hades, the prince of the underworld...

Ria, daughter of Ares, the warrior of the battlefield...

Chase, son of Hermes, the cunning fox...

Kara, daughter of Athena, the seeker of boundaries...

Dio, son of Poseidon, the saint of the cerulean seas...

Nang makarating kami sa kabilang dulo ng hall, huminto kami sa harap ng malaking platform. 

Hugis dome ang puting kisame at nakapalibot sa nakakurbang pader ang larawan ng bawat isa sa labindalawang founders.

Isa-isa ko itong tinignan, hanggang sa dumako ang aking mga mata sa dalawang paintings na magkatabing nasa gitna.

Trev, son of Zeus, the scion of all the realms...

and Cesia, daughter of Aphrodite, the invincible rose...

Napangiti ako pagkatapos makita ang suot ni Mama na maliit na korona habang marahan siyang nakasandal sa armrest ng kanyang upuan.

And the crown of the realms, I thought. After being married to Trev, who was the scion or an heir.

She didn't smile with her lips, only with her purple eyes. While Dad, sat on his own chair with an empty expression but a threatening gaze.

Lumiko kami sa table namin at agad sinalubong ng nakatayong Alphas.

There were actually two tables for them, because there were thirteen members.

On the other hand, Gamma has a population of three thousand and more while Beta, an estimated one thousand and five hundred.

Nginitian ko ang Alphas at bahagyang iniyuko ang aking ulo.

There was no tension in between us, but I could feel the anxiety from the other classes when we exchanged smiles and nods.

Huminto ako sa likod ng mesa. Sinulyapan ko ang Alphas na mariing nakatingin sa'kin bago ko senyasan ang Omegas na maupo.

Napangiti ako pagkatapos magkasabay na umupo ang dalawang nangungunang classes ng Academy, bago sumunod yung dalawa pa.

Humilig nang kaunti si Kuya na katabi ko. "So what do you think about Henri?"

Kumunot ang aking noo. "Ba't ako yung tinatanong mo?"

"You think he's really the son of Destiny?"

Tinignan ko ang lalaking tinutukoy niya.

Mahinahong nakaupo si Henri sa tapat ko at nakapatong ang isang kamay niya sa mesa, habang marahang pinagkikiskis ang mga daliri.

"He's too calm," sagot ko. And the way he looks and smiles, even the way he reacts, feels like it has been calculated...

Pinaningkitan ko siya.

He only looks calm, not serious, as if he's playing a silent game.

"Right?" sang-ayon ni Kuya. "I personally think this school year would be fun."

Tinapunan ko siya ng tamad na tingin mula sa sulok ng aking mga mata. "Dad asked me to tell him when you cause trouble again."

Kumisap-kisap siya. "But why?"

"Anong bakit?" Humarap na nga ako sa kanya. "Kuya!" pabulong kong sigaw nang hindi marinig ng iba ang pagtawag ko nito sa kanya. "Ako yung palaging napapagalitan ng counselor natin!"

He defeatedly sighed and leaned back on his chair. "Will you, really?"

Panandalian kong ipinikit ang aking mga mata sabay hugot ng hangin. "As long as I'm not getting punished," mahinahon kong tugon. "Hindi kita isusumbong kay Dad."

A satisfied grin formed on his lips. "Nice." He tilted his head to show me a grateful smile. "Have I told you how much I love you?"

Ginantihan ko siya ng nandidiring tingin dahilan na matawa siya nang mahina.

"Students of Olympus Academy."

Nabaling ang aming atensyon sa matandang lalaki na nakatayo sa gitna ng stage. Nakasuot siya ng makapal na robe na abot din hanggang talampakan ang kahabaan.

Sa likod niya, pakurbang nakahanay ang upuan ng mga leading members ng staff ng Academy.

From the left is our principal named Kerensa, followed by Miss Bliss, of hospitality management. Sa tabi naman niya ay ang headmistress ng mga Aurai na assistant niya. Then there's Bo, a satyr who is the assistant of Mrs. Sol seated next to him.

Nanlaki ang aking mga mata nang magkasalubong ang aming tingin. Nginitian niya ako't kinawayan, at gano'n din ang ginawa ko pabalik sa kanya.

Mrs. Sol, or chief engineer Thea, is the foundress known as the passion bearer. And she was seated next to her husband, Doctor Seht, the binding light, also a founder and the chief physician of the Academy.

On the other end was another foundress, Mrs. Prince, Ria, the warrior of the battlefield who's also the leading representative of our subject teachers.

Muling nagsalita ang matandang lalaki sa harapan nila. "I am Elon, member of the council of Elders that has been chosen to host this year's annual claiming ceremony."

