Chapter 5: Burger Date

27 1 36
                                    

JUPITER'S POV

It was a sunny day when I go to the hospital. At ngayong araw ang discharge ng babaeng amazona! Dahil sa kanya nakabenda ang kanang kamay ko. Biruin mong namaga ang kamay ko. At may kalaliman ang sugat na natamo ko.

Nang makababa ako sa aking sasakyan ay pumasok na ako sa loob ng ospital dahil kailangan ko pang mag-rounds at kailngan kong bigyan ng gamot ang babaeng patay gutom! I was in the middle of lobby when I heard a commosion. Nagkakagulo ang ilang pasyente habang napapalibutan ang dalawa pang pasyente. Nakakunot ang noo kong nilapitan ang mga ito. Nang makalapit ako sa mga ito'y nakipagsiksikan pa ako da mga pasyente na naroon.

Nang makarating ako sa pinakaunahan ay ganoon na lamang ang pagbalantay ng labis na pagkagulat sa aking nakita. Paano ba nama'y may dalawang pasyente na nagpapaunahan sa pag-ubos ng isang whopper burger ng Burger King! At sino pa nga ba ang patay gutom sa burger? Edi ang babaeng amazonang may lahing titan! Nakakabingi ang sigawan ng madla na nag-chicheer pa sa kani-kanilang manok.

Nainis naman ako dahil itong babaeng patay gutom sa burger halos isubo na ng buo yung malaking burger na nasa plato niya! Samantalang yung kalaban niya'y wala pa sa kalahati ang nakakain samantalang siya'y malapit nang maubos! Saan ba pinaglihi ni Tita Ling 'tong babaeng 'to? Mukhang buong siyam na buwan, e puro burger lang ata kinakain niya kaya naman ito ang resulta! Amazonang babaeng mahilig sa burger!

Ilang minuto lang ay mas lumakas ang sigawan dahil naubos na pala niya isang buong whopper  burger na nakalapag sa harapan niya. Ibang klase! May alaga ata itong anaconda sa tiyan at wala pang isang oras, e naubos na niya ang isang malaking burger! Nainis naman ako ng hawakan nung kalaban niyang lalaking mukhang butiki sa payat ang kamay nito. Nakipagkamay ito roon at ngumiti pa talaga, a!

Mukha nang butiki na tinubuan ng mukha! Agad ko naman itong nilapitan at hinawakan sa kamay bago hinila paalis sa komosyon.

"Putragis ka, Napaka pabibo mo talaga! 'yong burger ko naiwan!"  Pagwawala nito habang pilit nagpupumiglas sa kapit ko dahil sa burger

"Huwag mo nang balikan 'yon! Ayokong nakikipaglapit ka sa mga butiki! Masama sa'yo 'yon. Huwag kang mag-alala magdedate tayo mamaya sa Burger King at magpakasawa ka sa kakalunok ng burger! Basta iwasan mo lang ang mga butiki. Ang sakit sa mata, e!"  Turan ko rito habang hinihila siya pabalik sa kwarto niya

"A-anong butiki pinagsasasabi mo? Para kang tanga alam mo 'yon?! Anong kinalaman ng butiki sa puso ko? Hindi ako mahilig sa exotic kaya no no no sakin ang butiki! Tska ano bang problema mo sa butiki, ha? Nakasinghot ka ba ng katol? O baka naman tumira ka ng pinagbabawal na bato? Sinasabi ko sa'yo Hades Jupiter  Tamayo Suarez tigil-tigilan muna 'yan. Dahil hindi ako magdadalawang isip na kaladkarin ka papuntang rehab! Tska anong date date sinasabi mo? Bakit jowa ba kita? Kung makapag-aya ka ng date kala mo naman may tayo, a!" Pagsusungit naman nito habang hila-hila ko pa rin ang kamay nito

Dahil sa ingay nito'y bawat nadadaanan nami'y napapatingin lahat. Dahil naman napakaligalig nito'y hinila ko ito sa isang di gaanong mataong bahagi ng ospital at sinandal sa pader.

"Babaeng amazona ang ingay-ingay mo! Kaliit mong tao para kang nakalunok ng megaphone! Ano naman kung aayain kitang makipagdate?  Bakit magjowa lang ba ang may karapatang makipagdate? Hindi ba pwedeng friendly date lang 'to? Kasi namiss kitang kasama? Masama ba 'yon?"  Pahayag ko rito bago hinarang ang kanang kong kamay sa tabi ng mukha nito

Titig na titig lamang ako rito. Kitang-kita ko ang pagkawala ng matapang nitong itsura at napalitan ng blangkong ekspresyon na napakahirap basahin. Tila nakatingin lang ako sa isang plain wall na walang ibang kulay kundi puti o itim.  Dahan-dahan kong idinikit ang noo ko sa noo niya. Samantalang napapikit na lamang ako dahil namiss ko ang babaeng 'to.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now