Chapter 39: Tight Hug

9 1 11
                                    

HALO'S POV

This is the day... ang araw kung saan isa sa pinakamasasayang araw ng buhay ng isang estudyante. Ang makagraduate sa college!

Ngayon ang araw kung saan ang itim na togang aking kasalukuyang tinititigan ay aking isusuot at tatanggapin ko ang patunay na ako'y nakapagtapos... and diploma ko.

Kahapon lamang ay dinalaw ko si Jupiter at sinabi kong bukas ay ga-graduate na ako. Natawa pa nga ako dahil naalala ko ang sinambit nito noon.

"Aattend ako sa graduation mo't may dala akong sunflower bouquet... tapos ililibre kita ng burger hanggang sa magsawa ka!" naaalala ko kung gaano ito kasaya noong sinambit niya 'yon

Ang ngiti'y napalitan ng pag-agos ng mga luha. Kahapon ang ika-isang taon niya sa pagkaka-comatose. At ni wala manlang makitang improvements sa kanya. Ni hindi manlang nito maigalaw kahit miski ang isang daliri nito sa kamay.

As usual kinuwento ko sa kanya ang nanyari naming maikling bakasyon sa Tagaytay. Halos madalang lang kasi akong makabisita sa kanya noong mga nakaraang buwan dahil nag-aayos ako ng requirements para sa graduation.

Kaya bilang sa mga daliri ang pagbisita ko sa kanya. Subalit noong nakaraang linggo'y naging maluwag na ang schedule ko dahil maipasa ko nang lahat ang kailangang ipasa. Bibihira ko ring makasalamuha 'yong dalawa dahil madalas ay nasa demo teachings ako o kaya'y nasa opisina ako't inaayos ang huling issue na maipapublished sa term ko.

Bibihira kaming magpangita nila Vienna. Hindi kasi magkatulad ng schedules ngayon. Kung nasa opisina man ito'y ako'y may demo teaching.

Halos sa dumaan na dalawang buwan hindi ko nakita si Vienna. Hindi ko alam kung nagtatago ba ito o sadyang busy lang talaga siya.

Gumayak na ako. Naligo na ko't nag-ayos ng sarili. Masaya ako dahil sa wakas tapos na rin ang apat na taon ko sa kolehiyo.

Nakaharap ako sa vanity mirror ng kwarto ko at kasalukuyan kong inaayusan ang sarili ko noong pumasok si Mama Ling.

Lumapit ito sa'kin at niyakap ako. Maya-maya lamang ay narinig ko ang mahihinang hikbi nito.

"Ma naman. Huwag ka naman pong umiyak. Graduation ko ngayon at hindi naman po lamay ang puppuntahan natin." sambit ko pa rito

Mas mabilis pa sa ihip ng hangin na naramdaman ko ang kamay nito. Binatukan na naman ako. Napasapo na lang ako sa parteng binatukan nito.

"Kahit kailan ka talagang bata ka! Puro ka kalokohan! Masaya lang ako dahil maisusuot muna ang itim na togang inintay mo ng apat na taon. Nagmomoment ako panira ka talaga!" kapagkuwa'y buwelta pa nito na ikinatawa ko na lamang

Ito na ang nag-ayos ng buhok ko. Matapos ay siniguro kong maayos na ang lahat bago ako lumabas ng kwarto. Dala ko ang toga't maging ang mortarboard. (Also referred as toga cap)

Kahapon nagluto na si Mama Ling ng mga desserts kaya naman napakadaming desserts sa fridge ngayon. Bale mamaya pa siya magluluto ng mga lutong ulam at kung anong maisipan niyang lutuin.

Gusto kasi nito siya ang magluluto kapag may mga okasyon. Napakahands on nito sa lahat ng bagay lalo na kapag may mga espesyal na pagdiriwang.

Kung noon ngang bata pa ko'y busug na busog ako lagi kapag naisipan niyang magluto o kapag may nadidiskubre siyang bagong recipe. Ngayon pa kaya na hindi lang ako ang madalas na nandito sa bahay. Maging sila Vienna ay lagi nitong ipinagbabaon.

Nang makababa ako sa may sala ay nakita ko sila Dad at Kuya Philant na pawang mga nakangiti sa'kin. Ngumiti ako sa mga ito't yumakap. Naging emosyonal pa nga si Daddy Louie dahil sa wakas ay graduate na raw ako ng college.

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now