Chapter 2: Lullaby

33 3 22
                                    

HALO'S POV

Matapos ang tagpong isinabit ako ng parang sako ng bigas ay agad niya 'kong dinala sa private room ko rito sa ospital. Nang makapasok kami'y dahan-dahan niya 'kong ibinaba sa hospital bed. Akala ba niya nakalimutan ko na ang pagtampal niya sa pwet ko? Pwes, nagkakamali siya! Nang maibaba ako nito ng ayos ay sinuntok ko 'to sa sikmura.

Subalit gulat lamang ang rumehistro sa aking mukha ng masalag niya ang kamay kong nakasarado ang palad. Akala ba niya palalampasin ko na lang ito ng ganun-ganun na lang? Kapal ng mukha niya! Mukha siyang pugita, no! Pakialam ko sa mukha niyang pinaglihi sa tarsier!

Inilapit nito ang mukha nito sa aking mukha. Halos maduling na 'ko sa sobrang lapit ng aming mga mukha sa isa't-isa. Akala niya siguro ganun-ganon na lng ang lahat? Pwes, meron pa 'kong isa. Iniatras ko ang mukha ko ng bahagya at bigla ko na lamang siya binigyan ng headbutt.

Napaatras ito sandali at napahawak sa noo nito. Narinig ko pa ang impit na pagmumura nito. Kulang-kulang limang minuto bago nito tinanggal ang kamay nitong nakalagay sa noo nito. Lumapit ito sa'kin at pinakatitigan ako ng ubod ng sama. Dahil maldita ako hindi ako nagpatalo at mas hinigitan ko ang titig na pinupukol niya sa'kin.

Nagtagisan kami ng mga titig. Tila walang magpapatalo sa'ming dalawa dahil kapwa kami nagpapalitan ng mga matatalim na tinginan. Kung nakakamatay lang talaga ang tingin siguro kanina pa nakahandusay ang talampas na 'yan sa sahig at hindi na humihinga pa! Hanggang sa ito na rin ang unang umiwas. Gumawi ng tingin nito sa labas.

Ako nama'y nakanguso at nagpapakawala ng mga matatalim na titig paukol sa kanya. Siguro aabot sa Luneta Park yung haba ng nguso ko kung susukatin. Naiinis kasi talaga ako sa impakto na 'to! Bakla ba 'to at nanghahampas ng pwet?! Inggit lang siya sa pwet ko, e!

Nangungunguyngoy ito sa tabi habang i ihahanda nito ang mga gamot ko. Speaking of gamot, bakit puro nakalagay sa syringe ang mga 'to? Hala! Mama help me! Ayoko ng turuk-turok na ganito! Naiiyak na 'ko sa isiping na ituturok sa'kin ng sunud-sunod ang limang syringe na naroon sa tray.

Nakayukong nanginginig ang mga kamay ko sa takot. Bakit ba kasi kailangan pang iturok, e. Mama, ayoko nang turuk-turok na 'yan! Huhu, natigilan na lang ako nang angatin ni Doc Jupiter ang mukha ko. Nakita ko ang nagaalala nitong mukha na nakatingin sa'kin.

"Hey, what's the matter?" Nagaalalang saad nito

Umiling ako at pilit inalis ang mukha ko sa paghahawak niya. Bumalik ako sa pagkakayuko at tahimik na umiiyak. Nadatnan ko na lang siya na kinuha ang upuang nasa tabi ng hospital bed ko at nilagay niya 'yon sa harap ko saka naupo roon. Bumuntong hininga ito at sinubukan muli akong aluhin. Natahimik ito ng ilang sandali na animo'y may iniisip.

Tahimik lang kaming dalawa. Ako habang nakayuko habang walang patid ang pag-agos ng mga luha ko. Samantalang siya'y lumilipad ang isip sa kung saan. Maya-maya pa'y nagpasya itong lumabas. Napatingin ako sa pintong nilabasan nito. Ang buong akala ko pa naman aaluhin talaga ako nito.

Ayun pala papabayaan niya lang din ako. Katulad ng mga taong naghahangad lang na makipagkaibigan sa'kin dahil sa mayaman kami. Sanay naman na 'kong iniiwan katulad lang naman sila nang iba na magaling lang sa umpisa pero sa huli pare-pareho lang sila. Mga naghahangad lang ng kasikatan. Pero hindi marunong magpahalaga sa kung anong pinagsamahan.

Makalipas ang ilang minuto'y biglang bumukas ang pinto at marahan rin naman itong sumara. Ni hindi ko tinapunan ng tingin ang sinomang pumasok sa kwarto. Wala akong panahon na kilalanin pa ito. Dahil sa pagpapanic ko kanina ay nararamdaman ko na namang sumasakit ang dibdib ko. At nahihirapan na naman akong huminga.

Pilit kong pinapakalma ang sarili ko at baka atakihin na naman ako. Nagulat na lang ako ng may pabilog na mesang naglalaman ng mga paborito kong pagkain. Maliit lamang 'yong lamesa kaya naman halos hindi magkasya ang ilan sa mag ito. Parang gripong pinihit pabalik na nawala ang mga luha ko. Napaangat ako ng tingin kay Doc Jupiter.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now