Chapter 25: Hesitations and Tears

11 1 8
                                    

MOLLY'S POV

I was in the middle of class when someone knocked on the door. Saying that she's excusing due to somewhat I dunno reason. And I was shocked when the professor agreed.

Unang tawag pa lamang sa'kin nito'y alam ko nang may hindi tama. Nang marinig ko ang pangalan ni Bal ay tila nablangko na ko't agad na tumakbo papunta sa opisina ng Rhetocian. Nang makapasok ako'y nakita ko pa si Bal na binibigyan ng paunang lunas ng Nurse. Ilang minuto lang ay dumating rin si Doc Mac at tumulong sa pagtingin kay Halo.

Samantalang hinanap naman ng mga mata ko si Vienna na nakatayo malapit sa may sofa. Tulala at tila wala sa sarili. Agad ko naman itong nilapitan at niyakap.

"N-nee-chan si Doc. S-sorry h-hindi ko siya n-natulungan. Nee-chan si Doc." Sambit pa nito at tuluyan nang bumuhos ang mfa luha nito

"Shhh, magiging okay din siya. Malakas siya, remember? Tahan ka na, okay? She'll be fine. S-she'll be back soon." Pag-aalo ko naman dito rito habang hinahagud-hagod ko ang lukuran nito para kumalma ito

Pinipigilan kong umiyak dahil mas lalo lamang iiyak si Vienna. Mas lalo lamang itong malulungkot at magpapanic. Pinatahan ko 'to at iginaya sa may sofa. Ikinuha ko ito ng tubig at agad ko naman itong ipinainom sa kanya. Bakas sa mga mara nito ang takot at pagkabigla. At tingin ko'y hindi nito kakayaning pumasok sa kanyang klase.

Kaya naman nagpunta ako sa clinic at humingi ng excuse letter. Nang makabalik ako sa loob ng opisina'y ni hindi manlang ito gumalaw mula sa kanyang kinauupuan. Nanginginig ang mga kamay nito't nag-uumpisa na namang magtubig ang magkabila nitong mata.

"Vienna, please calm down. Alam kong mahirap pero kilala ko siya. Malakas siya. Alam kong mahirap kalimutan yung nakita mo pero isipin mo at ipagdasal mong maging maayos na ang lagay niya para makita mo na ulit siya, okay ba?" pag-aalo ko naman dito habang sinusubukan ko itong pangitiin

Tumango lamang ito't ngumiti nang pilit. Natapos ang maghapon na tulala ito. Inihatid ko ito sa may sakayan ng jeep samantalang ako'y naglakad na pauwi. Malapit lang naman ang bahay ko sa school kaya naman walang problema.

Nang makauwi ako'y agad rin naman akong nagbihis. Lumabas ako ng kwarto't naghanap ng merienda. Nang makakain ay agad din naman akong pumasok sa kwarto't ginawa ang mga projects na naka-line up. Idagdag mo pa ang upcoming events ng school.

Hindi ko namanlayang gabi na pala kung hindi lang ako kinatok at sinabing kakain na. Matapos kumain ay agad ko rin namang hinugasan ang mga pinagkainan at nagpahinga ng sandali bago bumalik sa mga ginagawa ko.

Nang tingnan ko ang maliit na orasang nasa  maliit kong kabinet sa tabi ng kama. Napansin kong 11:30 pm na pala. May pasok pa pala ako kinabukasan. Kaya naman iniligpit ko na ang ibang gamit at naghanda na para matulog.

Habang nagdadasal ako'y bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Nag-aalala ako sa kanya. Sobra. Hindi ako sanay na nasa ospital siya. Hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita kahit magsungit man siya. Namimiss ko yung kada papasok ako ng pintuan ng opisina ngingitian niya 'ko.

Hindi ako sanay na hindi ko siya nakikita. Pinipigilan kong maiyak kanina pa. Nagpanggap akong okay lang pero ang totoo gusto kong sumigaw. Gusto kong sabihin sa sarili kong okay lang magiging maayos siya. Oo, alam kong kaya niya. Pero 'yong makita ko sa harapan ko ang gulat na ekspresyon ni Vienna para akong nauupos na kandila.

I know how Bal so means to her even though kailan lang niya kami nakilala. She's too sensitive in everything. Especially to the people she cared of.

Alam ko namang kakayanin niya, e. Pero susubukan kong maging matatag kahit na sa loob-loob ko ang sakit-sakit na. Gusto kong magpakalunod sa emosyon pero kung gagawin ko 'yon magagalit sa'kin si Bal.

Love, Halo Book 1 (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang