Chapter 41: Trails of Sadness

11 1 26
                                    

MOLLY'S POV

Halos isa't kalahating buwan na rin ang lumipas noong nag-take ako ng board exam. At hindi pa rin ako makapaniwalang nakapasa ako! Oo, pumasa ako! Halos hindi matigil ang pagtulo ng mga luha ko noong nalaman kong pumasa ako.

Matapos kong makita ang pangalan ko'y tiningnan ko rin ang pangalan ni Bal... at ang nakakatuwa lang ay pareho kaming pasok sa top ten ng LET Board Exam! Nagbunga ang mga gabing iniiyak ko na lang dahil mas nananaig ang stress at ang anxiety na mayroon ako.

Subalit nagpapasalamat ako dahil nakapasa kami. Sa wakas ay magiging isa na akong ganap na guro!

Noo'y hindi ko talaga pinangarap maging guro... ang pangarap ko pa nga ay maging isang astronaut at makapagtrabaho sa NASA. Subalit maaaring may iba pang plano sa'kin ang Panginoon kaya naman ito't magiging guro na ako sa agham.

Ngayo'y hindi ko pa rin nakakausap si Bal. Subalit nag-message ako rito at binati ko ito. Nalungkot lamang ako ng bahagya noong hindi ako nakatanggap ng anumang mensahe. Subalit naiintindihan ko naman na kailangan niyang magnilay-nilay.

Si Vienna naman ay kasalukuyang nasa kanilang opisina sa school. May tinatrabaho raw kasi silang panibagong issue na ilalabas kaya medyo busy ulit. Subalit ipinabatid naman nito ang kanyang pagbati noong nalaman niyang pumasa ako at maging si Bal.

Hindi rin ito nakapunta noong isang araw sa isang simpleng handaan na isinagawa rito sa'ming bahay dahil may mga tinatapos pa raw itong ilang bagay. Humingi naman ito ng paumanhin at sinabi niyang babawi na lang daw siya sa ibang araw na malugod ko namang sinang-ayunan.

Tahimik na araw at tipikal na araw ng huwebes subalit nagulat na lamang ako noong tinawag ako ni Mama't may deliver daw sa labas.

Nagtaka pa nga ako dahil wala naman akong natatandaang may inorder ako sa shopee o sa lazada. Tinanong ko pa ang delivery man kung kanino ito galing.

"Kuya sino po ang nagpadeliver?" nagtatakang saad ko

"Si Ms. Halo Cajigal po... papirma na lang po rito Ma'am Molly." sagot nito bago itinuro kung saan ko kailangang pumirma

Nang makapirma ako ay kinuha na nito ang package na para sa'kin. Akmang itatanong ko kung may kailangan ba akong bayaran o ano subalit naunahan na ako nitong sumagot.

"Wala na po kayong babayaran. Bayad na po ang delivery fee." sagot pa nito na parang nabasa ang laman ng utak ko

May lahi ba itong manghuhula? Grabe naman si Kuyang rider baka naman mind reader siya? Teka, hindi kaya apo siya ni Madam Auring?

Matapos naman nitong mailagay sa loob ng isang malaking bag ang clipboard ay ibinigay na nito sa'kin ang may kalakihang box. Medyo may kabigatan ito subalit kaya namang dalhin. Nagpasalamat ako't pumasok na ng bahay.

Inilagay ko muna ito sa ibabaw ng kama ko't hindi muna tiningnan. Handa ko na sanang kuhanin ang cutter subalit nang bubuksan ko na ang kahon ay sakto naman akong tinawag ni Mama dahil kakain na raw ng pananghalian.

Matapos ang pananghalian ay naghugas na ako ng plato't namahinga ng sandali. Matapos ay bumalik ako sa kwarto ko. Hindi ko napansin na may kailangan pa nga pala akong gawin kaya naman naisantabi na naman ang pagtingin ko sa laman ng idineliver na package.

Hanggang sa sumapit ang kinagabihan ay natapos ko naman ang nakalimutan kong gawain. Nakakain na rin ako ng hapunan at nakapaghugas na ng mga pinagkainan.

Nang makabalik ako sa kwarto'y napatitig ako sa kahon. Naka-bubble wrap ito kaya naman agad kong kinuha ang cutter na nasa pencil holder at sinimulang tanggalin ito.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now