The council of Elders is a group of oracles who have blinded themselves to achieve purity. They can see visions from the future, release prophecies, but they try their best not to expose much of what they know.

They are the guidance counselors of the realms, and they are responsible for maintaining the balance between the mortal and mythological realms.

Sa kanila rin galing ang mga misyon namin.

Aside from academics, students also have extracurricular activities we call missions, where we are sent to investigate disturbances in the realms. Sometimes we risk our lives in doing so, but at this point we're already used to it.

Demigods are both mortal and mythological.

Kaya responsibilidad naming panatilihin ang balanse ng mortal at mitolohikal na mundo ay dahil kahit malaki ang ipinagkaiba ng realidad sa magkabilang panig, nasa gitna pa rin kami nito.

"Without further due, let me call on student members of the Gamma Class."

Nagsimula nang magtawag ng mga estudyante si Elon at kasabay nito ay ang paglabas ng mga aurai na may dalang trays ng pagkain at inumin.

Pagkatapos kong magpasalamat sa huling aurai na naglapag ng juice, nagsimula na rin akong kumain kasabay yung iba.

Yung totoo, ang mga pagkain lang talaga ang pinakahihintay ko sa tuwing claiming ceremony. 

Kumakain kami habang pinapanood ang ceremony dahil sino ba naman ang hindi magugutom kung bawat estudyante ang tatawagin at palalakarin pa sa stage para matanggap yung grace nila.

We have all the time in the world while we're eating and I'm not complaining.

"Ooh..." Namamangha kong puna nang lumitaw ang isang gitara sa bisig ng isang Gamma student.

Yung sumunod naman sa kanya ay nakatanggap ng isang supot ng mga bato na kinutuban akong may kakayahang humula.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ang nakalipas nang tawagin na rin sa wakas ang Beta.

At bumalik ulit ako sa pag-kain.

Napansin kong may isa sa'min na hindi ginagalaw ang pagkain niya.

Inangat ko ang aking tingin kay Henri na nakita kong nakatuon lang sa gitna ng mesa. Nakatulala siya rito, blangkong-blangko ang mga mata.

"Henri," sambit ko dahilan na mapatingin siya sa'kin. "Kung ako sa'yo kumain ka na. Matatagalan pa tayo rito, eh."

Nakatanggap lang ako ng nangunguryusong tingin mula sa kanya.

Napabuntong-hininga ako. "Zack, pakainin mo nga 'yang katabi mo."

"Henri, my bro!" ani Zack sabay hataw sa likod nito. "Alam kong ikaw ang pinakapanganay sa'min pero di naman ako manghuhusga kung magpapasubo ka pa."

Niwalang-kibo siya ni Henri na tila nababagot pa ang mga matang nakatuon pa rin sa'kin.

"Gusto mo airplane 'tol? Or train?" tanong ni Zack sa kanya.

Sinimangutan ako ni Henri.

Marahan kong tinakpan ang aking bibig at nagpigil ng ngiti.

"You don't like the food, Percival?" tanong ni Grey sa kanya.

Umiling siya.

Suminghap si Bella at napaharap sa kanya. "May lason yung pagkain mo, 'no?!" Humagikgik siya at pumapalakpak. "Bilis! Bilis! Ubusin mo na!"

"Guys," sambit ni Amber. "Nabusog na ata siya kakatitig kay Reign- yieee!"

Natawa ako sinabi niya pero agad din akong napatigil pagkatapos masilayan ang isang ngiti na namuo sa labi ni Henri.

"Tangina- gago!" Marahas na hinampas ni Amber ang mesa sabay tayo kaya't buong Academy ang napatingin sa kanya. "Sabi ko na, eh!"

"Excuse me?" ani Elon.

Napasinghap si Amber nang mapagtantong nakatuon lahat ng atensyon sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ng kanyang mga magulang na tinatapunan siya ng tamad na tingin.

"Sabi ko na!" sigaw niya at dinuro ang estudyanteng may dalang lira sa stage. "Sabi ko nang lyre yung gift niya!"

Maingay siyang pumalakpak. "Let's go, Beta!"

Hindi na ako nagulat pa nang maghiyawan ang mga Beta para i-cheer din ang classmate nila.

Si Amber ang leader ng cheering squads sa tuwing intramurals kaya kilala rin siya bilang isang maingay at napaka-supportive na demigod.

Bumagsak si Amber sa upuan nang nanlalaki ang mga mata. "Patay ako kay mama nito." Itinukod niya ang kanyang siko sa mesa. Iniyuko niya ang kanyang ulo sabay hawak nito. "Y-Yung... yung allowance ko..."

Napasinghap naman si Bella. "Amber?" naaawa niyang sambit. "Ako nalang dadagdag ng allowance mo..."

"Huwag mo'kong kausapin, Bella," ani Amber. "Di ko pa rin ibibigay sa'yo isa sa mga daliri ko."

Mabilis na lumamig ang ekspresyon ni Bella. Saka siya humarap pataliwas kay Amber nang nakaekis ang mga braso sa dibdib.

"Isa lang naman," bulong pa nito.

I looked at Paige whose eyes twitched with embarrassment. She looked down on the table and took a long deep breath, calming herself.

Then, she lifted her head as if nothing has happened.

Napangiti ako bago ilipat ang aking atensyon sa Beta na nasa stage. Busog na ako kaya napagdesisyunan ko nang manood nang maayos sa ceremony.

Dala ng sunod-sunod na pagkamangha, hindi ko namalayang tapos na palang tawagin yung class nila.

"And now, the Alphas," ani Elon. "Starting with Vine and Nero, of the Alpha Class."

Kasabay na tumayo ni Vine ang isang lalaki. Umakyat sila ng stage at huminto sa harap ni Elon nang nakangiti.

I heard all the students gasp when vines appeared on the walls and floors, filling the entire hall with the aroma of wine and citrus. It crawled towards the stage and formed a huge box in front of their feet.

Meanwhile, Grey crouched down and grabbed one of the grapes that appeared by his feet.

Kinain niya ito.

"Looks like grapes, tastes like orange," nakangisi niyang puna.

Muli kong nilingon ang dalawang Alphas na nakayuko na sa tapat ng nakabukas na treasure chest. Napangiti sila nang may inilabas si Vine na wine bottle na tila gawa sa diamante.

Sabay silang tumayo.

"Unlimited wine at the Alpha's dorm tonight!" anunsyo ni Nero.

Kung napahiyaw ang ibang estudyante, ako naman, napabuntong-hininga, pagkatapos mapagtantong hindi ako makakapunta sa party mamayang gabi dahil haharap na naman ako sa guidance counselor namin.

"Woooh!" sigaw ni Zack.

Ever since the village was made, students are free to host parties in their dormitories as long as it's for a legitimate celebration like welcoming the start of a new school year and birthday parties. 

Parties start early in the evening and must end before midnight, which is our curfew.

I let out another dying sigh.

Hinagod-hagod ni Kuya ang likod ko. "That's okay, Reign, I'll just bring you food in the office," tugon niya. "Like what I always do."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Mmm." Tinignan ko siya. "Thank you."

"Nero and Vine, son and daughter of Dionysus, god of wine and fertility!"

Nakiisa ako sa pagpalakpakan ng mga estudyante.

Sunod-sunod nang nagtawag si Elon ng mga pangalan, at dahil napahiya ako sa harap ni Vine nung hindi ko siya nakilala sa Admission Room, napagdesisyunan kong pakinggan nang maayos at tandaan ang pangalan ng bawat Alpha.

I really should try remembering their names. I mean, they're some of the strongest in the school as well.

Sumingkit ang aking mga mata.

Pero kasalanan ko ba talaga kung di ko matandaan yung mga pangalan nila kasi nasa mga limang Alpha lang ang nakapasok sa overall top 10 ng school?

At dahil dito, nagbago ang isipan ko.

Bumalik na naman ako sa pag-kain. 

This time, I decided to eat snacks.

Habang nakatuon yung iba sa stage, inangkin ko ang platter ng fries at palihim na humagikgik nang walang nakapansin sa'kin.

"Kai and Sylvia, son and daughter of Poseidon, god of the seas!" Narinig kong sigaw ni Elon habang natatakam ako sa fries.

Nang maubos ko na ito saktong napalingon ako sa huling estudyante na tinawag at nalamang nakatingin na rin pala siya sa'kin habang pinapalibutan ng maliliit na kislap ng kuryente ang buong katawan niya.

Nginitian niya ako.

"Luke, son of Zeus, king of the gods!"

Mapanakit yung ngiti niya, nagbabanta, kaya pinadalhan ko siya ng isang manamis-namis na ngiti.

Tapos, agad naglaho ang kanyang ngiti nang ilipat niya ang kanyang tingin sa may dakong harapan, kung saan naroon si Henri na patagilid na nakaupo at mariing nakatuon sa kanya.

Kumunot ang aking noo.

