Chapter 11: Realizations and Fight backs

10 1 65
                                    

MOLLY'S POV

Nasa kalagitnaan ako ng aking klase ng bigla na lamang akong makaramdam ng kakaiba. Parang pagkatapos ng klase ko'y kailangan kong puntahan si Halo. Kakaiba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Lalung-lalo na noong nakita ko ang kinalabasan ng magazine na pinaghirapan namin. Lalung-lalo na siya.

Kakaiba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Yung pakiramdam mong may hindi tama? Hindi na ako mapakali sa mga oras na ito. Lumilipad na ang aking isip. Nang sabihin na ang hudyat ng aming propesor na tapos na ang klase'y agad kong kinuha ang aking mga gamit at nagmadaling lumabas ng silid-aralan.

Inunahan ko na ang propesor namin sa paglabas. Nasa underground ako ng school at kailangan ko pang tumakbo para makaakyat sa lobby. Wala na sa isip ko na may mga nababangga akong kapwa ko estudyante dahil talagang iba na ang nararamdaman ko ngayon! Nang makarating ako sa tapat ng opisina ng Rhetocian ay hinihingal na binuksan ko ang pintuan nito. Agad kong iginala ang paningin ko at hinanap si Halo.

Subalit hindi ko ito nakita. Ibinaba ko ang akig mga gamit sa lamesang naroon at nagaalalang tinanong ko si Aldrin kung nasaan si Halo.

"Aldrin, nasaan si Halo?" Nagaalalang tanong ko rito

"Lumabas po siya kanina matapos po ng sagutan nila ni Ms. Revamonte. H-hindi ko po a-alam kung s-saan siya p-pumunta." Nanginginig ang boses nito noong sagutin nito ang tanong ko

Lumabas ako ng opisina at hinanap ito. Sumilip-silip ako sa mga classroom na nadaraanan ko at nagbabakasakaling pumasok na ito sa kanyang klase subalit hindi. Ni hindi ko ito nakit roon. Nang madaan ako sa comfort room ay may isang kamay ang bigla na lamang humila sa'kin at agad ko naman itong tiningnan ng may pagkagulat. Handa ko na sana itong kagatin dahil mamaya kung anong nilalang 'to subalit nang tuluyan ako nitong mahila sa loob ng women's comfort room ay bigla na lamang ako nitong niyakap.

Napakahigpit na akala mo isang batang paslit na nawala sa gitna ng napakaraming tao at muling nakita ang kanyang magulang. Base sa pagkakahigpit ng yakap nito'y kilala ko na kung sino 'to. Hindi ako maaaring magkamali dahil sa tuwong nagbe-breakdown siya ay ganito niya 'ko yakapin. Unti-unti kong hinaplos ang kanyang likod pati na ang kanyang ulunan. Rinig na rinig ko ang mga hikbi nito na puno nang sakit at pait.

"Bal, bakit ganoon? Ginawa ko naman ang lahat para maging maganda yung kalanasan noong magazine, e! Bakit ako ang sinisisi niya kung bakit nagkaganoon! Ni wala nga siyang ambag doon, e! Nakakainis naman, e! Alam mo ba, Bal pinuntahan niya 'ko kanina sa opisina tapos pinamukha niya sa'kin na kasalanan ko kung bakit naging ganoon ang itsura noong magazine! Wala siyang alam sa nangyari kung bakit ganoon! Dahil umpisa pa lang walang na siyang pakialam sa Rhetocian! Naaalala niya lang naman ang Rhetocian kapag kinukulit na siya ng mga kapwa niyang kulto ng kape! Ni anino niya nga hindi pa nagagawi sa loob ng opisina, e! Bal, hindi ko na kaya. Ang sakit, e. Ginawa ko naman yung lahat diba? Ginawa rin naman nila ying makakaya nila para matapos on time yung magazine pero bakit ganoon? Kung makaasta siya akala mo naman kasama siya sa mga nagpuyat at nagsikap na gumawa ng magazine na 'yon. Bal, dapat pa ba kong maging EIC ng Rhetocian? Parang hindi ko na ata kaya. Lahat naman ng makakaya at ng tama ginagawa ko naman, a! Pero bakit may nasasabi pa rin silang mali! Ano pa bang kulang? Ano pa bang dapat kong gawin para sabihin nilang may nagawa namang akong tama? Ano pa ba? Kulang pa ba? Sabihin mo Bal, anong kulang sa'kin bakit nila isinisisi sa'kin ang pagkakamaling hindi ko naman kasalanan!" Pahayag nito sa pagitan ng kanyang pag-iyak habang nakayakap at nakasubsob ang kanyang mukha sa'king balikat

"Bal, wala namang kulang sa'yo, e. Ginawa mo namang ang lahat ng kaya mo para maging maganda ang kalalabasan ng magazine. Sadyang may mga tao lang talagang hihilahin ka pababa. Dahil gusto nila sila lang ang kilala. Ang tao hindi nakukuntento. Gagawa at gagawa 'yan ng ikasasama ng iba basta maging bida lang sila na salikod nito nagtatago ang karumal-dumal na pangyayaring hindi mo aakalaing kayang-kaya niya palang gawin. Wala ka namang ginawang mali, Bal. Bilib nga ako sa'yo, e! Napagsasabay-sabay mo ang lahat sa kabila ng bigat ng nakaatang sa mga balikat mo. Tandaan mo walang masamang umiyak kung pakiramdam mo ay ang bigat-bigat na. Kung pakiramdam mo hindi muna kayang itago pa ang sakit at pait na nararamdaman mo, iiyak mo lang. Sabihin mo lahat kay Lord. Sabihin mo sa kanya yung nararamdaman mo. Matapos 'yon ay magiging okay ka na ulit. At huwag kang matakot na sabihin sa pinagkakatiwalaan mong tao ang nararamdaman mo. Bal, alam kong alam mo ang sinasabi ko. Nandito lang ako pati na ang ibang myembro ng Rhetocian. Hinding-hindi ka naming iiwan. Sasamahan ka namalin sa bawat laban na mayroon ka. Pwera nalang sa mga labang kailangan mong harapin ng mag-isa. Dahil may kanya-kanya tayong laban na kailangang harapin ng mag-isa pero kung pakiramdam mo'y hindi muna talaga kaya magsabi ka lang. Darating kami upang samahan ka. Ganyan talaga ang buhay, Bal. May pagkakataong ipipilit sa'yong mali ang ginawa mo. Darating sa puntong madadapa ka nalang dahil aa mga pinagsasabi at binabato nila. Pero tandaan mo sa bawat pagkakalugmok at pagkakadapang nangyari ay sisibol ang panibagong yugto na mas makakapagpatibay sa'yo. Nandito kami sa likuran mo upang pawiin ang mga luha mo. Pawiin ang sakit na alam kong panandalian lang. Gamitin mo ang nakuha mong peklat sa sugat na gawa nila at bumangon ka. Patunayan mong mali sila sa iniisip nila patungkol sa'yo. Dahil alam mo sa sarili mong kayang-kaya mo talagang gawin ang mga bagay na sa isip nila'y napakaimposible mong magawa. Maniwala ka sa kakayanan mo, Bal. Ikaw si Halo Selene at alam kong kayang-kaya mo ang mga 'yon. Ipakita mong ikaw ang malakas at hindi sila. Pero gumalaw ka ng naaayon sa lahat. Iyong wala kang masasagasaang tao." Sambit ko naman habang unti-unti kong iniaangat ang kanyang mukha para makita ko ito

Love, Halo Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now