Chapter 8: Emergency

23 1 58
                                    

HALO'S POV

Nagising ako dahil sa isang bangungot. Nalaglag pa ko sa sahig ng kwarto ko. Mabuti na lang at hindi ako masyadong nasaktan. Pero nangamba ako at nakaramdam ng takot. Takot na ni binihira ko lang maranasan. Nababalisa ako sa napanaginipan ko.

Tila may hindi magandang mangyayari ngayong araw na ito. Nagising ako mga bandang alas dos ng madaling araw. At mula noong oras na 'yon ay hindi na ako muli pang nakatulog. Kaya naman ang ginawa ko'y pinagmasdan ko na lamang ang mga bituin sa kalangitan. Bumaba ako malapit sa pool area at naupo sa lounge.

Malamig na hangin ang sumalubong sa'kin. Kaya naman napayakap ako sa'king sarili. Nagdala ako ng cookies at chocolate ice cream rito. Alam kong maaga pa para mag-ice cream pero ewan nagcrave ako bigla, e. Mabuti nalang at meron pa sa fridge.

Sayang-saya ako sa pagkain ng bigla na lamang may naramdaman akong nagpatong ng isang kumot sa mga balikat ko. Dahil hindi ako aware ay sobrang gulat na gulat ako. Nang lingunin ko ito'y kamuntikan ko na itong masapok.

"Geez, Hades gusto mo ba 'kong patayin sa gulat?!" Sambit ko rito habang napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat

Wala itong imik na tumabi sa'kin ng upo. At isinandal ang kanyang ulo sa'king balikat.

"Anong ginagawa mo rito ng ganitong oras?! Tanggalin mo nga 'yang ulo mo at baka itulak kita sa pool!" Litanya ko pa habang inaalis ang ulo nito sa aking balikat

"Hmm, let me rest for awhile, kakauwi ko lang from hospital. Ang dami kong pasyente kanina. Puro mga surgeries ang kailangan. Pagod na pagod na 'ko, Halo." Turan naman nito bago ibinalik ang pagkakasandal nito sa aking balikat at iniyakap pa ang mga braso nito sa'kin

"Hades, ano ba nakita mong nakain ako, e!" Angil ko rito habang pilit inililikot ang katawan ko para makawala yakap niya

Niluwagan naman nito ang pagkakayakap ng kanyang mga braso pero nanatili itong nakayakap sa'kin.

"Bakit ka ba nandito? Stalker ka no?" Tanong ko rito na bakas ang pangamba sa aking boses at mukha

"Hmm, gwapo ko namang stalker!" Sambit naman nito bago ngumiti sa'kin at kumuha ng cookies na nakalagay sa hita ko

"Kapal ng apog mo! Saan ka ba pinulot ni Tita? Ang kapal-kapal ng mukha mo as in!" Saad ko rito sa pinakasarkastikong tono saka ipinagpatuloy ang aking paglantak sa ice cream at cookies na dala ko

"Ikaw bakit ka nandito? Bakit gising ka pa?" Tanong naman nito habang puno ang bibig ng cookies

"Lunukin mo nga muna 'yang nasa bibig mo! Ang baboy mo, e! Well, can you see nagising ako at hindi na makatulog dahil inatake na naman ako ng insomia ko!" Sambit ko bago isinubo ang cookies na kinuha ko bago sinundan ng isang scoop ng ice cream

"Nanaginip ka na naman ba ng masama?" Kapagkuwa'y tanong nito bago kumalas sa pagkakayakap sa'kin at tiningnan ako ng matiim

"Yeah, and iba anv pakiramdam ko sa panaginip na 'yon. Feeling ko may mangyayaring hindi maganda." Turan ko bago muling nilantakan ang ice cream na nasa tub

Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Muli itong bumalik sa pagkakahilig nito sa aking balikat at iniyakap ang mga braso. Nag-eenjoy ako sa pagkain ng marinig ko ang mahinang paghilik nito. Kaya naman napatingin ako sa gawi nito at tama ang hinala ko. Nakatulog na ito.

Pinagmasdan ko lamang ito. Bakit ang bait-bait nito kapag tulog? Kapag naman gising parang bulateng inasnan! Pero infairness maitsura nga ito. Hindi ko naman maipagkakaila na halos lahat ng kababaihan sa campus noong highschool ay talaga namang nagkakandarapa mula rito.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now