Chapter 32: Heart Attack

9 1 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

Isa na namang panibagong araw ang sumibol... panibagong pag-asa na naman ang mananaig sa bawat isa.

Halos mag-iisang taon nang comatose si Jupiter. Walang patid naman ang pagdalaw ni Halo rito kahit na kakaumpisa lang muli ng kanilang klase.

Sa wakas halos isang sem na lang ang kanyang bubunuin para makagraduate ng college... hindi naman lingid sa kaalaman ni Halo na umiigsi na ang oras at ang panahon.

Subalit sinusulit niya ang bawat sandaling kasama ang mga kaibigan lalung-lalo na ang dalawang taong paborito niya... si Molly't si Vienna.

Kapag may mga pagkakataon ay nagkakayayaang magpicnic ang mga ito o gumala man lang kung maluwag ang schedule nila. At mas lalo lamang nilang nakikilala ang isa't-isa...maging sa kaliit-liitang pwedeng malaman nalalaman nila.

Subalit hindi ang isipin at ang ilang mga bagay patungkol kay Halo... sapat na ang ilan na hinayaan niyang ilabas at ipakita... magiging delikado ang lahat kapag nalaman nila ang ilan sa kanyang sikreto.

Sa paglipas ng mga araw ay unti-unti ring nagiging maayos ang lahat... patuloy ang improvements ni Jupiter sa mga gamot subalit hindi pa rin matukoy ng mga doktor kung kailan ito gigising.

Miski ang ama nitong isang magaling na doktor ay hindi matiyak kung kailan o kung talagang gigising pa nga ba si Jupiter...

Subalit ang lahat ay humahawak sa pag-asang mayroon pa... na isang araw ay susurpresahin na lang sila ni Jupiter at magkakaroon ng himala dahil nagising ito.

Hindi naman iniwan nila Molly't Vienna sa laban si Halo... lumalaban din sila para rito kahit na mahirap.

May mga pagkakataon kasing nakikita nila itong bigla na lamang naiiyak dahil sa pagod at hirap na nararamdaman.

Ilang beses na rin itong nakita ni Vienna kaya naman inaalo na lang niya ito kapag siya ang nakakakita rito sa ganoong estado... bawat araw mas lalo lamang tumatatag ang lahat.

Subalit kung kailan pala talaga mas tumatatag ang lahat saka naman mas lalong susubukin ng tadhana...

Dumating ang araw kung kailan busy ang lahat. Tipikal na araw ng lunes subalit ang mga aligagang mga tao sa loob ng opisina ng Rhetocian ay abala para sa tinatrabahong ilalabas na bagong volume issue.

Malapit na kasi ang itinakdang palugit para ma-check na ng adviser for final revisions. Matapos kasi nito'y dadalhin na ito sa iprentahan para mag-produce ng libong mga kopya na ipapamahagi sa bawat estudyante ng eskwelahan.

Nasa kalagitnaan ng trabaho ang lahat ng may pumasok sa pintuan ng hindi inaasahan.

Pumasok ang presidente ng school. Kaya naman ang lahat ay nagbigay respeto rito. Nang ianunsyo na ng presidente ng eskwelahan na maaari na silang bumalik sa mga ginagawa'y mas mabilis pa sa alas kwatrong nagbalikan ang mga ito't muling trinabaho ang mga kailangan ng revisions.

Kinausap nito si Halo at matapos masabi ang lahat ng kailangang sabihin ay umalis na rin ito. Ngunit bago 'yon ay nagsabi muna ito na kung pwede'y samahan siya sa isang pananghalian na kaagad din namang pinaanyayahan ng lahat.

Nagpasalamat naman ang mga ito bago kinuha ang mga importanteng gamit bago tuluyang lumabas ng opisina.

Nagtungo sila sa kantina ng eskwelahan para kumain. Nagpaluto kasi ito ng pagkain at itinakda na ang araw na ito para makasalo ang bawat myembro ng Rhetocian.

Nagtatanong ito ng ilang mga bagay-bagay ngunit si Halo lang din naman ang sumasagot dito dahil nahihiya ang lahat dahil kasama nila ang presidente ng eskwelahan na labis naman nilang hindi inaakala.

Love, Halo Book 1 (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora