Chapter 24: Levi Who?

11 1 33
                                    

LEVI'S POV

Annyeong! Shit, I forgot I'm half Japanese! Dyusko kakapanood ko ito ng Korean Drama! I mean kakapakinig ko pala hehe. Nakakalimutan ko nang isa akong half Filipino half Japanese spitz... Ay hehe Japanese pala, ehe. Another random day. Gigising, kakain, at makinig na naman ng Korean Drama.

Oh, before I forgot. I heard sa Nurse kong si Angela na naaksidente pala ang anak ng may-ari ng Diode. Mabait pa naman ang doktor na 'yon. Lagi ko rin naman kasi itong naririnig sa mga nurse rito. Base na rin sa mga pahayag nila nabuo sa memorya ko ang itsura nito.

Ayon sa kanila'y gwapo ito at matangos ang ilong. Sa pagkakaalam ko'y mas matanda ako rito ng ilang taon.

Hindi pa man ito isang ganap na doktor ay narito na 'ko sa ospital na 'to. Nag-iintay kasi ako ng eye donor. I lost my sight when the day my first love becomes my fiancé. Ang isa sa unang panibagong kabanata sana ng buhay ko'y bigla ring binawi.

High school pa lang kami ni Alistaire magkarelasyon na kaming dalawa. He's my first love, my first hug, my first holding hands but, never been my first kiss. Lagi nitong iginigiit na gusto niyang kunin ang unang halik ko sa oras na ganap na kaming mag-asawa.

Subalit oras pa lamang kaming engaged ay binawi na agad ang lahat sa'kin. Namatay si Alistaire dahil sa isang aksidente. Nagdadrive siya habang hawak ang isa kong kamay. Papunta kami sa isang beach na pagmamay-ari ng pamilya nila nang maaksidente kaming dalawa.

Binangga ng isang delivery van ang sinasakyan namin ni Alistaire at parang latang pinipi ang nangyari sa sasakyan. Nagpaikut-ikot ito ng ilang beses bago tuluyang bumagsak sa aspaltong kalsada. Nanlalabo man ang paningin ko'y sinubukan ko siyang abutin.

Nababalutan ng dugo ang napakaamo nitong mukha at may nakatusok ritong pieaso ng bakal na parte ng sasakyan. Hirap man akong magsalita at makakilos ay tinawag ko ang pangalan niya.

"Ali... Wake up, Ali. Please wake up." Saad ko habang pilit itong ginigising

" Ali please. Huwag mo naman akong iwan, oh. S-sabi mo h-hanggang dulo diba? Please naman, Alistaire gumising ka! Parang awa muna!" Dagdag ko pa habang pilit inaabot ang mukha nito

"Levi, love. M-mukhang hindi ko na matutupad ang pangako ko. H-hindi na kita mapapakasalan. H-hindi na ma...matutuloy 'yong plano nating dalawang anak. H-hangad ko ang kaligayahan mo. Pi-piliin mo yung taong makakasama mo h-hanggang dulo. Mahal na m-mahal kita Levi Izumi Takagi. Ku-kung muli akong papapiliin i-ikaw pa rin sa pangalawa kong buhay. Pangako 'yan. Be happy my love. I'm s-sorry and goodbye." Saad nito habang itinaas nito ang kanang kamay para abutin ang mukha ko

At sa araw ng mismong engagement ko namatay ang fiancé ko. Ang isa sa mga taong nagparamdam kung gaano ako kahalaga. Na may halaga ang pagkatao ko. Tinanggap niya ako sa kabila ng lahat. Hindi gaanong kayaman ang pamilyang pinanggalingan ko. Sapat lamang para matustusan ang pang araw-araw naming mag-anak.

Maaga pang namatay si Dad dahil sa aksidente sa trabaho. Tinulungan naman kami ng pamilya ni Ali kaya naman nakabangon kami at lumuwag-luwag ang estado ng buhay. Inalok nila ng trabaho si Mama pati na rin si Kuya. Kaya naman mas napabuti ang buhay namin sa kabila ng pinagdaanang dagok sa buhay.

Hindi nagbago ang tingin sa'kin ng mfa magulang ni Ali. Itinuring pa rin akong anak ng mga ito matapos ang nangyari. Ni hindi ko sila narinig na sinisi ako sa nangyari sa anak nila. Sila na mismo ang sumagot sa gamutan ko kahit na sinabi kong huwag na. Kahit anong yaman nila hindi ko sila hinayaang maghanap ng eye donor para sa'kin.

Binigay ko ang desisyon kong ako ang mag-aapply at maghahanap ng mga panibagong mata. Kaya naman kahit araw-araw akong gumising na may luha sa mga mata'y pinananatili kong magpakatatag at mamuhay ng normal kahit na may lamat na ang puso ko. Nagtapos ako ng patungkol sa communication.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now