Chapter 28: Revelations

8 1 6
                                    

MOLLY'S POV

I was busy doing some stuff when suddenly my messenger notification appeared. I checked it and I smiled when I read her name.

Nang mabasa ko ito'y mahina akong napatawa. She's really energentic! Nagreply ako't inintay ko ang sagot nito.

Napakunot ng bahagya ang noo ko dahil may sumagi sa isipan ko.

Magugulat kaya siya? Pero gusto ko talaga malaman kung anong sagot niya, eh. Hays, bahala na nga.

Noong sumagot ito'y muli akong nagtipa ng isasagot sa kanya.

"Vienna, may itatanong sana ako..." 'Yan ang laman ng isinend ko sa kanya

Wala pang isang minuto'y sumagot na agad ito.

"Ano po 'yon, Nee-chan." Sagot nito

"Itatanong ko lang sana kung anong magandang ipangregalo? Kung bracelet ba o singsing? Hehe." Tanong ko pa habang kinakabahan ng bahagya

"Ahm, for me po bracelet. Kasi mas maganda po siya and laging madadala syempre nakalagay sa kamay, eh. Hay, naku patatas! Bakit niyo po naitanong? May pagbibigyan po ba kayo? Pero nasa inyo pa rin po ang desisyon kung bracelet o singsing ang ibibigay niyo." Sagot pa rin nito

"Thank you." Reply ko pa bago nag-isip

Ano kayang magiging reaksyon ng mga 'to kapag sinabi ko na? Magugulat kaya sila? Magugulat kaya si Bal? Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng mga mukha nila.

Nasa malalim akong pag-iisip ng mag-ring ang phone ko. Napangiti ako ng maluwang ng makita ko ang pangalan niya sa screen nito.

Kinuha 'ko 'ito't dali-daling sinagot.

"Hello, Mal?" Sagot ko

"Wala lang gusto ko lang tumawag." Sambit nito habang nakain pa ng Dairy Milk

"Sikoleyt ba 'yan?!" Tanong ko habang may ningning ang aking mga mata

"Ay hindi, saging 'to saging!" Prangkang usal nito

"Epal ka talagang unggoy ka!" Pagsusungit ko pa

"Matagal ko nang alam na unggoy ako ngayon mo lang nalaman?" Pang-aasar pa nito

"Che!" Inis na saad ko rito

Lagi na lang nang-aasar 'tong isang 'to kapag tumatawag. Kung hindi naman nang-aasar nangiinggit ng pagkain. Lalo na chocolate. Alam naman niyang paborito ko 'yon, eh. Tapos tatawag siya talagang nakaharap pa na nakain siya.

Malakas din talaga amats nito, eh. Hindi na ko magtatakang nagkasundu-sundo kami.

Paano ba nama'y pare-pareho kaming baliw kaya siguro ganoon.

Nag-usap lang kaming dalawa nitong unggoy na 'to at ito nang-aasar na naman. Kung nakakatagos lang ang kamay malamang sa malamang kanina ko pa 'to kinurot o kaya'y sinapok. Kaso malabo, eh!

Kaya naman kahit inis na inis na ako'y isinantabi ko na lang muna. Saka na ako mananapok kapag nagkita ulit kami.

VIENNA'S POV

Bakit pakiramdam ko may hindi ako alam? Though may hinala na ako. Gusto ko lang makasiguro baka kasi magkamali ako mahirap na. Wait, did I just say I have a hunch? My ghad!!! I'll be the next oracle? No, no, no! I won't

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now