Tumigil ang palakpakan ng mga estudyante sa sandaling napaatras si Luke nang nanlalaki ang mga mata. Nawala na rin ang mga kislap na nakapalibot sa kanya at pinalitan na ito ng nanlalamig na presensya.

Nasilayan ko ang namamahamak na ngiti ni Henri nang tanungin ni Elon si Luke kung okay lang ba ito.

Mabilis na namuo ang pawis sa kanyang noo. "Y-Yes," sagot niya at nagmamadaling bumaba ng stage.

Ipiniling ni Henri ang kanyang ulo sa direksyon ng tinakbuhan ni Luke at sinundan ito ng tingin.

Bago ko pa mahinuha kung anong nangyari, narinig namin ang anunsyo ni Elon.

"And now, we have the Omegas."

Dali-dali kong kinuha ang table napkin at pinunasan ang mga kamay ko.

Elon gave us a gentle smile and an acknowledging nod before backing away until he sat on one of the empty chairs on the stage.

Unti-unting nandilim sa loob ng buong hall at mula sa malayo, nakarinig kami ng mga boses.

"Ria!" tawag ng isang lalaki, at nagdulot ito ng ngiti kay Zack.

"Trev!" sigaw pa ng isang babae dahilan na kami na naman ni Grey ang mapangiti.

"Where is she?"

Just when we heard Dad's voice, golden mist entered the hall and gathered in the middle of the stage forming an outline of two eyes that glowed gold.

Then, it formed into the shape of my Mom who slowly turned her head to face every one of us. She smiled, before her calm voice filled our ears.

"Kaye..." bulong niya, at muling kumalat ang gintong mist upang bumuo ulit ng iba pang mga hugis.

"As a daughter of an Olympian, I hereby denounce you as students of Olympus Academy..." A woman appeared holding a sword. She stood powerful and tall in front of a large crowd. "For starting now, at this very moment, you are the hope of this realm..."

The golden mist scattered again and from the ceiling, a man with gold wings flew to the ground and forcefully shoved an enemy with his feet, burying it deep to the soil.

"Cal..." Isang babae na naman ang lumitaw na may dalang pana. Another man appeared beside her holding a bow, too.

They met in the middle and together, raised their weapons and pointed at opposite directions.

"Thea..." a man's gentle voice rung in our ears, before they disappeared.

Nag-hugis babae na tumatakbo ang gintong mist. May dala siyang shield at nilundagan niya ang dibdib ng isang giant bago ihagis ang shield sa leeg ng isa pang giant.

"Dio!" sigaw niya, at lumitaw ang isang lalaki na seryosong napaatras. Nakaharap siya sa'min at nang iyuko niya ang kanyang ulo, marahas niyang inangat ang kanyang mga braso't kamay.

Napasinghap kami nang lumabas ang malalaking alon ng tubig mula sa magkabilang gilid ng hall. Gawa pa rin ito sa gintong mist at nang magtama ito, tumakbo ito paharap sa gitna ng platform.

The golden mist formed the shape of another man. He slowly waved his hand to the front while looking at us as if we were the enemies. He frowned, and roughly lowered his palm, sending large spikes on our direction.

Bahagya pa akong napaatras kahit alam kong ilusyon lang ang nakikita namin.

"Art..." his cold and deep voice sent chills to my spine.

Mabilis siyang naglaho at pinalitan ng isang babae na nag-aapoy ang mga palad. She was in the middle of running and at the same time, throwing balls of fire. Yumuko siya at ipinadausdos ang kanyang mga tuhod sa lupa nang may cyclops na akmang ipahilig ang sandata nito sa kanya.

"Seht!" she screamed before disappearing.

Then the gold mist formed the outline of another woman. She walked to the side while her wrist was surrounded with a circle of light.

 "You're right, Kara, we exist for a particular purpose..." her voice was soothing, and in every step she took, there was a burst of light that scattered on the floor.

"-and that is to end the rebellion."

"Matilda..." A voice of another woman called, and she appeared while slowly walking towards us. "A promise given a long long time ago... the Promise of the Twelve."

Kusang dumako ang aking mga mata kay Henri na bahagyang napabukas ang bibig.

Namuo ang isang mapait na ngiti sa aking labi.

"We are the Omegas..." a different voice said. "Whatever happens to the realms, we will end it."

Napasinghap ako nang biglang sumabog ang golden mist at nag-anyong mga huntres at Amazons, pati na rin mga dating estudyante ng Academy.

They all had their weapons pointed to the sky while running.

"Together for our realm!" a woman shouted. "We rise!"

The mist exploded again and formed back into the figure of a woman who held a sword in her hand. She was running and screamed before transforming into a large flaming bird.

A phoenix.

"Chase!" she called.

Isang lalaki ang lumitaw sa gilid ng stage. Bahagyang nakaangat ang isang sulok ng kanyang labi habang mabagal na naglalakad bitbit ang isang lightning bolt sa kamay. Itinaas niya ang kabila niyang braso kung saan nagtitipon-tipon ang mist.

"Cesia..." My dad's voice was heard again within the hall.

Itinapat niya ang kanyang palad sa kalangitan at narinig namin ang malakas na kulog mula sa kisame ng stage.

He snickered, before swiftly lowering his hand and lightning crashed unto the floor.

Sa pangatlong pagkakataon, sumabog na naman ang gintong mist. Mabilis itong nagpabago-bago ng anyo, pinapamalas ang kakayahan ng bawat isa sa labindalawang orihinal na Omegas, habang nasa gitna sila ng digmaan.

A smile curved on my lips when the golden mist formed the shape of my mom standing in the middle of what seemed like shooting stars.

"Kneel."

And the mist did kneel, when it fell and scattered on the stage.

Akala namin yun na 'yon pero nagulat kami nang dahan-dahan itong umangat at nag-anyong isang babae na nakaluhod at nakatukod ang magkabilang palad sa lupa.

Unti-unting lumiwanag ang aking mga mata sa bagong eksena.

"Spirits of the Underworld..." she called. "I offer you the eyes of Gaia."

"Kaye..." wala sa sarili akong napabulong.

She stood on her feet and slowly, turned around wearing a triumphant smile.

"Destiny..." she whispered.

Her eyes burned with motherly warmth, before the golden mist spread and vanished into thin air.

Dahan-dahang bumalik ang liwanag sa loob ng hall, ngunit wala pa ring ni isa sa'min ang nagkaroon ng lakas na pumalakpak o gumalaw man.

Napatingin ako sa tatlong founders na nakaupo sa stage.

Mrs. Prince smiled gently while looking down. Doctor Seht also wore a smile while he calmly rubbed his wife's back who was silently in tears.

Black and purple mist appeared and floated on the stage, until it formed into a woman dressed in a purple and gold robe.

Sabay kaming napatayo at yumuko.

Tinanguan niya kami, senyas na pwede na kaming bumalik sa pagkakaupo.

"Except you of course," nakangiti niyang sabi nang lingunin ang table namin.

We were greeted by a pair of purple eyes, just like Mom's and Grey's.

Mnemosyne, a titaness of time, and the goddess of memories.

Siniko ako ni Kuya.

"O-Oh, right-" Nagmamadali akong umalis sa kinatatayuan ko at nanguna sa paglalakad.

I walked on the stairs in front of her and stopped on the edge. The rest of the Omegas followed until we formed a line facing her.

"You may not be half-bloods," sabi niya. "But you still have golden blood within you. Blood from the gods, and blood of heroes."

Yumuko ako nang dumako siya sa aking harapan.

"Reign of the Omega Class, daughter of the scion and the rose..."

I couldn't help but smile when I felt something land on my shoulder.

The golden cape, was a white cape with gold details that is bestowed only to the Omegas of Olympus Academy.

It's not for visuals, because the cape is made out of the golden fleece of Greek Mythology. 

When Mnemosyne said that we were not half-bloods, that meant we have slower regenerative abilities compared to other demigods. We cannot heal ourselves as quickly as them, because we're not sons and daughters of gods, only grandchildren.

And so, we have our capes that we wear during missions.

The golden fleece has powerful healing abilities, which will help us recover quickly and most of the time, it's the one that saves not only us but others. Because we tend to use it not only for ourselves, but for creatures who need it too.

"Grey of the Omega Class, son of the scion and the rose..."

Inangat ko ang aking ulo nang lumipat na ang titaness sa kapatid ko. Pagkatapos, lumingon ako sa mga kasama ko na isa-isa niyang nilagyan ng kapa.

Mnemosyne reached the other end, where Henri stood.

We watched as she remained still in front of him and stared at him for a few seconds.

Nanlaki ang aking mga mata nang makitang hindi nakayuko si Henri at nakipagpalitan lang ng tingin kay Mnemosyne.

What is he doing?!

"Henri..." pabulong na sambit ng titan goddess.

Henri smiled and only bowed his head after hearing his name.

Mnemosyne also broke into a smile before waving her hand and a cape flew from the side. The moment it landed on Henri's shoulders, he lifted his head to look back again at the titaness.

"Henri, son of the lady of the white sea..." she calmly said.

I let out a sigh of relief.

"-and of Destiny."

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
2.4M 185K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
20.8M 762K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...