Chapter 26: Power Hug

13 1 4
                                    

HALO'S POV

Its been a week since I've been discharged. Now, papasok na ulit ako. I feel too drained but, I think I'm fine tho. I've missed my brats! Especially Vienna. I didn't see her for almost a month.

Hindi ko alam kung bakit hindi ito nakabisita. Siguro'y busy ito sa nakaraang buwan at hindi ito nakabisita kahit na alam nito kung saan ako na-confine.

Habang naglalakad ako papasok sa loob ng school ay wala pa ring ipinagbago. Bigla na lamang nahahati ang mga tao sa lobby at nagbibigay daan na akala mo, e ako si Moses. As usual dahil maaga pa'y naisipan ko munang pumunta sa office.

Titingnan ko kung sino na ang naroon. I was smiling when I saw them on the sofa. Laughing and having some bonding time. At dahil busy sila, hindi nila ako napansin. Mas lumawak ang ngiti ko nang makapasok ako't sinalubong sila ng buong ngiti kahit na ang totoo hindi pa rin ako okay.

"Hello brats! How are you guys?!"  Salubong ko pa sa mga ito

Napalitan ng saya ang mga mata ng mga ito nang makita ako. Ang ilan ay niyakap pa ako. Tuwang-tuwa ang mga ito nang makita ulit ako matapos ang isang buwan.

Hinanap ng mata ko si Vienna. Mukhang napansin naman ni Jasty na may hinahanap ako kaya naman nagsalita ito.

"Si Vienna ba?" Tanong naman nito

Tumango ako bilang sagot

"Alam ko may klase siya ngayon, e. Mamayang 2:30 pa ang free time niya." Dagdag pa nito

Oo nga pala muntik ko nang makalimutan. Inilagay ko muna ang gamit ko sa isang monoblock at nagpasyang bumili ng burger sa labas. Nagugutom ako. Kaya naman inaya ko si Jasty at naglakad na nga kami palabas ng office.

Iniisip ko pa rin kung anong naging lagay ni Vienna nitong mga nakaraang linggo. Naging masaya kaya ito? Okay lang ba siya? Hindi ba siya nag-ooverthink? O umiiyak? Namimiss ko na siya.

"Si Vienna ba?" Tanong naman nito

Hindi ko naman napansin na malalim na pala ang iniisip ko at hindi ko namalayang nandito na pala kami't naka-order na siya.

"Well, hindi ko masasabing okay siya. After the incident na nakita ka niyang nag-seizure lagi siyang tulala. Hindi ko alam kung na-trauma ba siya o ano. Naging tahimik ito. Hindi tulad noong maingay ito kada papasok ng opisina. Kapag tinatanong namin kung okay lang ba siya lagi niyang sagot ay oo, okay lang ako. Tapos ngingiti siya ng pilit. Hinahayaan na lang namin. Tska kahit papaano nitong nakaraan mukhang bumabalik na siya sa dati. May isang beses nga na pumasok ako ng opisina. Nadatnan ko itong tulog. Kaya naman ibinaba ko yung gamit ko sa may lamesa pero ilang saglit lang ay narinig ko ang hikbi nito. Sinasambit niya ang pangalan mo. Kaya naman ginising ko ito, nang magising ito'y niyakap niya 'ko. Sinabi niya na namimiss ka na niya. Pinakalma ko siya at sinabi ko na magiging okay din ang lagay mo. Kumalma naman siya kahit papaano pero nakita ko siyang nakatanaw sa maliit mong pwesto. Tila ba inaalala niya kung kailan ka nandoon. Miss na miss ka na niya, sobra. Sigurado akong magugulat siya mamaya kapag nakita ka niya." Paglalahad naman nito na ikinagulat ko

"Ang batang 'yon talaga, tsk. I missed her also." Sagot ko naman pabalik dito

Kinain naman ang burger na binili namin habang naglalakad pabalik ng opisina. Paniguradong magiging mahaba't nakakapagod na naman ang araw na 'to.

VIENNA'S POV

Bagong araw bagong kapaguran na naman ito. As usual pumasok akong hindi nag-aalmusal. Maaga pa naman ang klase ko today since mamayang 2:30 pm na naman ako makakakain ng tanghalian kasama na ang merienda.
Nang makarating ako sa may kainan ng mga tapsilugan malapit sa may school ay inorder ko na ang paborito kong chicken teriyaki.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now