Special Chapter 2: Valentine's Date

19 1 14
                                    


THIRD PERSON'S POV

Matapos ang munting selebrasyon ng birthday ni Vienna ay nagkayayaan nang magsiuwian ang lahat kahit na ang ilan ay kalahati ng kanilang katawan ay basang-basa dahil sa paglalaro nila ng tubig sa labas ng eskwelahan. Muntikan pa ngang madulas ang ilan sa kanila dahil basang-basa ang sahig na napalilibutan ng tiles kaya naman napakadelikado kapag nababasa ng tubig o nang ulan dahil isang maling hakbang lang ay maaari kang mabalian ng buto o magkaroon ng sakit ng katawan.

Nang makauwi ng bahay si Halo ay aligaga itong naghanap ng susuoting damit sa loob ng closet niya. Hindi ito magkamayaw sa paghahalungkat miski nang mga damit niyang minsanan lang makita o mailabas mula sa mga kahon nito. Nang hindi pa rin ito makapili ay naisipan nitong tawagan ang mga kaibigan para humingi nang tulong.

Natalapit pa nga ito sa mga damit na nagkalat sa sahig maski sa labas ng closet dahil sa kakamadalig mahagilap ang kanyang cellphone.

Agad naman nitong pinindot ang video call button nang kanilang group chat. Naunang sagutin ni Vienna ang tawag at bumungad sa kanya ang mukha nitong naka-pokerface habang nagkakape.

"Hmm? Bakit?" tanong naman nito dahil kakainom lamang nito nang kape

"I need help!" agad namang bungad nito

"Weyt! Kalma ka lang!" sambit naman nito na tila nasamid sa biglaang pagsigaw ni Halo

"Zup gals! Anmeron? Hi, Bal and hi to you patatas!" bungad naman ni Molly sa mga ito't kumakain na naman ng popcorn

"I need help! May date ako with Doc Jupiter! I can't decide on what should I wear! It's kinda freaking me out, help me!!!" sambit pa ni Halo na kapagkuwa'y nakapagpatahimik sa mga kausap

Napabuga ng iniinom na kape si Vienna habang si Molly naman ay nalaglag ang ilang piraso nang popcorn na nasa bunganga dahil sa pagkagulat.

"Ano kamo? May date kayo ni Doc Sungit?" namamanghang tanong ni Vienna sa ngayo'y namumulang si Halo

"Oo nga, ulit-ulit naman, e!" sambit pa ni Halo sa mga ito

"Hindi ka naman nagbibiro tama ba?" tanong pa ni Molly na isinantabi ang hawak na popcorn at kinuha ang cellphone nito't dinala malapit sa may bintana

"Bal naman! Kulang na nga lang e, mahimatay ako rito sa bilis nang tibok ng puso ko!" pagmamaktol pa nito at nakasimangot na muling tinungo ang closet dala ang cellphone nito

"Gosh! Hindi ko naman inaasahan na ang mga napapanood at nababasa ko lang noon ay mararanasan ko sa totoong buhay. Bakit ba kasi umoo ako? Geez! I'm so dead!" saad pa nito habang patuloy pa sa paghahalungkat nang damit na susuotin

"Try the dress in the right. Seems good and decent." suhestyon naman ni Molly na nakain na naman ng popcorn at mukhang nakabawi na sa pagkakagulat kani-kanina lang

"This purple one?" tanong naman ni Halo haang kinuha ang isang purple off shoulder dress na nakahanger sa kanan ng kanyang closet dahil iniharap ito roon ni Halo ang view ng video niya

"Oh, tamang-tama purple pala 'yan. Sige na isukat muna, dali!" buyo naman ni Vienna kay Halo

"I trust you gals, hoping this suits pretty well kung hindi hindi ko na alam ang gagawin ko." saad naman nito bago kinuha ang dress at nagdiretso nang pasok sa banyo para isukat ang damit na dala-dala nito

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now