Chapter 14: Storytelling

7 1 21
                                    

THIRD PERSON'S POV

Kinagabihan ay nakahiga sa kama si Halo at nakasuot ng earphones habang yakap naman niya ang stuff toy na si Avocado Hail na ibinigay ni Jupiter.

"Avocado, alam mo yung tatay mo sinusumpong na naman!" Panimula niya rito habang itinaas sa ere't kinausap na akala mo'y sasagot

"Mantakin mo bang sunduin ako kanina. Nakakapaghinala talaga, e. May hindi ba 'ko alam, Avocado? May sinabi ba si Bal kay Jupiter at ganoon na lamang kasungit ang mukha nito kanina? Magsalita ka Avocado may alam ka ba rito?" Litanya pa rin ni Halo rito

"Matawagan nga sila Molly at nang malaman ko ang katotohanan." Sambit pa ni Halo bago dumapa ng higa sa kama at tangan pa rin si Avocado

Pumunta si Halo sa group chat nilang tatlo. Oo, tatlo lang sila sa group chat na 'yon. As in three lang. Oo, ginawa niya 'yon para sa kanilang tatlo. Sino ba namang tao ang gagawa ng group chat na tatlo lang ang members?

Syempre, si Halo lang naman wala nang iba pa! Nakailang ring bago sinagot ni Vienna ang tawag ni Halo.

"Kumusta ang bonding with Doc Sungit?" Tanong ni Vienna habang nakangisi

"Naku, kiddo kung anu-ano pinagsasasabi mo kanina, a!" Sambit ni Halo rito tumawa naman ito na siyang nakapagpalamukos sa mukha ni Halo

"Sowi na nadala ako, e. Tska ano kumusta date niyo?" Tanong nito bago humigop sa tasa niyang Hello Kitty

"Kape tayo, Doc!" Sambit pa nito bago bahagyang itinaas ang kanyang tasa na para bang nang-aalok

"Date ka dyan! Galit nga si Jupiter, e." Sambit ni Halo na nakalabi pa bago pinangigilan ang ilong ni Avocado

"Kasalanan mo kasi 'yan! Pinagselos mo, e. Sino ba kasi 'yong lalaki na naka-undercut kanina na lumapit sa'yo? Di ko siya bet! Mas bet ko si Doc Sungit, no! Kamukha kaya niya si Spiderman!" Saad naman nito habang nakasimangot at bigla namang naghugis puso ang mata

"Bal!!!" Tawag ni Halo kay Molly nang biglang sumulpot ang mukha nito sa screen

"Oh, bakit Bal?" Nakangisi nitong saad bago ngumuya ng popcorn na sa wari ni Halo ay galing kay Jupiter

"Bal, anong kinalaman mo rito?" Sambit naman ni Halo rito habang dala-dala ang cellphone pababa ng hagdan

"Hmm, anong kinalaman ang sinasabi mo?" Painosenteng saad naman nito habang tuloy sa pagkain ng popcorn

"May sinabi ka ba kay Jupiter kaya naging ganoon na lang kasungit 'yon kanina?" Tanong pa ni Halo rito

"Ang sinabi ko lang naman ay mayroong lalaking lumapit sa'yo tapos kinuha number mo." Balewalang sambit ni Molly bago ngumiti kay Halo

Tumawa naman si Vienna dahil sa narinig mula kay Molly samantalang napaface palm na lang si Halo sa sinabi ni Molly. Kapwa nagkwentuhan lamang ang tatlo patungkol sa mga bagay-bagay. Kaya naman may naisip si Halo na magandang ideya.

"Bal, punta kami sa bahay niyo, pwede?" Tanong ni Halo rito bago kumagat sa tinidor na may chocolate cake

"Hmm, sige kailan ba?" Tanong ni Molly rito habang busy pa rin sa pagkain ng popcorn niya

"Hmm, baka sa monday after ng meeting." Sambit naman ni Halo rito habang kumakain pa rin ng cake

"Sige. Dala kayo foods!" Sambit nito habang sumubo pa ng popcorn

Love, Halo Book 1 (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang