Chapter 4: Busted

31 2 52
                                    

THIRD PERSON'S POV

Habang busy sa pagpipicture si Mama Ling kila Jupiter ay hindi nito maiwasang mapangiti ng ubod nang tamis. Mga bata pa lang kasi sila Halo ay ramdam na ni Mama Ling na may pagtingin ang binata rito. Kaya naman noong humingi ito ng pabor sa kanya ay agad niya itong tinanggap. Nakita niya kasi sa mga mata nito ang purong sinseridad at proteksyon. Kaya naman ganoon na lamang ang tuwa niya ngayon dahil matapos ang maraming taon ngayon na lamang ulit sila nagkalapit nang ganito.

Hindi na mabilang pa ni Mama Ling kung ilang beses niyang kinuhanan ng litrato ang dalawa habang natutulog. Iba't-ibang anggulo ang pagkuha niya sa mga ito. Kung may sahod lang siguro ito'y yayaman siya sa ginagawa niya. Subalit anong mapapala niya rito? Ang kasiyahang matagal-tagal na ring hindi niya naramdaman.

Nakalapit na ng tuluyan ang asawa nitong si Louie sa tabi ni Mama Ling. Kinuhit pa nito siya upang magtanong.

"Ano ba 'yon Louie?" Sambit ni Mama Ling rito habang busy sa pagkuha ng litrato

"Itatanong ko lang kung may dala kang popcorn?" Saad ng asawang si Louie

"Seryoso ka? Popcorn, Louie? Okay ka lang ba? Nasa ospital tayo wala tayo sa peryahan!" Litanya ni Mama Ling rito saka tumalikod

Ilang sandali'y muli siyang nakaramdam ng pagkuhit  muli akong tumingin rito dahil handa na 'kong sapukin 'to sa inis ngunit may sinabi ito.

"Honey bilis. Picturan mo 'ko!" Pigil ang tuwa na sambit nito habang nakatabi sa dalawang natutulog

Napailing na lang si Mama Ling sa kakulitan ng asawa. Ilang minuto pa ang lumipas at agad namang itinago nito ang hawak na cellphone nang marinig nito ang pag-ingit ng hospital bed. She act like nothing happen. Ngumiti pa ito ng malapad habang hinihintay ang dalawang magising. Dumampot pa ito ng popcorn galing sa bag.

"Akala ko ba walang popcorn? Saang lupalop mo naman nadampot 'yan?!" Kunot noong tanong ng asawang si Louie

"Dyan lang sa tabi-tabi. Nagulat na lang ako pagbukas ko ng bag may popcorn na."  Turan pa nito habang patuloy sa pagnguya ng popcorn at nakatingin sa pikit matang nakaupong si Halo

Naupo naman si Louie sa maliit na kabinet na naroon at nakinguya na rin ng popcorn at nakatanga sa hospital bed na akala mo'y nanonood ng isang magandang pelikula.

HALO'S POV

Nagising ako dahil sa mga bulong na naririnig ko. Ay, sandali hindi pala bulong kasi talagang naaalibadbaran na ako sa ingay nila. Kaya naman umupo na ako sa hospital bed. Nakapikit pa ang mga mata ko dahil inaantok pa talaga ako subalit datapwat may mga nilalang na nakalunok ata ng megaphone sa lakas ng boses! Kaya naman napagpasyahan ko nang bumangon.

Ayoko sa lahat naiistorbo ang pagtulog, e! Hindi pa naman maganda mood ko kapag naistorbo. Nang nagmulat ako ng mga mata'y blangko ang ekspresyon ng mga ito. Subalit para na lamang akong nakakita ng multo dahil nakita ko ang mga magulang ko na nagsisipagnguya ng popcorn habang di maalis ang ngisi sa mga labi. Tila nagising ang kaluluwa ko sa nakita ko.

Nagpanic ang buo kong sistema at nag-umpisa akong manlamig. Napadako agad ang tingin ko kay Doc Jupiter na nasa tabi ko. Nakanganga pa ito habang tulog. Inalug-alog ko ito para magising subalit hindi manlang ito natinag. Nakadalawang ulit ako ng pag-gising rito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kila Mama Ling na kinang ng kinang ang mga mata habang puno ang bibig ng popcorn.

Nabwusit na ako kay Jupiter kaya naman sinipa ko ito. Ganito ba ang nagagawa ng bad mood? Nagiging malakas? Nakarinig na lang kami ng malakas na pagtunog ng nahulog sa sahig. Na sinundan naman ng mahinang pagdaing.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now